Share

Kabanata 2

Author: Miss A.
last update publish date: 2025-03-08 12:24:21

AIA'S POV

Lahat ng babaeng madaanan namin dito sa loob ng restaurant ay napapasunod ng tingin sa kasama kong lalaki. Kanda haba na ang leeg ng mga babaihang ito kakahabol ng tingin sa Boss ko na todo alalay naman saakin papunta sa table na u-okupahan namin.

Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi naman talaga si Dark ang klase ng tao na mahilig makiulayaw sa ibang tao. Sya ay yung tipo ng lalaking aakalain mong suplado. Oo marami na syang babaeng naka s*x pero lahat ng yon ay hindi naman sya ang nag first move. Hindi ka nya papansinin kapag hindi mo rin sya pinansin, yan ang attitude ng lalaking kaharap ko ngayon na abala na sa pag pili ng kakainin nya sa menu.

"May naorder ka na ba?" baling nya saakin sa malambing na tinig.

“Kumain na ako kanina. Umorder ka na ng pagkain mo, wag mo na akong intindihin.”

Ngumiti na lang ako dito para ipakitang ayos lang ako.

“Umorder ka na kahit dessert lang. Ayoko naman kumain ng nakatanga ka lang sa harap ko.”

Sa 9 years na pagiging secretary ko sakanya, kabisado ko na ang ugali nya. Alam kong kapag inutos nya ay kailangan mong sundin. Napaka bossy! Sabagay, sya nga naman ang boss ko.

Wala akong nagawa kundi mag order na lang ng dessert gaya ng sinabi nya.

Nang dumating ang pagkain namin ay sinimulan na nyang kumain. Hindi ko naman mapigilan pag masdan sya habang kumakain. Gwapo naman talaga itong boss ko kaya hindi nakakapag taka kung ang mga kababaihan ang syang nag aalay ng kanilang sarili sakanya. Bukod sa gwapo ay matikas din ang pangangatawan. Bakas sa suot nitong Suit ang mga muscles nitong humahapit sa kanyang kasuotan.

“Malulusaw na yang ice cream mo.” puna nito saakin na nahuli akong nakamasid sakanya. Para naman akong napahiya kaya naman mabilis kong ibinaling ang atensyon ko sa ice cream sa harapan ko at sinimulang kumain.

"Pinagnanasahan mo din pala ako ng palihim Huh?” nasamid ako sa sinabi nya. Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang aking labi saka sya tinaasan ng isa kong kilay.

“Asa ka!” tumaas naman ang gilid ng labi nito na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.

“Ayaw pang umamin. Hindi naman kita masisi kung pati ikaw ma-attract saakin. Kasalanan ko bang maging gwapo?” bigla naman nagtayuan ang balahibo ko sa katawan sa sobrang taas ng self confidence ng kaharap ko. Oo gwapo naman talaga sya pero hindi nya ba alam ang salitang "be humble?”

“Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo sir!” tumawa naman ito na mas lalo niyang ikinagwapo. Pero kahit gaano pa sya ka gwapo ay hinding hindi ako mahuhulog sa mokong nato! Ayokong magaya sa mga babaeng pinarausan nya lang at iniwan din.

Wala sa bukabularyo ng isang ito ang salitang settlement. Sa dami ng babaeng binayo nya wala pa akong nakitang sineryoso nya. Ni wala pa syang ipinakilalang girl friend nya. Ang lakas ng loob nyang asarin ako na no boy friend since birth eh sya nga rin, no girl friend since birth Pero di na virgin.

“Bilisan mo ng kumain sir Dark may meeting ka pa ng 2pm Kay Mr. Gonzales.” pag iiba ko na lang ng usapan. Ilang sandali lang ay natapos na rin ito sa pagkain at bumalik na rin kami sa opisina.

“Alam mo kung di lang tayo close iisipin kong may relasyon kayo ni Sir Dark.” ani sakin ni Brenda na isa sa office staffs. Nasa pantry area kami nag cocoffee break.

2:30 pm na. Nakaalis na ang aking boss at umattend ng meeting sa ibang lugar. May mga pagkakataon na hindi nya ako sinasama dahil kaya na daw nya. Mas pabor yon saakin dahil pag wala sya ay nakakapag relax ako dahil walang nag uutos. Kapag nariyan kasi ang amo ko ay halos sa office na nya ako mag lagi dahil hindi na siya nawalan ng ipagagawa saakin.

"Kung ano-anong naiisip mo Brenda!” suway ko sakanya.

"Hindi ka man lang ba na fo-fall kay sir Dark? Halos araw-araw kayong magkasama and iba ang treatment nya sayo kumpara saamin na lagi syang naka singhal. Dami kayang naiinggit sayo kasi close kayo ni Sir."

“Ano bang pinag sasabi mo? Alam mo hinding hindi ako ma iinlove sa palikero. Sisirain ko lang ang buhay ko. Kami ni Sir ay parang magkaibigan lang. Mabait naman kasi si Sir eh. Ayaw nya lang sa mga abusadong tao at mapag samantala.” titig na titig naman saakin si Brenda na tila inaaral ang mga sinasabi ko. Halatang hindi ito kumbinsido.

“29 ka na. Wala ka bang balak mag Boy friend na?” pag iiba nito ng usapan.

Haist! Heto na naman sila.. Lahat na lang sila pino problema ang edad ko. Ano bang masama sa edad ko? Eh sa hindi ko pa nakikita ang Mr. Right ko! Bakit ba masyado silang na pe-pressured sa kaalamang 29 na ako? Nakakairita!

“Alam mo Brenda, sahalip na problemahin mo ang love life ko, bumalik na tayo sa gawain natin at tapusin mo na yung ginagawa mo, dahil kailangan ko na yan maipasa kay Sir bukas na bukas.” tumayo na ako at iniwan na sya sa pantry.

Walang katuturan ang magpaliwanag ng magpaliwanag sakanila kung bat hanggang ngayon ay wala pa akong jowa.

Bumalik na ako saaking cubicle at ginawa ang aking trabaho. 5am na ng makabalik ang boss ko. Dumaan ito sa table ko at naglapag ng paper bag ng joll***e sa lamesa ko saka nag tuloy na sa kanyang opisina. Binuksan ko naman ang paper bag at napa ngiti naman ako ng malawak ng makitang iyon ang favorite kong fries at coke float. Hindi nya talaga nakakalimutan pasalubungan ako sa tuwing babalik sya galing sa meeting.

Nag text na lang ako sakanya ng Thank you message bilang pasasalamat na agad nya namang nireplayan ng U'r welcome.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (26)
goodnovel comment avatar
Heide S. Abata
nice. continue pls.
goodnovel comment avatar
Mary Rose Villarin Janda
ganda ng story
goodnovel comment avatar
Savannah Jean Orilla
yes nakakakilig
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Playboy Boss   Kabanata 1250

    “Don't worry about him. Walang sakit ang Kuya Daniel mo. Hindi para sa kaniya ang resetang iyon. Kung kanino man iyon ay hindi ko pwedeng ipagsabi.” anito na lumakad na patungo sa sarili nitong lamesa. Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Serina. Kung hindi ito para kay Dark Angel, para kanino

  • My Playboy Boss   Kabanata 1249

    3RD PERSON'S POV “Ano bang iniisip mo? Doktor ako Daniel. Walang malisya sa 'kin ang gagawin ko. Masyado ka namang OA.” napapailing na palatak ni Dr. Alden. “Ayoko.” tanggi din naman ni Jamaicah. Nahihiya siyang ipakita dito ang pribado niyang katawan. Napapabuntong hininga na lang na napatango

  • My Playboy Boss   Kabanata 1248

    “OMG!!! Nakakainggit naman si Ate Aicah... Buti pa siya natikman na si Sir!” turan naman ng isa pa nilang kasama. “Hindi ko masisisi si Ate Aicah, kung ako din naman ang nasa sitwasyon niya, papayag din akong maging kabit ni Sir, eh!” turan pa ng isa! *** “Ano bang sasabihin mo?” tanong ni Dr. Al

  • My Playboy Boss   Kabanata 1247

    3RD PERSON'S POV “Kuya Daniel!” masayang bulalas bi Serina. Agad siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo nang makitang pumasok sa loob ng kanilang clinic ang lalaking kagabi pa niya gustong-gustong makita! Ngumiti ng tipid sa kaniya si Dark Angel nang bumaling ito sandali sa kaniya. Siya ba an

  • My Playboy Boss   Kabanata 1246

    Napaawang bigla ang bibig niya at napakurap-kurap ang kaniyang mga mata. Siya nagseselos? Pagak siyang tumawa at tinabig ang kamay ni Dark Angel na nanatili pa ring nakahawak sa kaniyang baba. “Ako, magseselos? FYI Mr. Dark Angel Oxford, wala akong gusto sayo! Kahit pa magunaw ang mundo, hindi

  • My Playboy Boss   Kabanata 1245

    3RD PERSON'S POV “Ay kabayo!” gulat na bulalas ni Jamaicah nang paglabas niya ng banyo ay nasa loob ng silid na kaniyang tinutuluyan si Dark Angel. Napahigpit ang hawak niya sa tuwalyang nakabalot sa kaniyang katawan nang walang imik itong humakbang palapit sa kaniya. Agad siyang humakbang paa

  • My Playboy Boss   Kabanata 652

    3RD PERSON'S POV “Dyos ko, wag nyo pong pababayaan ang asawa at byenan ko.” mahinang dasal ni Aia habang magkasalikop ang kaniyang mga kamay at pinagmamasdang ipasok sa loob ng operating room ang mag-ina. Sa loob ng iisang operating room isasagawa ang kanilang operasyon. Meron lamang mahabang ta

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • My Playboy Boss   Kabanata 681

    “Tita bakit hindi ninyo inireport saamin ang pangyayari?” sita ni Troy kay Zashana. “Pinigilan ko si Zashana na gawin iyon. Ayokong muling masangkot sa gulo ang pamilya namin Troy, Dark. Alam nyo naman kung gaano kademonyo si Cassandra diba? Halang ang kaluluwa nila ni Matt at walang sinasanto. Ay

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • My Playboy Boss   Kabanata 661

    Si Matt Buencamino at si Mr. M ay iisa na siyang kasabwat ni Cassandra sa tangkang pagpatay kay Stella. Kung ganon ay may isa pa palang nabubuhay na ahas sa kumpanya ni Dark na naghihintay lang ng pagkakataon kung kailan ito manunuklaw! Kailangan niyang makapunta sa bahay nila Dark para mabigyang

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • My Playboy Boss   Kabanata 672

    3RD PERSON'S POV “Napakagwapo naman talaga ng asawa ko!” nakangiting bulalas ni Aia habang inaayos ang necktie ni Dark. Pinagpagan pa niya pagkatapos ang gawing balikat ng itim nitong coat. Ito na ang gabing pinakahihintay nila. Kinakabahan man si Aia sa mangyayari mamaya ay pinili niya pa r

    last updateLast Updated : 2026-03-31
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status