LOGINTahimik na nakahiga sa kama si Cassandra. Sa tabi niya ay ang asawa niyang si Theo na mahimbing na natutulog. Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang ikasal sila. Marami agad ang nangyari at marami agad ang nakarinig ng balita. She can’t deny she finds peace with Theo, na kahit kakasimula pa lang nila at bago pa lang silang magkakilala ay kalmado at kumportable siya rito.
“Why are you staring at me?” Gulat na napaatras si Cassandra nang magsalita bigla ang natutulog na asawa. Sa gulat ay muntik na siyang mahulog sa kama, kundi lang siya mabilis na nasalo ni Theo. “Careful.”
“N-Nagising ba kita?” kabadong tanong ni Cassandra. “Sorry,” paumanhin niya.
Ngumisi naman si Theo. He smiled widely and pulled her in for a tight hug. “No. Bakit gising ka pa?”
“Hindi ako inaantok,” sagot niya. “Ang dami ko lang iniisip, sorry.”
“Like what?”
“Katulad na ano ang mangyayari pagkatapos nito. Alam na ng lahat. Kumalat na ang balita. Kinakabahan lang ako sa mga posibilidad pang mangyari,” paliwanag niya at bumuntong-hininga. “Ang dami kasing puwedeng mangyari.”
“Ano bang gusto mong mangyari?” seryosong tanong ni Theo. “Look, I know you are still overwhelmed pero, Darling… we are married. This is the start of everything. You can do what you want now.”
“Alam ko naman,” pagsang-ayon niya at pumikit. “Hayaan mo na, matulog na tayo,” yaya niya. Naramdaman niya naman ang mainit na labi ng asawa na dumampi sa kanyang noo. Hindi na siya nag-react at nanatili na lamang na nakapikit.
Kinabukasan ay may kanya-kanya silang lakad ang mag-asawa. Maaga pa lang ay nasa flower shop na pag-aari ni Cassandra, habang si Theo naman ay dumiretso sa kumpanya nito.
Mabilis na kumunot ang noo ni Cassandra nang bumukas ang pintuan ng flower shop. Nang mag-angat siya ng tingin ay halos malukot ang mukha niya nang makita kung sino iyon.
“Anong ginagawa mo rito?” inis niyang tanong. “Leon, what the hell are you doing here?”
“Can we talk, please?” nagmamakaawang sabi nito.
Inis na ngumisi si Cassandra. “For what?”
“About us…” malungkot ang tono nito. “I know I was wrong, Cass… I realized I love you more than her… please, let’s go back together…”
Natawa si Cassandra. “Hibang ka na ba? Hindi ba nakarating sa iyo ang balita na kasal na ako?”
“I know, but I love you…” Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Mabilis siyang umatras at masamang tiningnan si Leon. “And I know you still love me. Iniwan ko na si Veronica. Hindi ko siya mahal! Pinatulan ko lang siya para inisin si Theo!” paliwanag pa nito.
“Wala na akong pakialam sa iyo, Leon…” mariin niyang sabi. “Umalis ka na. Kasal na ako at hindi ko gagawin ang kasalanan na nagawa mo sa akin noon…”
Kitang-kita niya kung paano nag-iba ang emosyon ni Leon pagkatapos niyang sabihin iyon; mula sa malungkot ay napalitan iyon ng galit. “You think titigil ako?! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng tito ko! Really? Tito ko pa talaga?” galit itong tumawa. “Akala mo hahayaan ko kayo?” mariing nitong sabi at mabilis siyang nilapitan. Hinawakan siya nito sa braso, mariin at gigil. Kinabahan si Cassandra bigla. “You think papayagan kami ni, Veronica? Alam naming dalawa na mahal pa rin ni Theo si Veronica at alam kong mahal mo pa rin ako… gagawin naming lahat masira lang kayo… Don’t expect a happy ending here, Cass… dahil akin ka… sa akin ka uuwi…” huling sinabi nito.
Malakas siyang binitawan ni Leon at dali-dali siyang umalis sa boutique. Kinakabahan siya sa mga pinagsasabi nito, ngunit kailangan niyang tatagan ang loob, hindi lang para sa sarili kundi para na rin kay Theo, dahil ito na ang kanyang asawa. Ito na ang kailangang maging tanging lalaki sa buhay niya.
Mabilis akong nagpunas ng pisngi. Hindi pwedeng ganoon. Ang hina ko naman masyado!Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya roon at pinagmamasdan ako ay pilit ko pa rin tinatagan ang aking sarili.Huminga ako nang malalim tsaka dahan-dahang binuhat ang plato at naglakad papunta sa lababo. Ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay nabitawan ko ang aking hawak. Mariin akong napapikit at inis na lumuhod.Akmang lilikumin ko na sana ang mga iyon nang hilahin ako bigla patayo ni Theo. Nanlalabo ang mga mata ko siyang tinignan."Ako na—""Maupo ka roon," malamig niyang utos sa akin habang mariin akong tininitigan. "Stay away from here. Maupo ka roon," dagdag niya pa.Hindi na ako nakipagtalo pa. Pero imbes na sundin siyang maupo lang doon ay lumakad na ako paakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa at kumuha ng gamit tsaka naglakad papunta sa isang guest room. Ayoko sa kwarto ni Alessia dahil baka mas lalo lang akong maiyak d
Buong gabi kaming hindi nag-usap. Hindi na rin kami sabay kumain. Hindi kami tabi natulog. Iyon yata ang unang beses na hindi kami nagtabi sa isang kwarto, at ito na yata ang unang beses na natulog kami pareho nang hindi inaayos ang pinag-awayan namin. Sa kwarto ako ni Alessia natulog. Nang magising ako kinabukasan, wala na si Theo. Sabi ni Manang Lourdes, maaga raw itong umalis at baka nasa trabaho na. I am guilty. Aware ako at aminado rin akong may kasalanan din talaga ako. Mali ko na imbes tawagan siya ay pumayag agad ako sa gusto ni Ethan. I really know he hates that guy, pero ayoko kasing idamay si Ethan dahil lang may nararamdaman na iba si Theo sa kanya. I love my husband, I respect him. Pero may respeto rin ako kay Ethan. Gusto niya lang naman ng trabaho at wala naman siyang ginagawang masama kaya pinagtatanggol ko siya sa tuwing nagagalit si Theo dahil sa kanya. I just realized na imbes intindihin at kausapin nang maayos si Theo kagabi, sinabayan ko pa ang galit niya. Hind
Halos dalawang buwan ang lumipas at naging maayos at payapa ang buhay naming lahat. Walang paramdam o kahit anong balita kay Leon. Sa totoo lang nakakapagtaka, ngunit hindi na muna namin masyadong binigyang-pansin iyon. Lalo na't walong buwan na ang anak namin at mas lumalago ang negosyo ko.Napapadalas ang tao ko sa shop, halos hindi na kami nagkakasama mag-asawa dahil abala rin si Theo sa ospital. Tuwing uuwi kami, minsan ginagabi na ako nang sobra at umuuwi na akong mag-isa, minsan naman kapag siya ang ginagabi ng uwi ay tulog na kaming mag-ina."Ma'am, busy po ba kayo?" mabilis kong nilingon si Ethan na nasa kabilang lamesa lang."Hindi naman, bakit?" tanong ko. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon dahil halos si Ethan na ang gumawa ng lahat. Honestly, malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanya. Mas naging magaan ang trabaho ko. Maalam siya sa lahat, mabait, at maasahan kaya madalas hindi ko na kailangan mag-alala pa. "Do you need anything?""Wala naman, Ma'am. Itatanong ko lang
Magagaan at maiingat na halik ang ibinigay sa akin ni Theo dahilan upang kumalma ako. Mabilis akong nagdilat ng mata nang pakawalan niya ang labi ko. Halos habulin ko pa iyon sa sobrang dala at sabik sa labi niya. "You want more?" malambing niyang tanong sa akin. Agad akong tumango nang wala man lang pag-aalinlangan. Para akong nalalasing sa halik niya. Tanging si Theo lang talaga ang kaya akong pakalmahain nang ganito. Muli niya akong hinalikan at mas idinikit ang katawan namin sa isa't isa. Kusa akong yumapos sa leeg niya upang mas diinan ang halikan naming dalawa. Nang mapagod at malapit nang kapusin ng hininga ay tsaka lamang kaming tumigil dalawa. Titig na titig ako sa mga mata niya. Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko at nginitian ako. "You think you should focus more on your flower shop, hmm?" seryoso niyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang pisngi ko. "You've been stressed lately... I think kailangan mo ring libangin ang sarili mo maliban sa anak natin." Bumunto
Halos dalawang linggo na ang lumipas at mas humigpit ang seguridad sa buong paligid namin. Kalat na rin sa lahat ng mga pahayagan, media, at mga balita ang tungkol kay Leon. He is the most wanted person at the moment. Marami pala talaga siyang nagawang kasamaan—nalaman din naming may pera siyang ninakawan noon at naging scammer din siya bago nito! Kung hindi pa siya maibabalita, hindi lalabas ang lahat ng baho niya! I really can't believe him! Hindi ko na rin maisip kung paano ko nagawang mahalin ang isang katulad niya noon! I thought he was an angel, but I was wrong! Demonyo siya—demonyo pa sa mas demonyo. "Wala akong alam," bagot na sagot ni Veronica. Masama ang tingin niya sa aming mag-asawa. Umirap pa siya sa akin nang makita ang tingin ko sa kanya. "Hindi pa ba kayo kuntento? Nakakulong na ako, okay? Nagbabayad na ako sa kasalanan ko. Wala na akong pakialam sa gagong iyon." "Kahit anong detalye, wala kang alam?" tanong ko ulit, umaasang may makuha pa rin sa kanya. "Wala nga
Halos isang linggo rin ang tinagal namin sa ospital bago nakalabas ang magulang ko. Laking pasalamat ko rin talagang nagising si Daddy matapos ang dalawang araw, kundi baka nasa ICU na siya at may nakalagay na tubo. He was really sorry. Iyak kami nang iyak nina Mommy noong isang araw. Ayokong mas palalimin pa ang sugat at kirot sa puso ko kaya hindi ko na pinalaki ang gulo sa pamilya namin. Para mas ligtas ang lahat, sa mansyon ng mga Hernandez muna namin pinatuloy sina Mommy. Okay lang sa pamilya at magulang ni Theo lalo na't para na rin sa kaligtasan ng lahat. Hindi namin alam kung nasaan si Leon, hindi rin namin alam kung sino ang kasabwat nito. Wala kaming ideya. Maski si Veronica na nasa kulungan, kundi pa namin sinabi na nakatakas si Leon ay hindi niya malalaman. "Sigurado ka bang okay lang sa kanila na nandito kami?" tanong ni Mommy sa akin. Nakahawak siya sa braso ko habang tulak-tulak naman ng isang nurse na kinuha ni Theo ang wheelchair ni Daddy. "Nakakahiya... Gumawa ka
Mabilis kong naramdaman ang lambot ng kama sa likuran ko. He was very careful. Para bang ingat na ingat siya sa galaw niya sa akin habang hinahalikan niya ang iba't ibang parte ng katawan ko. I am already seven months pregnant, at sabi naman sa amin ay pwede pa rin may mangyari sa amin, kailangan la
Hindi ko alam pero matapos ang usapan namin ni Theo ay nakaramdam ako ng kakaibang tampo. Ayoko naman maramdaman 'yun, ngunit hindi ko maitatanggi na nagtampo talaga ako. Halos dalawang araw ko na siyang hindi gaano kinakausap. Mukhang naintindihan naman niya kaya hinahayaan niya muna ako. Hindi ako
Cassandra's Point of View"Theo, anong balak mo?" tanong ko agad sa kanya nang makauwi kami. Gusto niya akong lumayo sa gulo pero siya mismo ay ayaw! I'm not stupid! I know he's ready to risk everything!"Wife, ayoko na ng ganito. Ano, palalagpasin na naman natin 'to? They have already done enough!
Cassandra's Point of View.Buong dinner ay panay puri at tawanan lang ang nangyari. I didn't expect it. Akala ko ay sobrang strikto ng Lolo ni Theo ngunit nagkamali ako. He was kind, polite, and gentle to me. Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya o sa akin lang siya ganoon. He even thanked me fo







