LOGINTHIRD PERSON POV"His real daughter is already dead."Napasinghap ang lahat sa sinabi ni Emery. Biglang nabalot ng katahimikan ang buong warehouse habang isa-isang napatingin ang lahat sa kanya. Samantala, natigilan si Ezekiel. Unti-unti siyang napalingon kay Emery habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Halatang hindi niya inaasahang mababanggit nito ang bagay na matagal niyang itinago."Ano na naman ang kasinungalingang iyan?" mahinang tanong ni Ezekiel.Nanatiling kalmado si Emery kahit nakagapos pa rin siya sa bakal na upuan."I'm just stating the fact, Ezekiel." Direkta siyang tumingin sa lalaki. "Patay na ang tunay mong anak."Napakunot-noo si Ravia. "Dad..." Napatingin siya kay Ezekiel. "Anong ibig niyang sabihin?"Ngunit hindi ito sumagot.Muli namang nagsalita si Emery sa lalaki."Matagal na kitang ipinapaimbestiga."Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel."Nang malaman kong ikaw ang nagpyansa kay Ravia, may kutob na akong hindi iyon simpleng pagtulong. Kaya kinausap ko si Attorney R
Chapter 133- The Beginning of the End THIRD PERSON POVNabalot ng mabigat na katahimikan ang buong warehouse. Lahat ng mata ay nakatutok kay Ezekiel. Samantala, nanatiling kalmado si Zion habang direkta siyang nakatingin dito. Unti-unti namang bumaling si Ravia sa kanyang ama. Halatang nanginginig ang kanyang buong katawan habang pilit inuunawa ang narinig."D-Dad..." mahina niyang tawag.Lumapit siya rito habang nanlalabo ang kanyang mga mata."Totoo ba ang sinabi ni Zion? Ikaw ba talaga ang nagplano ng sunog?"Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel. Agad siyang umiling. "H-Hindi."Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Ravia."Huwag kang maniwala sa kanya. Sinasabi lang niya 'yan para magmukha silang biktima. Tingnan mo sila…"Itinuro niya sina Zion at ang pamilya Del Fierro."Ganyan sila kagaling magmanipula. Alam nilang malapit na silang matalo. Kaya ngayon, sinusubukan nilang sirain ako."Tahimik lamang na nakatingin si Ravia sa kanyang ama. Halata sa kanyang mukha ang pag
Makalipas ang halos isang oras, tuluyang huminto ang convoy sa harap ng isang lumang abandonadong warehouse sa labas ng siyudad. Madilim ang buong paligid at tanging iilang ilaw lamang ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa loob ng gusali. Puro alikabok ang sahig, habang nagkalat sa bawat sulok ang mga sirang bakal, lumang kahon, at mga kagamitan na matagal nang hindi nagagamit.Isa-isang ibinaba ng mga armadong tauhan ni Ezekiel ang buong pamilya Del Fierro. Walang nakaligtas. Sina Don Marshal, Miguel, Victoria, Eris, Morgan, Zion, Emery, at maging ang walong taong gulang na si Daphne ay sapilitang dinala sa loob ng warehouse.Isa-isa silang ginapos sa mga bakal na upuan.Nanginginig ang buong katawan ni Daphne habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha."Tita..." mahina niyang tawag kay Emery. "Natatakot po ako..."Halos madurog ang puso ni Emery nang makita ang takot sa mga mata ng bata. Pilit niyang ngumiti kahit siya mismo ay nakagapos at walang magawa."Daphne..." mahina niya
THIRD PERSON POVNanatiling tahimik ang buong ballroom matapos ang pagpapakilala ni Ezekiel kay Ravia.Walang sinuman ang nagsasalita.Tanging ang sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at mahihinang bulungan ng mga bisita ang maririnig sa buong bulwagan.Nakatitig lamang si Don Marshal kay Ezekiel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita."Ezekiel..." nanginginig niyang tawag.Bahagyang ngumiti si Ezekiel. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, Dad."Unti-unting nanubig ang mga mata ng matanda."Akala namin..." Huminto siya sandali. "Akala naming patay ka na."Napailing si Ezekiel."Iyon din ang gusto ninyong paniwalaan."Nanlaki ang mga mata ni Miguel. "Ano'ng ibig mong sabihin, Kuya?"Dahan-dahang napalingon si Ezekiel sa kanyang nakababatang kapatid. Malamig ang kanyang titig."Miguel, ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat."Natahimik ang buong ballroom."S-Si Miguel?" gulat ang boses ni Don Marshal.Ngunit hindi na siya pinansin ni E
THIRD PERSON POVIlang araw ang lumipas, muling nabalot ng kasiyahan ang Del Fierro Mansion sa loob ng ballroom nila.Ngunit kakaiba ang selebrasyong iyon. Hindi lamang dahil ika-pitumpu't limang kaarawan iyon ni Don Marshal Del Fierro. Kundi dahil iyon din ang unang malaking pagtitipon ng pamilya matapos ang sunod-sunod na trahedyang pinagdaanan nila.Mula pa sa labas ng mansion ay makikita na ang engrandeng dekorasyon. Nababalutan ng puti at ginto ang buong hardin. May malaking entablado sa gitna habang ang magkabilang gilid ay puno ng mga mesa para sa mga bisita.Isa-isang dumarating ang mga kilalang negosyante, pulitiko, at business partners ng Del Fierro Group. Naroon din ang iba't ibang media company upang i-cover ang espesyal na okasyon.Mahigpit naman ang seguridad sa buong paligid. Bawat bisitang pumapasok ay dumaraan sa security scanners at identity verification.Hindi iyon nakaligtas sa pansin ng ilang bisita. "Parang mas mahigpit ang security ngayon.""Natural lang siguro.
THIRD PERSON POVPagkalabas ni Spencer ng opisina, tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong silid. Dahan-dahang napahawak si Emery sa braso ni Zion. Halata sa kanyang mukha ang takot habang nakatulala sa folder na naiwan sa ibabaw ng mesa.“Zion...” mahina niyang tawag.Agad siyang nilingon ng binata. Napansin nitong bahagyang nanginginig ang mga kamay ni Emery. “Natatakot ako. Dahil siya ang lalaking nakita ko sa isla.”Lumapit si Zion at marahan siyang hinawakan sa balikat.“Hindi kita hahayaang mapahamak, Emery. I promise.”Napapikit si Emery at napabuntong-hininga.“Akala ko tapos na ang lahat.” Huminga siya nang malalim. “Pero ngayon... pakiramdam ko nagsisimula pa lang.”Tahimik na tumango si Zion bago siya tumingin sa larawan ni Ezekiel na nasa folder.“Kung tama ang hinala natin... matagal na niyang pinaplano ang lahat.”Napakunot-noo si Emery. “Pero bakit?” tanong niya. “Ano ba talaga ang nangyari kay Ezekiel?”Tahimik na naupo si Zion sa sofa at bahagyang napaisip.“Ay
EMERYMaya-maya, biglang may nagsalita mula sa pinto. “Ang corny talaga ng lovey-dovey na 'to.”Napalingon ako at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Morgan. Nakatayo siya sa may pintuan habang may dalang maleta.Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magpahinga ang mga bagong dat
EMERY“Lo…” pinilit kong ngumiti.Dahan-dahan niyang ibinaba ang binabasang magazine. “Lumapit ka rito.”Nag-atubili ako ngunit sinunod ko pa rin siya. Tulad ng nakasanayan, umupo ako sa tabi ng niya at maingat na hinawakan ang kamay niyang may manipis nang mga ugat.Mas lalong lumalim ang guhit sa
EMERY“Weston…” mahinang sabi ni Ravia, parang natutuwa. “You’re cruel.”Napabuga ng hangin si Weston, ngumiti siya. “And you like that about me, right?”“Ang importante,” dugtong ni Weston, “kapag nanganak na siya, tayo rin ang makikinabang. Lolo wants an heir. Ibibigay ni Emery iyon. After that, m
EMERY “Congratulations, Mrs. Montenegro. Positive ang result. Twins ang dinadala mo.” Parang tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa monitor, sa maliliit na anyong kumikislap sa itim na screen, habang nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa gilid ng examination bed. “Twins? Tama ba ang nar







