LOGINAng nag-iisang tagapagmana, talented at genius na si Jenelyn Torrecampo ay mamimili sa magkakapatid na Salazar kung sino ang gusto niyang mapangasawa. Makayanan kaya ng seryoso at aroganteng si Bradley ang angas at hyper na ugali ni Jenelyn?
View MoreJenelyn
“Aray naman po!” bulalas ko ng pingutin ako ng aking lolo sabay lakad papunta sa sofa at sabay kaming naupo doon.
“Aray, aray ka dyan! Alam mong hindi masakit, ang arte mo!” tugon niya na inirapan ko naman.
“Paano mong nasabi na hindi masakit, naramdaman mo na?” tanong ko pa.
“Ako ang pumingot sayo kaya alam ko!”
“Ang puso nyo baka malaglag, nakadikit lang ng kulangot yan…” sabi ko kaya nakatanggap ako ng hampas sa braso. “Lo naman…”
“Jenelyn, kailan ka ba magseseryoso? Hindi ako bumabata at wala akong ibang aasahan kung hindi ikaw.”
“Baka naman sa hospital ako damputin sa pagiging seryoso, Lo…”
Napatingala ang matanda sabay pikit bago nagsimulang magreklamo sa patay. “Naririnig mo ba Erlinda ang apo mo? Eleanor, anak, tignan mo ang anak mo…”
“Banggitin nyo na rin si Papa, nahiya pa kayo…” Binigyan ako ng side eye ni Lolo.
“Jenelyn, pinagbigyan kita sa gusto mo. Panahon na para tuparin mo ang usapan natin, luluwas ka sa Maynila para mag-aral. Habang ginagawa mo yon ay kikilalanin mo ang mga apo ng kaibigan ko na si Ruel at mamimili ka sa kanila kung sino ang gusto mong mapangasawa.”
Ayan na nga tayo. Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit ako pumayag noon.
“Paano kung naka graduate na ako at lahat ay wala pa rin akong nagugustuhan sa kanila? Pipilitin mo pa rin ako?”
Huminga siya ng malalim at seryoso ang mukha na tumingin sa akin bago tumugon.
“Sa tingin mo ay hahayaan kitang pumunta doon ng basta lang ng hindi inaalam ang lahat? Alam kong merong nararapat sayo doon. Pero kung sakali, pwede naman gawing negotiable pa.” Ngumisi siya kaya tumirik ang mga mata ko. Akala ko pa naman ay seryoso na siya talaga.
“Bakit parang pakiramdam ko ay may natitipuhan ka na para sa akin?”
“Apo,” sabi niya. “Ngayon ko lang napatunayan na malakas pala ang pakiramdam mo.”
“Lolo naman eh!”
“Ah basta, ang usapan ay usapan. Hindi ka na pwedeng umatras!” Kinampay pa niya ang kamay, halatang nagmamarakulyo.
Nagtagpo ang mga mata namin at naglaban ng titigan.
Simula ng mamatay ang mga magulang ko pati na si Lola ay ganito na kaming dalawa. Parang aso't pusa pero mahal na mahal naman namin ang isa't-isa.
Ayaw ko talagang lumuwas at iwan na naman siya. Gusto ko na sanang manatili dito sa Catanduanes para makasama siya dahil talaga namang matanda na siya.
Pero matigas ang kanyang ulo. Mas gusto niya na masecure ang marriage ko at masiguro daw niya na maayos ang mapapangasawa ko.
Sa totoo lang ay wala pa talaga sa isip ko ang tungkol sa bagay na yon. I'm only 20 pero nakagraduate na ako ng kursong BSIT at Fashion Design sa Boston. Wala tayong magagawa, genius eh. Habang binubuno ng kasing edad ko ang elementary ay tumalon na ako ng high school.
Ayaw ko na rin sanang mag-aral pa dahil may sarili din akong negosyo na kailangang i-monitor bukod pa sa negosyo ng pamilya, pero si Lolo ay gusto pa akong pakuhanin ng kursong architecture. Okay lang naman dahil hilig ko din kaya pumayag na ako.
At ito na nga, sa bahay ng kaibigan niya sa San Juan ako titira habang nag-aaral.
“Pinahanda ko na ang mga requirement mo para sa school. And please lang, seryosohin mo ito.”
“Sigurado ka ba talaga dito, Lo? I mean, hindi mo ba ako mamimiss?”
“Mas gusto ko kung magkakaapo ako sayo sa tuhod kaya bilisan mo ang paggraduate. At wag ka ng magreklamo. Tapos na ang usapan tungkol dito. Natawagan ko na si Ruel at hindi na rin siya makapaghintay na makita ka.”
“Ang akala ko pa naman ay conservative ka tapos gusto mo na akong tumira sa iisang bubong kasama ang isang lalaki?” Kunyari ay reklamo ko. Dati kasi ay madalas niya akong pagsabihan sa tuwing malalaman niya na nakikitulog ako sa bahay ng kaibigan kong lalaki. Lalo na ng nasa Boston ako.
“Wala ng conservative conservative. Dalawa na lang tayong magkasama, kailangan ko na ng mga apo sa tuhod. Kung mabuntis ka habang nag-aaral o kaya kahit kakalipat mo pa lang don ay okay na okay din. Ako na ang bahala sa magiging apo ko sa tuhod at mag-aral ka pa ulit.”
Napamaang ako sa sinabi niya, hindi makapaniwala na lalabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig.
“Matalino ka, may natapos na rin. May sariling negosyo, at hindi basta negosyo ha… Kinikilala sa buong mundo ang fashion brand mo bilang luxury brand. Ano pa ba naman ang hahanapin mo? Anak at asawa na lang ang kulang sayo at parang nag-iisang anak ka na lang ng Diyos sa mundo!”
“Dinamay nyo pa ang Diyos, Lo. Heto lang oh…” sabi ko sabay turo sa aming dalawa. “Heto lang, sa pagitan lang natin ang usapan.”
“Kasi naman, ang dami mo pang tanong. Ang gusto ko lang naman ay mag-asawa ka.”
“Paano kang nakasiguro na papayag ang mapapangasawa ko na dito tumira, aber?” tanong ko na parang naghahamon. “Alam mo naman na mas gusto kong dito lumagay sa tahimik.”
“Jenelyn, kamukha ka ng napaka ganda mong Lola at Mama. Alam kong kayang kaya mong akitin at pasunurin sa gusto mo ang sinumang mapapangasawa mo.”
“Lolo!” bulalas ko. “Akitin talaga?”
“Aba, anong gusto mong mangyari? Lumapit siya sayo ng wala kang gagawin? At sa ugali mo na yan? Baka hindi umubra ang face value mo at masayang lang ang minana mong kagandahan sa mag-ina ko kaya kung kinakailangan ay gamitan mo na rin ng gayuma.”
“Sabihin mo sa akin, Lolo ba talaga kita?”
“Kung hindi mukha ng lola at mama mo ang dala dala mo ngayon ay iisipin kong hindi!”
Ay grabe siya! Napahawak ako sa aking dibdib habang nakikipaglabanan ako sa kanya ng titigan.
Third PersonSamantala, mabilis na binabaybay nina Matt at Jenelyn ang South Luzon Expressway pabalik ng Maynila. Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit hindi iyon ang katahimikang komportable. Mabigat ang hangin sa pagitan nilang dalawa, na para bang pareho silang abala sa kani-kanilang iniisip.Paminsan-minsan ay sumusulyap si Matt sa babaeng nasa passenger seat, ngunit ni minsan ay hindi niya ito nakitang lumingon sa kanya. Mula nang umalis sila sa Manrique Medical Hospital ay hindi na halos nagsalita si Jenelyn. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana habang paulit-ulit na inaalala ang bawat detalyeng nakita niya sa loob ng ospital.Bago pa man sila tuluyang umalis ng Cavite ay nakapagdesisyon na si Jenelyn. Hindi muna siya uuwi sa condo. Kailangan niyang dumaan sa opisina ni Bradley upang ipaalam ang lahat ng kanilang nalaman.Hindi niya alam kung tama ba ang hinalang nabuo sa isip niya, ngunit sapat na ang mga nakita niya upang paniwalaan na may malaking bahagi ng puzzle ang nags
BradleyIyon lang ang nakikita kong posibleng takbo ng mga pangyayari.Kung pagbabatayan ang lahat ng impormasyong nakalap namin sa nakalipas na mga linggo, iisa lang ang direksyong tinuturo ng bawat piraso ng ebidensya. Hindi pa man kumpleto ang puzzle, sapat na ang mga bahagi nito upang mabuo ang isang larawan na pilit naming iniiwasang paniwalaan.Tahimik ang buong opisina.Walang nagsasalita. Tanging ang mahinang ugong ng air conditioner at ang ingay ng mga sasakyang dumaraan sa labas ng gusali ang pumupuno sa katahimikan.Isa-isang nagpalitan ng tingin ang mga kapatid ko. Kitang-kita ko sa kanilang mga mukha ang parehong emosyon na matagal ko nang dinadala—pagkalito, galit, at takot sa katotohanang unti-unti naming binubuksan.Ilang sandali pa ang lumipas bago muling nagsalita si Nathan."Kung si Lilian nga ang babaeng nasa mansyon ngayon..." marahan niyang umpisa habang hindi inaalis ang tingin sa folder na nasa ibabaw ng center table. Unti-unti siyang napatingin sa akin bago ip
BradleyHindi ko alam kung anong oras ang balik ni Jenelyn. Ang huli niyang message ay nagsasabing male-late siya ng uwi dahil may aasikasuhin pa sila ni Matt. Hindi ko na siya kinulit pa. Kilala ko si Jenelyn, kapag sinabi niyang may kailangan siyang gawin, alam kong mahalaga iyon.Kahit gusto kong tanungin kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa nila, pinili kong pigilan ang sarili ko. Hindi dahil wala akong pakialam, kundi dahil nagtitiwala ako sa kanya.Simula nang maging kami, hindi niya kailanman binigyan ako ng dahilan para pagdudahan siya. At kung may isang bagay na gusto kong iparamdam sa future wife ko, iyon ay ang tiwalang buong-buo.Habang wala pa siya, napagdesisyunan kong gawin ang matagal ko nang ipinagpapaliban.Kailangan ko nang kausapin ang mga kapatid ko.Hindi na puwedeng ako lang at si Jenelyn ang nakakaalam ng lahat. Habang palalim nang palalim ang imbestigasyon tungkol kay Dexter Magsino, mas lalo kong nararamdaman na darating ang panahong kakailanganin ko ang
BradleyHalos sunod-sunod na ang mga meeting ko nitong mga nakaraang araw. Kung dati ay kaya ko pang magkaroon ng mahabang oras para mag-review ng mga reports sa sarili kong opisina, ngayon ay tila naging normal na ang paglipat-lipat ko mula sa isang conference room papunta sa isa pa.Meeting dito, meeting doon, at kung minsan ay hindi pa man natatapos ang isa ay may naghihintay nang panibagong agenda.Hindi naman ako nagrereklamo.Sa katunayan, isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito—lumalago ang Salazar Jewelry.Mas dumami ang mga kliyente, mas lumawak ang market, at mas maraming oportunidad ang unti-unting nagbubukas para sa kumpanya. Isa pa, halos araw-araw ay may bagong inquiry mula sa mga local at international clients na gustong magkaroon ng exclusive collections mula sa amin.Malaking bahagi ng tagumpay na iyon ay dahil sa mga disenyo ni EmNagui, ang aking future wife.Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapakinggan ang report ng marketing team. Halos lahat ng bagong coll
JenelynBalik eskwelahan na ako. Mahigit isang linggo na ng bumalik kami ng bansa galing South Korea at syempre, mission failed na makita at makusap si EmNagui.Ang galing talaga ni Charles dahil natuklasan niya ang hotel room ko at nakita si Scarlet doon. Hindi na niya kailangan magsinungaling sina
JenelynPutik yan, mabuti na lang at agad ko siyang nakita. Kung hindi ay baka nabuking na ako.Anong ginagawa niya dito?Bakit siya nandito?Sa pagkakaalam ko ay nasa Grand Hyatt Seoul sila, bakit sila naggala dito?Nakabalik na ako galing meeting at pasakay na ako ng elevator ng maisipan kong magk
Bradley“Where is she staying?” tanong ko kay Charles pagkapasok pa lang namin sa hotel na pansamantala naming tutuluyan habang nandito kami sa South Korea.Hindi ko inaasahan na makita si Jenelyn.Sa totoo lang, ilang segundo rin akong napatigil kanina sa loob ng sasakyan habang pinapanood siyang l
Jenelyn“Nandito ka din?” takang tanong ni Charles, at malinaw sa ekspresyon ng mukha niya na hindi niya inaasahan ang pagkikita namin dito. Bahagyang nakaangat ang kilay niya habang nakatingin sa akin, tila ba sinusubukang ikonekta ang lahat kung paano ako napunta rito.Hindi ko agad sinagot ang ta


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore