LOGINKunot-noong nakatayo si Cassandra sa loob ng hotel room niya. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang huli niyang makita si Theo. She’s getting impatient. Gusto na niyang balikan si Theo sa hotel room nito para sugurin. Ayaw niyang masira ang planong nabuo sa utak niya. Mahaba na ang tatlong araw para kay Cassandra. Her sister keeps calling her too, pero hindi niya muna sinasagot, lalo na't tinatanong siya nito patungkol sa kumakalat na isyu tungkol sa pagpapakasal ni Leon sa iba. Alam niya kung gaano kagalit ang mga magulang niya, ngunit hindi niya muna binibigyan ng pansin iyon.
“Ah!” inis niyang sigaw at ibinato ang cellphone sa kama nang mag-ring na naman iyon. This time, ang ina niya na iyon. “Ano na ang gagawin ko rito?”
Walang sinabing iba si Theo sa kanya nang huli silang nagkita. Inihatid siya nito sa hotel room niya; hanggang doon lang. Hindi niya naman matawagan o mai-text ito dahil wala siyang contact information nito.
Inis siyang napaharap sa pintuan ng hotel nang may mag-doorbell doon. Kahit inis, wala siyang nagawa kundi tumayo at pagbuksan iyon. Halos malukot ang mukha niya sa gulat nang makita si Theo na nakatayo sa harap ng pintuan niya. He is wearing a simple khaki polo shirt and white shorts. “What?!” irita niyang bungad dito.
Ngumisi nang malaki si Theo. “Miss me, Darling?”
“Hindi ako nakikipagbiruan dito,” ubos ang pasensya niyang sabi. “What’s your answer?”
“Can I enter first?” he asked.
Cassandra sighed heavily before she opened the door widely. Agad siyang pumasok, at mabilis namang sumunod sa kanya si Theo. Narinig pa niya na ni-lock nito ang pintuan niya. Naupo si Cassandra sa sofa at pinanood si Theo na umupo sa tabi niya.
“Ano? Papayag ka ba o hindi?” seryoso niyang tanong. “Kasi kung hindi, hahanap ako ng iba,” sabi niya pa.
Kitang-kita niya kung paano nagsalubong ang mga kilay ni Theo. “What’s the plan? Can you at least give me the whole details?” seryoso nitong tanong.
Umupo nang maayos si Cassandra at humarap sa gawi ni Theo. “It’s very simple. Magiging asawa mo ako at magiging asawa kita for convenience. You told me na hindi mo kasundo si Leon. I want revenge, but not a kind of revenge na mala-pelikula. I want to make him taste his own medicine. Pinagpalit at niloko niya ako sa kaibigan niyang babae. Puwes, papakasalan kita dahil tito ka niya. And besides, I guess you have a big impact on him. If we succeed in this marriage, for sure magugulat sila na ikaw ang asawa ko at ako ang asawa mo,” kalmado niyang paliwanag.
Theo looked at her deeply. “And what can I get out of this?”
Nagkibit-balikat si Cassandra. “I honestly don’t know. Maybe you can have me as your wife… You decide,” seryoso niyang sabi at sumandal sa inuupuan.
She heard Theo sigh. “What?”
“I honestly need a wife,” pag-amin nito. “That boy wants my money, my family's money. Balak niyang unahan akong magpakasal para sa kanya mapunta ang lahat ng mana na dapat ay sa akin naman talaga,” seryoso nitong kwento. “That’s why I came here. Pumapayag ako sa plano mo, but both of us will benefit here.”
Ngumisi si Cassandra at napaupo nang maayos. “Deal. Kailan tayo ikakasal?”
“Tatawagan ko lang ang abogado ko. Kailangan kasal na tayo kapag bumalik tayo sa Manila. I want the whole country to know that we are married. Balak kong lumabas sa lahat ng dyaryo, magazine, o anumang klaseng media ang tungkol sa kasal natin para malaman nila lahat na kasal na ako, at masiraan ng bait ang gagong iyon…” paliwanag nito at tumingin nang mariin kay Cassandra.
Cassandra can’t help but look into Theo’s eyes. Napakagwapo talaga ni Theo para sa kanya. Kahit mas matanda sa kanya ito nang ilang taon ay hindi niya maitatanggi na malakas ang alindog ni Theo. She thinks everyone can be attracted by his looks. He’s captivating, handsome, tall, dark, and hot… she can’t deny the fact that maybe she will enjoy this marriage.
Theo slowly touched her thigh. Napatingin siya roon nang marahan nitong haplusin ang hita niya. Naiisara niya iyon at naiipit nang matindi. She feels something inside her stomach, like butterflies flying over and over again.
“I want this marriage to be loyal and faithful, understood?” mapang-akit na tanong ni Theo habang taas-baba ang palad nito sa hita ni Cassandra. “Even though we are just married for convenience, I want you all mine. No other man, do you understand, Maria Cassandra?” mariing tanong pa nito at pinisil ang hita ng dalaga.
She couldn’t believe this! Nababaliw na siya sa simpleng haplos at hawak pa lang ni Theo sa kanya. What if they do it again? Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cassandra, lalo na nang maramdaman niya ang isang palad ni Theo na naglalaro sa likuran niya. She’s wearing a black halter-backless top. Damang-dama niya ang init ng malaking palad nito sa likuran niya. She can feel the electric touch between them.
“Yes…” Pagsang-ayon niya sa sinabi nito. She saw a smirk on Theo’s lips. “And I want you to be loyal and faithful too,” she demanded.
Theo smirked again. “Of course, Darling… Huwag mo akong igaya sa gago mong ex-fiance… You are my wife, I am only yours…” mayabang pa nitong sabi at malaking ngumisi. “Now let’s plan our marriage and setup. Gusto ko pagbalik natin sa Manila, kasal na tayo. Akin ka na, ibig sabihin niyan…”
Ngumisi si Cassandra. Hindi niya maitago ang kanyang ngiti. Hindi siya makapaniwala. Never niyang naramdaman ang ganitong kiliti o pakiramdam noon kay Leon. She feels more excitement and assurance this time than in her past relationship. Alam ni Cassandra na delikado ang pinasok niya. Hindi sigurado siya sa posibleng mangyari, pero sigurado siyang magtatagumpay sa balak niya. Ngayon ay alam na niya kung ano ang kahinaan ng kanyang ex-fiancé. She is willing to do anything makaganti lang dito, kahit pakasalan niya pa ang tito nito.
Mabilis akong nagpunas ng pisngi. Hindi pwedeng ganoon. Ang hina ko naman masyado!Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya roon at pinagmamasdan ako ay pilit ko pa rin tinatagan ang aking sarili.Huminga ako nang malalim tsaka dahan-dahang binuhat ang plato at naglakad papunta sa lababo. Ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay nabitawan ko ang aking hawak. Mariin akong napapikit at inis na lumuhod.Akmang lilikumin ko na sana ang mga iyon nang hilahin ako bigla patayo ni Theo. Nanlalabo ang mga mata ko siyang tinignan."Ako na—""Maupo ka roon," malamig niyang utos sa akin habang mariin akong tininitigan. "Stay away from here. Maupo ka roon," dagdag niya pa.Hindi na ako nakipagtalo pa. Pero imbes na sundin siyang maupo lang doon ay lumakad na ako paakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa at kumuha ng gamit tsaka naglakad papunta sa isang guest room. Ayoko sa kwarto ni Alessia dahil baka mas lalo lang akong maiyak d
Buong gabi kaming hindi nag-usap. Hindi na rin kami sabay kumain. Hindi kami tabi natulog. Iyon yata ang unang beses na hindi kami nagtabi sa isang kwarto, at ito na yata ang unang beses na natulog kami pareho nang hindi inaayos ang pinag-awayan namin. Sa kwarto ako ni Alessia natulog. Nang magising ako kinabukasan, wala na si Theo. Sabi ni Manang Lourdes, maaga raw itong umalis at baka nasa trabaho na. I am guilty. Aware ako at aminado rin akong may kasalanan din talaga ako. Mali ko na imbes tawagan siya ay pumayag agad ako sa gusto ni Ethan. I really know he hates that guy, pero ayoko kasing idamay si Ethan dahil lang may nararamdaman na iba si Theo sa kanya. I love my husband, I respect him. Pero may respeto rin ako kay Ethan. Gusto niya lang naman ng trabaho at wala naman siyang ginagawang masama kaya pinagtatanggol ko siya sa tuwing nagagalit si Theo dahil sa kanya. I just realized na imbes intindihin at kausapin nang maayos si Theo kagabi, sinabayan ko pa ang galit niya. Hind
Halos dalawang buwan ang lumipas at naging maayos at payapa ang buhay naming lahat. Walang paramdam o kahit anong balita kay Leon. Sa totoo lang nakakapagtaka, ngunit hindi na muna namin masyadong binigyang-pansin iyon. Lalo na't walong buwan na ang anak namin at mas lumalago ang negosyo ko.Napapadalas ang tao ko sa shop, halos hindi na kami nagkakasama mag-asawa dahil abala rin si Theo sa ospital. Tuwing uuwi kami, minsan ginagabi na ako nang sobra at umuuwi na akong mag-isa, minsan naman kapag siya ang ginagabi ng uwi ay tulog na kaming mag-ina."Ma'am, busy po ba kayo?" mabilis kong nilingon si Ethan na nasa kabilang lamesa lang."Hindi naman, bakit?" tanong ko. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon dahil halos si Ethan na ang gumawa ng lahat. Honestly, malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanya. Mas naging magaan ang trabaho ko. Maalam siya sa lahat, mabait, at maasahan kaya madalas hindi ko na kailangan mag-alala pa. "Do you need anything?""Wala naman, Ma'am. Itatanong ko lang
Magagaan at maiingat na halik ang ibinigay sa akin ni Theo dahilan upang kumalma ako. Mabilis akong nagdilat ng mata nang pakawalan niya ang labi ko. Halos habulin ko pa iyon sa sobrang dala at sabik sa labi niya. "You want more?" malambing niyang tanong sa akin. Agad akong tumango nang wala man lang pag-aalinlangan. Para akong nalalasing sa halik niya. Tanging si Theo lang talaga ang kaya akong pakalmahain nang ganito. Muli niya akong hinalikan at mas idinikit ang katawan namin sa isa't isa. Kusa akong yumapos sa leeg niya upang mas diinan ang halikan naming dalawa. Nang mapagod at malapit nang kapusin ng hininga ay tsaka lamang kaming tumigil dalawa. Titig na titig ako sa mga mata niya. Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko at nginitian ako. "You think you should focus more on your flower shop, hmm?" seryoso niyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang pisngi ko. "You've been stressed lately... I think kailangan mo ring libangin ang sarili mo maliban sa anak natin." Bumunto
Halos dalawang linggo na ang lumipas at mas humigpit ang seguridad sa buong paligid namin. Kalat na rin sa lahat ng mga pahayagan, media, at mga balita ang tungkol kay Leon. He is the most wanted person at the moment. Marami pala talaga siyang nagawang kasamaan—nalaman din naming may pera siyang ninakawan noon at naging scammer din siya bago nito! Kung hindi pa siya maibabalita, hindi lalabas ang lahat ng baho niya! I really can't believe him! Hindi ko na rin maisip kung paano ko nagawang mahalin ang isang katulad niya noon! I thought he was an angel, but I was wrong! Demonyo siya—demonyo pa sa mas demonyo. "Wala akong alam," bagot na sagot ni Veronica. Masama ang tingin niya sa aming mag-asawa. Umirap pa siya sa akin nang makita ang tingin ko sa kanya. "Hindi pa ba kayo kuntento? Nakakulong na ako, okay? Nagbabayad na ako sa kasalanan ko. Wala na akong pakialam sa gagong iyon." "Kahit anong detalye, wala kang alam?" tanong ko ulit, umaasang may makuha pa rin sa kanya. "Wala nga
Halos isang linggo rin ang tinagal namin sa ospital bago nakalabas ang magulang ko. Laking pasalamat ko rin talagang nagising si Daddy matapos ang dalawang araw, kundi baka nasa ICU na siya at may nakalagay na tubo. He was really sorry. Iyak kami nang iyak nina Mommy noong isang araw. Ayokong mas palalimin pa ang sugat at kirot sa puso ko kaya hindi ko na pinalaki ang gulo sa pamilya namin. Para mas ligtas ang lahat, sa mansyon ng mga Hernandez muna namin pinatuloy sina Mommy. Okay lang sa pamilya at magulang ni Theo lalo na't para na rin sa kaligtasan ng lahat. Hindi namin alam kung nasaan si Leon, hindi rin namin alam kung sino ang kasabwat nito. Wala kaming ideya. Maski si Veronica na nasa kulungan, kundi pa namin sinabi na nakatakas si Leon ay hindi niya malalaman. "Sigurado ka bang okay lang sa kanila na nandito kami?" tanong ni Mommy sa akin. Nakahawak siya sa braso ko habang tulak-tulak naman ng isang nurse na kinuha ni Theo ang wheelchair ni Daddy. "Nakakahiya... Gumawa ka
A month passed at mas naging maayos ang pagsasama nilang mag-asawa. Everything felt so smooth, peaceful, and safe. Walang nanggugulo, tanging buhay lamang nilang mag-asawa ang inaabala nilang dalawa.Maaga pa lang ay gising na si Cassandra. Gaya ng nakasanayan niyang gawin ay nagluto siya ng almus
Nagising si Cassandra nang mas maaga kaysa sa dati. Hindi niya maitatwa ang katotohanang excited at masaya siya. Noon pa man ay pangarap na niyang makaranas ng honeymoon. Para sa kanya, isa itong ideal na bagay para makabuo ng mga alaala bilang mag-asawa. Akala niya nga ay hinding-hindi niya na mar
Tahimik si Cassandra habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Theo. Maaga siyang nagsara ng shop dahil nawalan na rin siya ng gana. Hindi siya kumikibo masyado nang matapos ang usapan nilang dalawa kanina. Kanina niya pa nararamdaman ang palad ni Theo sa kanyang hita, ngunit hinahayaan niya n
Tahimik na nakahiga sa kama si Cassandra. Sa tabi niya ay ang asawa niyang si Theo na mahimbing na natutulog. Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang ikasal sila. Marami agad ang nangyari at marami agad ang nakarinig ng balita. She can’t deny she finds peace with Theo, na kahit kakasimula pa lang







