INICIAR SESIÓNKung may isang bagay na natutunan si Graziel matapos makilala si Junie Torres, iyon ay ang katotohanang hindi marunong lumayo ang batang iyon kapag may nagustuhan. At mukhang siya ang napili nitong bagong paboritong tao. Na para bang ginawa siyang literal na laruan ng bata at ayaw nitong mahiwalay sa kaniya.
Akala niya mas okay kung close siya sa anak ng amo niya pero parang wrong move yata tong pinasok niya. Kasi mula umaga hanggang hapon ay halos hindi siya tinantanan ni Junie. Sunod talaga ito nang sunod sa kaniya.
Nang matapos siyang maglinis ng hallway, sumunod agad ang bata. Nang magpunta siya sa kusina, naroon din si Junie. Nang maglinis siya ng guest room, sumunod ulit ito. Para siyang may maliit na anino o mas tamang sabihin...
Para siyang may buntot. At hindi nakakatuwa iyon. Kulang na lang na pati sa CR ay sumama din ito. Dios mio, para yang nadagdagan ang bangs niya sa stress niya sa batang to.
"Junie," natatawang sabi niya habang inaayos ang mga bedsheet. "Hindi ka ba napapagod?"
Dinadaan na lang niya sa tawa. Hirap na hirap tuloy siyang magtrabaho ng maayos dala ng panay sunod nito sa kaniya.
"No," mabilis nitong sagot at may pailing-iling pa.
Parang naiintindihan na niya kung umalis ang dati nitong yaya dahil na rin sa ginagawa nito. Wala na talaga siyang privacy kasi pati sa kwarto niya ay sunod ito nang sunod. Hindi na tuloy siya makapagpahinga.
"Seryoso ka ba? Di ka talaga napapagod."
"Yes."
Napailing na lang siya sagot nito. Mukhang hindi talaga ito napapagod eh. Punong-puno ng energy ang bata at trip talaga siya nitong sundan buong araw. Ang hinihiling na lang niya ay sana kinabukasan ay makalimutan nito na nagkakilala sila.
Pero tangina, parang imposible, bulong niya sa sarili. Sa ngiti pa lang ni Junie ay mukhang hindi talaga mangyayari na makakalimutan siya nito..
Nakaupo lamang si Junie sa gilid ng kama habang pinapanood siya. Minsan ay nagtatanong ito ng mga kung ano-ano, minsan ay nagkukuwento, at minsan naman ay basta lang nakatitig sa kanya na parang sinusuri siya at parang may iniisip.
Nakakatuwa man, oo, pero medyo nakakailang din. Kahit nga siguro sa panaginip ay hindi niya naisip na may isang anak ng bilyonaryo na ganito ang trip.
"May problema ba, Junie?" tanong niya dito at agad naman itong umiling.
"Nothing." Sagot nito pero nanatili itong nakatitig sa kaniya kaya lalo siyang kinabahan kasi pakiramdam niya ay may binabalak ito.
At tama nga siya. Hindi pa niya alam kung gaano kakulit ang anak ni Kevin Torres.
Pagsapit ng tanghalian ay nagtungo siya sa kusina upang kumain. Hindi naman siya nagulat nang makita si Junie na naghihintay na roon ngunit nagulat siya sa ginawa nito.
Agad nitong hinila ang upuan sa tabi niya.
"I'm eating here."
Napakurap siya. "Sa tabi ko?"
"Yes."
"Nasaan si daddy mo?"
"Dining room."
Napatingin siya sa kabilang bahagi ng kusina, napakalayo ng dining room ng pamilya at sigurado siyang hindi basta-basta kumakain doon ang mga empleyado.
"Junie, baka hanapin ka ng daddy mo."
Umiling ito. "He knows where I am."
At parang tapos na ang usapan kasi kahit parang anong sabihin niya ay hindi naman ito nakikinig eh.
Napatawa na lang si Graziel.
Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng batang ganito katigas ang ulo at habang kumakain sila ay tuloy-tuloy ang kuwento ni Junie. Tungkol sa paaralan nito, sa paborito nitong cartoons, sa mga kaklase nitong nakakainis at sa mga bagay na gusto nitong gawin kapag bakasyon.
Halos hindi ito nauubusan ng sasabihin at sa hindi niya inaasahan ay natutuwa siyang pakinggan ang mga kwento nito.
Pagkatapos ng tanghalian ay lumipat naman siya sa laundry room. May mga damit na kailanga niyang tiklupin. Tahimik niyang ginagawa ang trabaho nang may biglang sumulpot na maliit na kamay.
Napalingon siya at si Junie na naman. May hawak itong tuwalya.
"I'm helping."
Napatawa siya. "Talaga?"
Tumango ang bata at pagkatapos ay nagsimula itong magtupi at doon niya natuklasang hindi pala marunong magtupi si Junie.
Mukhang bola ang naging resulta, hindi tuwalya.
Napahagalpak siya ng tawa at napasimangot naman ang bata.
"What's funny?"
"Iyan ba ang pagtutupi?"
"It's folded."
"Iba yata ang definition natin ng folded, ah."
Nagkatinginan sila at pareho silang natawa. Sa unang pagkakataon ay tila naging normal ang araw ni Graziel. Nakalimutan niya kahit paano ang mga problema niya dahil sa simpleng batang ito.
Kinahapunan ay inilibot siya ni Junie sa mansion na para bang ito ang may-ari. Ay syempre pagmamay-ari naman talaga nito. Ikaw ba naman ang maging anak ng isang Kevin, eh.
"That's Daddy's office." Turo nito.
Napatingin siya sa malaking pinto atnaaalala niya agad ang bilin ni Mrs. Santos na bawal pumasok doon.
"That's my room."
Tumango siya. Napakalaki ng silid ni Junie at mas malaki pa sa bahay nila noon.
"And that's where Daddy drinks coffee when he's pretending he's not sad."
Napahinto siya. "Ano?"
Nagkibit-balikat si Junie. "Sometimes he sits there and stares outside."
Natahimik si Graziel at hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kahit bata pa si Junie, mukhang napapansin nito ang lahat. Pati ang mga bagay na pilit itinatago ng ama nito.
Pagsapit ng gabi ay bumalik siya sa kanyang silid. Pagod siya pero naging masaya naman ang gabi araw niya. Hindi niya akalaing magiging magaan ang unang buong araw niya sa mansion.
Kakatanggal lamang niya ng uniporme nang may kumatok sa pinto. Pagbukas niya ay nakita niya si Junie. May hawak itong papel at may ngiting abot-tainga.
"I made something."
Napangiti siya. "Ano iyan?"
"Look."
Iniabot nito ang papel at kinuha niya iyon at agad siyang natigilan.
Drawing iyon at tatlong tao ang nasa larawan. Isang matangkad na lalaki, isang batang babae at isang babae. Magkahawak-kamay ang tatlo.
Napangiti siya nang bahagya. Cute sana iyon. Hanggang sa mabasa niya ang nakasulat sa ibabaw.
MY FAMILY
Parang may kung anong tumigil sa kanyang utak.
Napakurap siya at muli niyang tiningnan ang drawing. Pagkatapos tiningnan niya si Junie at muli siyang napatingin sa drawing nito.
"Junie..."
Ngumiti ang bata. "Do you like it?"
"Uh..."
Hindi niya alam ang sasabihin. Kitang-kita na siya ang babaeng nasa drawing dahil nakasuot ito ng maid uniform.
"Junie, bakit ako kasama?"
Tila nagtaka pa ito sa tanong niya. "Because you're part of it."
Napatulala siya dahil hindi niya alam kung matatawa ba siya o kakabahan dahil mukhang mas lumalala na ang imahinasyon ng batang ito.
Makalipas ang isang oras ay bumaba si Junie upang ipakita ang drawing sa ama nito. Nasa living room noon si Kevin at may hawak na tablet at abalang nagbabasa ng business reports.
"Daddy."
Hindi agad ito tumingin sa bata.
"Yes baby?"
"Look."
Iniabot ni Junie ang papel at ama at kinuha iyon ni Kevin. At nang makita ang drawing ay agad na nag-iba ang ekspresyon nito.
Naningkit ang mga mata nito at pagkatapos ay tumingin sa anak.
"Junie."
Ngumiti ang bata. "Nice, right?"
Napabuntong-hininga si Kevin.
"Stop making assumptions."
Agad na sumimangot si Junie. "But—"
"No."
Tumayo si Kevin. "She's an employee."
Nawala ang ngiti ng bata ngunit ilang segundo lang ay bumalik agad ang ngiti nito dahil mabilis itong nakaisip ng panibagong argumento.
At tulad ng dati ay diretso itong nagsalita at walang preno.
"Then marry her."
Nanigas si Kevin at tuluyang natigilan sa sinabi ng bata. Maging ang kasambahay na dumaan sa likuran ay muntik pang madapa.
Napalunok si Kevin dahil hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa o mag-aalala dahil mukhang seryoso ang anak niya.
“Marry her, Daddy, please…”
Pakiramdam ni Graziel ay hindi na siya makahinga. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakahiya. Ang katotohanang sinabi ni Junie ang tungkol sa usapan nila o ang paraan ng pagtingin ni Kevin sa kanya matapos sabihin ang mga salitang iyon."I think I already know."Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip niya at lalo lamang uminit ang kanyang mukha. Wala na talagang ginawang matino si Junie ngayong araw. Parang tama nga ang sinabi ng Daddy na troublemaker ito. Kasi ngayon pa lang, gumugulo na ang utak niya. Dios mio!"Daddy!" Masayang sabi ni Junie at mukhang tuwang-tuwa sa direksyong tinatahak ng usapan. "You know na po?"Kevin leaned casually against the edge of the desk."I have a feeling."Nanlaki ang mga mata ni Graziel. Hindi. Hindi niya puwedeng hayaan na magpatuloy ang usapan na to tapos nandito siya sa silid at makikinig sa mag-ama. Kung hindi, mamamatay siya sa hiya."May gagawin pa po ako sa kusina." Bigla niyang sabi habang mabilis na tumatayo at halos mabangga pa niya ang
Hindi agad nakasagot si Graziel. Nagulat siya sa sinabi nito at parang wala siyang mahanap na salita para isagot sa bata. Nakakagulat ba naman kasi at masasabi mong nagbibiro lang si Junie. Ayaw nito kay Vanessa na ito nga ang pinakabagay sa Daddy nito tapos sasabihin nitong siya ang gusto nito? What the heck! Hindi niya ma-gets kung saan nito kinukuha ang mga idea nito.Napabuntonghininga siya at nanatili lang siyang nakatitig kay Junie habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang isang salita."You."Parang napakasimple ng pagkakasabi ng bata na parang gets nito ang sinasabi nito. Na para bang wala itong alam sa gulong idinudulot nito sa isip ng isang tao.At marahil ay ganoon nga.Pitong taong gulang lang si Junie at wala itong alam sa komplikasyon ng mga relasyon. Wala itong alam sa sinasabi nito at hindi nito naiintindihan. Wala itong alam sa pagkakaiba ng mundo nilang mga matatanda.Sa mga bagay na hindi puwedeng mangyari kahit gaano pa kaganda pakinggan. Siguro bunga l
Tahimik na naglakad sina Kevin at Junie palabas ng living room. Mahigpit pa ring nakahawak ang bata sa kamay ng ama nito habang patuloy na nakasimangot. Para itong maliit na ulap na handang bumagyo anumang oras. Pinapakita talaga nito na parang ayaw na ayaw nito sa bisita nila.Napailing na lang at nagkibitbalikit si Graziel habang nakasunod sa mag-ama. Wala naman siyang magagawa kung galit talaga ang bata. Hindi nga ito mapakalma ng tatay nito, siya pa kaya na isa lang maid diba? Napabuga na lang siya ng hangin ng wala sa oras.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang matinding inis ni Junie kay Vanessa. Sa ilang linggong pagkakakilala niya rito, nakita na niyang magtampo ang bata. Nakita na rin niyang magalit ito ngunit hindi kailanman na ganito ka lala.Parang personal talaga ang galit ng bata. Parang may malalim itong dahilan kaso hindi niya lang ito matanong kung ano. Wala rin naman siya sa posisyon para magtanong diba?Pagdating nila sa ikalawang palapag ay dumiretso sila sa s
Hindi alam ni Graziel kung matatawa ba siya o maaawa. Dahil habang tumatagal ang araw, mas lalo niyang napapatunayan na seryoso si Junie nang sabihin nitong hindi nito gusto si Vanessa Del Rosario.At mukhang wala rin itong balak itago iyon. Kung maldita siya, parang mas maldita pa kasi itong si Junie. Pinapanindigan talaga nito na ayaw nito kay Vanessa. Palagi nitong tinitingnan ng masama ang babae pero ang malala, parang balewala lang din naman dito ang ginagawa ni Junie. Parang hindi effective dito ang ginawa ng bata.Pero kahit ganon ang nangyayari, walang pakialam si Junie. Siguro iniisip nito na ito ang may-ari ng bahay. At ang taong ayaw nito ay aawayin talaga nito. Kaya napapailing na lang siya kahit gusto na niyang matawa. Bata nga naman talaga.Pagsapit ng tanghalian ay nakahain na ang pagkain sa malaking dining room ng mansion. Yong dining table na inasikaso nilang lahat kanina. Dito pa talaga sa dining table na sobrang laki at mahaba na kasya siguro ang mahigit dalawampun
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero iba ang pakiramdam niya nang araw na iyon. Halos hindi niya masundan ang mga kilos ng mga maid kaya napakamot na lang siya sa ulo niya. Halos busy ang lahat sa hindi niya malamang dahilan.Maaga siyang nagising at agad na bumaba para tumulong sa kusina, nakakahiya naman sa iba na hindi na magkandaugaga sa pagtatrabaho. Katulad ng nakasanayan, tahimik pa ang buong mansion pero sa kusina ay sobrang busy na ng mga katulong. At nang pumunta siya sa kusina ay nandon ang mga tunog ng mga kubyertos at mahinang pag-uusap ng mga katulong. Pero hindi niya talaga mapigilang magduda, parang kakaiba talaga ang nangyayari ngayon. Kasi kung normal na araw lang hindi naman magmumukhang tensyonado ang mga kasama niya. Pero ngayon, sobrang bilis nilang magsikilos kaya muli siyang napakamot sa leeg niya saka na lang niya napagpasyahan na mag-ayos ng mga bulaklak na dumating kahapon.Habang nag-aayos siya ng mga bulaklak sa dining table, napansin niyang ilang beses
Lumipas ang mga linggo. Ay hindi namamalayan ni Graziel, unti-unti nang nagbabago ang buhay niya. Maging ang buhay sa Torres Mansion.Kung noong una siyang dumating ay pakiramdam niya ay isa siyang estrangherong naglalakad sa loob ng isang napakalaki at napakalamig na bahay, ngayon ay tila iba na.Hindi na ganoon katahimik ang mansion. Hindi na ganoon kabigat ang hangin. At hindi na rin ganoon kalungkot ang pakiramdam ng lugar.Minsan, habang naglalakad siya sa hallway, nakakarinig siya ng tawanan. Minsan naman ay naririnig niya ang malakas na boses ni Junie na parang walang kapaguran sa pagkukuwento.At kung minsan, naririnig pa niya ang isa pang tawang hindi niya kailanman inakalang maririnig nang madalas.Ang tawa ng boss niya."Ano po'ng nangyari dito?"Napahinto si Graziel sa kusina dahil nagkalat sa countertop ang harina. May basag pa na itlog at may gatas din sa gilid. At ang malala pa may iang mangkok na parang nagkaroon ng isang malagim na trahedya.At sa gitna ng lahat ng ka
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay mas dumidikit si Junie sa kanya habang tumatagal. Tatlong araw pa lamang siya sa Torres Mansion, ngunit tila matagal na silang magkakilala ng bata.Mula umaga hanggang gabi ay halos hindi siya nito tinatantanan. Habang nag-aayos siya ng mga
Kinabukasan matapos ang insidenteng may kinalaman sa drawing ni Junie, nagising si Graziel nang mas maaga hindi dahil sa alarm kundi dahil sa alaala ng batang babae.Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na silid. Sa isip niya ay paulit-ulit na bumabalik ang drawing
Hindi naging maganda ang tulog ni Graziel noong unang gabi niya sa Torres Mansion. Maayos naman sana ang higaan niya pero ang utak naman niya ang hindi. Stress na stress talaga siya don sa nangyari sa kaniya. Akala niya talaga ay first day niya ay magiging last day na rin dahil don sa kapalpakan ni
Nang araw na iyon, pakiramdam ni Graziel Fernandez ay sabay-sabay siyang sinampal ng tadhana.Nagsimula ang lahat sa isang simpleng meeting sa café na pinagtatrabahuhan niya. Nakahanay silang lahat sa harap ng counter habang nakayuko ang manager nila. Hindi na kailangang magsalita pa nito upang mal







