INICIAR SESIÓN
Nang araw na iyon, pakiramdam ni Graziel Fernandez ay sabay-sabay siyang sinampal ng tadhana.
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng meeting sa café na pinagtatrabahuhan niya. Nakahanay silang lahat sa harap ng counter habang nakayuko ang manager nila. Hindi na kailangang magsalita pa nito upang malaman nilang may masamang balita.
Kitang-kita iyon sa mukha nito na parang ayaw pa nga nitong gawin na tipunin silang lahat. At alam na niya kung anong kasunod, magtatanggal ito ng trabahante.
Sana naman, Lord, hindi ako ang tanggalin, mahina niyang dasal habang nakapikit. Napahigpit ang kapit ni Graziel sa apron na suot niya.
"Pasensya na kayo," mahinang sabi ng manager nila at tiningnan pa sila isa-isa na halos napapahikbi pa.
Ito na nga bang sinasabi niya, mukhang tama nga siguro ang hinala niya. May tatanggalin nga siguro sa kanila. Sinulyapan niya ang mga kasama niya. Mukhang imposible namang tanggalin ang iba niyang kasama kaya for sure na siya ang matatanggal.
Napapikit na lang siya. Hindi rin kasi pwedeng matanggal siya, kailangan niya ng pera.
"Pero magsasara na ang café sa katapusan ng linggo."
Parang biglang tumigil ang mundo. May mga napabuntong-hininga sa kasama niya, may napamura at may naiyak pa.
Samantalang siya naman ay natulala lang. Hindi niya agad naproseso ang sinabi nito.
Magsasara? Pag-ulit ng utak niya.
Ibig sabihin wala na siyang trabaho. Wala nang sasahurin. Wala na siyang perang iuuwi. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatayo roon bago siya natauhan.
At hanggang ngayon na nandito na siya sa ospital ay dala pa rin niya ang bigat ng balita. Napamura pa siya nang maalala ang nangyari kanina, nawalan siya ng trabaho.
Nakaupo ang kanyang ina sa kama habang nakangiti ito ngunit alam niyang pilit lamang ang ngiting iyon. Matagal nang may sakit ang kanyang ina. Ilang taon na silang lumalaban. Ilang taon na rin siyang nagtatrabaho para lamang matustusan ang gamot at pagpapagamot nito.
"Kamusta ang trabaho?" tanong ng kanyang ina.
Napilitan siyang ngumiti. "Ayos lang po, Ma."
Hindi niya kayang sabihin agad ang totoo. Ayaw niyang dagdagan pa ang mga alalahanin nito.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang doktor at may hawak itong folder habang seryoso ang mukha.
Kinabahan agad siya. Kasi sa tuwing ganon ang mukha ng doctor ng mama niya, alam niyang masamang balita din ang hatid nito sa kaniya. Parang naka-subscribe yata siya ngayon sa unli-problema ah. Kailan kaya expiration nito?
"Miss Fernandez, maaari ba tayong mag-usap sandali?" tanong sa kaniya ng doctor.
Tumango siya at lumabas sila ng silid at doon niya narinig ang ikalawang dagok ng araw na iyon.
"Kailangan na nating magsimula ng panibagong treatment plan para sa nanay mo."
Napakurap siya. Sabi na nga ba eh. Parang lahat talaga ng instinct niya, nangyayari. Problema nga ang hatid sa kaniya ng doctor.
Naglabas muna siya ng malalim na hininga. "Magkano po kaya ang magagastos, doc?"
Sinabi ng doktor ang halaga at nanlaki ang kanyang mga mata. Parang gusto niyang matawa o umiyak. Hindi na niya alam fahil kahit pagsamahin ang lahat ng naipon niya sa loob ng ilang taon, hindi pa rin sasapat iyon.
"May iba pa po bang paraan?" mahina niyang tanong.
Malungkot na umiling ang doktor. "Sa ngayon, ito ang pinakamainam na option, Miss Fernandez."
Napatango na lang siya. Best option na pala pero bakit ang mahal pa rin?
Pagkatapos umalis ng doktor ay napasandal siya sa malamig na pader ng ospital. Pinilit niyang pigilan ang mga luha. Pero isa pa ring luha ang kumawala.
Pagod na pagod na siya. Pakiramdam niya ay buong buhay niya na lang siyang tumatakbo. Nagtatrabaho, nagsasakripisyo at lumalaban. Pero bakit parang hindi pa rin sapat?
Napapikit siya. Hindi siya maaaring sumuko. Hindi dapat ngayon. Hindi dapat siya susuko kasi kailangan siya ng kaniyang Mama. Kapag sumuko siya, dilikado silang mag-ina.
Kinabukasan ay halos buong araw siyang naghanap ng trabaho. Nagpasa siya ng resume sa iba't ibang establishments. Mapa-restaurant, hotel, convenience store, kahit nga call center ay pinasok na niya. Ngunit karamamihan ay wala daw talagang bakante. Ang iba pa nga ay gusto ng may experience.
Pagsapit ng hapon ay halos mawalan na siya ng pag-asa. Hanggang sa may nakita siyang job posting.
LIVE-IN MAID NEEDED
TORRES MANSION
Malaki ang sweldo na inooffer, may libreng bahay na, may libreng pagkain pa at higit sa lahat ay direct na tanggap na daw.
Ngunit may isang problema. Kilalang-kilala ang may-ari ng mansion na si Kevin Torres. Bilang isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. At ayon sa mga balita at tsismis, isa rin daw sa pinakamahirap pakisamahan.
Napailing siya. Sa sitwasyon niya ngayon, wala siyang karapatang mamili ng trabaho kasi kailangan na kailangan niya ng pera. At kailangan niya ito agad.
Kaya hindi siya nagsayang ng oras, agad niyang pinuntahan ang mansion na tinutukoy sa job posting. Wala siyang karapatan talaga ngayon na mag-inarte. Kahit pa maid ay papatusin na niya para sa may sakit niyang nanay.
Pagbaba pa lamang niya ng taxi ay parang gusto na niyang umatras. Nalula siya sa bahay na nasa harapan niya. Napakalaki ng Torres Mansion at mas mukha pa itong hotel kaysa bahay.
Napapalibutan ito ng matataas na gate at magagandang garden. Maging ang fountain sa harapan ay mas malaki pa kaysa sa inuupahan nilang bahay noon.
Napalunok siya. Ano ba ang ginagawa niya rito? Mukha siyang langgam kumpara sa lugar na ito. Ngunit huli na para umatras. Nandito siya para mag-apply ng trabaho.
Huminga siya nang malalim bago pumasok at agad naman siyang sinalubong ng isang babaeng nasa limampung taong gulang.
Mahigpit ang postura nito at seryoso ang mukha.
"Ikaw si Graziel Fernandez?"
"Opo."
"Ako si Mrs. Santos. Head housekeeper."
Tumango siya. Mula roon ay sinimulan siyang ilibot sa mansion. Habang naglalakad sila ay isa-isang ipinaliwanag ni Mrs. Santos ang mga rules ng bahay. Pero wala sa matanda ang atensyon niya, mas naka focus siya sa bahay na hindi na niya talaga alam kung bahay pa ba to.
Nagkikita pa kaya ang mga tao dito?
"Walang pakikialam sa personal na buhay ng amo."
Tumango siya.
"Walang pagpasok sa opisina niya nang walang pahintulot."
Tumango ulit siya.
"Walang pagkuha ng litrato sa loob ng mansion."
"Opo."
"At higit sa lahat..." Huminto ito at tumingin sa kanya. "Huwag mong bibigyan ng dahilan si Mr. Torres para tanggalin ka."
Napakurap siya. Ang OA naman.
"Ganon po ba siya kahigpit?"
Napabuntong-hininga ang matanda.
"Sa loob ng dalawang taon, labing-isang maid na ang umalis."
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Labing-isa?"
Tumango ito.
"Kung gusto mong magtagal dito, gawin mo lang ang trabaho mo."
Biglang kinabahan si Graziel ngunit pinatatag niya ang sarili. Kailangan niya ang trabahong ito. Para sa kanyang ina at para sa kanilang kinabukasan. Hindi siya maaaring umatras.
Matapos ang mahabang orientation ay binigyan siya ng simpleng uniporme. Agad siyang nagsimula sa kanyang unang assignment. Maglinis ng isa sa mga hallway sa ikalawang palapag.
Tahimik ang buong mansion at nakakailang ang katahimikan na para bang walang nakatira dito. Tanging tunog ng kanyang pamunas lang ang maririnig. Habang abala siya sa paglilinis ay napansin niyang medyo madilim na sa labas.
Hindi niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras. Bitbit ang isang kahon ng cleaning supplies, naglakad siya sa mahabang pasilyo. Subalit sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang taong papalapit mula sa kabilang direksyon.
Bumangga siya rito.
"Ay!"
Nabitawan niya ang hawak na kahon at nagkalat ang mga gamit sa sahig.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"T-teka lang po—"
Agad siyang lumuhod upang pulutin ang mga nahulog ngunit nang maiangat niya ang ulo ay natigilan siya.
Matangkad, gwapo, matigas ang panga, matangos ang ilong at may pares ng malamig na matang tila kayang basahin ang buong pagkatao niya sa isang tingin.
Hindi niya kailangang magtanong, alam na niya agad kung sino ito.
Walang iba kundi si Kevin Torres. Ang may-ari ng mansion. Ang bilyonaryong boss niya. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya na walang emosyon at ni hindi man lang ngumiiti. Walang kahit anong palatandaan ng kabaitan.
Pakiramdam ni Graziel ay bigla siyang naging estudyanteng nahuling nangongopya.
"Pasensya na po," mabilis niyang sabi.
Hindi agad ito nagsalita sa halip ay tumingin lang ito sa kanya. Pagkatapos ay tumingin sa nagkalat na gamit sa sahig at muling tumingin sa kanya. Wala man lang itong balak tumulong.
Sa wakas ay nagsalita rin ito.
"I hope you last longer than the others."
Pagkatapos sabihin iyon ay nilampasan siya nito.
Pakiramdam ni Graziel ay hindi na siya makahinga. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakahiya. Ang katotohanang sinabi ni Junie ang tungkol sa usapan nila o ang paraan ng pagtingin ni Kevin sa kanya matapos sabihin ang mga salitang iyon."I think I already know."Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip niya at lalo lamang uminit ang kanyang mukha. Wala na talagang ginawang matino si Junie ngayong araw. Parang tama nga ang sinabi ng Daddy na troublemaker ito. Kasi ngayon pa lang, gumugulo na ang utak niya. Dios mio!"Daddy!" Masayang sabi ni Junie at mukhang tuwang-tuwa sa direksyong tinatahak ng usapan. "You know na po?"Kevin leaned casually against the edge of the desk."I have a feeling."Nanlaki ang mga mata ni Graziel. Hindi. Hindi niya puwedeng hayaan na magpatuloy ang usapan na to tapos nandito siya sa silid at makikinig sa mag-ama. Kung hindi, mamamatay siya sa hiya."May gagawin pa po ako sa kusina." Bigla niyang sabi habang mabilis na tumatayo at halos mabangga pa niya ang
Hindi agad nakasagot si Graziel. Nagulat siya sa sinabi nito at parang wala siyang mahanap na salita para isagot sa bata. Nakakagulat ba naman kasi at masasabi mong nagbibiro lang si Junie. Ayaw nito kay Vanessa na ito nga ang pinakabagay sa Daddy nito tapos sasabihin nitong siya ang gusto nito? What the heck! Hindi niya ma-gets kung saan nito kinukuha ang mga idea nito.Napabuntonghininga siya at nanatili lang siyang nakatitig kay Junie habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang isang salita."You."Parang napakasimple ng pagkakasabi ng bata na parang gets nito ang sinasabi nito. Na para bang wala itong alam sa gulong idinudulot nito sa isip ng isang tao.At marahil ay ganoon nga.Pitong taong gulang lang si Junie at wala itong alam sa komplikasyon ng mga relasyon. Wala itong alam sa sinasabi nito at hindi nito naiintindihan. Wala itong alam sa pagkakaiba ng mundo nilang mga matatanda.Sa mga bagay na hindi puwedeng mangyari kahit gaano pa kaganda pakinggan. Siguro bunga l
Tahimik na naglakad sina Kevin at Junie palabas ng living room. Mahigpit pa ring nakahawak ang bata sa kamay ng ama nito habang patuloy na nakasimangot. Para itong maliit na ulap na handang bumagyo anumang oras. Pinapakita talaga nito na parang ayaw na ayaw nito sa bisita nila.Napailing na lang at nagkibitbalikit si Graziel habang nakasunod sa mag-ama. Wala naman siyang magagawa kung galit talaga ang bata. Hindi nga ito mapakalma ng tatay nito, siya pa kaya na isa lang maid diba? Napabuga na lang siya ng hangin ng wala sa oras.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang matinding inis ni Junie kay Vanessa. Sa ilang linggong pagkakakilala niya rito, nakita na niyang magtampo ang bata. Nakita na rin niyang magalit ito ngunit hindi kailanman na ganito ka lala.Parang personal talaga ang galit ng bata. Parang may malalim itong dahilan kaso hindi niya lang ito matanong kung ano. Wala rin naman siya sa posisyon para magtanong diba?Pagdating nila sa ikalawang palapag ay dumiretso sila sa s
Hindi alam ni Graziel kung matatawa ba siya o maaawa. Dahil habang tumatagal ang araw, mas lalo niyang napapatunayan na seryoso si Junie nang sabihin nitong hindi nito gusto si Vanessa Del Rosario.At mukhang wala rin itong balak itago iyon. Kung maldita siya, parang mas maldita pa kasi itong si Junie. Pinapanindigan talaga nito na ayaw nito kay Vanessa. Palagi nitong tinitingnan ng masama ang babae pero ang malala, parang balewala lang din naman dito ang ginagawa ni Junie. Parang hindi effective dito ang ginawa ng bata.Pero kahit ganon ang nangyayari, walang pakialam si Junie. Siguro iniisip nito na ito ang may-ari ng bahay. At ang taong ayaw nito ay aawayin talaga nito. Kaya napapailing na lang siya kahit gusto na niyang matawa. Bata nga naman talaga.Pagsapit ng tanghalian ay nakahain na ang pagkain sa malaking dining room ng mansion. Yong dining table na inasikaso nilang lahat kanina. Dito pa talaga sa dining table na sobrang laki at mahaba na kasya siguro ang mahigit dalawampun
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero iba ang pakiramdam niya nang araw na iyon. Halos hindi niya masundan ang mga kilos ng mga maid kaya napakamot na lang siya sa ulo niya. Halos busy ang lahat sa hindi niya malamang dahilan.Maaga siyang nagising at agad na bumaba para tumulong sa kusina, nakakahiya naman sa iba na hindi na magkandaugaga sa pagtatrabaho. Katulad ng nakasanayan, tahimik pa ang buong mansion pero sa kusina ay sobrang busy na ng mga katulong. At nang pumunta siya sa kusina ay nandon ang mga tunog ng mga kubyertos at mahinang pag-uusap ng mga katulong. Pero hindi niya talaga mapigilang magduda, parang kakaiba talaga ang nangyayari ngayon. Kasi kung normal na araw lang hindi naman magmumukhang tensyonado ang mga kasama niya. Pero ngayon, sobrang bilis nilang magsikilos kaya muli siyang napakamot sa leeg niya saka na lang niya napagpasyahan na mag-ayos ng mga bulaklak na dumating kahapon.Habang nag-aayos siya ng mga bulaklak sa dining table, napansin niyang ilang beses
Lumipas ang mga linggo. Ay hindi namamalayan ni Graziel, unti-unti nang nagbabago ang buhay niya. Maging ang buhay sa Torres Mansion.Kung noong una siyang dumating ay pakiramdam niya ay isa siyang estrangherong naglalakad sa loob ng isang napakalaki at napakalamig na bahay, ngayon ay tila iba na.Hindi na ganoon katahimik ang mansion. Hindi na ganoon kabigat ang hangin. At hindi na rin ganoon kalungkot ang pakiramdam ng lugar.Minsan, habang naglalakad siya sa hallway, nakakarinig siya ng tawanan. Minsan naman ay naririnig niya ang malakas na boses ni Junie na parang walang kapaguran sa pagkukuwento.At kung minsan, naririnig pa niya ang isa pang tawang hindi niya kailanman inakalang maririnig nang madalas.Ang tawa ng boss niya."Ano po'ng nangyari dito?"Napahinto si Graziel sa kusina dahil nagkalat sa countertop ang harina. May basag pa na itlog at may gatas din sa gilid. At ang malala pa may iang mangkok na parang nagkaroon ng isang malagim na trahedya.At sa gitna ng lahat ng ka
Kinabukasan matapos ang insidenteng may kinalaman sa drawing ni Junie, nagising si Graziel nang mas maaga hindi dahil sa alarm kundi dahil sa alaala ng batang babae.Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na silid. Sa isip niya ay paulit-ulit na bumabalik ang drawing
Kung may isang bagay na natutunan si Graziel matapos makilala si Junie Torres, iyon ay ang katotohanang hindi marunong lumayo ang batang iyon kapag may nagustuhan. At mukhang siya ang napili nitong bagong paboritong tao. Na para bang ginawa siyang literal na laruan ng bata at ayaw nitong mahiwalay
Hindi naging maganda ang tulog ni Graziel noong unang gabi niya sa Torres Mansion. Maayos naman sana ang higaan niya pero ang utak naman niya ang hindi. Stress na stress talaga siya don sa nangyari sa kaniya. Akala niya talaga ay first day niya ay magiging last day na rin dahil don sa kapalpakan ni
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay may kung anong binabalak si Junie. Mula pa noong araw na na-trap sila ni Kevin sa library, mas lalo nang naging masigla ang bata. Okay naman yon sa kaniya na naging masigla ito kasi mas madalas na itong ngumiti at mas madalas na itong tumawa







