Share

CHAPTER TWO

last update publish date: 2026-07-28 02:56:40

Ilang minuto pa ang lumipas nang mapatingin si Erzel sa side mirror. May isang itim na van na kasunod niya.

"Sinusundan ba ako nito?" kibit-balikat niyang bulong. "Tsk! Baka pareho lang kami ng daan."

Muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada. Lumiko siya sa kanan. Lumiko rin ang van. Napakunot ang noo niya. Nag-U-turn siya sa susunod na kanto. Nag-U-turn din ang van.

"Teka..."

Bahagya niyang binagalan ang takbo ng big bike. Kasabay no'n ang pagbagal ng van.

"Okay..." Bahagya siyang napangiti. "Sinusundan nga ako."

Hindi siya kinabahan. Sa halip, tila mas lalo pa siyang naaliw.

"Gusto n'yo pala ng habulan, ha? Tingnan ko lang kung maabutan n'yo pa ako!"

Mabilis niyang pinaharurot ang motor. Humarurot din ang van. Sunod-sunod niyang nalagpasan ang ilang sasakyan. Sanay na sanay na siyang sumingit sa pagitan ng mga ito, at halos kabisado na niya ang bawat eskinita at shortcut sa lugar.

Lumiko siya sa isang makitid na daan kung saan halos isang sasakyan lang ang kasya. 

Napangisi siya.

"Bye."

Makalipas ang ilang minuto, huminto siya sa tapat ng condo niya. Kakababa pa lang niya sa big bike nang biglang tumunog ang cellphone sa loob ng bag niya. Agad niya itong inilabas at sinagot ang tawag.

"Hello, Jane—"

"Anak..."

Kusang napakagat sa labi si Erzel nang marinig ang boses ng daddy niya sa kabilang linya.

"Umuwi ka na sa 'tin. Huwag mo naman akong pahirapan. Ang gusto ko lang naman ay mailagay ka sa tahimik. Hindi ka na bumabata, hija. Paano mo naman ako mabibigyan ng apo niyan?"

"Dad, please!" Napapikit siya sa inis. "Masaya na ako sa buhay ko. Huwag n'yo na akong piliting mag-asawa dahil ayoko na."

"Fine. Ibibigay ko na lang sa mga pinsan mo ang dapat sanang mamanahin mo."

"Dad!" Napalakas ang boses niya. "Hindi pa ba sapat na hinold n'yo ang lahat ng bank account ko?"

"Pinili mo 'yan, anak."

"Dad—"

Hindi na siya nakapagsalita. Pinatay na ng ama niya ang tawag.

Napabuntong-hininga siya bago malakas na sinipa ang pader sa tabi ng entrance ng condo.

"Argh!"

Paglingon niya sa gilid, agad niyang namataan ang itim na van na nakahinto sa ilalim ng puno.

"Walanghiya..." inis na inis niyang bulong. "Hindi n'yo ba talaga ako tatantanan?"

Mabilis siyang naglakad palapit dito.

"Baba!"

Mariin niyang kinatok ang bintana. Pero hindi man lang siya pinansin ng mga taong nasa loob ng van. Pumulot siya ng malaking bato at akmang babasagin ang bintana ng biglang bumukas ang p***o.

Napanganga siya at biglang nabitiwan ang bato.

Sa harapan niya ay nakaupo ang isang gwapong lalaking  nakasuot ng itim na suit at shades.

Napakurap siya nang marahang isara nito ang nakabuka niyang bibig.

"Baka pasukan ng langaw," nakangising bulong nito.

Napapitlag siya saka mabilis na itinulak palayo ang kamay ng lalaki.

"Hoy! Puwede ba? Tigilan n'yo na ang pagsunod-sunod sa akin!" inis niyang sabi. "Pakisabi sa boss n'yo huwag na niya akong guluhin. Kung gusto niyang magpakasal, siya na lang!"

Mabilis niyang isinuksok ang isang libong piso sa kamay ng lalaki.

"O, heto. Pang-gas."

Napatingin ang lalaki sa perang hawak niya bago napailing.

"Boss..." natatawang bulong ng kasama nito mula sa driver's seat. "Malakas pala ang sapak niyan."

Lilingon sana si Erzel sa nagsalita nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Agad siyang napangiti nang makita ang pangalan ng VIP client niya sa screen.

"Yes, hello!" matamis niyang bati.

"Baby girl, kailangan kita. Magkita tayo sa hotel, okay? I'll send the address."

"Let's go," malamig na utos ng lalaki habang pinagmamasdan si Erzel na papasok sa condo.

"Pero, Boss—"

"Hayaan mo na. Ang mahalaga, alam na natin kung saan siya mahahanap." Nakangiting sagot nito.

Kinagabihan...

Suot ang isang kaakit-akit na itim na dress, dumating si Erzel sa hotel na ipinadala ng VIP client niya. Pagbukas pa lang niya ng p***o ng suite, agad siyang napahinto.

Hindi ang kliyenteng tumawag sa kanya ang naghihintay sa loob. Kundi si Mrs. Evangelista. Kasama ang ilang babae at dalawang lalaking may hawak na cellphone na nakatutok agad sa kanya.

"Siya 'yan!" sigaw ng ginang.

Bago pa makapagsalita si Erzel, mabilis siyang sinugod nito at mariing hinila sa buhok.

"A-ahh! Mrs. Evangelista!" Napangiwi siya sa sakit habang pilit inaalis ang kamay nito. "Ano po bang ginagawa n'yo?"

"Walanghiya ka!" galit na sigaw ng ginang. "Kinomfort mo pa ako kanina, ikaw pala ang kabit ng asawa ko!"

Imbes na umawat, sunod-sunod ang pag-flash ng mga camera ng cellphone ng mga usiserong nagkukumpulan. Tuwang-tuwa ang mga ito na para bang may dalawang manok na nagsasabong sa harapan nila.

"Hindi po! Hindi ako ang kabit ng asawa n'yo!" desperado niyang tanggi.

"Sinungaling!"

Kusang bumaling ang mukha niya sa lakas ng sampal ni Mrs. Evangelista. Napapikit siya sa hapdi habang hawak ang sariling pisngi.

"Sige!" gigil na sigaw nito. "Sabihin mo kung sino ang kabit!"

Saglit siyang natigilan. "'Yung... 'yung katulong n'yo..."

Saglit na natigilan ang ginang bago siya muling sinampal. 

"Katulong? Wala kaming katulong!" sigaw nito.

Muli siyang hinila sa buhok ng ginang at kinaladkad palabas ng suite. 

"Bitawan n'yo ako! Ano ba?!" Nangingilid ang luhang sigaw niya.

Pero walang nakialam.

"Tingnan n'yo ang babaeng 'to!" sigaw ni Mrs. Evangelista habang pilit siyang itinutulak sa gitna ng lobby. "Kabit 'yan ng asawa ko! Ginagamit ang ganda at katawan para lang magkapera! Kaya kung ako sa inyo, itali n'yo ang mga asawa n'yo!"

Kusang napaawang ang bibig ni Erzel ng bilang siyang sabuyan ng wine sa mukha ni Mrs Evangelista. Napasinghap siya. Hindi pa man siya nakakabawi, may humila na naman sa strap ng suot niyang dress.

"Ano ba!" Napayakap siya sa sarili habang pilit inaayos ang damit. "Bitawan n'yo ako!"

Lalong lumakas ang tawanan.

Mas dumami ang mga cellphone na nakatutok sa kanya. 

Unti-unti siyang napa-urong ng lumapit ang mga tauhan ni Mrs. Evangelista sa kanya, may humawak sa paa at sa mga kamay niya pilit siyang nagkakawala pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “Bitiwan niyo ko ano ba?!” basag ang boses na sigaw niya. 

“Ito na ang katapusan mo!” sigaw ng ginang. 

Unti-unti nang ipinikit ni Erzel ang mga mata. Mahigpit niyang kinuyom ang mga palad habang hinihintay ang paglagapak ng bote ng wine sa ulo niya. Ngunit ilang segundo na ang lumipas, wala pa ring tumatama sa kanya.

"Drop the bottle."

Saglit na nanahimik ang buong lobby.

"Or I'll cut off your hand."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER FIVE

    Ilang segundo ring walang nagsalita.Nakakunot-noong nakatitig lang si Erzel kay Juan Miguel, na para bang hinihintay niyang bigla itong tumawa at sabihing biro lang ang lahat– pero nanatili itong seryoso."Ano'ng sabi mo?""Isinumpa ako," ulit ni Juan Miguel, walang bahid ng biro sa mukha.Napakurap si Erzel."Seryoso ka ba? H-hindi mo 'ko pinagtitripan? Sorry ha, but look at you. You look... decent. Mukha ka namang may pinag-aralan. P-pero bakit ka naniniwala sa sumpa?”Marahan itong tumango.“I know. But it’s true, alam kong mahirap paniwalaan, pero totoo 'to. Kaya nga ako iniwan ng ex-fiancée ko. Dahil isinumpa ako. Wala sa estado o katayuan sa buhay 'yan. Kapag sinumpa ka... sinumpa ka. Albularyo ka ‘di ba? Kung may taong mas makakaintindi sa kalagayan ko, hindi ba’t ikaw dapat ‘yon?” basag ang boses na sabi niya. Mariing napakagat si Erzel sa labi niya. “T-tama ka.” seryoso niyang sabi, “Albularyo ako at naiintindihan kita. Sige, ituloy mo.” nakangiti niyang sagot. “Halos lah

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER FOUR

    "Pfth! Sigurado ka bang nasa matinong pag-iisip ka pa?" Napailing si Erzel habang pinipigilan ang sariling matawa. "Biruin mo, ngayon lang tayo nagkita, tapos bigla mo na lang sasabihing ako na lang ang pag-asa mo?" “Mukha ba ‘kong nagbibiro?” seryosong tanong nito sabay ayos nang upo. “Pwede ba, mamaya niyo na pag-usapan yan? Ngalay na ngalay na ‘ko sa pagbitbit ng mami niyo!” inis na singit ng serbidora. “Kung may LQ kayo, dun kayo mag bakbakan sa motel!” dagdag pa nito sabay talikod“Aba—” “Don’t mind her, sa ’kin ka lang mag-focus.” putol sa kanya ni Juan Miguel. Hindi siya sanay na kinokontra at pinagbabawalan pero sa pagkakataong ‘yon padabog siyang naupo. Bahagyang inilapit sa kanya ang mangkok at yumuko. "Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... madapa sana ang babaeng ‘yan.” nakapikit niyang bulong habang marahang hinahalo ang beef mami na kakalapag lang ng serbidora.Napaawang ang labi ni Juan Miguel. Hindi niya maalis ang tingin kay Erzel. Sa labi nit

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER THREE

    Kusang napaurong si Mrs. Evangelista nang makita kung sino ang lalaking kaharap niya. "Ikaw na naman. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na hindi ako sasama?!" mariing bulong ni Erzel habang inaayos ang sarili niya. Pero ngumiti lang ang binata na para bang hindi natatakot sa mga tingin niya.Akmang tatalikod na si Erzel nang bigla siyang bumaling kay Mrs. Evangelista."Alam mo ba kung bakit ako nakikipagkita sa asawa mo?"Napakurap ang ginang."Client ko rin siya." Bahagyang natawa si Erzel. "Hindi ko naman talaga dapat sabihin 'to, pero dahil sa ginawa mo, pagbibigyan na kita. Gusto ka sana niyang i-surprise sa anniversary n'yo."Lalong nanlaki ang mga mata nito."Ako rin ang nag-recommend ng cream na ibinigay niya sa 'yo." Dahan-dahan siyang lumapit sa ginang. "Gusto ka niyang pasayahin at maramdaman mo kung gaano ka niya kamahal..." Humugot siya ng malalim na hininga. "Pero hindi niya magawa dahil sa kapal ng bulbòl mo!"Napasinghap ang lahat."I-ikaw—" natigilan si Mrs. Evangelista.

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER TWO

    Ilang minuto pa ang lumipas nang mapatingin si Erzel sa side mirror. May isang itim na van na kasunod niya."Sinusundan ba ako nito?" kibit-balikat niyang bulong. "Tsk! Baka pareho lang kami ng daan."Muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada. Lumiko siya sa kanan. Lumiko rin ang van. Napakunot ang noo niya. Nag-U-turn siya sa susunod na kanto. Nag-U-turn din ang van."Teka..."Bahagya niyang binagalan ang takbo ng big bike. Kasabay no'n ang pagbagal ng van."Okay..." Bahagya siyang napangiti. "Sinusundan nga ako."Hindi siya kinabahan. Sa halip, tila mas lalo pa siyang naaliw."Gusto n'yo pala ng habulan, ha? Tingnan ko lang kung maabutan n'yo pa ako!"Mabilis niyang pinaharurot ang motor. Humarurot din ang van. Sunod-sunod niyang nalagpasan ang ilang sasakyan. Sanay na sanay na siyang sumingit sa pagitan ng mga ito, at halos kabisado na niya ang bawat eskinita at shortcut sa lugar.Lumiko siya sa isang makitid na daan kung saan halos isang sasakyan lang ang kasya. Napangisi siya.

  • Langitngit ng Langit   CHAPTER ONE

    "Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"Mariing nakapikit si Erzel habang dahan-dahang iniikot ang kahoy na sandok sa malaking tansong kawaling puno ng iba't ibang dahon. Unti-unting kumapal ang usok sa loob ng consultation room, dahilan para lalo pang kabahan ang eleganteng babaeng nakatayo sa harapan niya.Muli siyang huminga nang malalim."Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"Mas mabilis na bulong niya. Bahagya siyang yumuko at sinadyang panginginigin ang katawan, na para bang may espiritung unti-unting sumasapi sa kanya."M-Miss..." halos pabulong na sabi ng babae. "S-sino ang nakikita mo? Sabihin mo na sa akin."Hindi agad sumagot si Erzel. Sa halip, mas binilisan pa niya ang paghahalo sa kawali. Unti-unti niyang binuka ang labi."B-bay..."Napahawak sa dibdib ang babae."B-Bayani?" gulat nitong sabi. "Si Bayani? Ang asawa ko?"Biglang napadilat si Erzel at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status