Masuk"Mga anak, itago niyong mabuti ang mga cards na binigay sa inyo ahh. Huwag na huwag niyo ibibigay sa iba. Dahil, importante ang mga bagay na 'yan," maayos na pagpapaliwanag ko sa mga anak ko.
"Opo mommy, kami po ang bahala. Don't worry po," sagot ni Gerald. Ramdam ko ang kanilang pagngiti sa pamamagitan ng narinig kong pagngisi nila. "Give me that Gerald," singit ni John. Akmang magsasalita pa sana ako. Ngunit, bigla ko na lamang na rinig ang pagtunog ng cellphone. "It's ringing!" natutuwang sigaw ni Juliana. Wala na akong magawa kundi ang manahimik at maghintay na lamang na may sumagot sa tawag. Lalo na't iyon na lang din ang paraan para meron kaming matutulugan ngayong gabi. "Hello." Boses sa kabilang linya. Ngunit, hindi ito ang boses na hinihintay kong marinig. Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya na hindi si kuya Jackson ang maririnig ko. Siguro nga ay masyado ko lamang silang na miss kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon. Kalaunan pa, biglang tumahimik. Tila'y natapos na ang kanilang usapan. "Anak, anong balita? Ayos lang ba?" sunod-sunod ko agad na tanong. "Oum mommy, may bahay na po tayo ulit. Sabi po kasi sila na daw po ang bahala na mag-book ng hotel para sa atin po kaya, tayo na po mommy." Kahit paano ay labis pa rin akong natuwa. Wala rin akong choice. Gusto ko lang May magandang matulugan ang mga anak ko. "Yehey! May bahay na tayo ulit!" sabay-sabay nilang sigaw. JEFF POINT OF VIEW Ako ang nahihilo sa ginagawa ni lolo. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad niya. Hindi talaga siya mapakali habang hindi pa lumalabas ang result. Hayts, imposible naman na maging anak ko na lang ang kung sino-sinong bata diyan sa labas. Napapraning na talaga 'tong si lolo sa kagustuhan niyang magkaroon ng apo. "Lolo, pwede bang umupo ka naman? Kanina ka pa. Ang lakas pa ng mga tuhod mo ahh," pabirong wika ko. Ngunit, napabuntong hininga lamang siya sa akin. Lumapit sa akin si Dwane. "Bro, sigurado ka bang hindi nagbunga ang isang gabi niyo ng babaeng 'yon? Kasi, parang anak mo talaga ang bata kanina ehh. Sa mukha pa lang hindi na kayo nagkalayo." Napahawak pa si Dwane sa kaniyang baba habang binabanggit ito. Na para bang nag-iisip siya ng maayos. "Tumigil ka nga diyan. Kung nagbunga man 'yon. Dapat hinanap na ako ni Grace. Hindi niya dapat sinolo ang mga anak namin," sabay buntong hininga ko. "Ano ka ba naman. Mag-isip ka nga. Pwede pa rin 'yon gawin ng isang babae lalo na kung iniisip nilang walang kasiguraduhan ang lalaki para sa kanila. Hindi ka naman niya kilala. Tsyaka, ang nalaman lang naman natin sa kaniya ay ang buong pangalan niya. Ang background family niya ay hindi natin nalaman. Malay ba natin kung saang family siya galing, hindi ba? Tyaka malay natin, kung nabuntis si Grace at nalaman ng pamilya niya tapos hindi nila alam kung sino ang ama. Malamang sa malamang, hindi ka nila hahanapin. Kasi iisipin nila na tumakas ka sa responsibilidad bilang isang ama hindi ba?" Sa naiisip ko, tama naman ang mga sinasabi niya. Pero, kahit na ganon. Alam ko na hindi ako naging iresponsable dahil noon pa lang, hinanap ko na si Grace at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya. "Pero alam mo bro, kung sakaling may anak nga talaga kayong dalawa. Mapapahanga ako Kay Grace, dahil kaya niyang buhayin ang anak niya ng mag-isa. Ang problema nga lang, hindi ka kilala ng mga anak mo." Bigla na lamang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Tila ba'y may kung anong malamig na tumutusok sa puso ko. "Ano ka ba. Huwag ka nga masyadong mag-isip nang ganyan. Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko talaga na si Grace ang pakasalanan ko. Dahil siya din naman ang unang babaeng nagalaw ko. Pero isang gabi lang 'yon. Gusto ko man magkaanak sa kaniya. Impossible pa rin sa isang gabi lang." Pilit kong reklamo. Ngunit, nasasaktan talaga ako. Sinabi niya lang naman na hindi ako kilala ng mga anak ko kung sakaling nagkaanak kami ni Grace. "Fine. Tigas mo talaga. Pero dapat tanggapin mo ang bata kung talagang maging anak mo ang batang 'yon. Good news na rin 'yon. Dahil ibigsabihin lang no'n nandito nga si Grace sa lugar na 'to. Ede mas madali mo nang mahahanap ang minamahal mo. Okay?" Kahit paano nagkasaysay din ang sinasabi niya. Tama 'yon. Kaya sana nga anak ko na lang ang bata kahit sa na iisip ko ngayon ay imposible 'yon. Maya-maya pa, sa gitna nang pag-uusap namin. Biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong sinagot. "Where are you anak? Come home, nandito si Lisa, hinihintay ka niya. Galing siya sa ibang bansa kaya dapat nandito ka ngayon. Ikaw ang gusto niyang makita." Ito agad ang naging bungad sa akin ni Daddy. "I'm very busy today. I can't go there. Kayo na bahala sa kaniya, total anak-anakan mo naman siya sa ibang babae mo. Hindi ako interesadong makita siya," walang alinlangan kong sagot. "Bastos! Pumunta ka rito ngayon din. Dito sa Sant Hotel. Huwag na huwag mo akong suwayin, pinapahiya mo ako!" alingawngaw ni Dad. Dahilan na ibaba ko ang tawag. "Bro, mukhang kailangan mo nga talagang harapin. Alam mo naman na hindi sila basta-basta titigil," singit ni Dwane. Nasa isip ko rin naman ito. Dahil kilala ko naman sila. Kahit ayaw ko, kailangan ko pa rin pumunta. Napatayo ako sa pwesto ko. Naka-tatlong hakbang pa lang ako. Tinawag na ako ni lolo. Dahilan na napatigil ako. "Where are you going?" seryosong tanong ni lolo. "I need to go to the Sant Hotel. Lo, may aasikasuhin lang ako saglit," mahinahon na sagot ko. "Mas mahalaga pa ba 'yan kaysa sa malaman ang DNA result?" ramdam ko na naman ang galit sa akin ni lolo. Ngunit, kailangan ko na talagang umalis. "Don't worry lolo, malalaman ko rin naman 'yan. Aalis muna ako, tayo na Dwane," aniya ko pa. Kita ko na pinipigilan lamang ni lolo ang galit niya. Gayunpaman, mabilis na akong umalis sa hospital. Wala rin naman kasiguraduhan na maging anak ko ang bata. Kahit na gustuhin ko pang maging anak ang batang 'yon.GRACE SANTIAGO POINT OF VIEW Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang mga natuklasan ko kanina. Halos hindi ako maka-concentrate sa mga ginagawa ko dito sa bahay. Nandito ako ngayon sa kusina para maghugas. Gusto ko kasi na ako muna ang gagawa ng gawain kahit kunti lang ito. Ngunit, imbis na maghugas ako ay nakatayo lang ako rito at nakasandal sa lababo habang malalim ang nasa isip ko. Nakakapagtaka pa rin ang mga nangyayari ngayon at ang mga natuklasan ko. Nais kong lumabas dito sa bahay upang alamin ang lahat. Upang alamin kung ano ang mga totoong nangyari noon. Tila meron pang mas nakatagong sekreto. Ngunit, na iisip ko rin ang mga anak ko. Hindi ko sila maaaring hayaan na lang o iwanan ng walang nagbabantay. Dahil, posibleng kunin sila sa akin ng kung sino. Lalo na si Lui. "Daddy!" "Hello Daddy!" "Welcome home daddy!" Sigaw ng mga bata. Dahil sa echo ay rinig ko ito hanggang dito sa kusina. Labis naman agad akong nakaramdam ng tuwa dahil sa wakas nandito na si Jeff. Kanina
Nang makita namin kung sino ay agad na umatras si Lui. Sina Jackson ang naririto. Ang tatlong magkakapatid. Seryoso ang mga tingin nila habang humahakbang sila papalapit sa amin. Inakbayan ako ni Julian nang makalapit sila sa akin. "Hey sup bro, mabuti naman at nagkita pa tayo ulit. Heheh, parang hindi pa naman siguro nagtatagal ng muli tayong magkita, right?" aniya niyo sa akin. Pero hindi ako sumagot. Ngunit, nagbigay pa rin ako ng ngiti sa kaniya. "Grabe naman may dumagdag pang tatlong bubwit! Gusto niyo yatang magsama-samang apat. Ang swerte ko naman kung sa kamay ko kayo malilintikan!" sabay malademonyong ngisi ang ibinigay ni Lui. "Oii! May nagsasalita ba? Asan?" Hinawakan ni Julian ang tenga niya upang idiin ito kung saan ang direksyon ni Lui. Tila nais niyang insultuhin si Lui. Mukhang maganda yata ang laban na 'yo. Malakas ang loob ni Julian. Samantalang ang mga kuya niya ay chill lamang na nakasandal sa mga sasakyan. Pero, naka-deretso ang tingin nila kay Lui. "Hindi
Galit na galit kong nilayasan ang aking ama. Ngayon ay tila wala siyang utak tungkol sa kompanya at pamilya namin. Nakatuon ang sarili ko sa pagmamaneho. Tahimik ang lugar kaya malaya akong magmaneho kahit bilisan ko pa ito. "Walang hiya ka talaga Lui! Hindi lang ang Santiago family ang napaikot mo kundi ama ko na rin. Manang-mana ka talaga sa walang kwenta mong ina!" Galit na galit ko itong sigaw na may mariin kong boses. Halos malalim ang tingin ko sa daan at mahigpit ang pagkahawak ko sa nobela ko. Hanggang sa makita ko sa labas ng salamin ng kotse ko na may nakasunod sa akin. "Maganda 'to," sabay ngisi ko. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Tingnan natin kung sino mas mabilis magmaneho sa atin. Tsk! Base naman sa kotse na ito. Hindi ako magkakamali na si Lui. Sumusunod pa talaga sa akin ang walang silbe. Gusto yata niyang gawin' aso ang sarili niya kakasunod sa akin. Habang mabilis kong pinapaandar ang sasakyan. Sumasabay naman siya sa akin. Mukha pati ang mga kotse nami
Dumugo ang bibig ni Lui. Subalit, wala oa rin sa kaniya ang pagsuko. Gayunpaman, hindi niya ginawang lumaban sa akin. Mukhang gusto niyang ipakita kay Dad na mabait siya ay hindi niya ako kayang saktan bilang respeto. Ngunit, para sa akin ay isa itong insulto at walang kakwenta-kwentang bagay!"Anong tinayo-tayo mo lang diyan? Lumaban ka sa akin Lui. Ipakita mo ang tunay mong kulay. Mukhang nagmamalinis ka pa yata sa ginagawa mo? Pwes! Hindi bagay sa 'yo!" galit na galit kong sigaw. Gigil na gigil ang mga kamay ko. Upang bugbugin ang lalaking ito. Ngunit, patuloy akong pinipigilan ni Dad. Mas kinakampihan pa niya ang ampon niyang anak kaysa sa akin na tagapagmana niya."Hindi ako pumapatol sa kuya ko. Malaki ang galang ko sa 'yo. Alam ni Dad 'yan. Pero, ikaw kuya Jeff, bakit hindi mo man lang ginalang ang kasal namin ni Grace? Ang sakit mo talaga. Tapos ngayon ako pa ang susuntukin mo? Kung tutuusin mas may karapatan akong gawin 'yan kaysa sa 'yo eh. Dahil ikaw ang may atraso sa akin
Hindi ko inaasahan na makakapasok ako sa tila sekretong kwarto sa loob ng kwarto ni Kuya Jackson. Dito tumumbad sa akin ang maraming litrato na nakadikit sa mga dingding. Kasama sa mga litrato nila ang babaeng nakita ko sa litrato doon sa sa labas. Tahimik ko lang muna itong pinagmasdan at inalam ang lahat. Walang pinagkaiba ang mukha ng babae sa ibang mga litrato. Duda na ako kung sino siya. Baka siya nga ang mommy namin. Pero bakit nandito lahat sa kwarto ni kuya Jackson? Kung pwede naman ito i-display sa loob ng bahay. Ayaw ba nilang ilabas ito? Kaya nandito lang naka-stock?Hindi lang naman mga litrato ang narito. Kundi magagandang laruan ng pangbata. Higit sa lahat mga libro at papel sa isang mesa na nasa gilid. Walang alinlangan naman akong humakbang papalapit doon sa mesa. Mayroon din dito maliit na litrato nilang naka-display. Sayang nga, ako lang ang wala. Hayts! Pero matagal ng patay si mommy. Kaya ayaw nilang i-open ito sa akin. Nasasaktan lang naman sila kuya sa tuwing ik
Napapikit ako ng mata ko dahil sa takot na baka mali na naman ito. Subalit nanlaki ang paningin ko ng makita kong successful ito. Tuwang-tuwa naman akong lumapit agad sa laptop ko. At ito na, tahimik kong inumpisahan na mahalikot ito. Maayos lang naman ang mga nakikita ko sa messages ni Dad. Wala masyadong nakakausap. Ngunit, sa isang iglap lang may bagong message na nagpakita. Mukhang hawak-hawak ngayon ni Dad ang cellphone niya. Kaya naman, walang alinlangan ko muna itong hinayaan at pinagmasdan. Kasi kung ako ang gagalaw. Tiyak na mahuhuli ako. Nakikita ko naman sa screen ng laptop ko ang nangyayari sa cellphone ni dad. Hanggang sa pinindot niyo ang message. Dito tumumbad sa akin ang pangalan ni Lui. Maayos na itinuon ko lamang ang tingin ko sa screen. Sa nakikita ko, may mali sa mga pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magagalit. Basta naguguluhan ako sa mga binabasa ko. "Huwag mong sasaktan. Mag-usap tayo ng maayos. Pero, tungkol sa anak kong si Grace. Hin
JEFF POINT OF VIEW "Ayan ka na naman lolo ehh, pwede bang tumigil ka na diyan," aniya ko kay lolo sabay buntong hininga ko. "Jeff, wala ka bang balak na magkaroon ng tagapagmana sa mga ari-arian mo? Matanda na ako, gusto ko nang magkaroon ng apo. Kaya naman, bigyan mo na ako." Labis ang panggi
Grace Point of view. "Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nganak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-
"Ilang beses ko nang sinabi na hindi kayo kailan man abala sa akin. Kaya huwag mo 'yan isipin Grace. Ako ang boss mo at mas alam ko ang kalagayan niyong mag-ina. Kaya gusto ko na ako mismo ang maghatid sa inyo ng anak mo." Hindi ko alam kung nagalit ko ba siya. "Ano ka ba Jeff, huwag mo na ipili
GRACE POINT OF VIEW Nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ko. Kahit inaalalayan ako ng dalawang anak ko. Punong-puno ako nang pag-aalala na baka ay tuluyan nang nawala sa akin sina Gerald at Gia. "Juliana, John, nakikita niyo na ba ang mga kambal niyo? Nandiyan na ba sila?" pag-aalalang



![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



