Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-07-23 00:06:30

Brielle Elise's POV

Nagising ako at alam kong nasa kama ako, tinignan ko yung orasan na nasa bed side table namin at pag tingin ko ay alas kwatro na ng umaga kaya naman naisipan ko ng bumangon pero hindi ako makabangon dahil nakapulupot ang kamay ni Cody sa bewang ko at nakabaon pa yung mukha nya sa leeg ko.

Ramdam na ramdam ko yung hininga ni Cody na tumatama sa leeg ko kaya naman hindi na muna ako gumalaw dahil baka magising to kahit pa ang lalim ng tulog.

Ano na lang kaya ang mangyayari saming dalawa once na maghiwalay kami after five months? kakayanin ko kaya? feeling ko nahuhulog na ako kay Cody, hindi pa ako sigurado pero parang. Ayokong umasa dahil alam ng lahat na mahal nya pa yung ex nya, hindi ko kilala yung babae pero kalat yun sa school na mahal pa daw nya.

Wala akong laban don. Mahal nya yun, samantalang ako pinilit lang.

Gumalaw si Cody kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong unti unting bumubukas yung mga mata nya at ng makita nya ako ay hinalikan nya lang yung pisnge ko tsaka nya ulet binaon yung mukha nya sa leeg ko.

"Cody, may pasok pa tayo, bumangon ka na dyan" pag gising ko dito.

"Five minutes" sabi nito

"Wala ng five minutes, five minutes bumangon na tayo para makapag almusal na tayo" pagpupumilit ko dito.

"Hmmm no." sabi nito at pilit pang binaon yung mukha nya sa leeg ko kaya napairap nalang ako sa kakulitan nya.

"Ayaw mong pumasok?"

"Gusto, mamaya na konti, It's already four am in the morning love"

"Whatever, bumangon ka na dyan dahil kakain pa tayo, kung ayaw mo edi ako na lang" sabi ko tsaka tinggal yung kamay nyang nakapulupot sa bewang ko pero sadyang makulit si Cody mas lalo pa nyang hinigpitan "Cody! Isa!" Imbis na matakot ay umiling lang ito tsaka tumawa ng mahina kaya naman napairap nanaman ako.

"Mamaya na kasi" salita nito habang naka baon ang mukha nya sa leeg ko.

"Cody, please lang may pasok pa tayo pareho”

"I know"

"Alam mo pala eh, edi bumangon ka na dyan"

"Okay, let's eat" sabi nito sabay bangon at dare-daretsyong lumabas kaya napailing nalang ako sa abnoyan nya.

Lumabas na rin ako ng kwarto para sumunod sa kanya at nakita ko siyang naglalakad na papuntang dining area at sumisipol sipol pa kaya napailing nalang ako tsaka bumaba at dumaretsyong dining area.

Pagkarating ko ay nakahanda na ang pagkain kaya naman tumabi na ako ng upo kay Cody at nagsimulang kumain. Galit muna kami kasi kainan time to eh. Nang matapos akong kumain ay nauna na akong umakyat, mabagal kasi kumain si Cody kaya iniwan ko na baka pareho pa kaming ma late pag nagkataon.

Natapos akong maligo at saktong pasok ni Cody kaya dare-daretso na syang nagtungo sa banyo para maligo. Sinuot ko na yung school uniform namin tsaka ako humarap sa vanity mirror ko para mag ayos. Binlower ko lang yung buhok ko tsaka ko pinlantya gamit yung hair straightener ko, at ng matapos ako sa buhok ay sa mukha naman, naka labas na Cody galing banyo kaya dumaretsyo na sya sa walk in namin para mag bihis at ako naman ay nag ayos na ng mukha para naman hindi ako mukhang kawawa, first day na first day mukha akong ewan.

Natapos akong mag ayos at ganon din si Cody kaya naman sabay na kaming bumaba dalawa, dala dala nya yung bag namin kasi ang bigat daw ng bag ko at baka mapilay ako, ewan ko ba dyan nagiging sweet!

"Get in" sabi nito kaya naman pumasok na ako sa loob at sya naman ay sumunod, nang pareho na kaming nakasakay ay pinaandar na ni Kuya Edgar yung kotse papasok sa eskwelahan.

Nakarating kami ng matiwasay sa eskwelahan at medyo marami rami narin ang mga tao kaya pumasok na kami. Hindi nag f-flag ceremony pag first day kasi maghahanapan pa ng room kung saan ka naka assign base sa kinuha mong kurso, kinabukasan pa nag iistart ang flag ceremony.

"Excuse me" tawag ng isang lalaki sakin.

"Ah, yes?"

"Pwedeng magtanong kung saan tong building na to? bago lang kasi ako dito eh" tanong nung lalaki kaya naman napatango ako at tinignan yung nasa papel nya, wala namang masama kung tumulong ka.

"Same building pala tayo eh, tska magkaklase tayo. Sumabay ka nalang samin ni Cody"

"Tsk" rinig kong sabi ni Cody tsaka naglakad.

"Tara na" sabi ko dito sa lalaki at sumunod naman sya.

Magkapantay lang kami maglakad ni Nathaniel, Nathaniel daw pangalan nya eh tapos si Cody nangunguna, habit nya yan di na maalis sa kanya yan.

"Hi Cody, We miss you!" Sabi nung isang babae sa gilid nang dumaan si Cody kaya napa iling ako.

"Sikat pala dito boyfriend mo no?" Sabi ni Nathaniel.

"Ah hindi ko sya boyfriend"

"Ah sorry" sabi nito kaya ngumiti lang ako.

Nakarating kami sa room kung saan ang first subject namin, si Cody naupo na sa favorite place nya, sa tabi ng bintana. Ako naman naupo na sa likod nya dahil gusto ko ding nakikita yung scenery sa labas, stress reliever ba.

Habang wala pa yung iba naming magiging kaklase ay nag cellphone muna ako para kamustahin yung iba kong mga kaibigan at magkakaiba pala kami ng section.

Nagsi datingan yung mga kaklase ko na hindi naman bago sa paningin ko dahil nakikita ko narin naman sila dito dati pa hindi ko nga lang alam mga pangalan.

Tinignan ko si Cody at naka tingin lang ito sa labas na akala mo ay napaka raming iniisip. Ilang minuto pa ang lumipas at medyo marami narin ang mga dumating at ni isa walang nagtatangkang umupo sa tabi ni Cody kaya naman napangiti ako ng wala sa oras pero nawala din agad ng pumasok ng room si Princess kaya naman nagulat ako dahil dito din pala sya mag aaral. Nilibot nya ang paningin nya na para bang naghahanap ng mauupuan at ng makita nyang bakante pa yung kay Cody ay nagpunta na agad sya, hindi lumilingon si Cody kaya hindi nakikita ni Princess ang mukha ni Cody, at ng makaupo si Princess ay dun lang lumingon si Cody.

"Omygod! Cody?" Sabi ni Princess ng lumingon sa kanya si Princess pero tinignan lang sya nito tsaka binalik ang tingin sa labas "You still like seeing the scenery outside, hindi ka pa rin nagbabago" Sabi ni Princess.

"Ay si Princess pala yan" dinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko.

"Hala bumalik na ulit sya"

"Oo nga eh, baka saktan na naman nya si Justin"

"Hindi na mangyayare yun"

"Pano mo nasabe mae?"

"Duh look at Cody, he didn't bother to look at Princess"

"Oo nga no? pero sana wag na maging sila ulit, grabe yung nangyari kay Cody nung nag break sila"

"True mamshie"

Yan yung mga naririnig kong kwentuhan ng mga babae sa likod ko, so si Princess pala yung ex ni Cody na minahal nya ng todo. Maganda si Princess, Sexy, pang model ang katawan at ang height, mayaman hindi ako sure kung matalino basta ako matalino.

Dumating yung prof namin at walangya math agad! major namin agad jusq hindi man lang kami pinag almusal ng minor subject, tinodo agad! kaya ayun sabaw yung iba. Buti nalang at nakapag review ako nung nakaraan inadvance ko na tapos binalikan ko rin yung lessons last year baka kasi magtanong mahirap na.

"I'm Mr. Harvey Montenegro, 26 years old 23 years palang akong math teacher, So here in my subject, I don't want anyone else to be late, get it? because this is an major subject and everyone deserves to be passed" Mr. Harvey said, well gwapo sya, mas nakadagdag sa pagiging gwapo nya ay yung salamin na suot nya, gaganahan yata ako makinig ah.

Buong lesson nya ay nakatingin lang ako sa kanya pero syempre nakikinig ako duh! mahirap na pag tinawag baka mamatay ako sa hiya pag wala akong masagot, ang dami pa namang computation nakakalito.

Natapos ang first subject namin kaya naka hinga kami ng matiwasay kasi ang hirap sis! yun yata ang ikamamatay namin, lumabas na kami para sa next subject namin, may lima kaming subject dalawang major tatlong minor, magkaklase kami ni Cody sa lahat ng Subject kaya lagi kaming magkasabay.

Nakarating kami sa next subject namin at tabi na kaming naupo ni Cody dahil yun na lang yung bakante kaya no choice. Pumikit si Cody at hinilot yung ulo kaya nag taka ako.

"Okay ka lang?" tanong ko dito.

"Yeah nahihilo lang ng konti" sabi nito

"May gamot ako dito, inumin mo na baka mamaya eh mahimatay ka dyan" sabi ko at kinuha yung gamot sa bag ko. "Oh, inumin mo yan" abot ko ng gamot at tubig.

"Thanks" sabi nito at ginulo yung buhok ko tsaka nya pinatong ang ulo nya sa desk ko at pinikit yung mata, at ako naman ay nilagay na sa bag ang tubig tska ko pinag laruan yung buhok nya.

Ilang minuto na ang nakakalipas at wala parin yung prof namin, si Cody naman ay nakatulog na, ang bilis talaga maka tulog nito. Pinaglalaruan ko pa rin yung buhok nya habang nag fafacebook ako. Lumipas pa ang ilang minuto at wala talagang prof na nagpakita, kaya naman yung mga kaklase ko ay nagsi labasan na at kami nalang ni Cody ang natira dito sa loob at tulog parin sya.

"Love" tawag nito kaya napatingin ako sakanya

"Hm?"

"Bakit tayong dalawa nalang nandito?" tanong ni Cody at halatang bagong gising dahil sa itsura nito at ang buhok niya mygod!

"Let me fix your hair first" sabi ko at inayos ito "Wala yung prof, kasi 30 minutes na wala parin kaya naman lumabas na sila, eh natutulog ka kaya nag stay nalang ako tsaka mainit sa labas eh" sabi ko habang inaayos yung buhok nya.

"Ganon ba?" Sabi nito.

"Yup, Ayan! tapos na hehe" naka ngiting sabi ko tsaka sya tinignan kasi nakatitig lang sya sakin. "What-" naputol yung sasabihin ko kasi bigla nya akong hinalikan at napa kurap pa ako sa ginawa nya pero ng gumalaw ang mga labi nya ay napapikit narin ako at sinabayan ang mga halik nya.

Ilang minuto din nagtagal tsaka sya humiwalay sa halik.

"Your too cute, and I can't stop kissing you love" sabi nito at pinupog ako ng maliliit na halik kaya natatawa na lang sa pinag gagagawa nya at sa huli ay sinubsob nya rin yung mukha nya sa leeg ko at yinakap ako.

"Tara na, lumabas na tayo wag ka ng maglambing dyan"

"Wait lang, bakit titig na titig ka don sa prof natin sa math? gusto mo sya no?" siryosong tanong nito.

"Cody wag kang maingay"

"So gusto mo?" tanong nito habang nakatingin sakin ng masama.

"Hindi ah! duh 25 na kaya sya" pagsisinungaling ko, ang totoo crush ko talaga si mr. Harvey hihi.

"Siguraduhin mo lang ah, may asawa ka na" kaya napatango ako at ngumiti ng pilit.

"Parang crush lang" mahinang bulong ko

"Anong sabe mo?" tanong nito

"Wala, sabi ko wala akong crush don" sabi ko dito sya naman ay masama pa rin yung tingin kaya naman hinawakan ko yung kilay nya at pinaghiwalay yun dahil nag didikit nya tsaka ko sya hinalikan ng mabilis sa labi "Wag na magalit okay?"

"Wala na, Hindi na ako badtrip sayo" sabi nito tska sinubsob yung mukha sa leeg ko at pinakan ako ng malilit na halik.

"Wag ka na kasing ma badtrip"

"Oo na" sabi nito at inalis na yung mukha sa leeg "Kiss mo ko ulet" sabi nito at ngumuso na kaya natawa ako.

"Ang cute mo" nanggigigil na sabi ko at kinurot yung pisnge nya.

"Masakit love" pagrereklamo nya.

"Ay sorry, kiss ko nalang" sabi ko tska ko hinalikwn yung dalawa niyang pisngi tsaka ko hinalikan yung labi nya, It was supposed to be a smack kiss pero ang nangyare hindi na niya pinakawalan yung labi ko at hinawakan na niya ang dalawa kong pisngi at hinalikan ako ng malumanay.

Lumabas kami ng kwartong yun na parang walang nangyare, ang cold na ni Cody at akala mo ay galit sa mundo pero kahit ganon yan nahuhulog na ako sa kanya napaopamahal na ako kay Cody, ayokong umamin baka in the end ako ang matalo, totoo nga rin yung sabi ni ate Heaven sakin, minsan daw ay sweet kami sa isa't isa at minsan naman ay parang hindi magkakilala.

To be Continued….

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Husband    Chapter 4

    Brielle Elise's POV Nagising ako at alam kong nasa kama ako, tinignan ko yung orasan na nasa bed side table namin at pag tingin ko ay alas kwatro na ng umaga kaya naman naisipan ko ng bumangon pero hindi ako makabangon dahil nakapulupot ang kamay ni Cody sa bewang ko at nakabaon pa yung mukha nya sa leeg ko.Ramdam na ramdam ko yung hininga ni Cody na tumatama sa leeg ko kaya naman hindi na muna ako gumalaw dahil baka magising to kahit pa ang lalim ng tulog.Ano na lang kaya ang mangyayari saming dalawa once na maghiwalay kami after five months? kakayanin ko kaya? feeling ko nahuhulog na ako kay Cody, hindi pa ako sigurado pero parang. Ayokong umasa dahil alam ng lahat na mahal nya pa yung ex nya, hindi ko kilala yung babae pero kalat yun sa school na mahal pa daw nya.Wala akong laban don. Mahal nya yun, samantalang ako pinilit lang.Gumalaw si Cody kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong unti unting bumubukas yung mga mata nya at ng makita nya ako ay hinalikan nya lang yung pis

  • My Secret Husband    Chapter 3

    Brielle Elise's POV "Bakit naka tayo ka parin dyan?" tanong nito at nakapag pabalik sakin sa katinuan, kasi naman eh ano bang iniisip ko argh!"Ah wala naman" sabi ko at naglakad na papalapit sa kanya sa higaan namin na inayos nya pala, ang gulo kasi nyan kanina dahil sa ginawa namin kagabi you know."Here, eat this" sabay abot sakin ng plato na may pancake. Pesteng eat word na yan kung ano anong pumapasok sa utak ko! Nagiging dirty minded na ako ah!Kumain kami at masasabi ko lang ay ang tahimik, sobra jusmiyo ayoko din naman kasing magsalita baka kung ano nanaman lumabas sa bibig ko, nakakahiya kahit ba asawa ko to no nahihiya parin ako."Masakit parin?" tanong nito kaya nasamid ako at nasaktuhan pang umiinom ako ng tubig, jusko namang lalaki to!"Wag ka ngang magtatanong ng ganon pag umiinom ako!" sabi ko at ngumisi lang sya kaya uminom na lang ulit ako."I'm just asking kung masakit pa rin ba?" nakangiting sabi nito."Oo masakit pa! sa laki at haba ba naman ng alaga mo eh!" sabi

  • My Secret Husband    Chapter 2

    Brielle Elise's POV Nang matapos kami ay agad akong umakyat para ituloy yung pagbabalot at agad naman na sumunod si Cody para nga daw tulungan ako."How did you do that?" tanong nya habang pinapanood ako mag balot."Ang dali dali lang eh, tinuruan kasi ako dati ni Manang Riza na mag balot kasi sabi nya magagamit ko daw tong mga natutunan ko pag nag aral na ako nag kaanak ganon and now yes nagagamit ko na nga sya thanks to manang Riza” "Diba sya yung pinalayas sa bahay nyo kasi napagbintangan na sya yung kumuha ng pera?""Yeah, But I don't believe them, manang is a good person and I salute her for her braveness, tska thankful ako kasi nakilala ko sya, si manang yung laging nandyan if ever kailangan ko ng masasandalan, pinagsasabihan ng saloobin ko, ganon. hays I suddenly miss manang Riza""It'll be alright, magkikita naman kayo non somewhere, I'm sure with that""I hope so"Panandaliang katahimikan ang dumaan sa pagitan namin bago kami magsimulang mag balot at itinuro ko sa kanya kun

  • My Secret Husband    Chapter 1

    Brielle Elise’s POVIlang linggo narin ang nakalipas mula nung nanggaling kami ni Cody sa Maldives, at masasabi kong napaka saya non dahil ginawa ko syang photographer sa lahat ng pinuntahan namin sa Maldives.Magsisimula na ang panibagong school year namin bilang Business Ads Students, gusto ko ng nakapagtapos dahil maski ako napapagod na sa mga pinag gagagawa nila, Syempre bilang estudyante nakakapagod din yung sabay sabay ang kailangan ipasa, take down notes, projects, practices and so on.Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay namin ni Cody, yes live in kami dahil nga mag asawa na kami and yes din iisa lang ang higaan namin.Hindi naman awkward para samin since magkasama kami ni Cody sa iisang bubong doon sa Maldives. Pero! walang nangyare samin, we kissed but hanggang don lang yon, hindi nangyayare ang mga ganap na ganon dahil feeling ko hindi pa sya ready? ay basta ako game ako hahaha.So what I've said kanina na malapit na ulit mag back to school and thank god this is my last y

  • My Secret Husband    Prologue

    "You may now kiss the bride" salita ng pari tska naman ako humarap kay Cody na ngayon ay walang emosyon ang mukha.Pareho naming hindi to ginusto pero wala kaming magagawa dahil pamilya namin ang may gusto, malapit na magkaibigan ang mga pamilya namin kaya naman pinagkasundo nila kaming magpakasal. Hindi kami naging close ni Cody as in never kaming nag usap or what magkaibigan nga mga magulang namin pero kami magiging magkaibigan?? Ha! It will never be happened.Kilala ko si Cody dahil kaklase ko sya sa lahat ng subject ko dahil iisa lang naman ang kursong tinatake naming dalawa, napaka yabang nyan kala mo kung sinong gwapo, oo na gwapo sya pero ang hangin hangin nya kala naman nya gusto sya ng lahat. well sad to say I'm not belong to those girls or gays na patay na patay sakanya!Suplado yung mukha pero ang hangin, alam nyo yon? yung tipong ang walang emosyon yung mukha nya pero once na magsalita sya hay nako wag mo nalang pangarapin dahil lilipad ka talaga ng di oras.Hinawakan na n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status