MasukUtang ang dahilan kaya napapayag ni Dr. Storm Davis si Judith Dimaculangan na magpanggap na fiancee niya. Ang Lola Anastacia kasi niya gusto siyang mag-asawa na gayung hindi siya naniniwala sa pag-ibig kaya't para matigil na ang pangungulit sa kanya ng kanyang lola, naisipan niyang ipakilala rito si Judith bilang soon to be mapapangasawa niya. Ngunit, hindi niya goal na magustuhan ng lola niya si Judith kundi para sabihin ng lola niya ba 'ayoko sa kanya para sa'yo'. Ngunit, kabaligtaran ang nangyari. "I like you, iha," wika ng kanyang Lola Anastacia. Pero, hindi pa doon nagtapos ang pagkabigla niya. "I like you para sa apo kong si Jiwan." "No way," mariin niyang sabi nang marinig ang pangalan ng kapatid sa ina. Hinding-hindi makukuha ni Jiwan sa kanya si Judith, papakasalan na niya ito ASAP.
Lihat lebih banyakNO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng
MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila
"ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h
"THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar
ANG ganda-ganda mo talaga mahal ko, sabi ni Jiwan sa kanyang sarili. Kanina ay nawawalan na siya ng pag-asa na masisilayan ang kanyang mahal dahil hindi naman ito lumalabas sa opisina ni Storm. Kaya, para hindi na siya makapag isip pa kung anong ginagawa nina Storm at Judith, minabuti na lang niyang
BIGLANG napadilat si Judith. "What happened?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Storm. May palagay siyang kanina pa siya pinagmamasdan ni Storm kaya naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha. Bigla tuloy niyang nalimutan ang kanyang panaginip gayung pagkagising niya ay ang lakas-lakas ng kabog ng k
"HINDI po kayo pwedeng pumasok," awat ni Charvie sa nagpa-panic na boses. Kung hindi kasi siya susundin nito ay malaki ng posibilidad na mawalan siya ng trabaho at siyempre, hindi niya iyon hahayaang mangyari.Tulad ng ibang tao, lalo na iyong isang kahig, isang tuka ay hindi nanaising mawalan ng tra
K"STORM…." Hindi napigilan ni Judith na tawagin ang pangalan ng asawa. Nagtagpo kasi ang paningin nila ni Jiwan at ang agad pumasok sa kanyang isipan ay ang babala ng lola ni Storm. Sabi pa naman niya nu'ng kausap niya si Lola Anastacia, hindi naman mukhang masamang tao ang apo nitong si Jiwan. Ngun






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan