Mag-log inAno ang ibig sabihin ni Mildred?
BradleyWala pa ring nabibigay na resulta si Charles tungkol sa ipinagagawa kong imbestigasyon.Marahil iyon na lamang ang natitirang dahilan kung bakit napipigilan ko pa ang sarili kong emosyon.Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na wala pa kaming sapat na ebidensya. Hindi pa kumpleto ang lahat ng impormasyon, kaya wala akong karapatang husgahan nang lubusan ang sitwasyon.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko si Mommy na ipinagtatanggol si Christine.Sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang maalala ang katotohanang nagtaksil siya kay Dad.Hindi ko rin makalimutan na sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang itago ang isang napakalaking lihim sa buong pamilya.Hindi ko sinisisi si Christine.Sa totoo lang, wala siyang kasalanan sa mga desisyong ginawa ng mga magulang niya. Hindi niya pinili ang mundong isinilang siya. Ngunit ibang usapan na kapag nakikita kong tila
Bradley“Bakit ganyan mo na lang kung ipagtanggol ang babaeng 'yan?”Halos manginig na sa galit ang boses ni Mommy habang nakatingin nang masama kay Jenelyn. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Kung wala lang kami sa loob ng ospital at hindi siya napapalibutan ng mga doktor, nurse, at iba pang pasyente, sigurado akong matagal na siyang nagsisigaw.Simula pa lamang nang dumating siya rito ay hindi na niya itinago ang disgusto niya kay Jenelyn, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay lalo lamang umiinit ang dugo ko.Diretso kong sinalubong ang tingin niya. Wala akong balak umatras o iwasan ang usaping ito.“She’s my fiancée,” kalmado ngunit matatag kong sagot. “So naturally, ipagtatanggol ko talaga siya.”Ramdam kong biglang may marahang humila sa laylayan ng coat ko mula sa aking likuran. Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Jenelyn. Hindi siya mukhang kinakabahan o natatakot.Sa halip ay para bang pinapagalitan niya ako gamit lamang ang kanya
BradleyHindi nagtagal ay bumukas ang kurtinang nagsisilbing harang sa pagitan ng mga pasyente sa emergency room.Sabay-sabay kaming napalingon nang makita kong pumasok sina Lolo, Daddy, Mommy, at Christine. Halata sa mga mukha nila ang pagmamadali, marahil ay agad silang nagtungo rito matapos nilang mabalitaan ang nangyari kay Nathan.Napaangat agad ng bahagya ang katawan ng kapatid ko nang makita sila.“Lo, bakit nagpunta ka pa rito?” gulat niyang tanong. “Okay lang naman ako.”Hindi napigilan ni Lolo ang mapairap bago siya tuluyang lumapit sa hospital bed.“Ano bang sinasabi mo?” sagot niya na may halong paninisi ngunit halatang puno ng pag-aalala. “Natural lang na pumunta ako. Apo kita. Sa tingin mo ba, kapag nalaman kong naaksidente ka ay uupo lang ako sa bahay?”Napangiti nang bahagya si Nathan. Alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang sitwasyon.“Pasensya na, Lo. Hindi naman kasi seryoso.”“Hindi seryoso?” taas-noong ulit ni Lolo. “May sugat ka sa ulo tapos sasabihin mong hindi
Bradley“Anong ginagawa mo dito?”Nanlalaki ang mga matang tanong ni Jenelyn nang makalapit ako sa kanya, halata ang pagkagulat niya.At honestly? Mas nagulat ako sa sarili ko. Dahil matapos kong matanggap ang tawag ni Mr. Suarez, hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa ospital.Ang tanging natatandaan ko lang ay ang biglang paglamig ng katawan ko nang marinig kong may aksidenteng nangyari sa campus.At nang mabanggit ang pangalan ni Jenelyn ay parang tumigil sandali ang pag-ikot ng mundo.Kaya heto ako ngayon.Humahangos.Hindi man lang nakapagpalit ng schedule.Hindi man lang naisip ang mga trabaho na naiwan sa opisina.Diretso akong tumungo rito.Hindi ko siya sinagot agad at sa halip ay tinitigan ko muna siya mula ulo hanggang paa.Mabagal.Maingat.Parang may hinahanap akong sugat na baka hindi niya sinasabi.“Bradley?”Napakunot ang noo niya pero hindi pa rin ako tumigil.Tiningnan ko ang mga braso niya, ang mga kamay, leeg, maging ang mukha niya. Pagkatapos ay bahagya k
Bradley“Ito ang mga nakalap na impormasyon ni Matt,” sabi ko habang itinutulak ang folder na nasa ibabaw ng mesa papunta kay Charles. “I want to know kung sino ang kaibigan ni Mommy na dating karelasyon ni Dexter Magsino.”Agad namang dinampot ni Charles ang folder at sinimulang busisiin ang laman nito. Tahimik akong nakasandal sa aking upuan habang pinagmamasdan siyang magbasa.Ang mga dokumentong iyon ay hindi simpleng resulta ng ordinaryong imbestigasyon. Naglalaman iyon ng mga impormasyong matagal nang pinaghirapan ni Matt na makalap mula sa iba't ibang koneksyon at sources.Ang totoo, ang buong file na iyon ay nanggaling kay Jenelyn.Matapos niyang sabihin sa akin ang lahat ng natuklasan niya tungkol kay Dexter Magsino ay ibinigay niya rin ang lahat ng records na hawak niya. Sinabihan ko siya na hindi niya kailangang mag-imbestiga dahil pakiramdam ko ay hindi na niya dapat inuubos ang oras at resources niya para sa isang bagay na wala namang direktang kinalaman sa kanya.Naalala
BradleyHindi ko maiwasang pagmasdan nang mabuti si Jenelyn matapos kong sabihin ang tungkol kay Christine. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang pag-uusap naming ito, may bahagi sa akin na nakaramdam ng pag-aalinlangan.Hindi kaya magbago ang tingin niya sa akin? Hindi kaya magdalawang-isip siya tungkol sa relasyon namin matapos niyang malaman ang pinakamalalaking sikreto ng pamilya Salazar?Tahimik kong pinag-aralan ang bawat reaksyon niya. Kilala ko na siya nang sapat para malaman kung kailan siya kalmado at kung kailan may malalim na iniisip.Sa pagkakataong iyon, malinaw na may gusto siyang sabihin. Nakakunot nang bahagya ang noo niya habang tila may binubuong koneksyon sa isip. Ilang beses pa siyang nagbukas ng bibig ngunit agad ding nagsasara na para bang hindi siya sigurado kung dapat ba niyang ilabas ang iniisip niya.Napangiti ako nang bahagya.“Just say it, future wife,” sabi ko.Napatingin siya sa akin at bahagyang naningkit ang mga mata. “Ganoon ako ka-obvious?”Hin
Bradley“What are you doing here?”Bahagyang napataas ang kilay ni Lolo nang makita niya akong papalapit sa kanya sa sala. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang may hawak na diyaryo at suot ang reading glasses niya na bahagyang nakababa sa ilong. Mukhang hindi niya inaasahan na uuwi ako ngayong gabi.
Bradley“I didn’t know marunong din pala siyang mag-basketball.”Mahinang napalingon ako sa direksyon ng ilang lalaking estudyanteng nag-uusap ilang hakbang lang ang layo mula sa akin. Nakatingin silang lahat sa court habang tila aliw na aliw sa pinapanood.Hindi ko sila pinansin agad.Sa halip ay m
Bradley“Jenelyn!”Mas nilakasan ko pa ang pagtawag ko sa pangalan niya matapos kong mapansin na tila tuluyan na siyang nawalan ng atensyon sa paligid. Kanina pa siya nakatayo, ngunit ngayon ay para bang iisa na lang ang nakikita niya sa buong silid—si Matthew.Doon lang siya tila natauhan.Bahagya
BradleyHanggang sa makaalis si Charles ay nanatili pa rin akong tahimik sa loob ng opisina. Nakaupo lang ako sa swivel chair habang nakasandal at nakatitig sa malawak na bintanang tanaw ang ilang gusali sa labas. Maging ang hawak kong ballpen ay hindi ko namalayang matagal ko nang iniikot sa pagita







