Share

Chapter 240

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-07-22 22:52:56

Third Person

“Dad, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit mo sa asawa ko.”

Basag ang katahimikan ng mabigat na tinig ni Alfonso. Nakatingin siya kay Lolo Ruel, puno ng pagkalito at sama ng loob. Hindi niya matanggap ang malamig na pakikitungo ng sariling ama sa babaeng buong puso niyang minahal sa loob ng napakaraming taon.

“Okay naman kayo noong una,” dugtong niya habang pilit na inuunawa ang sitwasyon. “Sa totoo lang, ikaw pa nga ang isa sa mga pinakamasayang tao nang ipaki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 243

    Third Person“I am your father.”Mababa ngunit matigas ang tinig ni Alfonso. Hindi man siya sumisigaw, sapat na ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya upang maramdaman ng lahat ang kanyang hinanakit.“Paano mo nagawa na pagsalitaan ako nang ganyan, Bradley?”Diretso ang tingin niya sa panganay na anak. Hindi niya maitago ang sakit na nararamdaman dahil sa unang pagkakataon ay tila kinukuwestiyon ng sariling anak ang kanyang desisyon bilang ama.“Isa pa,” dugtong pa niya, “sarili mong ina ang pinaparatangan ng lolo mo. Kung hindi ako ang magtatanggol sa kanya, sino pa ang gagawa no'n? Bilang asawa niya, responsibilidad kong protektahan siya. Hindi ko hahayaang may basta na lang magbibintang sa kanya nang walang sapat na dahilan.”Tahimik na nakinig si Bradley.Marami siyang gustong sabihin.Marami siyang gustong ilabas.Sa bawat salitang ipinagtatanggol ng ama ang babaeng nasa tabi nito ay tila mas lalo lamang kumukulo ang dugo niya. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, pilit niyang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 242

    Third Person“Kung hindi mo talaga magagawang tanggapin ang asawa ko, mabuti pang umalis na lang kami rito sa mansyon.”Mabigat ang tinig ni Alfonso nang bitawan niya ang mga katagang iyon. Hindi iyon simpleng pagbabanta o bugso ng damdamin. Ramdam ng lahat na handa siyang panindigan ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Mildred, para bang gusto niyang iparamdam dito na anumang mangyari ay hindi niya ito bibitawan.Nagulat ang lahat ng naroon.“Dad!” halos sabay-sabay na bulalas nina Nathan, Calvin, at Matthew. Hindi nila inaasahang darating sa puntong handang talikuran ng kanilang ama ang tahanang kinalakihan niya para lamang ipagtanggol ang babaeng mahal niya.Nanlaki rin ang mga mata ni Lolo Ruel. Hindi niya inakalang magiging ganoon kabigat ang magiging reaksyon ng anak. Akala niya ay kahit paano ay maglalaan ito ng panahon upang makinig sa kanila, ngunit tila tuluyan na itong nabulag ng pagmamahal kay Mildred.Samantala, bahagyang yumuko

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 241

    Third Person“Dad, simula nang dumating si Jenelyn dito sa mansyon ay mas lalo ninyong hindi nagustuhan si Christine.”Basag ni Mildred sa katahimikan ang mabigat na katahimikan sa loob ng living room.Hindi na niya sinusubukang itago ang sama ng loob na matagal na niyang kinikimkim. Mula nang magsimula ang usapin tungkol sa kanila ni Christine ay pakiramdam niya ay unti-unting nagbabago ang tingin ng buong pamilya sa kanya.“Pati ang magandang trato ko kay Christine ay napansin n’yo na rin,” dugtong pa niya habang nakatingin kay Ruel. “Nakalimutan n’yo na ba? Ang presensya niya ang naging dahilan kung bakit nag-enjoy ako nang bumalik ako rito sa mansyon.”Bahagyang napahigpit ang hawak ni Mildred sa braso ng asawa.Sakto ang tiyempo ng pagsasalita nito.Sakto rin ang punto.At alam niyang iyon ang pinakamabisang paraan upang maibalik ang emosyon ni Alfonso sa panig niya.“Alfonso…” mahina niyang tawag sa asawa na tila ba humihingi ng saklolo.Nakuha naman ni Alfonso ang nais ng asawa

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 240

    Third Person“Dad, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit mo sa asawa ko.”Basag ang katahimikan ng mabigat na tinig ni Alfonso. Nakatingin siya kay Lolo Ruel, puno ng pagkalito at sama ng loob. Hindi niya matanggap ang malamig na pakikitungo ng sariling ama sa babaeng buong puso niyang minahal sa loob ng napakaraming taon.“Okay naman kayo noong una,” dugtong niya habang pilit na inuunawa ang sitwasyon. “Sa totoo lang, ikaw pa nga ang isa sa mga pinakamasayang tao nang ipakilala ko sa inyo si Mildred. Pero simula nang bumalik siya… parang bigla na lang nagbago ang lahat. Para bang naging estranghero siya sa paningin mo.”Tahimik lamang si Lolo Ruel. Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakaupo, nakasandal sa sofa habang pinagmamasdan ang anak na unti-unti nang inilalabas ang lahat ng kinikimkim nitong emosyon.Hindi alam ni Alfonso kung saan nagsimula ang lahat.Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanyang alaala ang mga panahong nagsisimula pa lamang silang dalawa

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 239

    BradleyHindi ko na kailangang hulaan kung bakit biglaan kaming pinauwi ni Lolo sa mansyon.Mula pa lamang nang matapos ang tawag namin ay may mabigat nang pakiramdam na nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero pakiramdam ko ay may nangyari na namang hindi namin inaasahan.Sa buong biyahe ay hindi mapakali ang isip ko. Paulit-ulit kong inalala ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo—ang pag-amin ni Dr. Manrique, ang DNA test na lihim naming isinagawa, at ang posibilidad na anumang maling galaw ay maaaring magbago sa direksyon ng buong imbestigasyon.Pagkababa ko ng sasakyan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong naglakad papasok ng mansyon, ngunit agad akong sinalubong ng isang katahimikang tila mas mabigat kaysa sa anumang sigawan.Hindi iyon ang karaniwang katahimikan ng bahay.Parang lahat ay naghihintay lamang na may tuluyang sumabog.Pagpasok ko sa malawak na living room ay agad kong nakita sina Lolo at ang tatlo kong kapatid. Naroon

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 238

    BradleySunod-sunod ang naging abala ko nitong mga nakaraang araw.Halos wala nang pagitan ang mga meeting sa Salazar Group lalo na sa Salazar Jewelry dahil sa patuloy na pagtaas ng demand para sa mga bagong koleksyon ng kumpanya.Simula nang ilabas ang mga disenyo sa ilalim ng pangalang EmNagui, dumami ang mga negosyante at high-profile clients na gustong magpagawa ng customized jewelry. Araw-araw ay may panibagong proposal na kailangang pag-aralan, kontratang kailangang pirmahan, at mga desisyong ako mismo ang dapat gumawa.Pero kahit gaano pa ako ka-busy sa negosyo, hindi iyon ang pinakaabala sa isip ko.Mas mabigat pa rin ang imbestigasyon laban kay Dexter Magsino.Habang lumalalim ang aming paghuhukay sa katotohanan, mas lalo kong napapatunayan na hindi ordinaryong tao si Dexter. Napakakomplikado ng bawat galaw niya. Alam mong ilang taon niyang pinaghandaan ang lahat ng posibilidad kaya halos wala siyang iniwang bakas.Kung hindi dahil sa tulong ni Jenelyn at sa determinasyon ni

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 4

    JenelynKahit na parang ang haba na naging pahinga ko ng nakaraang araw ay ang sarap pa rin ng tulog ko. Talaga yatang nasobrahan sa tagtag ang katawan ko sa biyahe.Hindi sa minamaliit ko ang ordinary bus, pero sana naman ay ayusin ng Cat’nes Transit ang mga bus nila. Aba eh, bukod sa mag-aalala k

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 3

    BradleyPagod na pagod ang pakiramdam ko, gabi na ako dumating at pahinga na talaga ang hanap ko. Pero pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko sa sala si Calvin kaya kunot ang noo ko na napatingin sa aking wristwatch.“It's already 11 P.M. pero nandito ka pa?” tanong ko. Mukhang malalim ang iniisip niy

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 2

    Jenelyn“Ay napakaganda mo, apo…” Lumapad ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi ni Lolo Ruel. Yes. Lumuwas na ako, sinundo ng driver ng mga Salazar sa terminal ng bus sa Cubao at nandito na nga ako sa mansyon nila sa Wack Wack.“Naku, maliit na bagay ho. Kayo naman masyadong honest…” Bahagya ko pang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 1

    Jenelyn“Aray naman po!” bulalas ko ng pingutin ako ng aking lolo sabay lakad papunta sa sofa at sabay kaming naupo doon.“Aray, aray ka dyan! Alam mong hindi masakit, ang arte mo!” tugon niya na inirapan ko naman. “Paano mong nasabi na hindi masakit, naramdaman mo na?” tanong ko pa.“Ako ang pumi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status