MasukONESUMMER Kabanata60 Dalawang araw ang lumipas at ngayo’y nasa airport na kami. Sobrang bilis ng pagdaan ng araw. At buong pag-aakala ko’y ordinaryong biyahe lang. Hanggang sa napansin kong may mga lalaking naka-itim na suit ang naghihintay sa amin. “Good morning Mr. Escano,” Anito kay Troy na siyang may karga kay Lyle, saka ito bumaling sa akin at yumuko na puno ng galang. “Goodmorning Ma’am” Tumango lang si Troy at ganoon din ako kahit pa binalot ako ng kuryosidad at pagtataka. Binuksan nila ang isang pribadong daanan kaya dito na ako napatingin kay Troy. “Troy… Bakit dito tayo?” Tanong ko na kanina ko pa gustong itanong dahil hindi naman ito ang daanan na alam ko. Ngumiti siya ng matamis. “Dahil mas mabilis at ayaw ko kayong mapagod ni Lyle.” Aniya pero hindi ko pa rin maunawaan. Hanggang sa makarating kami sa tarmac. At dito na ako tuluyang natigilan. Isang napakagandang private jet ang bumungad sa mga mata ko, at mukhang kanina pa ito naghihintay. Namilog ang mga mata
I froze, pero ramdam na ramdam ng aking labi masuyong galaw ng kanyang labi. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang unti-unti niyang pagkagat sa ibabang parte nito kaya bahagya akong napasinghap dahilan para maibuka ko ito kaya malaya niyang naipasok ang kanyang dila. My heart beats so fast. At mas lalo akong natuliro. Goodness! Parang ang bilis kong nawala sa sarili. Kailan ko nga ba huling naranasan ang mahalikan na siya rin mismo ang huling may gawa. Ilang taon din. Kaya kahit hindi ito bago ay sobrang nakakakaba at nakakawala sa sarili. I heard his soft moans habang magkadikit pa rin ang mga labi namin. “Iya… I—” “MAMAAAA!’’ At dahil sa labis na pagkataranta nang marinig ko ang matinis na boses ni Lyle ay mabilis pa sa kidlat na naitulak ko si Troy. Pareho kaming napalingon. Naroon si Lyle sa mismong pintuan, nakahawak sa maliit niyang unan habang antok na antok ang mga mata. “Iya… Troy… pasensiya na, biglang nagising at hinahanap kayo.” Ani Nanay Helen nang sunod itong sumul
“At kung mahalaga ito sa iyo… mahalaga rin ito sa akin dahil napakahalaga mo sa akin....”Naiwanan lang akong napatigagal nang agad ding nagpaalam si Troy para sagutin ang mahalagang tawag.At ang mga salitang binitawan niyang iyon ay hindi na kailanman nawala sa isipan ko. Wala mang mahabang paliwanag ay nauunawaan ito ng aking puso.Dahil kahit pa walang sabihin si Troy, ay makikita naman ito sa kilos at mga ginagawa niya para sa akin… para sa amin ni Lyle.So I am very important to him. Nararamdaman din kaya niya na napakamahalaga niya rin sa akin? At hindi dahil sa mga bagay na ginagawa at binibigay niya kundi dahil iyon ang nararamdaman ng aking puso.Pero dahil hinihintay ko ang tamang pagkakataon para sa amin ay hindi ko na nagawang sabihin pa iyon sa kanya.Mula noon ay pakiramdam ko ay unti-unting nababago ang takbo ng buhay namin. At hindi lang pagbabago kundi napakalaking pagbabago kasama na ang usaping pinansyal na hindi ko kailanman hiningi but he provided everything.. as
Hindi ko alam kung kailan eksaktong nagsimula ang lahat. Kung kailan nagsimulang maging pamilyar ang presensya ni Troy sa araw-araw naming buhay ni Lyle.Kung kailan naging normal ang pag-aasikaso niya sa umaga kahit na nandito naman sana si Nanay Helen. Kung kailan nasanay ako na makita siyang nakaupo sa may bench sa ilalim ng punong mangga habang pinapanood si Lyle na naglalaro.At higit sa lahat….. kung kailan nagsimulang gumulo ang puso ko sa bawat pagkakataong ipinapakita niyang mahalaga kami sa kanya.Isang linggo na ang nakalipas magmula ng malaman niya ang katotohanan na anak niya si Lyle.... Anak namin.At sa loob ng mga araw na iyon, wala akong nakita kundi ang isang lalaking pilit bumabawi sa lahat ng panahong hindi niya nakasama ang sariling anak. Na buong puso niyang tinanggap ang responsibilidad bilang isang ama.At iyon marahil ang dahilan kung bakit lalo akong nahihirapan. Dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang isang taong handang gawin ang lahat para sa amin. At
Hindi ko na alam kung paano ako nakapasok sa bakanteng kwarto dahil para akong nawala sa sarili. Hindi ko na rin nakita kung ano ang naging reaksyon ni Troy dahil mabilis pa sa kidlat ang naging kilos ko. Ni hindi ko na rin nagawang magpaliwanag kay Nanay Helen at Lyle ngayon kung bakit nandito si Troy dahil pakiramdam ko lutang ang buong pagkatao ko matapos ang nakakahiyang pangyayari at idagdag pa ang lahat ng nalaman ko na hindi na mawala wala sa isipan ko. Shit! Hindi ko na alam kung paano ako haharap sa lalaking yon. Jusmeyo! Nakakahiya. Nakakahiya yong panghuhusga ko sa kanya, sa maling paratang at akala ko na may fiance siya na siyang dahilan ng pagtanggi at pagsisinungaling ko sa kanya bilang ama ni Lyle. Tapos idagdag pa yong sobrang nakakahiya na naupo ako sa kandungan niya…. sa mismong tapat pa ng pagkalalaki niya! Ahhhhhh! Ramdam na ramdam ko ang sobrang pag-iinit ng aking mukha, siguradong pulang pula na ako. “Kahit kailan talaga Iya!” Palatak ko sa sarili habang ti
( Iya’s POV ) Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko habang nakatitig kay Troy na nasa labas ng lumang gate. Hindi ko alam kung bakit parang hirap pa ring tanggapin ng isipa ko ang lahat ng nalaman ko ngayong gabi. Single! He’s fucking single. Wala pala itong fiancé noon. Walang engagement. Walang babaeng naghihintay dito. Hindi ito kailanman naging committed ninuman. All these years… maling akala lang pala ang pinanghawakan ko. At dahil doon, pinagkaitan ko ang anak ko ng ama. Oh damn this mind! Napapikit ako habang mas lalo pang tumutulo ang luha ko. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa bigat ng konsensya at emosyon. Jusko! What have I done? Tahimik lang si Troy habang nakatingin sa akin. Pero kita ko pa rin ang sakit at pait sa mga mata niya kahit pilit niya iyong tinatago. At mas lalo akong nadurog doon. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang katotohanang may isang taong nasaktan nang ganito dahil sa matinding takot ko para sa kapakanan ng anak ko at para
Lahat ng takot at pagkataranta ko ay biglang naglaho. At sunod na bumuhos lahat ng hinanakit na pinagdadaanan ko sa buhay kaya para akong bata na mahigpit na kumakapit sa pader na ayaw ko nang bitiwan pa.And this is the first time in my life na emosyonal akong umiiyak sa bisig ng isang lalaki, not
“Shit!” Gusto kong iwaksi ang kamay nitong nakahawak sa akin para makatakbo ako papalayo—- kaso, literal na parang namanhid ang buong katawan ko, lalong lalo na nang maramdaman ko kung gaano kainit ang palad nito. “Why are you in so much hurry huh?” Malalim at baritono ang boses niya ng magsalita
ONESUMMER Kabanata5Hindi ako mapakaling nagpabalik balik ng lakad sa kwarto habang nakakamot sa ulo ko. Nakakahiya! Jusko! Idagdag na paulit-ulit din na bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi kung paano siya nagpakasasa sa inosenteng katawan ko.Wahhht! Shit!Tapos ang lakas ng loob kong
Unti- unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Mabigat pa ang mga talukap nito kaya ilang beses ko itong kinusot-kusot. Ramdam ko rin ang panginginig at pangangalay ng buo kong katawan. At ang malala ay parang sobrang hapdi ng aking pagkab







