Masuk
GRACE POINT OF VIEW
"Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nag-anak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-tuloy na sigaw sa akin ni Tita. Hindi ko man makita ang kanilang mga reaksyon, ramdam na ramdam ko naman ito. "Ano ka ba naman ma, malay ba natin kung saan ng galing ang mga batang pinanganak niya? Tsk! Baka mga sa mga random na lalaki niya 'yan nabuo! Kaya dapat lang palayasin na 'yan dito. Baka mamaya may malubhang sakit na siya. Baka mahawaan pa tayo dito," pangigigil ni Anie, ang anak ni Tita. Ito ang naging almusal ko ngayong umaga. Sigaw at mga panglalait nila. "Pwede ba Anie, huwag ka magsalita nang ganyan. Hindi totoo 'yan." Pinanatili kong kalmado ang boses ko. "Ano? Sumasagot ka pa talaga no? Bakit, sino ba ang ama ng mga batang 'yan, huh? Kasi kung talagang may ama ang mga bata, malamang nandoon na kayo sa puder niya. Hindi dito, nagiging pabigat lang kayong lima!" Puno ng panglalait ang kaniyang tinig. "Hindi po kami pabigat. Lahat naman ng pera ni mommy, kinuha niyo na. Tapos ngayong wala ng pera si mommy, pinapalayas niyo na kami. Mga masasama kayo, pera lang ang habol niyo kay mommy." Agad akong napahawak sa balikat ng anak ko na nasa tabi ko. Hindi ko man ito makita, ngunit sigurado akong si Juliana ito. "Mommy, gusto ko lang po kayo ipagtanggol," wika pa nito kahit wala pa akong sinasabi. Natutuwa naman ako dahil may anak akong handa akong ipagtanggol. Ngunit, natatakot ako na baka saktan lamang sila ng mga walang hiyang tao rito. "Aba! Rinig mo 'yang anak mo?! Bata pa sumasagot na! Baka naman ganyan ang ugali ng ama! Bastos!" sigaw muli ni Tita. Naririndi na ako sa mga salitang binibitawan nila. "Tita, hindi ganyan ang anak ko mas lalo na ang ama ng mga anak ko." Pinipilit ko pa rin pakalmahin ang aking tinig at ang sarili ko. Dahil alam kong hindi ako makakalaban dahil sa pagiging bulag ko. Hindi ko makikita kung ano ang pwedeng gawin nila sa mga anak ko. "Tita? Hoy babae! Hindi mo na ako Tita sa ngayon! Dahil pinapalayas ko na kayong mag-ina!" galit na galit nito. Naramdaman ko ang paghagis ng mga bagay malapit sa amin. Saan na kami pupunta nito? Kapag palayasin kami, wala kaming bahay na mapupuntahan. Naisip kong bumalik sa pamilya ko. Ngunit, hindi maaari, hindi pwedeng malaman ni Daddy na naging ganito ang buhay ko, mula nang umalis ako sa bahay. Pagkat, alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin. Baka mamaya, hindi lang isang buhay ang mawala sa lugar na 'to. "Kahit ngayon' araw na lang. Pakiusap, hayaan niyo pa kaming matulog dito mamayang gabi. Maghahanap ako ngayon ng matutuluyan namin bukas." Wala akong magawa kundi ang magmakaawa para sa mga anak ko. "Mommy, no po. Magiging maayos po kami kapag nasa maayos ka rin po," singit ni John, ang panganay sa apat kong mga anak. "Opo mommy, nandito lang po kami at maayos kapag kayo po ang kasama namin," dagdag pa ni Juliana. Habang naririnig ko sila, hawak-hawak nila ang kamay ko. Subalit, naramdaman ko na wala rito ang dalawang kambal ko. "Asan ang dalawang kapatid niyo?" labis kong pag-aalala. Napatahimik silang dalawa. "Ayan baka naman nilayasan ka na ng dalawa, dahil masyado ka ng pabigat na ina! Sino ba naman ang mananatili sa piling ng isang bulag! Kahit nga kami rito ay hindi ka na kayang tiisin pa!" muling sigaw na naman ni Tita. Kumirot ang puso ko. Ngunit, alam ko na hindi 'yon magagawa ng mga anak ko. Akmang magsasalita pa sana ako. Ngunit, bigla akong inunahan ng mga anak ko. "Kilala namin ang mga kambal namin. Hindi nila kami basta-basta iiwan. Mahal na mahal nila kami," tugon ni John. "Opo, hindi nila kami iiwanan," dagdag pa ni Juliana. "Ah talaga ba? Bakit? Nakakasiguro ba kayo? Tsk! Palamunin lang naman ang mommy niyo! Kaya, kung ako sa inyo, iwanan niyo na lang 'yan. Wala naman magagawa ang babaeng 'yan, kasi nga bulag! Mahihirapan lang kayong magkambal!" Ramdam na ramdam ko ang pang gigil ni Tita. Kaya naman, takot akong napahawak sa mga kamay ng mga anak ko. Hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang mga anak ko. "O hindi naman kaya, mamili kayo. Sumama sa bulag niyong ina? O manatili na lang dito? Ako ang bahala makipag-usap kay mama. Pero syempre, kayong magkambal ay magtratrabaho para sa amin." Mas lalo akong kinakalibutan sa sinabi ni Anie. "Kahit na kailan ay hindi namin iiwanan si mommy!" sabay na sigaw ni Juliana at John. Dahil dito, kahit paano ay napangiti ako. Kalaunan, bigla na lamang tumahimik ang paligid saglit. Mukhang, wala nang masabi sina Tita. Sa puntong ito tila'y hindi na talaga mapakiki-usapan sila Tita. Kailangan na namin umalis ng mga anak ko. Kailangan kong mahanap ang dalawang anak ko. Dahil, hindi ako papayag na may mawala sa apat.GRACE SANTIAGO POINT OF VIEW Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang mga natuklasan ko kanina. Halos hindi ako maka-concentrate sa mga ginagawa ko dito sa bahay. Nandito ako ngayon sa kusina para maghugas. Gusto ko kasi na ako muna ang gagawa ng gawain kahit kunti lang ito. Ngunit, imbis na maghugas ako ay nakatayo lang ako rito at nakasandal sa lababo habang malalim ang nasa isip ko. Nakakapagtaka pa rin ang mga nangyayari ngayon at ang mga natuklasan ko. Nais kong lumabas dito sa bahay upang alamin ang lahat. Upang alamin kung ano ang mga totoong nangyari noon. Tila meron pang mas nakatagong sekreto. Ngunit, na iisip ko rin ang mga anak ko. Hindi ko sila maaaring hayaan na lang o iwanan ng walang nagbabantay. Dahil, posibleng kunin sila sa akin ng kung sino. Lalo na si Lui. "Daddy!" "Hello Daddy!" "Welcome home daddy!" Sigaw ng mga bata. Dahil sa echo ay rinig ko ito hanggang dito sa kusina. Labis naman agad akong nakaramdam ng tuwa dahil sa wakas nandito na si Jeff. Kanina
Nang makita namin kung sino ay agad na umatras si Lui. Sina Jackson ang naririto. Ang tatlong magkakapatid. Seryoso ang mga tingin nila habang humahakbang sila papalapit sa amin. Inakbayan ako ni Julian nang makalapit sila sa akin. "Hey sup bro, mabuti naman at nagkita pa tayo ulit. Heheh, parang hindi pa naman siguro nagtatagal ng muli tayong magkita, right?" aniya niyo sa akin. Pero hindi ako sumagot. Ngunit, nagbigay pa rin ako ng ngiti sa kaniya. "Grabe naman may dumagdag pang tatlong bubwit! Gusto niyo yatang magsama-samang apat. Ang swerte ko naman kung sa kamay ko kayo malilintikan!" sabay malademonyong ngisi ang ibinigay ni Lui. "Oii! May nagsasalita ba? Asan?" Hinawakan ni Julian ang tenga niya upang idiin ito kung saan ang direksyon ni Lui. Tila nais niyang insultuhin si Lui. Mukhang maganda yata ang laban na 'yo. Malakas ang loob ni Julian. Samantalang ang mga kuya niya ay chill lamang na nakasandal sa mga sasakyan. Pero, naka-deretso ang tingin nila kay Lui. "Hindi
Galit na galit kong nilayasan ang aking ama. Ngayon ay tila wala siyang utak tungkol sa kompanya at pamilya namin. Nakatuon ang sarili ko sa pagmamaneho. Tahimik ang lugar kaya malaya akong magmaneho kahit bilisan ko pa ito. "Walang hiya ka talaga Lui! Hindi lang ang Santiago family ang napaikot mo kundi ama ko na rin. Manang-mana ka talaga sa walang kwenta mong ina!" Galit na galit ko itong sigaw na may mariin kong boses. Halos malalim ang tingin ko sa daan at mahigpit ang pagkahawak ko sa nobela ko. Hanggang sa makita ko sa labas ng salamin ng kotse ko na may nakasunod sa akin. "Maganda 'to," sabay ngisi ko. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Tingnan natin kung sino mas mabilis magmaneho sa atin. Tsk! Base naman sa kotse na ito. Hindi ako magkakamali na si Lui. Sumusunod pa talaga sa akin ang walang silbe. Gusto yata niyang gawin' aso ang sarili niya kakasunod sa akin. Habang mabilis kong pinapaandar ang sasakyan. Sumasabay naman siya sa akin. Mukha pati ang mga kotse nami
Dumugo ang bibig ni Lui. Subalit, wala oa rin sa kaniya ang pagsuko. Gayunpaman, hindi niya ginawang lumaban sa akin. Mukhang gusto niyang ipakita kay Dad na mabait siya ay hindi niya ako kayang saktan bilang respeto. Ngunit, para sa akin ay isa itong insulto at walang kakwenta-kwentang bagay!"Anong tinayo-tayo mo lang diyan? Lumaban ka sa akin Lui. Ipakita mo ang tunay mong kulay. Mukhang nagmamalinis ka pa yata sa ginagawa mo? Pwes! Hindi bagay sa 'yo!" galit na galit kong sigaw. Gigil na gigil ang mga kamay ko. Upang bugbugin ang lalaking ito. Ngunit, patuloy akong pinipigilan ni Dad. Mas kinakampihan pa niya ang ampon niyang anak kaysa sa akin na tagapagmana niya."Hindi ako pumapatol sa kuya ko. Malaki ang galang ko sa 'yo. Alam ni Dad 'yan. Pero, ikaw kuya Jeff, bakit hindi mo man lang ginalang ang kasal namin ni Grace? Ang sakit mo talaga. Tapos ngayon ako pa ang susuntukin mo? Kung tutuusin mas may karapatan akong gawin 'yan kaysa sa 'yo eh. Dahil ikaw ang may atraso sa akin
Hindi ko inaasahan na makakapasok ako sa tila sekretong kwarto sa loob ng kwarto ni Kuya Jackson. Dito tumumbad sa akin ang maraming litrato na nakadikit sa mga dingding. Kasama sa mga litrato nila ang babaeng nakita ko sa litrato doon sa sa labas. Tahimik ko lang muna itong pinagmasdan at inalam ang lahat. Walang pinagkaiba ang mukha ng babae sa ibang mga litrato. Duda na ako kung sino siya. Baka siya nga ang mommy namin. Pero bakit nandito lahat sa kwarto ni kuya Jackson? Kung pwede naman ito i-display sa loob ng bahay. Ayaw ba nilang ilabas ito? Kaya nandito lang naka-stock?Hindi lang naman mga litrato ang narito. Kundi magagandang laruan ng pangbata. Higit sa lahat mga libro at papel sa isang mesa na nasa gilid. Walang alinlangan naman akong humakbang papalapit doon sa mesa. Mayroon din dito maliit na litrato nilang naka-display. Sayang nga, ako lang ang wala. Hayts! Pero matagal ng patay si mommy. Kaya ayaw nilang i-open ito sa akin. Nasasaktan lang naman sila kuya sa tuwing ik
Napapikit ako ng mata ko dahil sa takot na baka mali na naman ito. Subalit nanlaki ang paningin ko ng makita kong successful ito. Tuwang-tuwa naman akong lumapit agad sa laptop ko. At ito na, tahimik kong inumpisahan na mahalikot ito. Maayos lang naman ang mga nakikita ko sa messages ni Dad. Wala masyadong nakakausap. Ngunit, sa isang iglap lang may bagong message na nagpakita. Mukhang hawak-hawak ngayon ni Dad ang cellphone niya. Kaya naman, walang alinlangan ko muna itong hinayaan at pinagmasdan. Kasi kung ako ang gagalaw. Tiyak na mahuhuli ako. Nakikita ko naman sa screen ng laptop ko ang nangyayari sa cellphone ni dad. Hanggang sa pinindot niyo ang message. Dito tumumbad sa akin ang pangalan ni Lui. Maayos na itinuon ko lamang ang tingin ko sa screen. Sa nakikita ko, may mali sa mga pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magagalit. Basta naguguluhan ako sa mga binabasa ko. "Huwag mong sasaktan. Mag-usap tayo ng maayos. Pero, tungkol sa anak kong si Grace. Hin
"Ilang beses ko nang sinabi na hindi kayo kailan man abala sa akin. Kaya huwag mo 'yan isipin Grace. Ako ang boss mo at mas alam ko ang kalagayan niyong mag-ina. Kaya gusto ko na ako mismo ang maghatid sa inyo ng anak mo." Hindi ko alam kung nagalit ko ba siya. "Ano ka ba Jeff, huwag mo na ipili
"Mga anak, itago niyong mabuti ang mga cards na binigay sa inyo ahh. Huwag na huwag niyo ibibigay sa iba. Dahil, importante ang mga bagay na 'yan," maayos na pagpapaliwanag ko sa mga anak ko. "Opo mommy, kami po ang bahala. Don't worry po," sagot ni Gerald. Ramdam ko ang kanilang pagngiti sa pama
GRACE POINT OF VIEW Nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ko. Kahit inaalalayan ako ng dalawang anak ko. Punong-puno ako nang pag-aalala na baka ay tuluyan nang nawala sa akin sina Gerald at Gia. "Juliana, John, nakikita niyo na ba ang mga kambal niyo? Nandiyan na ba sila?" pag-aalalang
JEFF POINT OF VIEW "Ayan ka na naman lolo ehh, pwede bang tumigil ka na diyan," aniya ko kay lolo sabay buntong hininga ko. "Jeff, wala ka bang balak na magkaroon ng tagapagmana sa mga ari-arian mo? Matanda na ako, gusto ko nang magkaroon ng apo. Kaya naman, bigyan mo na ako." Labis ang panggi







