ログインANG MAHIHINANG tunog ng computer keyboards mula sa loob ng executive offices ang tanging maririnig sa Top floors ng SD Enterprise, habang ang makapal na carpet sa hallway ang sumasalo sa bawat yabag ng mga empleyado.
At sa pinakadulong bahagi ng floor ay naroon ang opisina ni Mr. Trevor Dominguez. Malawak iyon. Moderno. Halatang mamahalin pero hindi OA tingnan. Black, gray, at dark wood ang tema ng paligid. Sa likod ng mesa nito ay isang malaking glass wall kung saan tanaw ang labas ng building. May mini bar sa isang gilid, bookshelf sa kabila, at ilang abstract paintings na siguradong milyon ang halaga. Tahimik lang si Trevor habang nakaupo sa swivel chair nito. Bahagyang nakabukas ang manggas ng puting polo niya habang hawak ang isang fountain pen. Nakatutok ang tingin niya sa ilang papeles na kailangang pirmahan. Paminsan-minsan ay hinihimas niya ang sentido na parang sumasakit na naman ang ulo niya sa dami ng reports. Normal na araw lang sana ulit iyon, matapos ang pagkikita nila ng babaeng bigla niyang naka-date no'ng isang gabi. Hanggang sa biglang umilaw ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa. Napabuntong-hininga siya nang makita ang caller ID. Si Detective Ramos. Nang makita iyon ay agad siyang umasa na sana ay may goodnews ang dala nitong balita sa kaniya. “Tell me you found something.” Tahimik muna sa kabilang linya bago nagsalita ang detective. “Sorry, sir. I've checked the addresses again. Wala pa rin talaga.” Bahagyang tumigas ang panga ni Trevor. “What do you mean wala?” “I already traced her old workplace, previous apartment, pati ilang old contacts niya. Parang bigla na lang siyang naglaho six years ago, sir.” Napapikit si Trevor habang napasandal sa upuan. Six years. Anim na taon na niyang hinahanap ang nobya pero parang bula lang itong nawala pagkatapos ng araw na iniwan siya nito. “Sir…” muling sambit ng detective. “Maybe she doesn’t want to be found.” Natawa si Trevor nang mahina pero walang saya. “Yeah. I figured.” “Do you still want us to continue?” Napatingin siya sa city view sa labas ng salamin. For six years, hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang iniwan ni Julianna nang walang paliwanag. Isang araw okay sila, kinabukasan wala na ito. Ni hindi man lang siya nabigyan ng chance na malaman ang dahilan niya. “I’ll pay double,” malamig niyang sagot. “Just continue searching.” “Understood, sir.” Balak na sana niyang ibaba ang tawag nang may maalala siya. “Wait.” “Yes, sir?” “Gather information about someone.” “okay sir, do you have the name?” “Julie Samarista.” Bahagya namang sumandal si Trevor habang nakatitig sa hawak na pen. Actually, hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang magpaimbestiga tungkol sa babaeng 'yon. Maybe because the woman looked too familiar. Or maybe because the way she looked at him earlier felt strange na parang may tinatago Pagkababa ng tawag ay napabuntong-hininga si Trevor bago ibinaba ang cellphone. Pero hindi pa man siya nakakabalik sa trabaho ay may kumatok agad sa pintuan. “Come in.” Pumasok ang assistant niyang si Clara habang mukhang naguguluhan. “Sir…” “Yes?” “May naghahanap daw po sa inyo.” “Who?” iritable niyang tanong, masyado siyang maraming gagawin para sa bisita.. “Tyler daw po ang pangalan.” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Trevor. “Tyler?” “Yes, sir.” Napatingin siya sa relo niya, tinignan kung anong oras. Alangan kung ang Tyler na iyon ay ang bata noong isnag gabi. Dahil kung oo, ay papapasukin niya ito. "Where is he?" “Nasa reception po. Ayaw umalis. Sabi gusto niya raw kayo makita.” Natahimik si Trevor bago napailing nang bahagya. “Send him in.” Pagkalabas ni Clara ay ilang segundo lang ang lumipas bago bumukas ulit ang pintuan ng opisina ni Trevor. At doon pumasok ang maliit na batang may dalang mini backpack. Mabilis itong nagpunta sa tabi ni Trevor ng wlaang alinlangan man lang. Sa hindi inaasahang pangyayari'y bigla na lang ding napangiti si Trevor. Hindi niya maipaliwanag pero parang gumaan agad pakiramdam niya pagkakita sa bata. Tyler looked around curiously nang makalapit sa mesa niya. "Anyway, nice meeting you again, sir." Natawa siya nang mahina. "What are you doing here, I know I gave you my calling card but I didn't expect this one. Your mom, does she know you are here? “Busy si Mommy, eh.” Nanlaki nang bahagya mata ni Trevor. “You sneaked out?” Tumango si Tyler na parang proud pa. “You’re in trouble kiddo.” “And you too,sir.” napaigik ito. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang komportable niya agad sa bata. Parang natural lang kausap ito. At hindi niya alam na ganoon din si Tyler sa kaniya. Walang hiya-hiya. Walang kaba na para bang matagal na silang magkakilala. “Can I play games here?” tanong agad ng bata. “Games?” “Mommy says rich people have many gadgets.” Napataas ang kilay ni Trevor. “Your mommy says that?” na may kaunting pagtawa sa dulo ng salita niya. “Yes po. Pero minsan bad words din.” Napatawa ulit siya nang malakas sa sinabi nito. “Sounds honest, huh.” Makalipas lang ang ilang minuto ay pareho na silang nasa mini lounge ng opisina habang hawak ni Tyler ang gaming console. “Wow! Ang laki ng TV mo, sir!” Trevor smirked. “Of course. I have a lot of money.” “Pwede akin na lang po 'tong isa for sure meron ka sa bahay mo nito. Sa loob ng tatlong oras, halos naging playground ang opisina niya. At ang mas nakakagulat ay hindi siya nainis kahit minsan sa bata. Sa katunayan pa nga'y parang ayaw pa niyang umalis ang bata. Habang sa kabilang banda—halos mabaliw na si Julie kakahanap kay Tyler. Tinawagan siya ng Homeroom teacher nito na hindi raw pumasok ang bata matapos ang lunch time. Halos lahat na ay napagtanungan niya, kamag-anak na malapit, si Draco at maging mga pamilya ng kaklase niya ngunit wala talaga ang anak niya roon. Maging ang emergency phone nito at nakapatay din. Hindi na siya mapakali, sabayan pa ng sermon ng boss niya sa trabahong hidni na nagawa kanina. "Jusko, tyler nasaan ka na ba?" Aniya na naiiyak na. "'Wag niyo naman po sanang pabayaan nag anak ko." pagbulong-bulong niya pa sa srili. Ngunit ang lahat ng pag-iisip niya'y natigil ng bigla niyang naalala ang sinabi minsan ni Tyler noong isang gabi lang after ng unexpected dinner nila kay Trevor. “Mom, expect mo na minsan bigla ako mawawala ha I have Mr. Trevor's work address, look. He gave me his calling card. When I'm bored I'll gonna go and see him." Napatakip na lang siya ng bibig, dinedma niya lang ang sinabing ito ng anak niya noon. Pero ngayon ay baka possible na nado'n nga siya. “I am hoping ” Mabilis niyang kinuha ang bag at agad na pinaharurot ang sasakyan papuntang SD Enterprise! — Tahimik na naglalaro si Tyler sa carpet habang nakaupo si Trevor sa sofa at pinapanood ito. “You really like games, huh?” “Mm-hm.” “Your mommy lets you play this long?” “Nope. She alwaya gets mad." Natawa na lang siya't napatanong pa ng ilang bagay-bagay tungkol sa sarili niya. Kulang na nga lang ay isulat ni Trevor 'yon sa labis na excitement na narraamdaman. Subalit ang saya niang iyon at napalitan ng gulat nga isang oamilyar na boses ang sumigaw pagkabukas agad ng pinto. “TYLER!” Parehong napalingon ang dalawa. Nakatayo roon si Julie. Magulo ang buhok. Namumula ang mga mata at hingal na hingal. Hindi na ito nagawang pigilan ng kaniyang assistant. At nang makita ang anak nito'y halos mawalan ito ng lakas. “Mommy?” gulat na tanong ni Tyler sa ina. Tatayo pa lang si Tyler nang mabilis na itong nilapitan ni Julie at niyakap nang mahigpit. “Anak…” nanginginig nitong sabi habang umiiyak. “Anak… Diyos ko…” Natahimik lang si Trevor habang pinapanood ang mag-ina. Tiyak na magagalit ang babae sa bata kaya bago pa mangyari 'yon ay uunahan na ni Trevor na magpaliwanag. Ngunit bago pa siya makapagsalita'y tumayo na si Julie at sa isang iglap ay isang malutong na sampal ang nakuha niya. PAK! Umalingawngaw sa buong opisina ang malakas na sampal na iyon. Napaling na lang si Trevor dahil doon. Maging si Tyler ay natigilan din sa kaniyang paglalaro. Luhaan siyang tinitigan ni Julie habang mabilis ang paghinga. “Alam mo ba kung gaano ko si Tyler hinanap, ha?!” sigaw nito. “Akala ko may nangyari na sa anak ko!” Tumigas agad ang ekspresyon ni Trevor. “Ms—” “You had him for HOURS! At hindi ka tumawag sa kung sino man ang puwede mong tawagan para ipaalam 'yon?" umalingaw-ngaw pa nang garalgal na boses ni Julie.. “Calm down, okay.” “Don’t tell me to calm down!” Halos manginig siya sa galit at takot. Hindi niya alam kung alin mas matimbang, ang pag-aalala o ang galit niya. “At ikaw!” baling niya kay Tyler. “Anong pumasok sa isip mong bata ka ha?! You don't even know this man. Bakit hindi ka sa Uncle mo pumunta? ” Biglang yumuko ang bata. “I just wanted to see Daddy…” Natahimik ang loob ng buong opisina. Parang huminto ang mundo ni Julie sa sinabi ng anak niya. 'What is he talking about?' Dahan-dahang ding napalingon si Trevor kay Tyler. Then slowly… to her. His eyes is waiting for an answer. At doon tuluyang namutla ang babae."Ano Julie, hindi ka pa ba uuwi?' nakaready nang umalis si Ben pero ako ay mukhang maiiwan na lang saglit dahil sa biglang pagtawag ni Zun JAy, hindi ko puwedeng palampsin 'to. Once in a blue moon lang ako kung maalala ng kaibigan ko na ito eh. At saka sawang-sawa na ako sa pagmumukha at mga rants ni Draco."Sige na, mauna ka na. May importante lang akong kausap. Tapos dadaan din ako sa pantry para kumuha ng tubig," sabi ko sa kaniya na para bang sa building na ito kami nagtatrabaho para magbaon pa ako ng tubig palabas."Okay sige. Magkita na lang tayo bukas ha. Basta isesend ko sa 'yo 'yung na-edit ko." Tuluyang pagpapaalam ni Ben."Okay." May kalakasan niyang sagot at saka muling bumalik sa kinakausap sa kabilang linya."Who is that?'- Zun Jay"Ah, yung partner ko, si Ben. Nakwento ko na siya sa 'yo di ba?" Sagot ko at saka naupo ulit sa isang couch sa harapan ng billiard table."Ah.""Grabe, sobrang tipid naman ng sagot. Ano nang isasagot ko niyang pabalik? Tsk. Napaka mo talaga e
"Sa wakas ay natapos rin tayo." May pa-inat-inat pa si Ben. Napakatagal ng nagugol niyang oras para lang matapos ang kaunting segment ng interview na iyon. At mabuti na lang din dahil hinayan sila ni Trevor na mag-stay sa kanilang re-creational building, malapit lang sa pantry nila kaya naman bukod sa pina-order nitong drinks para sa kanila ay nagkaroon pa sila ng libreng refill ng kape. "Mabuti naman talaga kung gano'n dahil panay ang message ni boss, binigyan na tayo ng ultimatum. After one week daw ay dapat makita na niya ang result," pagpapaalam ni Julie kay Ben ng tungkol sa nais ni Mr. George. "One week? Ano tayo robot? Buti sana kung hindi pa niya tayo pinapag-duty sa OPisina o kaya'y isinasalang sa ilang broadcast. Aba! Puwede bang hatiin na lang natin ang katawan natin? Isa sa pinapagawa niya tapos yung kalahati ay sa harapan ng camera." Panay ang reklamo ni Ben habang inaayos na ang mga gamit sa kaniyang bag."Sinabi mo pa, kayamot nga eh. Pero dahil alipin tayo ng salapi
Inabot sila ng halos one hour para sa unang segment na iyon ng tanungan lang. Nagkarokn ng ilang pag-uulit or takes kapag ka medyo hind pumapasa kay Ben ang shots. Ngayon ay busy si Ben sa pag-e-edit ng unang mga footages. Habang si Julie ay nakatutok naman sa kaniyang tablet, inaayos ang mga susunod na dapat gawin. "So, pack up na bva muna tayo ngayon?" Pabulong ni JUlie sa partner niya."Wait lang, check ko muna 'to," hindi na nagawang tignan ni Ben si JUlie dahil nakafocus na siya sa ginagawa niya."Okay fine. Sabihan mo ako kung may problema." Umayos siya sa pagkakaupo sa couch at muling bumalik sa kaniyang ginagawa.Samantala, bumalik na rin si Trevor sa trabaho niya. Chinecheck niya ang ilang excels na sinend ng Accounting Department sa kaniyang PC. IT was suppose to be the expenses para sa isang project nila na nakatalagang ilabas nextyear, at ngayon na nila sisimulan.Ngunit kahit na gano'n ay hindi naiwasan ni Trevor na tignan ang dalawang tao na kasama niya ngayon sa silid
Ah sir, puwede ka pong sumagot ng English o kaya Tagalog, kung ano pong mas preferred mo," huling paaalala ni Ben bago niya tuluyang simulan ang pag-roll ng camera."Okay."Umilaw ang maliit na pulang bumbilya sa ibabaw ng main kamera ni Ben—signal ito na opisyal nang umaandar ang tape. Huminga nang malalim si Julie. Pinilit niyang pakalmahin ang nagwawalang kabog sa kanyang dibdib.Sa tapat niya, nakaupo si Trevor Stefan DOminguez. Siya ang medyo mailap ngunit matalino, at makapangyarihang aspiring young CEO ng kanyang henerasyon. Ngunit para kay Julie, siya ang lalaking nakitulog sa kanyang apartment noong nakaraang gabi dahil sa matinding kalukunutan nito, ang lalaking nakakita ng kanyang kakalaba lang na underwear sa banyo kinaumagahan, at higit sa lahat—siya ang boyfriend way back college days na bigla niya na lang iniwan nang hindi nagpapaalam.Inayos ni Julie ang hawak na tablet, hinarap ang camera, at isinuot ang kanyang pinakapropesyonal na ngiti. Ang boses niya, nang magsali
Lunes. Sa Opisina ng CEO ng SD Enterprise.Inilapag ni Ben ang bitbit na heavy-duty bag sa makintab na sahig. Walang imik niyang binuksan ang zipper nito aT binuhat ang tripod. Mabilis niyang inilatag iyon, at isinampa ang mabigat na 4k cinema camera bago iniharap ang ilaw.Sa katabing upuan, salo ng malambot na couch si Julie, habang hawak ang kanyang tablet, mabilis na pabalik-balik ang kumpas ng kanyang hinlalaki sa screen. Bahagyang nakakunot pa ang noo nito. Binabasa niya ang listahan ng mga asset ng kumpanya para sa taong 2026, habang ang kabilang kamay ay awtomatikong nag-aayos ng kuwelyo ng kanyang kulay-asul na blazer. Huminga siya nang m6alalim, pinatUnog ang mga daliri, at saka itinuwid ang upo."Julie, pakisalo," bulong ni Ben. Inihagis niya ang isang itim na wireless transmitter.Nasalo ito ni JuLie nang hindi tumitingin. Sanay na niyang isinoot ang manipis na kable sa loob ng kanyang blazer at isinabit ang maliit na mikropono sa kanyang neckline."Wow, walang kupas talag
Nakataas pa ang dalawang kamay ni JUlie habang nag-iinat ng kamay niya. Katatapos lang niya mag-finalize ng reports na ipapasa sa editor na si Mr. George. Nahihingi kasi ito ng update regarding the project na ibinigay sa kaniya, at gusto nito ng nakadocument pa. Wala pa naman talagang progress sa pinapagawa nito dahil ni simula nga ay wala pa silang nagagawa."Oh, ano? Tapos na?" Tanong ni Ben sa kaniya na bigla na lang sumulpot sa may likuran niya."Tingin mo?" Sagot niya. "Ito na ang pinakamahirap na ginawa ko, hay naku." Binunot ni Julie ang USB drive niya after na magsend sa boss ang file na ginawa. "Bahala na si batman, eh sa talagang wala pa naman tayong nagagawa eh." "Kulitin mo na kasi si Mr. Dominguez, na dapat bukas eh matuloy na Ang interview. Baka naman kung kailan nandoon na tayo magkaproblema na naman." Bulong ni Ben habang inaayos ang camera nito sa bag. "Oo na, mamaya magsesend ako ng email." Medyo nakabusangot na sagot ni JUllie. "Lalabas ba tayo ngayon?" Segunda
Dapat ay mags-site visit sila sa Monday, pero dahil sa balita nga na narinig ni Julie ay plinanom niyang magkaroon sila ng maayos na schedule ni Trevor sa i-do-document nila. Kailangan niya ang mas mataas na posisyon kaya kailangan niya ring pagpaguran iyon. Bale, nagset vup pa rin sila ng camera
Julie's POV "So, mind telling me what happened?" Nakaupo si Draco sa harapan ng hapagkainan, may isang baso ng malamig na tubig sa harapan niya. At sa ekspresyon ng mukha nito ay wala siyang balak na palampasin ang gabi na hindi ako nakakapagpaliwanag sa kaniya. Pero naman ang dapat na ipaliwanag
Parang huminto ang oras sa loob ng opisina ni Trevor. "I just wanted to see Daddy..." Nanatiling nakayakap si Tyler sa braso ni Trevor habang inosenteng nakatingala rito. Samantalang si Julie naman ay tila nawalan ng hangin sa dibdib. Nanginig nang bahagya ang mga daliri niya sa labis na gulat.
Napatawa ako, pero kunwari lang. "Ano ka ba? Paano naman tayong magiging magkakilala, ngayon pa nga lang kita nakita. At saka baka namukhaan mo lang ako sa tv niyo. Alam mo kasi reporter ako eh." Ang dami na ng sinabi ko kahit hindi naman niya tinanong. "Reporter?" Kunot-noo na tanong niya. "Y







