LOGINChloe’s POV
Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa puting kisame habang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang lahat ng nangyari. Lalo na ang paraan ng pagtingin sa akin ni Leo Villafuerte—delikado. ‘Yung klase ng tingin na makakalimutan mo na ang sarili mong pangalan. “Hindi pwede ‘to,” bulong ko sa sarili habang mahigpit na ipinipikit ang mga mata. “Bawal ma-involve o ma-stress sa isang fake fiancé. Lalo na sa lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha.” Pero parang nananadya ang tadhana. Biglang nag-vibrate nang malakas ang cellphone ko. Parang bumagsak ang puso ko nang makita ang mga headline na kumakalat sa social media at news sites: “BILLIONAIRE LEO VILLAFUERTE ENGAGED TO MYSTERY TEACHER!” Napabuntong-hininga ako at ibinaon ang mukha sa unan, saka bumitaw ng sigaw. Ang OA talaga ng mundo, pero kailangan kong tanggapin ito. Ito ang kapalit ng tulong niya para sa chemo ni Mama at sa mga proyekto ng paaralan. Paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili: Strictly business lang ito. Walang halong personal. Maya-maya, nag-text si Alexa kaya napagpasyahan kong magkita kami sa Brew & Bliss Café para makahinga naman sandali. Pero hindi lang simpleng kape at kwentuhan ang sumalubong sa akin—nandoon din si Adrian, mukhang seryoso at puno ng pag-aalala. “Chloe, sigurado ka ba talaga rito?” tanong niya habang dahan-dahang hinawakan ang kamay ko. “Baka sa huli, ikaw pa ang mapahamak. Kilala si Leo—tinatawag siyang ‘Ice King’ hindi lang dahil mayaman siya, kundi dahil hindi siya marunong magmahal nang totoo. Paano kung mahulog ka sa kanya, tapos sa dulo, maiwan ka lang luhaan?” “Adrian, panatag ka lang,” sagot ko kahit may bahid ng pagdududa sa boses ko. “90 days lang ‘to. Kapag tapos na ang kontrata, babalik din ako sa dati kong buhay. Ni feelings involved.” Pero habang sinasabi ko ‘yon, biglang pumasok sa isip ko ang matatalim at maiinit na tingin ni Leo. Paano ko nga ba maitatanggi ang nararamdaman ko kapag kahit sa alaala pa lang niya ay bumibilis na ang tibok ng puso ko? Paglabas ko ng café, parang tumigil ang mundo ko. Sa tapat ng kalsada, nakaparada ang makintab at maitim na sasakyan ni Leo. Pagpasok ko sa loob, agad akong nilamon ng amoy—pinaghalong mamahaling leather, sariwang citrus, at ang amoy niya na laging nakakalito sa isip ko. Bago pa man ako makaupo nang maayos, nagsalita na siya sa malamig ngunit matigas na tono. “Bakit kasama mo siya?” Napalingon ako sa kanya, kunwaring matapang kahit nanginginig na ang mga tuhod ko. “Bakit ka nandito? Sabi ko sa’yo, hindi mo kailangang sunduin ako. Kaya ko naman ang sarili ko.” Humarap siya sa akin, at ang espasyo sa loob ng sasakyan ay biglang naging masikip at mainit. “Ayokong makita kang kasama ang ibang lalaki,” diretsahan niyang sagot, may diin ang bawat salita. “Lalo na ang lalaking iyon.” “Adrian? Kaibigan ko lang siya! Nagkita lang kami para kumustahin ang isa’t isa,” depensa ko, pero unti-unting humihina ang boses ko habang lumalapit siya nang husto. Dahan-dahan siyang gumalaw palapit hanggang sa halos dikit na ang aming mga katawan. Ang init ng balat niya ay tumatagos sa damit ko, at biglang parang nawala ang ingay ng kalsada at ang galaw ng oras. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at hinaplos ang pisngi ko pababa sa panga, habang ang hinlalaki ay marahang dumadampi sa ibabaw ng aking labi—kilos na nagpadaloy ng kuryente mula sa mukha ko pababa sa buong katawan. “Alam ko ang tingin niya sa’yo, Chloe,” bulong niya, at ang boses niya ay malalim at paos na parang pabulong na pang-aakit. “At higit sa lahat… alam ko kung paano ka tumingin sa kanya. Ayoko ng ganun. Kahit peke lang ang relasyon natin sa paningin ng iba… sa akin lang dapat ang atensyon mo. Sa akin lang dapat ang tingin mo.” Nawalan ako ng lakas huminga. Mula sa sasakyan, dumeretso kami sa Villafuerte Tower. Pero lalong gumulo ang lahat nang biglang sumulpot si Sophia Cruz—ang babaeng laging iniuugnay kay Leo, maganda, mayaman, at puno ng kumpyansa. Hinarap niya kami sa pasilyo, at ang tingin niya sa akin ay puno ng pang-aalipusta. “Leo,” panimula niya nang may ngiting mapang-asar. “Kaya pala biglaan ang anunsyo. Akala ko ba ayaw mo ng kasal? Ngayon, nahulog ka na rin sa sarili mong bitag? O baka naman… siya lang ang panakip-butas mo?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong umiwas, gawin ang papel ng tahimik at maayos na kasintahan, pero ang bigat ng tensyon sa paligid. Bago pa ako makasagot, nagsalita na si Leo nang may panganib sa boses. “Huwag mo siyang idamay sa usapan natin, Sophia. Siya ang magiging asawa ko, at irespeto mo ‘yan.” Hindi ito makapagsalita, bigla itong nag-walkout at nang makalabas na si Sophia ay napairap pa ito sa akin. Naiwan kaming dalawa sa loob ng malawak niyang opisina, biglang tumahimik ang lahat. Nakatayo si Leo sa harap ng malaking bintana, nakatingin sa mga ilaw ng siyudad na tila isang hari. Lumapit ako nang kaunti, yakap ang sarili para pigilan ang panginginig. “Ang gulo ng mundo mo, Leo. Akala ko simple lang ang kasunduan natin. Bakit parang ang gulo ng lahat?” Sa isang iglap, nasa harap ko na siya. Bago pa man ako makakilos o makapagsalita, hinila niya ako palapit nang mahigpit sa bewang ko. Ramdam ko ang mabilis at magulong tibok ng puso niya na kapareho ng tibok ng puso ko. Walang distansya sa pagitan namin. “Chloe,” ibinulong niya ang pangalan ko na parang nang-aakit. Hindi na siya naghintay ng sagot. Sa halip, agad niyang inangkin ang mga labi ko—isang halik na matindi at puno ng pagnanasa na hindi na kayang itago pa. Hindi na ito tungkol sa negosyo. Hindi na ito para sa mga kamera o para patahimikin si Sophia. Ito ang paggising ng lahat ng damdaming akala ko ay hindi ko mararamdaman. Ang mga pader na itinayo ko para protektahan ang sarili ko sa mga lalaking katulad niya ay gumuho sa isang iglap. Nang humiwalay siya nang bahagya, nakadikit pa rin ang noo niya sa akin, mabigat ang paghinga. Tumingin ako sa mga mata niya at doon ko nakita ang katotohanan—tama si Sophia. Bitag nga ito. Pero habang nakatingin ako sa kanya, alam kong... Wala nang atrasan to'.Leo’s POV Inayos nila ang buong likod ng beach house—mga custom na rattan lounge set, mahabang granite table, ice-cold premium drinks, at lahat ng paborito naming handa. Ito na ang unang pagkakataon na kumpleto ang lahat: sina Giovanni, Elian, at ang mga kaibigan ko sa business world—sina Marco, Kiko, at Diego. Mga taong kasama ko sa hindi mabilang na board meetings, high-stakes deals, at matitinding pagsubok, pero ngayon ay nandito bilang tunay na pamilya. “Grabe, akala namin hindi ka na aabot dito,” biro ni Giovanni sabay abot sa akin ng baso. “Ang daming pinagdaanan mo, halos hindi ka na makahinga sa gulo at pressure.” Tumawa ako habang nag-clink kami ng baso. “Akala ko rin ‘yun. Pero heto tayo—buo, payapa, at handa nang magpakasal.” Nagsimula ang kwentuhan—halo ng tawanan, asaran, at mga aral na dala ng panahon. Pinaghalo namin ang mga kalokohan noong college at mga wild moments sa corporate world. “Alam niyo ba,” simula ni Elian, “noong nagsisimula pa lang tayo sa negosyo, s
Chloe's POV Ilang araw na kaming nasa Siargao, at masaya ang ambiance ng buong beach house. Kung saan-saan nakakalat ang mga checklist, sunod-sunod ang tawag sa mga supplier, at halos walang tigil ang tawanan tuwing nagsasama-sama kaming lahat. Pero ngayong umaga, kaming tatlo lang muna nina Marielle at Alexa ang pumunta sa isang boutique sa isla para sa huling fitting ng wedding gown ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko. Parang kailan lang, takot na takot akong mangarap. Ngayon, ilang hakbang na lang, magiging asawa na ako ng lalaking nagbalik ng kulay at saya sa buhay ko. "Relax ka lang, bes," natatawang sabi ni Alexa habang inaayos ang buhok ko. "Kahit ano pa ang isuot mo, sigurado akong matutulala si Leo kapag nakita ka." Tumango si Marielle. "At saka, espesyal ang araw na 'yon. Ikaw ang bride. Deserve mong maramdaman na ikaw ang pinakamaganda." Makalipas ang ilang minuto, tuluyan kong isinuot ang gown. Humarap ako sa malaking salamin at napahawak sa bibig ko. Simple la
Leo's POVPagkalipas ng ilang oras, nasa malawak na sala kami ng beach house. Nakapalibot kaming lahat sa mababang mesa, may kanya-kanyang hawak na malamig na inumin habang dinadala ng hangin ang amoy ng dagat papasok sa bukas na bintana.Nakasandal si Chloe sa balikat ko, magkahawak ang mga kamay namin. Naroon din sina Giovanni, Marielle, Elian, Adrian, Alexa, pati sina Tatay Leonard at Tiya Adele na nagpapahinga na matapos mapagod sa pag-aalaga kay Leonel."Final na ang plano namin," panimula ko habang tinitingnan silang lahat. "Ikakasal kami after two months, dito rin sa Siargao. Simple lang ang gusto namin—family lang, kayo-kayo lang, walang malaking selebrasyon. Pagkatapos, babalik kami ng Manila para simulan ang tahimik na buhay na matagal na naming pinapangarap."Napangiti si Marielle at marahang hinawakan ang kamay ni Chloe."Ang ganda ng plano n'yo," sabi niya. "Hindi kailangan ng engrandeng kasal para maging espesyal. Basta puno ng pagmamahal, sapat na 'yon."Tumango si Adri
Leo’s POV Ang preskong hangin ng Siargao ay humahaplos sa balat ko, humahalo sa amoy ng dagat at asin. Sa wakas, tahimik na ang utak ko—wala nang banta, wala nang itinatagong sikreto, puro pag-asa na lang. At ngayon, nakatayo ako dito sa dalampasigan ng beach house namin, hinihintay si Chloe. Naglakad siya papalapit, suot ang simpleng puting bestida na sumasayaw sa hangin. Nakalugay ang buhok niya, at sa bawat hakbang niya, parang humihinto ang ikot ng mundo ko. Nang makita niya ang daang puno ng puti at pink na rosas, ang malaking poster sa dulo, at ang mga ilaw na nakapalibot dito, bigla siyang huminto. Namula ang pisngi niya, at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. “Leo… anong—” Lumuhod ako nang dahan-dahan sa buhanginan. Sa likod namin, nandoon silang lahat—nakangiti, may mga luhang tumutulo, masayang pinapanood kami. Nakita ko sina Giovanni Armani at ang asawa niyang si Marielle, pati na rin si Elian Javellana—mga kaklase ko noong college, mga kaibigang hindi ko inakala
Chloe’s POV Three months. Tatlong buwan na mula nang tuluyan nang isara ang huling pasilidad ng Project Lazarus, makulong lahat ng kasabwat, at maibalik ang lahat sa ayos. Tatlong buwan na rin mula noong unang beses na nagising kami nang walang takot, walang nag-aabang na panganib, at walang sikretong itinatago sa isa’t isa. Nakatayo ako sa beranda ng bahay namin—yung bahay na pinili namin, malayo sa gulo ng siyudad, nasa pagitan ng bukid at dagat. Hinihipan ng hangin ang buhok ko habang pinapanood ko sina Leonel at Leo na naghahabulan sa damuhan. Tumatawa nang malakas ang bata habang tinatakbuhan ang tatay niya, at sa bawat ngiti ni Leo, kitang‑kita ko na wala na ‘yung bigat na matagal niyang dala‑dala. Lumapit siya sa akin pagkatapos, pinunasan ang pawis sa noo, tapos hinalikan ako sa pisngi. “Kanina ka pa diyan? Ang lamig na ng hangin ah.” “Pinapanood lang kayo,” sagot ko sabay hawak sa kamay niya. “Parang panaginip lang ‘no? Yung tipong natatakot kang kumilos baka biglang magl
Leo’s POV Dalawang araw na ang lumipas matapos ang desisyon ni Tatay Leonard. Sa panahong ‘yon, parang tumigil ang oras—puno ng pag-aalala, pag-iisip, at tahimik na paghahanda. Pero ngayong gabi, sa ligtas na bahay na tinutuluyan namin, bigla siyang dumating. Wala siyang sugat, pero halatang pagod ang kanyang mga mata, at may dala siyang bigat na matagal na niyang itinatago. Agad kaming lumapit—ako, si Chloe, at si Marco. Tahimik lang ang paligid, tanging ang aming paghinga ang naririnig. “Nandito ka na…” bulong ko, hindi makapaniwala. Tumingin siya sa amin, at sa unang pagkakataon, nakita ko sa kanyang mga mata ang pagsisisi, hindi ang dating awtoridad. Umupo siya sa silya, huminga nang malalim, at dahan‑dahang ibinaba ang kanyang ulo. “Bumalik ako… hindi lang dahil nakaligtas ako,” panimula niya, mahina pero malinaw ang boses. “Kundi dahil kailangan kong sabihin ang lahat ng dapat ko sanang inamin noon pa man.” Umupo kami sa tapat niya at nakinig nang mabuti. “Leo,” simula ni
Leo's POVMatapos ang sunod-sunod na banta at panganib na dumaan sa amin, wala na akong inaksayang oras. Agad kong ipinatira sina Dad—si Leonard Sr.—at Tiya Adele sa isang ligtas at lihim na ari-arian sa labas ng siyudad. Malawak ang lugar, mataas ang bakod, at may sapat na tauhan na nakabantay sa
Leo’s POV Ang lasa ng kanyang mga labi ay parang pamilyar na alak na matagal kong ipinagkait sa aking sarili—matamis, may bahid ng alat ng kanyang mga luha, at puno ng nagngangalit na pangungulila. Sa bawat segundo ng halik na iyon, pilit kong ibinabaon sa kanya ang lahat ng galit, takot, at pagk
Chloe’s POVNagising akong mabigat ang pakiramdam.Tahimik ang buong penthouse, ngunit ang katahimikang iyon ay mas nakakatakot kaysa sigawan. Mula sa kama, tanaw ko ang madilim na ulap sa labas ng floor-to-ceiling windows. Tila ba may paparating na bagyo.Katulad ng buhay ko ngayon.Wala si Leo sa
Leo’s POV Pinagmasdan ko ang natutulog na si Chloe sa tabi ko. Ang dahan-dahang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib ang tanging bagay na nagpapanatili ng katinuan ko sa gitna ng lahat ng gulo. Dahan-dahan kong inalis ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha. Napakainosente niyang tin







