INICIAR SESIÓNKinabukasan matapos ang insidenteng may kinalaman sa drawing ni Junie, nagising si Graziel nang mas maaga hindi dahil sa alarm kundi dahil sa alaala ng batang babae.
Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na silid. Sa isip niya ay paulit-ulit na bumabalik ang drawing na ipinakita ni Junie sa kaniya kagabi.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung matatawa ba siya o dapat siyang mag-alala. Hindi niya alam kung normal lang ba iyon para sa isang bata o may mas malalim na dahilan kung bakit ganoon ang iniisip ni Junie.
Dahan-dahan siyang bumangon saka niya nag-ayos ng sarili at pagkatapos ay lumabas ng silid.
Tahimik pa rin ang mansion katulad ng dati. Napakalaki ng bahay ngunit parang walang buhay. Sa buong bahay, si Junie lang yata ang nagbibigay ng kulay sa lugar.
Habang naglalakad siya papuntang kusina ay may nasalubong siyang dalawang kasambahay. Nginitian niya ang mga ito ngunit tila nagulat ang dalawa at pagkatapos ay mabilis na yumuko.
"Good morning po."
Napakurap siya. Hindi pa rin siya sanay sa formakity ng mga tao rito. Sa café na pinagtatrabahuhan niya noon, lahat ay parang magkakapamilya pero dito parang lahat ay may invisible wall sa isa't isa.
Sabagay parang lahat kasi ay takot makagawa ng mali at baka matanggal pa sa trabaho.
Bandang alas nuwebe ng umaga ay abala siya sa pag-aayos ng mga bulaklak sa malaking living room nang makarinig siya ng mabilis na yabag. Ngumiti siya agad kasi kilala na niya ang may-ari ng mga yabag na iyon at hindi nga siya nagkamali.
Makalipas ang ilang segundo ay lumitaw si Junie. Nakasuot ito ng cute na dilaw na dress. Magulo pa ang buhok nito at tila kakagising lamang.
"Graziel!"
Napatawa siya. "Good morning."
The little girl immediately wrapped her arms around her waist. Napailing si Graziel habang hinahaplos ang buhok nito.
"Nag-almusal ka na ba?"
Junie shook her head. "Not yet."
"Bakit?"
The child frowned dramatically. "Because eating alone is boring."
Napatawa siya dahil sa kaartehan ng bata.
"Nasaan ang daddy mo?"
"Working."
Of course, hindi na siya nagtaka.
Sa loob ng tatlong araw niya sa mansion, napansin niyang halos hindi lumalabas sa opisina si Kevin. Palagi itong nasa office nito at nakaharap na naman sa trabaho. Hindi niya alam kung paano nito nakakaya na palaging nakatutok sa laptop. Kung siya ang ganoon araw-araw, baka matagal na siyang nabaliw.
Pagkatapos ng almusal ay muli siyang sinundan ni Junie. Halos buong umaga ay parang nakadikit ang bata sa kanya. Nang maglinis siya ng guest room, naroon si Junie. Nang magpunta siya sa laundry room, naroon din si Junie. Nang mag-ayos siya ng bookshelf, sumunod pa rin si Junie.
Napatawa na lamang siya.
"Junie, hindi ka ba nagsasawa sa akin?"
"No."
"Bakit?"
Napaisip ang bata sa tanong niya at pagkatapos ay simple nitong sinabi,
"Because you're nice."
Napatigil si Graziel, parang may kung anong kumurot sa puso niya. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil parang matagal nang naghahanap ng taong magsasabi noon sa kanya o siguro dahil naramdaman niyang hindi basta salita lang iyon para kay Junie.
At bigla niyang naisip...
Gaano kaya kalungkot ang batang ito bago siya dumating?
Ang tanong na iyon ay nanatili sa isip ni Graziel habang pinagmamasdan si Junie na nakaupo sa sahig at abalang binibihisan ang isang stuffed rabbit nito.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang boses ni Mrs. Santos.
"Miss Graziel."
Agad siyang napalingon at naroon ang matanda sa pintuan. Mahigpit pa rin ang ekspresyon nito gaya ng dati.
"Mr. Torres wants to see you."
Parang biglang bumigat ang sikmura niya. Lagot! Parang ito na ang kinatatakutan niya.
Napalunok siya. "Ngayon po?"
"Yes."
Agad siyang tumayo at nang lingunin niya si Junie, nakangisi ito.
"You're not in trouble."
Napakurap siya. "Paano mo alam?"
The little girl shrugged. "Daddy only gets that face when he's annoyed."
Napaisip siya. May iba't ibang mukha pala si Kevin Torres?
Dahil sa nakikita niya, iisa lang naman. Masungit at nakakatakot.
Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang nakatayo sa harap ng opisina ni Kevin. Mas kinakabahan siya ngayon kaysa noong unang beses na nagkita sila ng amo niya. Parang ito na yata ang first na mapapa principal office siya ah.
Huminga siya nang malalim bago kumatok.
"Come in."
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Tulad ng dati, nakaupo si Kevin sa likod ng malaking mesa nito.
Hindi man lang ito agad tumingin. Parang sanay na itong magtrabaho habang nakikipag-usap.
"Close the door."
Agad niyang ginawa ang sinabi nito at pagkatapos ay tumayo siya sa gitna ng opisina. Hindi alam kung uupo ba o mananatiling nakatayo. Sa huli, pinili niyang manatiling nakatayo.
Sa wakas ay iniangat ni Kevin ang tingin. At muli niyang naranasan ang kakaibang pakiramdam tuwing nakakatitigan niya ang lalaki.
Hindi dahil gwapo ito, bagama't totoo naman iyon.
Hindi rin dahil mayaman ito kundi dahil sa mga mata nito. Parang kahit kaharap mo na siya, hindi mo pa rin siya maabot. Napaka-intimidating talaga ng boss niya.
"Sit."
Agad siyang umiling. "Ayos lang po ako, Sir."
Ilang segundo siyang tinitigan ni Kevin at pagkatapos ay tila sumuko ito.
"Fine."
Muling bumalik ang tingin nito sa isang dokumento at muling tahimik ang buong silid at habang tumatagal, mas lalo siyang kinakabahan. Hanggang sa wakas ay nagsalita rin ito.
"This is about Junie."
Napakurap siya. Siyempre. Sino pa nga ba? Sa loob ng tatlong araw, parang umiikot na ang buong buhay niya sa batang iyon.
"Okay po."
Ipinatong ni Kevin ang hawak na ballpen at sa unang pagkakataon ay direkta itong tumingin sa kanya.
"She likes you."
Napalunok siya. Hindi niya alam kung ano ang tamang sagot. Kaya ang nasabi lang niya ay—
"Mukhang ganon nga po, Sir"
Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Kevin parang hindi nito inaasahan ang sagot. Ngunit hindi ito nagkomento sa halip ay tumayo ito at naglakad patungo sa malaking bintana.
"Junie gets attached easily, especially to people who are kind to her."
"Sir, wala naman po akong balak na—"
"I know."
Mabilis nitong putol at napabuntong-hininga si Kevin.
"She has lost people before and when someone leaves... she takes it hard."
Natahimik siya. Bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Mrs. Santos. Ang mga yaya at ang mga kasambahay, at ang mga taong umaalis sa mansion.
Ilan kaya sa mga iyon ang naging malapit kay Junie? Ilang beses kaya itong nasaktan? Ilang beses kaya nitong naramdamang iniiwan siya?
Kaya pala ganito ka-protective si Kevin. Hindi para sa sarili nito kundi para sa anak nito.
Naramdaman niyang bahagyang lumambot ang tingin niya sa lalaki. Hindi man niya lubos na naiintindihan si Kevin, naiintindihan niya ang takot nito. Dahil siya rin naman ay may taong mahal na ayaw niyang masaktan katulad ng kanyang Mama.
"I understand, sir."
Tahimik na tumango si Kevin.
"Good. Just don't make promises you can't keep."
Napatigil siya. At sa pagkakataong iyon, hindi si Kevin ang narinig niya kundi isang taong minsan nang nawalan. Isang taong natatakot na mangyari ulit iyon sa anak niya.
Tahimik siyang tumango at sumagot. "I won't."
At saka siya lumabas.
Pakiramdam ni Graziel ay hindi na siya makahinga. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakahiya. Ang katotohanang sinabi ni Junie ang tungkol sa usapan nila o ang paraan ng pagtingin ni Kevin sa kanya matapos sabihin ang mga salitang iyon."I think I already know."Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip niya at lalo lamang uminit ang kanyang mukha. Wala na talagang ginawang matino si Junie ngayong araw. Parang tama nga ang sinabi ng Daddy na troublemaker ito. Kasi ngayon pa lang, gumugulo na ang utak niya. Dios mio!"Daddy!" Masayang sabi ni Junie at mukhang tuwang-tuwa sa direksyong tinatahak ng usapan. "You know na po?"Kevin leaned casually against the edge of the desk."I have a feeling."Nanlaki ang mga mata ni Graziel. Hindi. Hindi niya puwedeng hayaan na magpatuloy ang usapan na to tapos nandito siya sa silid at makikinig sa mag-ama. Kung hindi, mamamatay siya sa hiya."May gagawin pa po ako sa kusina." Bigla niyang sabi habang mabilis na tumatayo at halos mabangga pa niya ang
Hindi agad nakasagot si Graziel. Nagulat siya sa sinabi nito at parang wala siyang mahanap na salita para isagot sa bata. Nakakagulat ba naman kasi at masasabi mong nagbibiro lang si Junie. Ayaw nito kay Vanessa na ito nga ang pinakabagay sa Daddy nito tapos sasabihin nitong siya ang gusto nito? What the heck! Hindi niya ma-gets kung saan nito kinukuha ang mga idea nito.Napabuntonghininga siya at nanatili lang siyang nakatitig kay Junie habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang isang salita."You."Parang napakasimple ng pagkakasabi ng bata na parang gets nito ang sinasabi nito. Na para bang wala itong alam sa gulong idinudulot nito sa isip ng isang tao.At marahil ay ganoon nga.Pitong taong gulang lang si Junie at wala itong alam sa komplikasyon ng mga relasyon. Wala itong alam sa sinasabi nito at hindi nito naiintindihan. Wala itong alam sa pagkakaiba ng mundo nilang mga matatanda.Sa mga bagay na hindi puwedeng mangyari kahit gaano pa kaganda pakinggan. Siguro bunga l
Tahimik na naglakad sina Kevin at Junie palabas ng living room. Mahigpit pa ring nakahawak ang bata sa kamay ng ama nito habang patuloy na nakasimangot. Para itong maliit na ulap na handang bumagyo anumang oras. Pinapakita talaga nito na parang ayaw na ayaw nito sa bisita nila.Napailing na lang at nagkibitbalikit si Graziel habang nakasunod sa mag-ama. Wala naman siyang magagawa kung galit talaga ang bata. Hindi nga ito mapakalma ng tatay nito, siya pa kaya na isa lang maid diba? Napabuga na lang siya ng hangin ng wala sa oras.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang matinding inis ni Junie kay Vanessa. Sa ilang linggong pagkakakilala niya rito, nakita na niyang magtampo ang bata. Nakita na rin niyang magalit ito ngunit hindi kailanman na ganito ka lala.Parang personal talaga ang galit ng bata. Parang may malalim itong dahilan kaso hindi niya lang ito matanong kung ano. Wala rin naman siya sa posisyon para magtanong diba?Pagdating nila sa ikalawang palapag ay dumiretso sila sa s
Hindi alam ni Graziel kung matatawa ba siya o maaawa. Dahil habang tumatagal ang araw, mas lalo niyang napapatunayan na seryoso si Junie nang sabihin nitong hindi nito gusto si Vanessa Del Rosario.At mukhang wala rin itong balak itago iyon. Kung maldita siya, parang mas maldita pa kasi itong si Junie. Pinapanindigan talaga nito na ayaw nito kay Vanessa. Palagi nitong tinitingnan ng masama ang babae pero ang malala, parang balewala lang din naman dito ang ginagawa ni Junie. Parang hindi effective dito ang ginawa ng bata.Pero kahit ganon ang nangyayari, walang pakialam si Junie. Siguro iniisip nito na ito ang may-ari ng bahay. At ang taong ayaw nito ay aawayin talaga nito. Kaya napapailing na lang siya kahit gusto na niyang matawa. Bata nga naman talaga.Pagsapit ng tanghalian ay nakahain na ang pagkain sa malaking dining room ng mansion. Yong dining table na inasikaso nilang lahat kanina. Dito pa talaga sa dining table na sobrang laki at mahaba na kasya siguro ang mahigit dalawampun
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero iba ang pakiramdam niya nang araw na iyon. Halos hindi niya masundan ang mga kilos ng mga maid kaya napakamot na lang siya sa ulo niya. Halos busy ang lahat sa hindi niya malamang dahilan.Maaga siyang nagising at agad na bumaba para tumulong sa kusina, nakakahiya naman sa iba na hindi na magkandaugaga sa pagtatrabaho. Katulad ng nakasanayan, tahimik pa ang buong mansion pero sa kusina ay sobrang busy na ng mga katulong. At nang pumunta siya sa kusina ay nandon ang mga tunog ng mga kubyertos at mahinang pag-uusap ng mga katulong. Pero hindi niya talaga mapigilang magduda, parang kakaiba talaga ang nangyayari ngayon. Kasi kung normal na araw lang hindi naman magmumukhang tensyonado ang mga kasama niya. Pero ngayon, sobrang bilis nilang magsikilos kaya muli siyang napakamot sa leeg niya saka na lang niya napagpasyahan na mag-ayos ng mga bulaklak na dumating kahapon.Habang nag-aayos siya ng mga bulaklak sa dining table, napansin niyang ilang beses
Lumipas ang mga linggo. Ay hindi namamalayan ni Graziel, unti-unti nang nagbabago ang buhay niya. Maging ang buhay sa Torres Mansion.Kung noong una siyang dumating ay pakiramdam niya ay isa siyang estrangherong naglalakad sa loob ng isang napakalaki at napakalamig na bahay, ngayon ay tila iba na.Hindi na ganoon katahimik ang mansion. Hindi na ganoon kabigat ang hangin. At hindi na rin ganoon kalungkot ang pakiramdam ng lugar.Minsan, habang naglalakad siya sa hallway, nakakarinig siya ng tawanan. Minsan naman ay naririnig niya ang malakas na boses ni Junie na parang walang kapaguran sa pagkukuwento.At kung minsan, naririnig pa niya ang isa pang tawang hindi niya kailanman inakalang maririnig nang madalas.Ang tawa ng boss niya."Ano po'ng nangyari dito?"Napahinto si Graziel sa kusina dahil nagkalat sa countertop ang harina. May basag pa na itlog at may gatas din sa gilid. At ang malala pa may iang mangkok na parang nagkaroon ng isang malagim na trahedya.At sa gitna ng lahat ng ka
Nang araw na iyon, pakiramdam ni Graziel Fernandez ay sabay-sabay siyang sinampal ng tadhana.Nagsimula ang lahat sa isang simpleng meeting sa café na pinagtatrabahuhan niya. Nakahanay silang lahat sa harap ng counter habang nakayuko ang manager nila. Hindi na kailangang magsalita pa nito upang mal
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay may kung anong binabalak si Junie. Mula pa noong araw na na-trap sila ni Kevin sa library, mas lalo nang naging masigla ang bata. Okay naman yon sa kaniya na naging masigla ito kasi mas madalas na itong ngumiti at mas madalas na itong tumawa
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay mas dumidikit si Junie sa kanya habang tumatagal. Tatlong araw pa lamang siya sa Torres Mansion, ngunit tila matagal na silang magkakilala ng bata.Mula umaga hanggang gabi ay halos hindi siya nito tinatantanan. Habang nag-aayos siya ng mga
Kung may isang bagay na natutunan si Graziel matapos makilala si Junie Torres, iyon ay ang katotohanang hindi marunong lumayo ang batang iyon kapag may nagustuhan. At mukhang siya ang napili nitong bagong paboritong tao. Na para bang ginawa siyang literal na laruan ng bata at ayaw nitong mahiwalay







