LOGINBradley
“Cal! Tinawag niya akong Cal!” iritadong sabi ni Calvin habang palakad-lakad siya sa harapan ko. Nasa study room ako at kasalukuyang tinitignan ang report na binigay sa akin ng aking assistant na si Charles.
Gusto kong magkaroon ng bagong line ng jewelry at for three years ay matunog ang pangalang “EmNagui”. Wala pang nakakakita sa kanya at walang may idea kung paano sila nagtatransact ng fashion luxury brand na Epitome Fashion.
“It's late, itulog mo na lang yan.” Walang buhay ang pagkakasabi ko at nanatili ang mga mata ko sa dokumentong hawak ko.
“Are you not listening? Hindi mo ba naiisip na baka mamaya ay ako na pala ang target niya?” Nag-angat ako ng tingin at ngumiti.
“Congratulations, magkakaasawa ka na.”
“Kuya!” bulalas niya, nanlalaki ang mga mata.
“You know what, I'm really busy. Hindi ko na alam kung paano ko matatagpuan ang hinahanap ko ay dumadagdag ka pa.”
“Alam mo naman siguro na late na. Hindi ka ba magpapahinga man lang?” tanong niya.
“Do I look like I have that luxury?” tanong ko habang ibinalik ang tingin sa report na hawak ko.
“Kuya, sa tingin ko dapat ay matuto ka ring magpahinga. Isipin mo, kapag narelax ka ay lilitaw ang gandang lalaki mo. Kapag lumitaw ang gandang lalaki mo ay hindi ka na magmumukhang matandang masungit,” sabi ni Calvin at mukhang hindi niya napapansin ang paghigpit ng pagkakakapit ko sa folder dahil patuloy pa rin ito sa pagsasalita.
“Sigurado ako na mababaling na sayo ang pagtingin ni Jenelyn. In that way, malaya na akong—”
Bigla siyang tumigil sa pagsasalita ng mapansin niya na ang matalim na tinging binibigay ako.
“In that way, matutulog na ako–” At mabilis na siyang nanakbo palabas ng study room.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Naipatong ko ang aking siko sa lamesa at tsaka hinilamos ang mga kamay sa aking mukha.
I feel so exhausted tapos dumadagdag pa talaga si Calvin? Isama pa ang Jenelyn na ‘yon at ang pagrereto ni Lolo.
Bakit ba kasi ang hirap mahanap ng jewelry designer na ‘yon? Pinahalughog ko na ang buong Boston dahil ayon sa imbestigasyon ay mula doon ang entry ni EmNagui na nanalo sa isang prestihiyosong kompetisyon sa Dubai five years ago.
Three years ago ay mas lalong pumutok ang pangalan niya at nagulat na lang ang lahat ng malaman na pumirma si EmNagui ng kontrata sa Epitome Fashion na noon ay nagsisimula pa lang. Walang kontrata na lumitaw online pero malinaw na ang jewelry collection ng Epitome ay mula sa sikat na si EmNagui kung ang pagbabasehan ay ang mga design nito.
Damn.
Kailangan ko talaga ang jewelry designer na ‘yon. Ang market dito sa bansa ay talagang lumalawak kaya gusto ko na mapasama sa line of jewelry collection ng kumpanya si EmNagui.
Kinusot ko ang aking mga mata at muling tumingin sa folder. Maybe EmNagui just wanted a lowkey life kaya ayaw niya ang nae-expose.
Whatever! Sumasakit pa rin ang ulo ko.
Then, bigla akong natigilan ng maalala na naman si Calvin.
Totoo ba na tinawag siya ni Jenelyn na Cal?
Sa palagay ko ay totoo. Hindi naman magwawala ang ungas na ‘yon ng ganon kung hindi.
Pero si Lolo…
“Bradley, apo. Gusto ko sana na subukan mong kilalanin si Jenelyn. Sa inyong magkakapatid, naniniwala ako na ikaw ang mas nababagay para sa kanya. Sigurado akong hindi ka magsisisi dahil napakalively niya,” sabi ni Lolo sa akin kanina matapos ang aming tanghalian. Hindi na ako pumasok sa opisina at nagdesisyon na lang na dit nga sa bahay magtrabaho.Lively? Sa palagay ko ay mas lalong sasakit ang ulo ko kung magiging asawa ko ang babaeng ‘yon.
Maigi na nga siguro kung sila ni Calvin ang magkatuluyan.
Ako, wala akong balak makisali sa gulo nila.
Si Jenelyn? Mag-aaral daw siya pero dito titira. Hindi naman kami magkikita araw-araw kaya sa palagay ko ay tolerable na ang kaalaman na may kasama kaming ibang tao dito.
Sinara ko ang folder at tumayo para lumabas ng silid at pumunta sa sarili kong kwarto.
Palabas na ako ng biglang tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Charles. Dahil alam kong hindi siya tumatawag ng walang dahilan lalo sa ganitong oras ay agad kong sinagot iyon.
“Sir, medyo good news.”
Medyo lang?
“Say it,” sabi ko sa malamig na tinig at tuluyang lumabas ng study room. Pagsara ko ng pintuan ay saktong nagsalita si Charles.
“Nakarating sa akin ang balita na nandito sa bansa ang hinahanap natin.”
Natigilan ako. “Sigurado ka na nandito sa bansa si EmNagui?” tanong ko, kasunod ang pagbaling ko ng tingin at nakita ko si Jenelyn na tnakatingin sa akin.
For a moment, napansin ko na tila may gulat sa kanyang mukha. Pero dahil medyo madilim ang hallway ay hindi ko na pinansin iyon at tsaka naglakad ako papunta sa aking silid saka pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Charles.
“Okay, make sure na malaman mo agad kung nasaan siya nag-i-stay.”
“Yes, Sir.” Iyon lang at tinapos na namin ang pag-uusap.
Medyo nakahinga ako ng maluwag.
Sana naman ay tuluyan na siyang matagpuan.
Then biglang nagbalik sa isip ko ang mukha ni Jenelyn.
Damn, bakit ba siya pumapasok sa isip ko? Bahala na sila ni Calvin. Mas bagay sila, sa totoo lang.
JenelynTahimik kaming naglakad ni Bradley palabas ng elevator hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa unit niya.Karaniwan ay agad kong napapansin ang komportableng ambiance ng lugar na iyon. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay sa pagpunta roon. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong ibang naiisip kundi ang nangyari sa ospital.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Tita Mildred.Pakiramdam ko ay may isang malaking piyesa ng palaisipan ang nawawala, at kahit anong pilit kong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng nalalaman ko, hindi pa rin mabuo ang kabuuang larawan.Balak ko sanang dumiretso sa sala, ngunit napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Bradley sa likuran ko."Kanina ka pa tahimik."Marahan akong lumingon sa kanya.Nakatayo lamang siya roon habang tahimik akong pinagmamasdan. Wala siyang ngiti sa labi, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Ano'ng iniisip mo?"Napabuntong-hininga ako bago tuluyang humarap sa kanya."Don't you think it's
JenelynHindi ako makapaniwala sa narinig ko.Nanatili akong nakatingin kay Tita Mildred, pilit na inuunawa ang mga salitang kakalabas lamang sa bibig niya. Ilang ulit ko iyong binalikan sa isip ko, umaasang baka mali lang ang pagkakarinig ko o kaya ay nadala lang siya ng emosyon.Ngunit hindi.Malinaw na malinaw ang sinabi niya.Mas gugustuhin pa niyang si Christine ang maging asawa ng isa sa mga anak niya kaysa sa akin o kahit sa sinumang babaeng hindi galing sa isang kilalang pamilya.Kung ibang tao ang nagsabi niyon, marahil ay iisipin kong isa lamang iyong padalos-dalos na salita na bunga ng matinding galit. Ngunit iba si Tita Mildred. Ina siya nila Bradley.At iyon ang lalong nakapagpalito sa akin.Hindi ba niya naiisip ang ibig sabihin ng salita niya?Alam naman niyang anak niya si Christine!Tahimik kong pinagmasdan ang reaksiyon ng bawat isa.Halos pare-pareho silang natigilan.Maging si Lolo ay bahagyang nanlaki ang mga mata, habang si Tito Alfonso ay tila nawalan din ng mas
BradleyWala pa ring nabibigay na resulta si Charles tungkol sa ipinagagawa kong imbestigasyon.Marahil iyon na lamang ang natitirang dahilan kung bakit napipigilan ko pa ang sarili kong emosyon.Paulit-ulit kong pinapaalalahanan ang sarili ko na wala pa kaming sapat na ebidensya. Hindi pa kumpleto ang lahat ng impormasyon, kaya wala akong karapatang husgahan nang lubusan ang sitwasyon.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin sa tuwing nakikita ko si Mommy na ipinagtatanggol si Christine.Sa bawat pagkakataong ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang maalala ang katotohanang nagtaksil siya kay Dad.Hindi ko rin makalimutan na sa loob ng maraming taon ay nagawa niyang itago ang isang napakalaking lihim sa buong pamilya.Hindi ko sinisisi si Christine.Sa totoo lang, wala siyang kasalanan sa mga desisyong ginawa ng mga magulang niya. Hindi niya pinili ang mundong isinilang siya. Ngunit ibang usapan na kapag nakikita kong tila
Bradley“Bakit ganyan mo na lang kung ipagtanggol ang babaeng 'yan?”Halos manginig na sa galit ang boses ni Mommy habang nakatingin nang masama kay Jenelyn. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Kung wala lang kami sa loob ng ospital at hindi siya napapalibutan ng mga doktor, nurse, at iba pang pasyente, sigurado akong matagal na siyang nagsisigaw.Simula pa lamang nang dumating siya rito ay hindi na niya itinago ang disgusto niya kay Jenelyn, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay lalo lamang umiinit ang dugo ko.Diretso kong sinalubong ang tingin niya. Wala akong balak umatras o iwasan ang usaping ito.“She’s my fiancée,” kalmado ngunit matatag kong sagot. “So naturally, ipagtatanggol ko talaga siya.”Ramdam kong biglang may marahang humila sa laylayan ng coat ko mula sa aking likuran. Nang lumingon ako ay bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Jenelyn. Hindi siya mukhang kinakabahan o natatakot.Sa halip ay para bang pinapagalitan niya ako gamit lamang ang kanya
BradleyHindi nagtagal ay bumukas ang kurtinang nagsisilbing harang sa pagitan ng mga pasyente sa emergency room.Sabay-sabay kaming napalingon nang makita kong pumasok sina Lolo, Daddy, Mommy, at Christine. Halata sa mga mukha nila ang pagmamadali, marahil ay agad silang nagtungo rito matapos nilang mabalitaan ang nangyari kay Nathan.Napaangat agad ng bahagya ang katawan ng kapatid ko nang makita sila.“Lo, bakit nagpunta ka pa rito?” gulat niyang tanong. “Okay lang naman ako.”Hindi napigilan ni Lolo ang mapairap bago siya tuluyang lumapit sa hospital bed.“Ano bang sinasabi mo?” sagot niya na may halong paninisi ngunit halatang puno ng pag-aalala. “Natural lang na pumunta ako. Apo kita. Sa tingin mo ba, kapag nalaman kong naaksidente ka ay uupo lang ako sa bahay?”Napangiti nang bahagya si Nathan. Alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang sitwasyon.“Pasensya na, Lo. Hindi naman kasi seryoso.”“Hindi seryoso?” taas-noong ulit ni Lolo. “May sugat ka sa ulo tapos sasabihin mong hindi
Bradley“Anong ginagawa mo dito?”Nanlalaki ang mga matang tanong ni Jenelyn nang makalapit ako sa kanya, halata ang pagkagulat niya.At honestly? Mas nagulat ako sa sarili ko. Dahil matapos kong matanggap ang tawag ni Mr. Suarez, hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa ospital.Ang tanging natatandaan ko lang ay ang biglang paglamig ng katawan ko nang marinig kong may aksidenteng nangyari sa campus.At nang mabanggit ang pangalan ni Jenelyn ay parang tumigil sandali ang pag-ikot ng mundo.Kaya heto ako ngayon.Humahangos.Hindi man lang nakapagpalit ng schedule.Hindi man lang naisip ang mga trabaho na naiwan sa opisina.Diretso akong tumungo rito.Hindi ko siya sinagot agad at sa halip ay tinitigan ko muna siya mula ulo hanggang paa.Mabagal.Maingat.Parang may hinahanap akong sugat na baka hindi niya sinasabi.“Bradley?”Napakunot ang noo niya pero hindi pa rin ako tumigil.Tiningnan ko ang mga braso niya, ang mga kamay, leeg, maging ang mukha niya. Pagkatapos ay bahagya k
BradleyBukod kay Mr. Nolasco ay may ilan pang negosyante ang lumapit sa amin ni Matthew upang makipag-usap. Sunod-sunod ang pakikipagkamay, pagbati, at usapang negosyo kaya kahit gusto ko nang umalis ay napilitan akong manatili.Tapos na ang programa at naipresenta na ang mga dapat abangan sa Salaz
Jenelyn“No, ayaw ko.”Agad na tumaas ang isang kilay ni Bradley habang nakatingin sa akin. Nakatayo kami ngayon sa gitna ng hilera ng mga mamahaling gowns habang ang saleslady sa tabi namin ay tahimik lang na nakamasid. Hawak pa rin nito ang champagne-colored gown na unang ipinakita sa akin, pero m
JenelynAng naging biyahe namin papunta sa boutique ay masasabi kong isa sa pinaka-awkward na biyahe sa buong buhay ko.At hindi dahil sa traffic, kundi dahil kay Bradley.Pakiramdam ko kasi ay biglang nagkabaliktad ang sitwasyon naming dalawa.Dati, ako ang laging nang-aasar sa kanya. Ako iyong hin
Jenelyn“A-Anong ginagawa mo?”Halos pumiyok pa ang boses ko habang pilit kong inilalayo ang mukha ko sa kanya.Kaya lang, habang umiiwas ako ay lalo naman siyang lumalapit.Pakiramdam ko tuloy ay ilang segundo na lang ay mapapahiga na ako sa ibabaw ng table niya kakaatras.Nasa loob kami ng opisina







