Langitngit ng Langit

Langitngit ng Langit

last updateLast Updated : 2026-07-28
By:  Gabriel PatternUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
5Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sumumpang hindi na muling magmamahal si Erzel matapos siyang iwan ni Alfred Caballero—ang lalaking nangakong pakakasalan siya. Imbes na magmukmok, ibinuhos na lang niya ang oras sa trabaho. Sa umaga, kilala siya bilang albularyo. Pagsapit ng gabi, tumatanggap siya ng mga pribadong appointment mula sa mayayamang kliyenteng handang magbayad ng malaking halaga kapalit ng serbisyo niya. Hanggang sa isang gabi, na-set up siya at pinahiya ng asawa ng isa sa kanyang mayayamang kliyente. Akala niya, iyon na ang katapusan ng lahat. Pero dumating si Juan Miguel Cervantez—isang makapangyarihan at bilyonaryong negosyante na nagligtas sa kanya sa kahihiyan. Ngunit hindi basta pagtulong ang sadya ni Juan Miguel. Naniniwala itong isinumpa siya matapos mabigo ang lahat ng doktor na gamutin ang sakit niya. Desperado siyang magbayad ng malaking halaga para lang gumaling sa pag-asang babalikan pa siya ng ex-fiancée niyang si Zunshine Agustin. Desidido si Erzel na lokohin ang desperadong lalaki habang itinatago ang sikreto sa likod ng kanyang pagiging albularyo. Ngunit habang tumatagal ang pagsasama nila, mas lalo naman silang napapalapit sa isa't isa. Kasabay nito ang muling paglitaw nina Zunshine Agustin at Alfred Caballero—ang dalawang taong unang sumira sa kanilang mga puso. Kung ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para paglapitin ang dalawang pusong parehong iniwan, sapat na kaya iyon para matutunan nilang magmahal muli? Lalangitngit na ang langit... sasama ka ba?

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE

"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"

Mariing nakapikit si Erzel habang dahan-dahang iniikot ang kahoy na sandok sa malaking tansong kawaling puno ng iba't ibang dahon. Unti-unting kumapal ang usok sa loob ng consultation room, dahilan para lalo pang kabahan ang eleganteng babaeng nakatayo sa harapan niya.

Muli siyang huminga nang malalim.

"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"

Mas mabilis na bulong niya. Bahagya siyang yumuko at sinadyang panginginigin ang katawan, na para bang may espiritung unti-unting sumasapi sa kanya.

"M-Miss..." halos pabulong na sabi ng babae. "S-sino ang nakikita mo? Sabihin mo na sa akin."

Hindi agad sumagot si Erzel. Sa halip, mas binilisan pa niya ang paghahalo sa kawali. Unti-unti niyang binuka ang labi.

"B-bay..."

Napahawak sa dibdib ang babae.

"B-Bayani?" gulat nitong sabi. "Si Bayani? Ang asawa ko?"

Biglang napadilat si Erzel at napatingin sa maliit na mesa sa gilid.

"Mrs. Evangelista..." mahina niyang sabi habang nakaturo roon. "Yung bayad po."

Napakurap ang babae.

"B-bayad? Hindi Bayani?"

"Yung consultation f*e po." Napangiti si Erzel. "Hindi n'yo pa po nailalagay."

"Oh, I'm sorry. Nakalimutan ko." Agad nitong binuksan ang mamahaling handbag at kumuha ng sampung libong piso bago marahang inilapag sa mesa.

"Salamat po."

Mabilis na itinabi ni Erzel ang pera bago muling umayos ng upo.

"Eto na..." bulong niya habang nakapikit ang mga mata at dahan-dahang iniikot ang ulo kasabay ng paghahalo sa kawali.

Lumipas ang ilang segundo bago siya napailing.

"Naku..."

"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Evangelista.

"Kayo naman kasi, Mrs. Evangelista." Nakanguso siyang tumingin dito. "Naputol tuloy ang koneksyon. Hindi ko na nasilip kung sino."

Napahawak sa noo ang babae.

"Oh, no... I'm so sorry."

Napabuntong-hininga si Erzel bago marahang ngumiti.

"Hayaan n'yo po. Susubukan ko ulit sa susunod."

"Salamat ha, at sana... manatiling confidential ang pagpunta ko rito at kung ano man ang pinag-usapan nating dalawa."

Basag ang boses ni Mrs. Evangelista habang pinupunasan ang mga luhang tuloy-tuloy na pumapatak.

"H-hindi ko na kasi talaga alam ang nangyayari sa akin. Malakas talaga ang kutob ko na kinukulam ako."

Napakunot-noo si Erzel.

"P-paano n'yo po ba nasabing kinukulam kayo?"

"Ang totoo niyan, Miss Erzel, unti-unti nang nalalagas ang buhok ko." Napahawak ito sa suot nitong wig. "Kaya nga napilitan na akong magsuot nito. Halos araw-araw akong nakakakita ng mga hibla ng buhok sa unan at sa banyo."

Napatango-tango si Erzel.

"May ginamit po ba kayong bagong shampoo? Hair treatment? O baka naman may allergy lang kayo sa isang product?"

Saglit na natigilan si Mrs. Evangelista bago dahan-dahang binuksan ang mamahalin niyang handbag.

"Nagsimula lang naman 'to nang gamitin ko 'tong ibinigay ng asawa ko." Inilabas nito ang isang maliit na bote at inabot kay Erzel. "Sabi niya, gamitin ko raw ito para mas gumanda ang pagsasama naming mag-asawa. Parang excited na excited pa nga siyang ibigay sa akin 'to. Pero sa halip na gumanda ang pagsasama namin, mas lalo siyang nanlamig. Lagi na siyang late umuwi... Para bang iniiwasan na niya akong makita."

Basag ang boses nitong kuwento.

Saglit na pinagmasdan ni Erzel ang bote bago unti-unting dumiin ang pagkagat niya sa labi para pigilan ang tawa.

"May problema ba?" nagtatakang tanong ni Mrs. Evangelista.

Umiling si Erzel habang nanginginig ang balikat.

"W-wala naman po..."

"Mrs. Evangelista..." Bahagya siyang napayuko. "Kaya naman pala nalalagas ang buhok n'yo."

Napakurap ang babae. "What do you mean?"

"Pubic hair removal cream po ito..."

Saglit silang natahimik bago sabay na humagalpak ng tawa.

"Kaya pala excited na excited siyang ibigay sa akin!" namumulang sabi ng ginang habang marahang hinahampas sa balikat si Erzel. "May balak pala siyang kainin ako ulit!" kinikilig nitong dagdag.

Ilang saglit pa, unti-unting nawala ang tawa ni Mrs. Evangelista.

"Buong akala ko, pinapakulam na ako ng asawa ko at may ginagawa siyang kalokohan. Maling akala ko lang pala."

Sandaling natahimik si Erzel. Marahan niyang niyakap ang ginang.

"Ngayon pong malinaw na hindi naman talaga kayo kinukulam, hangad ko po ang kaligayahan ninyong mag-asawa. Sana po, subukan n'yong mag-usap nang maayos. Minsan kasi, hindi kulam ang sumisira sa isang relasyon—kundi ang kawalan ng tiwala at komunikasyon."

Tahimik na tumango si Mrs. Evangelista.

"Thank you, Erzel. Hindi ako nagkamaling lumapit sa 'yo."

Ngumiti lang siya.

"My pleasure! Ingat po kayo sa pag-uwi."

Inihatid niya ang ginang palabas ng consultation room. Pagkabukas pa lang ng p***o, sabay-sabay nang nagsitayuan ang mga kliyenteng naghihintay sa waiting area.

"Yes! Ako na ang susunod!" excited na sigaw ng nasa unahang pila.

"Miss Erzel! Unahin mo na ang apo ko. Tatlong gabi nang iyak nang iyak!"

"Miss, baka naman puwedeng sumingit. Isinumpa yata ang tindahan namin. Dalawang linggo nang walang bumibili!"

Napakamot na lang siya sa ulo bago napatawa.

"Huwag po kayong mag-alala. Lahat naman po kayo makakapagpa-consult. Huwag lang sabay-sabay, baka sa halip na pampasuwerte ang maibigay ko sa inyo, maging pampakalbo pa!"

Nagtawanan ang ilan, ngunit wala pa ring gustong magpahuli sa pila.

"Miss Erzel!"

Napalingon siya sa assistant niyang si Jane na kumakaripas ng takbo papalapit sa kanya.

"Miss... nandiyan na naman sila."

Nawala ang ngiti sa labi ni Erzel. Hindi na niya kailangang magtanong. Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. 

Mabilis niyang hinubad ang itim na alampay na nakapatong sa balikat at iniabot iyon kay Jane.

"Gaya ng dati."

Tumango agad si Jane, pero napailing din, nang makita niyang marami pang kliyente na naghihintay sa waiting area.

"Pero, Miss... ang dami pa nilang naghihintay."

"Kaya mo na 'yan."

Bago pa makapagsalita si Jane, mabilis na siyang dumaan sa likod ng apartment. Binuksan niya ang maliit na gate na halos matakpan na ng mga halamang nakasabit sa bakod.

Naroon ang itim niyang big bike. 

Sa isang iglap, nakasuot na siya ng helmet at napaandar ang makina.

Saglit siyang lumingon sa apartment. Hanggang doon ay naririnig pa rin niya ang ingay ng mga naghihintay at ang boses ni Jane na pilit silang pinapakalma.

Napailing na lang siya.

"Galingan mo, Jane." Nakangising bulong niya.

Isang pihit lang sa silinyador, humarurot agad ang big bike niya palabas ng eskinita. 

Nang madaanan niya ang naka-park na sasakyan ng mga tauhan ng daddy niya, napangiti siya.

"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... iligaw mo sila sa kanluran para hindi nila ako masundan." 

Napailing siya sa sarili bago bahagyang dinagdagan ang piga sa silinyador.

Malayo na ang narating ni Erzel. Pangiti-ngiti pa rin siya habang iniisip kung paano na naman iinit ang ulo ng daddy niya dahil hindi na naman siya naabutan ng mga tauhan nito. 

Hindi niya namalayang mula pa nang umalis siya sa apartment, may isang itim na van na tahimik na sumusunod sa bawat liko ng kanyang dinaraanan.

Sa loob nito, may isang lalaki na marahang isinara ang folder na naglalaman ng larawan ni Erzel.

"Walang duda..." malamig nitong saad.

"Siya nga."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

TeaGhang
TeaGhang
Wow bago more updates po... mukang masaya tong basahin
2026-07-31 00:23:13
1
0
Ańàp>Śè
Ańàp>Śè
nxt naman na aabangn ...........highly recommended ...
2026-07-30 22:35:06
1
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status