Share

Chapter 197

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-06-29 23:04:44
Jenelyn

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Nanatili akong nakatingin kay Tita Mildred, pilit na inuunawa ang mga salitang kakalabas lamang sa bibig niya. Ilang ulit ko iyong binalikan sa isip ko, umaasang baka mali lang ang pagkakarinig ko o kaya ay nadala lang siya ng emosyon.

Ngunit hindi.

Malinaw na malinaw ang sinabi niya.

Mas gugustuhin pa niyang si Christine ang maging asawa ng isa sa mga anak niya kaysa sa akin o kahit sa sinumang babaeng hindi galing sa isang kilalang pamilya.

Kung ib
MysterRyght

Kailangan ng malaman ang tungkol kay Dexter.

| 21
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 201

    BradleyHabang hinihintay ang pormal na pagsisimula ng grand opening ng Salazar Jewelry, abala kaming limang magkakaibigan sa pag-uusap.Nagkukuwentuhan sina David at Oxford tungkol sa magiging expansion ng ilang luxury brands sa Southeast Asia, habang si Gareth naman ay paminsan-minsang sumasabat para kontrahin ang mga opinyon nila. Si Asher, gaya ng nakasanayan, ay tahimik lang na nakikinig ngunit paminsan-minsan ay nagbibitaw ng komento na agad nagpapatigil sa aming lahat.Hindi ko alam kung bakit tungkol doon ang topic gayong malayo naman doon ang kanilang mga negosyo. Normal na eksena na sa amin ang ganito sa tuwing magkikita-kita.Ngunit ang pag-uusap namin ay naputol ng biglang may magsalita."Brad."Naputol ang usapan namin.Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon ng babaeng tumawag sa akin.Hindi ko pa man siya tuluyang makita ay nakilala ko na ang boses na iyon.Isang boses na matagal ko nang hindi gustong marinig.Unti-unting nawala ang anumang emosyon sa aking mukha.Pa

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 200

    JenelynNasa BGC na kami ngayon para sa grand opening ng pinakaunang flagship store ng Salazar Jewelry.Pagpasok pa lamang namin sa boutique ay agad nang bumungad ang elegante at marangyang interior nito. Malinis ang disenyo ng buong store, habang ang mga warm lights na nakapuwesto sa kisame ay nagbibigay ng mas matingkad na kinang sa bawat alahas na nasa loob ng mga glass display cases.Diamond necklaces, emerald rings, sapphire earrings, at iba't ibang luxury jewelry pieces ang maayos na nakaayos sa bawat seksyon. Kitang-kita ang pagiging metikuloso sa bawat detalye, na para bang hindi lamang basta mga alahas ang mga iyon kundi maliliit na obra maestrang ginawa ng mahuhusay na alagad ng sining.Hindi ko maiwasang humanga. Alam kong malaking bahagi ng tagumpay ng store na ito ay dahil kay Bradley. Mula sa konsepto ng brand hanggang sa pagpili ng mga designers na gagawa ng collections, alam kong personal niya iyong tinutukan.Hindi siya iyong tipong umaasa lang sa mga empleyado. Kapag

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 199

    Jenelyn"I think you're crazy," hindi ko napigilang sabihin habang nakatitig nang diretso sa kanya. Halos hindi ako makapaniwalang seryoso siyang binabanggit ang mga bagay na iyon.Nanatili siyang kalmado, parang wala lang sa kanya ang mabigat na usapan."Iniisip mo bang hindi ka tunay na anak ni Tita Mildred?" dagdag ko, pilit hinahanap sa mukha niya ang kahit katiting na senyales na biro lang ang lahat.Ngunit sa halip na sumagot agad, bahagya lamang siyang ngumiti."Ano sa tingin mo?" balik niyang tanong.Napairap ako sa inis."Seriously? Ako pa talaga ang tatanungin mo?" Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. "Magkakamukha kayong magkakapatid. Halos pare-pareho pa nga kayo ng mga mata at facial features. Kitang-kita ring marami kayong namana kay Tito Alfonso. May mga pagkakataon na nakikita ko rin ang ilagn feature ni Tita Mildred sayo. So, anong dahilan para isipin mong hindi ka nila tunay na anak?"Tahimik lang siyang nakatingin sa akin sa loob ng ilang segundo, na para b

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 198

    JenelynTahimik kaming naglakad ni Bradley palabas ng elevator hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa unit niya.Karaniwan ay agad kong napapansin ang komportableng ambiance ng lugar na iyon. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay sa pagpunta roon. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong ibang naiisip kundi ang nangyari sa ospital.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita Mildred.Pakiramdam ko ay may isang malaking piyesa ng palaisipan ang nawawala, at kahit anong pilit kong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng nalalaman ko, hindi pa rin mabuo ang kabuuang larawan.Balak ko sanang dumiretso sa sala, ngunit napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Bradley sa likuran ko."Kanina ka pa tahimik."Marahan akong lumingon sa kanya.Nakatayo lamang siya roon habang tahimik akong pinagmamasdan. Wala siyang ngiti sa labi, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Ano'ng iniisip mo?"Napabuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kanya."Don't you think it's

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 197

    JenelynHindi ako makapaniwala sa narinig ko.Nanatili akong nakatingin kay Tita Mildred, pilit na inuunawa ang mga salitang kakalabas lamang sa bibig niya. Ilang ulit ko iyong binalikan sa isip ko, umaasang baka mali lang ang pagkakarinig ko o kaya ay nadala lang siya ng emosyon.Ngunit hindi.Malinaw na malinaw ang sinabi niya.Mas gugustuhin pa niyang si Christine ang maging asawa ng isa sa mga anak niya kaysa sa akin o kahit sa sinumang babaeng hindi galing sa isang kilalang pamilya.Kung ibang tao ang nagsabi niyon, marahil ay iisipin kong isa lamang iyong padalos-dalos na salita na bunga ng matinding galit. Ngunit iba si Tita Mildred. Ina siya nila Bradley.At iyon ang lalong nakapagpalito sa akin.Hindi ba niya naiisip ang ibig sabihin ng salita niya?Alam naman niyang anak niya si Christine!Tahimik kong pinagmasdan ang reaksiyon ng bawat isa.Halos pare-pareho silang natigilan.Maging si Lolo ay bahagyang nanlaki ang mga mata, habang si Tito Alfonso ay tila nawalan din ng masa

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 196

    BradleyWala pa ring nabibigay na resulta si Charles tungkol sa ipinagagawa kong imbestigasyon.Marahil iyon na lamang ang natitirang dahilan kung bakit napipigilan ko pa ang sarili kong emosyon.Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na wala pa kaming sapat na ebidensya. Hindi pa kumpleto ang lahat ng impormasyon, kaya wala akong karapatang husgahan nang lubusan ang sitwasyon.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko si Mommy na ipinagtatanggol si Christine.Sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang maalala ang katotohanang nagtaksil siya kay Dad.Hindi ko rin makalimutan na sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang itago ang isang napakalaking lihim sa buong pamilya.Hindi ko sinisisi si Christine.Sa totoo lang, wala siyang kasalanan sa mga desisyong ginawa ng mga magulang niya. Hindi niya pinili ang mundong isinilang siya. Ngunit ibang usapan na kapag nakikita kong tila

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 184

    BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakas

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 3

    BradleyPagod na pagod ang pakiramdam ko, gabi na ako dumating at pahinga na talaga ang hanap ko. Pero pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko sa sala si Calvin kaya kunot ang noo ko na napatingin sa aking wristwatch.“It's already 11 P.M. pero nandito ka pa?” tanong ko. Mukhang malalim ang iniisip niy

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 2

    Jenelyn“Ay napakaganda mo, apo…” Lumapad ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi ni Lolo Ruel. Yes. Lumuwas na ako, sinundo ng driver ng mga Salazar sa terminal ng bus sa Cubao at nandito na nga ako sa mansyon nila sa Wack Wack.“Naku, maliit na bagay ho. Kayo naman masyadong honest…” Bahagya ko pang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 1

    Jenelyn“Aray naman po!” bulalas ko ng pingutin ako ng aking lolo sabay lakad papunta sa sofa at sabay kaming naupo doon.“Aray, aray ka dyan! Alam mong hindi masakit, ang arte mo!” tugon niya na inirapan ko naman. “Paano mong nasabi na hindi masakit, naramdaman mo na?” tanong ko pa.“Ako ang pumi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status