MasukJEFF POINT OF VIEW
"Ayan ka na naman lolo ehh, pwede bang tumigil ka na diyan," aniya ko kay lolo sabay buntong hininga ko. "Jeff, wala ka bang balak na magkaroon ng tagapagmana sa mga ari-arian mo? Matanda na ako, gusto ko ng magkaroon ng apo. Kaya naman, bigyan mo na ako." Labis ang panggigigil ni lolo. Napapakamot na lang ako sa batok ko. Kanina pa kami nag-uusap ni lolo habang patuloy kaming naglalakad. May roon din kaming kasama na mga tauhan. At ang aking matalik na kaibigan na personal assistant ko. Ngunit, nanatili lamang silang sumusunod sa likuran. "Lolo naman, paano kita mabibigyan kung wala naman akong minamahal..." Hayts, hindi ko na alam kung paano magpaliwanag kay lolo. "Paano nga ba? Kung patuloy mo pa rin hinihintay ang isang babae noong 6 na taon nang nakalipas?" Mas lalo pang nanggigil si Lolo. Samantalang nanlaki na lang ang mata ko sa gulat ko. "Huh????" Halos napatigil kaming lahat sa paglalakad. Isa pa, sino nga ba ang hindi magugulat? Paano ba naman kasi? Kami lang ng assistant ko ang nakaka-alam sa bagay na 'to. Tapos ngayon bigla ko na lang maririnig sa labi ni lolo? Lutang akong napatingin sa assistant ko. Nang tumama ang paningin ko sa kaniya, ngumiti lamang siya at sunod na napayuko. Ah! Gets ko na! Kaya alam ni lolo, dahil sinabi ng assistant ko? "Lolo, alam mo ba ang salitang "love at first night?" Ganun 'yon Lolo, kaya hindi ko makakalimutan ang napakagandang babae na 'yon," labis ang ngiti na lumabas sa labi ko. Tama, lagi akong napapangiti kapag naiisip ko ang nangyari noong isang gabi. At maganda siyang babae. Pero, bigla na lamang siya nawala at hindi ko na mahanap pa. Nakakalungkot na hindi ko siya makita ulit. Gayunpaman, maghihintay pa ako ng ilang taon na makita siya. Dahil siya ang gusto kong pakasalanan. "Aray!" Bigla na lamang akong napasigaw. "Lolo naman, bakit ka nang babatok?" reklamo ko pa. Sturbo ehh, iniimagine ko pa nga ang babaeng 'yon. Kung paano kami naghalikan, nagyakapan. Grabe, ang damdamin ko! Lumiliyab! "Baliw ka talagang bata ka! Love at first night? Akala mo ba makakabuo ng bata ang isang gabi lang? Isa pa, sige nga, nasaan na ba ang babae na 'yan?" Inis na inis niyang aniya. "Dahil ngayon pa lang mismo, maghahanda ako ng engrandeng kasal para sa inyong dalawa. At bigyan niyo rin ako ng maraming apo," sabay ngiti ni lolo. Grabeng mood swing ni lolo ahh. Kanina lang gigil at na iinis, ngayon bigla na lang ngingiti? Kung sa bagay, kapag binabanggit ang apo bigla na lang siya matutuwa. "Ahmm, kaya nga lolo. Bigyan mo pa ako ng oras, dahil ramdam ko na malapit na kaming magkita," sabay kindat ko. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga, may nangyayaring hindi maganda sa babaeng labis kong minamahal. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ngunit, bigla na lamang may dalawang bata ang bumangga sa binti ko at sa binti ni lolo. "Bakit familiar ang mga batang ito sa akin?" pagtatakang tanong ko sa isipan ko. "Aba! Jeff! Tingnan mo! Ang aking apo!" Labis ang tuwa sa mukha ni lolo habang sinisigaw ito. Gwapo naman ang batang lalaking ito. "Lolo, ayan ka na naman," sambit ko. Pero bakit? Bakit parang pakiramdam ko malapit sa akin ang mga dugo ng mga batang 'to. "Tama ka diyan Lolo. Bro, tingnan mo magkamukhang-magkamukha kayo ng maliit ka pa," singit ng assistant ko matapos itong nakangiting lumapit sa bata. Hindi ko alam kung nahawaan na ba siya ni lolo. "Hindi ko makakalimutan ang mukha mo ng mga bata pa tayo bro. Dahil palagi tayong magkasama. Tingnan mo kasing mabuti, magkamukhang-magkamukha nga kayong dalawa," dagdag pa niya. "Apo, ano ang pangalan mo?" napaluhod si Lolo ng tinanong ang batang lalaki. "Gerald po ang pangalan ko." Ang lamig ng boses ng bata. Hindi naman kaya natatakot siya sa amin? "Jeff, siya daw si Gerald. Nahanap ko na ang apo ko," sabay lingon sa akin ni lolo. Nakita kong may kung anong binulong ang batang babae kay Gerald. Magkahawig din silang dalawa. Hindi naman kaya ay kambal ang dalawang bata? "Apo, ano ang apelyedo mo?" dagdag na tanong ni lolo. "Santiago po." Agad na nanlaki ang paningin ko. Santiago? Matapos ang isang gabi ko noon sa babaeng 'yon. Pina-imbistiga ko kung sino siya. At nalaman kong Santiago ang apelyedo niya. Ang buong pangalan ng babaeng 'yon ay Grace Santiago. Pero matagal ko na siyang hindi mahanap sa lugar na 'to. "Sabihin mo sa akin, ano ang buong pangalan ng mommy niyo?" deretsahang tanong ko. Biglang napayakap kay Gerald ang batang babae. Dahilan na mapatayo si Lolo at lumapit sa akin. "Huwag mo nga takutin ang mga apo ko," sabay batok ni lolo sa akin. "Hindi ko naman tinatakot Lolo, nagtatanong lang naman ako," reklamo ko pa. "Nagrereklamo ka pa talaga." "Bro, ang mga bata!" biglang sigaw ng assistant ko. "Ang aking mga apo!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni lolo matapos namin makitang tumakbo ang mga ito. "Kasalanan mo 'to Jeff, dahil tinakot mo ang mga apo ko." Nasisi pa talaga ako. "Mga tauhan! Sundan niyo ang mga apo ko. Huwag niyong tatakutin, maliwanag?" seryosong utos ni lolo. Agad naman na sumunod ang mga tauhan. "Bro, Lolo, tingnan niyo 'to." Sabay kaming napatingin muli sa assistant kong si Dwane. "Buhok ni Gerald!" Tuwang-tuwa na sigaw ni lolo. Tumango naman si Dwane. "Halika Jeff, magpa-DNA ka," sabay hawak ni lolo sa kamay ko. Mukha akong bata na binibitbit niya. "Sandali lang lolo, kaya ko naman maglakad. Huwag mo na ako hawakan sa kamay ginagawa mo akong bata," patuloy kong reklamo. "Bilisan natin, excited na akong magkaroon ng maraming apo." Hayts, talagang iniisip nito puro na lang apo. Habang naiinis ako kita ko ang napapangiting labi ni Dwane. "Matuwa ka na lang bro, imbis na mag-ingay ka diyan o magreklamo. Intindihin mo na lang si lolo, excited na siyang magka-apo," singit pa ni Dwane habang natatawa ito. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala. Hindi bale na nga. Gusto ko rin naman malaman kung anak ko ang mga batang 'yon.GRACE SANTIAGO POINT OF VIEW Iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang mga natuklasan ko kanina. Halos hindi ako maka-concentrate sa mga ginagawa ko dito sa bahay. Nandito ako ngayon sa kusina para maghugas. Gusto ko kasi na ako muna ang gagawa ng gawain kahit kunti lang ito. Ngunit, imbis na maghugas ako ay nakatayo lang ako rito at nakasandal sa lababo habang malalim ang nasa isip ko. Nakakapagtaka pa rin ang mga nangyayari ngayon at ang mga natuklasan ko. Nais kong lumabas dito sa bahay upang alamin ang lahat. Upang alamin kung ano ang mga totoong nangyari noon. Tila meron pang mas nakatagong sekreto. Ngunit, na iisip ko rin ang mga anak ko. Hindi ko sila maaaring hayaan na lang o iwanan ng walang nagbabantay. Dahil, posibleng kunin sila sa akin ng kung sino. Lalo na si Lui. "Daddy!" "Hello Daddy!" "Welcome home daddy!" Sigaw ng mga bata. Dahil sa echo ay rinig ko ito hanggang dito sa kusina. Labis naman agad akong nakaramdam ng tuwa dahil sa wakas nandito na si Jeff. Kanina
Nang makita namin kung sino ay agad na umatras si Lui. Sina Jackson ang naririto. Ang tatlong magkakapatid. Seryoso ang mga tingin nila habang humahakbang sila papalapit sa amin. Inakbayan ako ni Julian nang makalapit sila sa akin. "Hey sup bro, mabuti naman at nagkita pa tayo ulit. Heheh, parang hindi pa naman siguro nagtatagal ng muli tayong magkita, right?" aniya niyo sa akin. Pero hindi ako sumagot. Ngunit, nagbigay pa rin ako ng ngiti sa kaniya. "Grabe naman may dumagdag pang tatlong bubwit! Gusto niyo yatang magsama-samang apat. Ang swerte ko naman kung sa kamay ko kayo malilintikan!" sabay malademonyong ngisi ang ibinigay ni Lui. "Oii! May nagsasalita ba? Asan?" Hinawakan ni Julian ang tenga niya upang idiin ito kung saan ang direksyon ni Lui. Tila nais niyang insultuhin si Lui. Mukhang maganda yata ang laban na 'yo. Malakas ang loob ni Julian. Samantalang ang mga kuya niya ay chill lamang na nakasandal sa mga sasakyan. Pero, naka-deretso ang tingin nila kay Lui. "Hindi
Galit na galit kong nilayasan ang aking ama. Ngayon ay tila wala siyang utak tungkol sa kompanya at pamilya namin. Nakatuon ang sarili ko sa pagmamaneho. Tahimik ang lugar kaya malaya akong magmaneho kahit bilisan ko pa ito. "Walang hiya ka talaga Lui! Hindi lang ang Santiago family ang napaikot mo kundi ama ko na rin. Manang-mana ka talaga sa walang kwenta mong ina!" Galit na galit ko itong sigaw na may mariin kong boses. Halos malalim ang tingin ko sa daan at mahigpit ang pagkahawak ko sa nobela ko. Hanggang sa makita ko sa labas ng salamin ng kotse ko na may nakasunod sa akin. "Maganda 'to," sabay ngisi ko. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Tingnan natin kung sino mas mabilis magmaneho sa atin. Tsk! Base naman sa kotse na ito. Hindi ako magkakamali na si Lui. Sumusunod pa talaga sa akin ang walang silbe. Gusto yata niyang gawin' aso ang sarili niya kakasunod sa akin. Habang mabilis kong pinapaandar ang sasakyan. Sumasabay naman siya sa akin. Mukha pati ang mga kotse nami
Dumugo ang bibig ni Lui. Subalit, wala oa rin sa kaniya ang pagsuko. Gayunpaman, hindi niya ginawang lumaban sa akin. Mukhang gusto niyang ipakita kay Dad na mabait siya ay hindi niya ako kayang saktan bilang respeto. Ngunit, para sa akin ay isa itong insulto at walang kakwenta-kwentang bagay!"Anong tinayo-tayo mo lang diyan? Lumaban ka sa akin Lui. Ipakita mo ang tunay mong kulay. Mukhang nagmamalinis ka pa yata sa ginagawa mo? Pwes! Hindi bagay sa 'yo!" galit na galit kong sigaw. Gigil na gigil ang mga kamay ko. Upang bugbugin ang lalaking ito. Ngunit, patuloy akong pinipigilan ni Dad. Mas kinakampihan pa niya ang ampon niyang anak kaysa sa akin na tagapagmana niya."Hindi ako pumapatol sa kuya ko. Malaki ang galang ko sa 'yo. Alam ni Dad 'yan. Pero, ikaw kuya Jeff, bakit hindi mo man lang ginalang ang kasal namin ni Grace? Ang sakit mo talaga. Tapos ngayon ako pa ang susuntukin mo? Kung tutuusin mas may karapatan akong gawin 'yan kaysa sa 'yo eh. Dahil ikaw ang may atraso sa akin
Hindi ko inaasahan na makakapasok ako sa tila sekretong kwarto sa loob ng kwarto ni Kuya Jackson. Dito tumumbad sa akin ang maraming litrato na nakadikit sa mga dingding. Kasama sa mga litrato nila ang babaeng nakita ko sa litrato doon sa sa labas. Tahimik ko lang muna itong pinagmasdan at inalam ang lahat. Walang pinagkaiba ang mukha ng babae sa ibang mga litrato. Duda na ako kung sino siya. Baka siya nga ang mommy namin. Pero bakit nandito lahat sa kwarto ni kuya Jackson? Kung pwede naman ito i-display sa loob ng bahay. Ayaw ba nilang ilabas ito? Kaya nandito lang naka-stock?Hindi lang naman mga litrato ang narito. Kundi magagandang laruan ng pangbata. Higit sa lahat mga libro at papel sa isang mesa na nasa gilid. Walang alinlangan naman akong humakbang papalapit doon sa mesa. Mayroon din dito maliit na litrato nilang naka-display. Sayang nga, ako lang ang wala. Hayts! Pero matagal ng patay si mommy. Kaya ayaw nilang i-open ito sa akin. Nasasaktan lang naman sila kuya sa tuwing ik
Napapikit ako ng mata ko dahil sa takot na baka mali na naman ito. Subalit nanlaki ang paningin ko ng makita kong successful ito. Tuwang-tuwa naman akong lumapit agad sa laptop ko. At ito na, tahimik kong inumpisahan na mahalikot ito. Maayos lang naman ang mga nakikita ko sa messages ni Dad. Wala masyadong nakakausap. Ngunit, sa isang iglap lang may bagong message na nagpakita. Mukhang hawak-hawak ngayon ni Dad ang cellphone niya. Kaya naman, walang alinlangan ko muna itong hinayaan at pinagmasdan. Kasi kung ako ang gagalaw. Tiyak na mahuhuli ako. Nakikita ko naman sa screen ng laptop ko ang nangyayari sa cellphone ni dad. Hanggang sa pinindot niyo ang message. Dito tumumbad sa akin ang pangalan ni Lui. Maayos na itinuon ko lamang ang tingin ko sa screen. Sa nakikita ko, may mali sa mga pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magagalit. Basta naguguluhan ako sa mga binabasa ko. "Huwag mong sasaktan. Mag-usap tayo ng maayos. Pero, tungkol sa anak kong si Grace. Hin
Grace Point of view. "Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nganak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-
"Ilang beses ko nang sinabi na hindi kayo kailan man abala sa akin. Kaya huwag mo 'yan isipin Grace. Ako ang boss mo at mas alam ko ang kalagayan niyong mag-ina. Kaya gusto ko na ako mismo ang maghatid sa inyo ng anak mo." Hindi ko alam kung nagalit ko ba siya. "Ano ka ba Jeff, huwag mo na ipili
"Mga anak, itago niyong mabuti ang mga cards na binigay sa inyo ahh. Huwag na huwag niyo ibibigay sa iba. Dahil, importante ang mga bagay na 'yan," maayos na pagpapaliwanag ko sa mga anak ko. "Opo mommy, kami po ang bahala. Don't worry po," sagot ni Gerald. Ramdam ko ang kanilang pagngiti sa pama
GRACE POINT OF VIEW Nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ko. Kahit inaalalayan ako ng dalawang anak ko. Punong-puno ako nang pag-aalala na baka ay tuluyan nang nawala sa akin sina Gerald at Gia. "Juliana, John, nakikita niyo na ba ang mga kambal niyo? Nandiyan na ba sila?" pag-aalalang







