MasukGRACE POINT OF VIEW
Nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ko. Kahit inaalalayan ako ng dalawang anak ko. Punong-puno ako nang pag-aalala na baka ay tuluyan nang nawala sa akin sina Gerald at Gia. "Juliana, John, nakikita niyo na ba ang mga kambal niyo? Nandiyan na ba sila?" pag-aalalang tanong ko. "Wala pa po mommy. Pero huwag po kayong mag-alala makikita po natin sila. Hindi po sila mawawala," sagot ni Juliana. "Ako po bahala mommy, may naisip po akong paraan." Masyadong confident ang pagkasabi nito ni John. Kaya naman, napa-isip ako kung anong paraan 'yon. "Ano ba 'yon anak? Anong paraan para mahanap agad ang mga kapatid mo?" agad kong tanong. "Mommy, chillax ka lang muna." Naramdaman ko ang paglipat nito sa harapan ko. Hanggang sa pareho nilang binitawan ang kamay ko. Pero, hindi ko naman naramdaman na umalis sila sa paligid ko. Parang may kung anong ginagawa ang mga bata. "Juliana, buksan mo ang relo mo. Kailangan kong ma-trace sina Gerald sa pamamagitan ng kanilang suot na mga relo. Nang sa ganon, mahanap na natin sila." Rinig ko itong sinabi ni John na hindi ko masyadong maintindihan. Sa edad niyang 5 years old, imposibleng matutunan niya agad ang pag-trace ng mga bagay. "John, ano ang sinasabi mo? Naglalaro ba kayo ni Juliana?" pagtataka ko. "No po mommy, seryoso po kami ni kuya John. Magaling po si kuya John pagdating sa pag-trace, kaya mahahanap na po natin sina Gerald at Gia." Sa boses ni Juliana ay hindi ito nagsisinungaling. Tila ba'y pareho talaga silang mga seryoso. Wala akong ibang magagawa kundi ang tumayo na lamang at hintayin silang matapos sa ginagawa nila. Pilit kong pinapakinggan ang kanilang usapan. Ngunit, parang nagbubulongan lamang silang dalawa kaya wala akong masyadong marinig. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala sa puso ko ang labis kong pag-aalala. "Mommy, nahanap na po namin kung saan sila. Mabilis na gumagalaw ang dalawang red dots na lumalabas dito sa relo ko. Ibigsabihin ay tumatakbo pareho sina Gerald at Gia." Ramdam ko sa boses ni John ang pag-aalala sa mga kapatid niya. "Kuya John, baka naman may nangyaring masama sa kanila. Puntahan na po natin," dagdag pa ni Juliana. "Teka lang mga anak. Sigurado ba kayo diyan? Paano niyo ba nalaman?" pagtataka ko pa rin. Hindi naman sa nagdududa ako. Ngunit, bilang ina dapat ko rin malaman kung ano ang mga alam gawin ng mga anak ko. "Mommy, mamaya na lang po namin ipapaliwanag ang lahat. Iligtas po muna natin sina Gerald at Gia." Naguguluhan ako, ngunit kung talagang nasa masamang kalagayan ang mga anak ko. Kailangan ko silang puntahan. Tumango na lamang ako. Sabay nilang hinawakan muli ang kamay ko. Hanggang sa, binitbit nila ako ulit. Ilang minuto bigla kaming napatigil. Narinig ko ang boses ni Gia at Gerald at tila ba'y sabay silang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan namin. Maya-maya pa, naramdaman ko ang sabay na pagyakap nila sa akin. Agad na napalitan ng tuwa ang nararamdaman kong takot kanina sa kanila. "Gia, Gerald, saan ba kayo nagpunta? Pina-alala niyo ako ng sobra. Alam niyo naman na hindi kakayanin ni mommy na mawala kayo sa akin hindi ba? Kaya huwag niyo uulitin ang ginawa niyong pag-alis ng walang paalam sa akin, maliwanag?" Hindi man ako nakakakita, pinilit ko pa rin mahawakan ang mga pisnge nila. "Pasensya na po mommy, may sinundan po kasi ako kanina na butterfly kasi ang cute po ehh. Tapos napunta po ako sa hindi ko kilalang lugar, tapos may nakita po akong lalaki. Gwapo po siya pero may sugat po siya sa kamay niya kaya ginamot ko po siya," pagpapaliwanag sa akin ni Gia. "Gia, sabi ko naman sa 'yo huwag ka basta-basta manggamot ng kung sino. Baka mamaya sila pa ang biglang manakit sa 'yo," mahinahon kong aniya. "Sorry po mommy." Ramdam ko naman na sincere siya humingi ng tawad kaya hindi na kailangan pang pagalitan. "Gia, huwag ka rin masyadong susunod sa kung ano-ano ahh. Hindi mo ba napapansin, ilang beses ka ng nawawala bigla dahil sa paglalaro mo. Baka sa susunod hindi ka na namin mahanap pa," dagdag ko pang pagpapaalala sa anak ko. "Opo." Muling sagot ni Gia. "At ikaw naman Gerald, saan ka naman nang galing? Mabuti na lang at magkasama kayong dalawa na nakabalik." "Sinundan ko po si Gia kasi napansin ko po na lumabas siya ng bahay. Tapos nang babalik na po kami, bigla po kaming may nabangga na matandang lalaki po. Tapos sinasabi niyang kamukha ko raw po ang anak niya. Tapos sabi pa po niya apo niya daw po ako. Mommy, mga kidnappers po ba sila?" Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba. Biglang pumasok sa isipan ko ang ala-alang nangyari sa amin ng isang lalaki nang isang gabi. Kung kailan nabuo ang mga anak ko. Pero hindi, alam ko na hindi niya ako hahanapin. Wala naman siyang pake-alam sa nangyari. Kaya imposibleng nandito siya. "Oo mga anak, ang mga taong 'yon ay nangunguha ng mga bata. Kaya huwag na huwag na kayong pumupunta kahit saan. Baka tuluyan kayong kunin sa akin. Makinig kayo dapat kay mommy, ahh." Takot na takot talaga akong mawala sa akin ang mga anak ko. Kaya hindi sila dapat makilala ng lalaking 'yon, ng ama nila. Dahil, sa pagiging bulag ko ay baka kunin niya sa akin ang mga bata. Ang problema ko naman ngayon, ay kung saan kami matutulog lalo na't pinalayas na kami ni Tita. "Mga anak, tulungan niyo si mommy na maghanap ng apartment," sabay pilit kong pagngiti. Ngunit, sa kalooban ko, nag-aalala ako na baka wala kaming makita. "Bakit po mommy? Wala na po ba tayong bahay?" malungkot na tanong ni Gia. Iniling ko na lamang ang ulo ko. "Kung ganun po mommy, magagamit natin ang binigay na black card ni Tito kanina," sambit ni Gerald. "Anong black card? Sinong Tito?" pagtataka ko. Alam ko ang black card. Ito ang card na mahigit million o billion ng pera ang laman. "Binigay po sa amin kanina ng lalaki po na tinulungan ko pong gamutin ang sugat niya sa kamay po," sagot ni Gia. Kung ganon, sino naman ang lalaking 'yon para magbigay ng malaking halaga? "Wala bang hininging kapalit ang taong 'yon sa inyo?" pag-aalala ko. "Wala naman po mommy, nagtanong lang po kung sino ang mommy namin. Tapos sinagot ko po na ikaw po. Tapos nagulat nga po siya ehh. Hindi lang din po black card ang binigay niya. Meron din po business card. Tawagan daw po siya kapag may kailangan po tayo." May naramdaman akong familiar. Bigla kong naalala ang mga kuya ko. Dahil, isang araw noon nakita kong binigyan ni kuya Jackson ang isang ale ng black card at business card. "Alam niyo ba kung sino ang nagbigay inyo?" Muli kong tanong. "Hindi po mommy ehh. Basta po gwapo po siya, maputi at matangkad po. Tapos medyo kamukha po sila ni kuya John po." Mas lalo akong kinabahan. Dahil kung talagang si kuya 'yon. Ibig sabihin nandito na sila sa lugar na 'to. Wala na sila sa States.GRACE SANTIAGO POINT OF VIEW Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang mga natuklasan ko kanina. Halos hindi ako maka-concentrate sa mga ginagawa ko dito sa bahay. Nandito ako ngayon sa kusina para maghugas. Gusto ko kasi na ako muna ang gagawa ng gawain kahit kunti lang ito. Ngunit, imbis na maghugas ako ay nakatayo lang ako rito at nakasandal sa lababo habang malalim ang nasa isip ko. Nakakapagtaka pa rin ang mga nangyayari ngayon at ang mga natuklasan ko. Nais kong lumabas dito sa bahay upang alamin ang lahat. Upang alamin kung ano ang mga totoong nangyari noon. Tila meron pang mas nakatagong sekreto. Ngunit, na iisip ko rin ang mga anak ko. Hindi ko sila maaaring hayaan na lang o iwanan ng walang nagbabantay. Dahil, posibleng kunin sila sa akin ng kung sino. Lalo na si Lui. "Daddy!" "Hello Daddy!" "Welcome home daddy!" Sigaw ng mga bata. Dahil sa echo ay rinig ko ito hanggang dito sa kusina. Labis naman agad akong nakaramdam ng tuwa dahil sa wakas nandito na si Jeff. Kanina
Nang makita namin kung sino ay agad na umatras si Lui. Sina Jackson ang naririto. Ang tatlong magkakapatid. Seryoso ang mga tingin nila habang humahakbang sila papalapit sa amin. Inakbayan ako ni Julian nang makalapit sila sa akin. "Hey sup bro, mabuti naman at nagkita pa tayo ulit. Heheh, parang hindi pa naman siguro nagtatagal ng muli tayong magkita, right?" aniya niyo sa akin. Pero hindi ako sumagot. Ngunit, nagbigay pa rin ako ng ngiti sa kaniya. "Grabe naman may dumagdag pang tatlong bubwit! Gusto niyo yatang magsama-samang apat. Ang swerte ko naman kung sa kamay ko kayo malilintikan!" sabay malademonyong ngisi ang ibinigay ni Lui. "Oii! May nagsasalita ba? Asan?" Hinawakan ni Julian ang tenga niya upang idiin ito kung saan ang direksyon ni Lui. Tila nais niyang insultuhin si Lui. Mukhang maganda yata ang laban na 'yo. Malakas ang loob ni Julian. Samantalang ang mga kuya niya ay chill lamang na nakasandal sa mga sasakyan. Pero, naka-deretso ang tingin nila kay Lui. "Hindi
Galit na galit kong nilayasan ang aking ama. Ngayon ay tila wala siyang utak tungkol sa kompanya at pamilya namin. Nakatuon ang sarili ko sa pagmamaneho. Tahimik ang lugar kaya malaya akong magmaneho kahit bilisan ko pa ito. "Walang hiya ka talaga Lui! Hindi lang ang Santiago family ang napaikot mo kundi ama ko na rin. Manang-mana ka talaga sa walang kwenta mong ina!" Galit na galit ko itong sigaw na may mariin kong boses. Halos malalim ang tingin ko sa daan at mahigpit ang pagkahawak ko sa nobela ko. Hanggang sa makita ko sa labas ng salamin ng kotse ko na may nakasunod sa akin. "Maganda 'to," sabay ngisi ko. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Tingnan natin kung sino mas mabilis magmaneho sa atin. Tsk! Base naman sa kotse na ito. Hindi ako magkakamali na si Lui. Sumusunod pa talaga sa akin ang walang silbe. Gusto yata niyang gawin' aso ang sarili niya kakasunod sa akin. Habang mabilis kong pinapaandar ang sasakyan. Sumasabay naman siya sa akin. Mukha pati ang mga kotse nami
Dumugo ang bibig ni Lui. Subalit, wala oa rin sa kaniya ang pagsuko. Gayunpaman, hindi niya ginawang lumaban sa akin. Mukhang gusto niyang ipakita kay Dad na mabait siya ay hindi niya ako kayang saktan bilang respeto. Ngunit, para sa akin ay isa itong insulto at walang kakwenta-kwentang bagay!"Anong tinayo-tayo mo lang diyan? Lumaban ka sa akin Lui. Ipakita mo ang tunay mong kulay. Mukhang nagmamalinis ka pa yata sa ginagawa mo? Pwes! Hindi bagay sa 'yo!" galit na galit kong sigaw. Gigil na gigil ang mga kamay ko. Upang bugbugin ang lalaking ito. Ngunit, patuloy akong pinipigilan ni Dad. Mas kinakampihan pa niya ang ampon niyang anak kaysa sa akin na tagapagmana niya."Hindi ako pumapatol sa kuya ko. Malaki ang galang ko sa 'yo. Alam ni Dad 'yan. Pero, ikaw kuya Jeff, bakit hindi mo man lang ginalang ang kasal namin ni Grace? Ang sakit mo talaga. Tapos ngayon ako pa ang susuntukin mo? Kung tutuusin mas may karapatan akong gawin 'yan kaysa sa 'yo eh. Dahil ikaw ang may atraso sa akin
Hindi ko inaasahan na makakapasok ako sa tila sekretong kwarto sa loob ng kwarto ni Kuya Jackson. Dito tumumbad sa akin ang maraming litrato na nakadikit sa mga dingding. Kasama sa mga litrato nila ang babaeng nakita ko sa litrato doon sa sa labas. Tahimik ko lang muna itong pinagmasdan at inalam ang lahat. Walang pinagkaiba ang mukha ng babae sa ibang mga litrato. Duda na ako kung sino siya. Baka siya nga ang mommy namin. Pero bakit nandito lahat sa kwarto ni kuya Jackson? Kung pwede naman ito i-display sa loob ng bahay. Ayaw ba nilang ilabas ito? Kaya nandito lang naka-stock?Hindi lang naman mga litrato ang narito. Kundi magagandang laruan ng pangbata. Higit sa lahat mga libro at papel sa isang mesa na nasa gilid. Walang alinlangan naman akong humakbang papalapit doon sa mesa. Mayroon din dito maliit na litrato nilang naka-display. Sayang nga, ako lang ang wala. Hayts! Pero matagal ng patay si mommy. Kaya ayaw nilang i-open ito sa akin. Nasasaktan lang naman sila kuya sa tuwing ik
Napapikit ako ng mata ko dahil sa takot na baka mali na naman ito. Subalit nanlaki ang paningin ko ng makita kong successful ito. Tuwang-tuwa naman akong lumapit agad sa laptop ko. At ito na, tahimik kong inumpisahan na mahalikot ito. Maayos lang naman ang mga nakikita ko sa messages ni Dad. Wala masyadong nakakausap. Ngunit, sa isang iglap lang may bagong message na nagpakita. Mukhang hawak-hawak ngayon ni Dad ang cellphone niya. Kaya naman, walang alinlangan ko muna itong hinayaan at pinagmasdan. Kasi kung ako ang gagalaw. Tiyak na mahuhuli ako. Nakikita ko naman sa screen ng laptop ko ang nangyayari sa cellphone ni dad. Hanggang sa pinindot niyo ang message. Dito tumumbad sa akin ang pangalan ni Lui. Maayos na itinuon ko lamang ang tingin ko sa screen. Sa nakikita ko, may mali sa mga pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magagalit. Basta naguguluhan ako sa mga binabasa ko. "Huwag mong sasaktan. Mag-usap tayo ng maayos. Pero, tungkol sa anak kong si Grace. Hin
"Mga anak, itago niyong mabuti ang mga cards na binigay sa inyo ahh. Huwag na huwag niyo ibibigay sa iba. Dahil, importante ang mga bagay na 'yan," maayos na pagpapaliwanag ko sa mga anak ko. "Opo mommy, kami po ang bahala. Don't worry po," sagot ni Gerald. Ramdam ko ang kanilang pagngiti sa pama
JEFF POINT OF VIEW "Ayan ka na naman lolo ehh, pwede bang tumigil ka na diyan," aniya ko kay lolo sabay buntong hininga ko. "Jeff, wala ka bang balak na magkaroon ng tagapagmana sa mga ari-arian mo? Matanda na ako, gusto ko nang magkaroon ng apo. Kaya naman, bigyan mo na ako." Labis ang panggi
Grace Point of view. "Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nganak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-
"Ilang beses ko nang sinabi na hindi kayo kailan man abala sa akin. Kaya huwag mo 'yan isipin Grace. Ako ang boss mo at mas alam ko ang kalagayan niyong mag-ina. Kaya gusto ko na ako mismo ang maghatid sa inyo ng anak mo." Hindi ko alam kung nagalit ko ba siya. "Ano ka ba Jeff, huwag mo na ipili







