Masuk“Hindi ba’t inutusan ninyo si Carlos na alamin kung sino ang nasa likod ng pag-angat ni Julian?” Bahagyang kumunot ang noo ni Audrey. Kailan niya inutusan si Carlos na lumapit dito? Biglang may naisip siya: baka si Marco ang nag-utos nito? Buong tiwala ang ibinigay nito kay Carlos at kahit saan siya pumunta ay kasama niya ito. Halos hindi sila mapaghiwalay. Baka hindi siya patay at lihim na ipinapahanap kay Carlos ang tunay na may pakana sa lahat ng ito. Sa isiping iyon, nanginginig ang mga kamay ni Audrey sa tuwa. Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan iyon. Malinaw na wala ring alam si Zeus. Maaari naman niyang tanungin si Carlos mamaya, at tiyak na malalaman natin ang katotohanan agad. Pinigil niya ang matinding damdamin at pilit na kumalma. “Oo, ako ang nag-utos sa kanya na humingi ng tulong sa inyo. Ano na ang naging resulta?” “Nagsagawa po ako ng lihim na imbestigasyon. Lahat ng mga direktor na sumusuporta kay Julian ay malapit na kaugnayan sa bunsong anak
“Syempre naman. Ngayong gabi ang araw na opisyal kang babalik sa pagiging Audrey Santillan. Mula ngayon, ikaw na ang pangulo ng Audrey's Clothing—ang tunay kong apo, hindi lang inampon.” Sa totoo lang, kumalat na sa internet ang balitang siya nga si Audrey. Nagpalit na siya ng pangalan at kinuha na ang kumpanya. Ano pa ang masasabi ng iba? Matigas ang paninindigan ni Estrella, at sinabi pa nitong ipapakita nito sa harap ng lahat ang resulta ng DNA test nila upang maging lehitimo ang pagbabago ng pangalan at pamumuno. Alam naman ni Sierra na may dahilan ang matanda. Gusto lang nitong bumalik siya sa pagiging Audrey. Wala na ngang ibang natira sa pamilya Santillan kundi siya, at hindi nito gusto na magdala pa siya ng apelyido ng iba. Naiintindihan at nararamdaman niya ang dahilan ni Estrella. Ngunit iniligtas siya at inalagaan nina Ronaldo at Alessia. Kung hindi dahil sa kanila, hindi siya makakarating sa kinalalagyan niya ngayon. Kaya naman tinawagan muna niya sina Ronaldo at Ale
Maya-maya ay napagtanto ni Ericka na nawala siya sa sarili; ang labis na pag-aalala ay nagpalabo sa kanyang isip, at muntik na siyang maloko ng babaeng iyon na si Sierra. Sa halip na siya ang sumugod sa kanya, mas mabuting hayaan na lang si Napoleon ang humatol. Ang lakas ng loob niyang tumawag ng pulis para dakpin ang anak niya! Sisiguraduhin niyang hindi siya makakaligtas dito! Agad niyang inayos ang sarili at humarap kay Napoleon. “Pinuno, gumagawa lang siya ng kwento. Ang pagkamatay ni Mommy at ang pagkaparalisa ni Stevan ay kagagawan niya lahat. Nakikiusap ako, magpatawag po kayo ng meeting at parusahan siya sa harap ng buong angkan bilang babala sa lahat.” “Nahimatay at namatay si Lola nang marinig niyang nasa emergency room si Dad. Kayo lang ang kasama niya noong nagkasakit siya. Kayo ang pinaka-nakakahinala. Paulit-ulit niyo kaming pinipigilang dalawin siya—dahil alam niyong may kasalanan kayo. Pagkatapos, nilason niyo ako at pinilit si Marco na tumalon sa ilog. Ang lahat n
Dati ay abala siya sa pangyayaring pagtalon ni Marco sa ilog, at pagkatapos ay sa pagharap sa mga balita sa internet kaya wala siyang oras na alalahanin si Julian. Paglabas nito sa himpilan ng pulisya, agad nitong inagaw ang posisyon at hindi na nagpigil—hanggang sa gusto pa niyang kunin ang kanyang anak. Akala ba nito ay patay na siya? Pinaimbestigahan na niya noon kay Gwen ang pinagmulan ni Vester, at malinis ito. Iba pa nga ang petsa ng kapanganakan nito kumpara sa sa kanyang mga anak, kaya kahit anong gawin nila, wala silang makikitang kinalaman si Vester. Kung buhay pa nga siya at ang kanyang anak, paano naman ang pagkamatay ng kanyang ama—hahayaan na lang ba itong walang katarungan? Kailangan niyang patawan ng nararapat na parusa ang gumawa nito! Mahigpit na napakuyom ang kamay ni Juliam sa kanyang tagiliran, at namutla ang kanyang mukha. “Ang batang iyon ay anak sa labas…” Mariing sumabat si Sierra kay Ericka. “Buhay ng tao iyon. Ang pumatay ay dapat ding pagbayaran ng b
“Paano niyo nasisiraan ng ganito ang Pinuno?” agad na dumepensa si Ericka. “Akala mo ba dahil hindi na makakilos ang byenan mo ngayon ay wala nang makapagpapatigil sa iyo rito kaya ka na nagsasalita nang ganyan? Huwag mong kalimutan, kahit hindi na makakilos ang byenan mo, narito pa ang Uncle ni'yo, na mas nakatatanda sa iyo.” Lumingon ito kay Stephano na nananatiling tahimik na nakaupo sa kanyang wheelchair. “Stephano, magsalita ka naman! Hayaan mo na lang ba siyang maghari-harian sa pamilyang Montezides?” Tumingin si Sierra kay Stephano. Ito ang taong laging pinagkakatiwalaan at iginagalang ni Marco. Alam niyang mahalaga kay Marco ang ugnayang ito, kaya hindi niya ito sisirain. Bahagyang lumambot ang kanyang tindig at naging mas malumanay ang boses. “Uncle, naniniwala po akong buhay pa si Marco. Gusto ko lang po sanang ingatan ang pamilyang ito para sa kanya. Ayaw niyo po namang pagbalik niya ay wala na ang lahat, hindi po ba?” Bumuntong-hininga si Stephano. “Kung buhay pa siya,
Alam niyang nasa isip pa rin nito ang bagay na iyon. Paano niya ito hahayaang magtagumpay? Agad na nilinaw ni Sierra ang kanyang paninindigan. "Hindi ako pumapayag. Hindi pa natin alam kung buhay pa ba o patay na si Marco. Anong karapatan mong agawin ang anak ko? Kahit na talagang mawala siya, ako pa rin ang ina niya. Hindi ninyo pag-aari si Sylvester." "Sa totoo lang, ikaw ay madrasta lamang ni Vester, at wala kang ibang anak na naiwan kay Marco. Paano ko siya maipagkakatiwala sa iyo? Bukod pa roon, mayroon ka namang sariling anak na babae. Tiyak na mas mamahalin mo ang sarili mong dugo. Paano kung magkamali at mapagmalupitan si Vester sa piling mo?" Sagot ni Ericka. Sino ang nagsabing wala siyang anak kay Marco? Si Vester at si Thalia ay parehong mga anak niya, parehong galing sa kanyang sariling laman. Ngunit hindi niya ito maaaring sabihin. Sa ngayon pa lang, inakusahan na siya ng pakikipagrelasyon sa magkapatid na Julian at Marco, at gusto na siyang paalisin sa pamilya. Kap
"What were you thinking just now?" Tanong ni Marco sa halip na sagutin ang tanong ni Sierra. "Wala naman." Tumingin si Sierra sa shooting range sa harap niya na parang walang nangyari. "Totoo ba ang mga baril sa kotse nila?" Sinulyapan ni Marco ang bahagyang nakakurba niyang mga daliri, saka tum
Tahimik lamang si Rianna. Hindi umiimik, hindi gumagalaw sa pwesto nito. Ang tanging maririnig mo lamang at ang munting paghikbi nito. Tanging si Deion lamang ang nasa lugar na iyon. Sa takot na baka magalit ito, hindi gumawa ng kahit anong ingay si Rianna. Biglang tumayo si Sierra. Hinawakan
Masyadong nakaka-intimidate si Marco habang tinatanong nito iyon. Hindi pa nakatulong na bahagya itong naka-uklo palapit sa mukha ni Sierra at saka ito tinitigan sa mga mata. Napalunok si Sierra at wala sa sariling humakbang ng tatlong beses, parang baliw na kumalabog ang kanyang dibdib. Bumusa
Agad na pumaibabaw si Marco kay Sierra. Napahawak si Sierra sa dibdib ng lalaki, "teka, pwede bang humingi ng pabor?"Nagsalubong ang makapal na kilay ni Marco. Iritado man ngunit sumagot pa rin. "What is it?""Mm... Pwede mo bang kausapin si Deion tungkol kay Rianna at pakiusapan siyang patawarin







