LOGIN
“Cheers to freedom!” sigaw ni Lianne habang itinaas ang shot glass.
Sabay-sabay kaming nag-click ng baso, tapos ininom ko na rin ang laman. Ramdam ko ang hapdi ng alak na dumaloy sa lalamunan ko, pero mas masakit pa rin ang bigat sa dibdib ko. Two days ago, nahuli ko ang boyfriend kong si Nathan—kasama ang Ang babaeng kinaiinisan ko pa noong first day of class sa college. Magkahawak kamay, magkaakbay, at parang ako pa ang hindi karapat-dapat. Tangina. “Kalimutan mo na siya, Thea,” bulong ni Kaira habang hinihila ako papunta sa dancefloor. “He’s not worth your tears. Tonight, you’re free.” Huminga ako nang malalim. Tama sila. Wala na rin namang silbi kung iiyakan ko pa si Nathan. Kaya kahit medyo hilo na ako, sumabay ako sa tugtog at hinayaan ang sarili kong dalhin ng beat. Pero hindi ko inasahan na sa dami ng tao sa bar, may isang pares ng mata na titigil sa akin. Naramdaman ko agad ang titig niya. Sharp, intense, na parang kahit saan ako gumalaw ay sinusundan niya ako. Nang tumingin ako pabalik, doon ko siya nakita—isang lalaki sa VIP section, naka-black suit pero medyo loose ang tie, hawak ang baso ng whiskey na parang sanay na sanay sa gano’ng eksena. Gwapo. Dangerous-looking. At obvious na sanay siyang nakukuha ang gusto niya. Napakagat ako sa labi, sabay umiwas ng tingin. Pero ilang segundo lang, naramdaman ko na nasa tabi ko na siya. “Mind if I cut in?” baritonong boses ang bumulong sa tenga ko, sabay abot ng kamay. Nagulat ako pero bago pa ako makatanggi, kinuha na niya ang kamay ko at hinila ako palapit. Nagbago ang tempo ng sayaw ko, mula sa wild moves kanina hanggang sa slow, almost sensual sway na siya ang nagdidikta. Ramdam ko ang init ng palad niya sa bewang ko. Ramdam ko ang mabangong halimuyak niya na nakakahilo. At bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Isang halik na hindi ko inaasahan. Isang halik na hindi ko agad naitulak. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw ay natunaw doon sa sandaling iyon. At nang bumitaw siya, nakangiti lang siya na parang may alam siyang hindi ko pa naiintindihan. “Come with me,” bulong niya, at bago ko pa ma-proseso, hinila na niya ako palabas ng bar. Diretso sa katabing hotel. At doon nagsimula ang gabing hindi ko malilimutan. Mainit ang hangin sa pagitan namin habang naglalakad kami palabas ng bar. Hindi ko na alam kung dahil sa alak o dahil sa titig ng lalaking ‘to, pero pakiramdam ko ay wala akong kontrol sa sarili ko. Pagdating namin sa lobby ng katabing hotel, diretso lang siyang naglakad. Parang sanay na sanay. Walang pakialam kahit may mga taong nakatingin. Ako naman, para lang akong nahihipnotismo na sumunod. Sa elevator, ramdam ko ang tensyon. Wala ni isang salita ang lumabas sa amin, pero ang mga mata niya ay nakatutok lang sa akin. Ding. Pagbukas ng elevator, hinila niya agad ako palabas at binuksan ang pinto ng isang suite gamit ang card key. Pagkasara ng pinto, wala nang patumpik-tumpik pa. Hinila niya ako palapit, at muling naglapat ang mga labi namin. Mas mainit, mas marahas, mas mapusok. Para bang buong araw siyang naghintay para dito. Napahawak ako sa balikat niya para hindi matumba. Naramdaman ko ang matipunong katawan niya, solid at malakas. Nasa ibang level siya kumpara kay Nathan—ibang klase. “Damn, you’re intoxicating…” bulong niya sa pagitan ng halik. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko siya kilala. Pero sa gabing iyon, wala akong pakialam. Gusto ko lang makalimot. Gusto ko lang maramdaman na may nagmamahal sa akin—even just for tonight. Inakay niya ako patungo sa kama, at bawat hakbang ay parang pinapainit ang bawat himaymay ng katawan ko. Ang mga kamay niya, marahas pero may halong pag-aalaga. Ang mga mata niya, parang gutom pero hindi bastos. At bago ko pa makontrol ang sarili ko, nagpaubaya na ako. That night, I wasn’t Althea Velasquez, the heartbroken girl. I was just a woman who gave in to the fire. Isang gabi na alam kong babaguhin ang lahat. Bumagsak ang likod ko sa malamig na kutson habang nakapatong siya sa akin. Mabigat ang bawat hininga ko, habang ang mga labi niya ay gumagalaw mula sa bibig ko pababa sa aking leeg. “God, you taste so sweet…” bulong niya, ramdam ko ang init ng hininga niya na nagdulot ng panginginig sa buong katawan ko. Napapikit ako, hinayaan na lang ang sarili kong lamunin ng init. Ang mga kamay niya, marahang gumagapang sa bawat sulok ng katawan ko—walang palya, walang palusot. Hindi siya nagmamadali, para bang gusto niyang tuklasin ang bawat parte ng pagkatao ko. Naramdaman ko ang mga daliri niyang dumaan sa baywang ko, pababa, at napakapit ako sa balikat niya. “W-wait…” halos pabulong na sabi ko, pero ngumiti lang siya at huminto sandali, tinitigan ako gamit ang matatalim pero malambing na mga mata. “Tell me to stop… and I will,” bulong niya. Hindi ako nakasagot. Dahil sa totoo lang, ayaw kong huminto siya. Sa halip, hinila ko siya pabalik para muling maglapat ang mga labi namin. Mas mainit, mas desperado. Para bang pareho kaming gutom at sabik. At doon na tuluyang bumigay ang huling piraso ng control ko. Ang jacket niyang suot, mabilis na natanggal. Ang polo niyang bahagyang bukas kanina, ngayon ay nasa sahig na. Ang balat niyang dumidikit sa akin ay mainit, matigas, at nakakapaso sa sobrang lapit. Ramdam ko ang bawat pagdampi, bawat paggalaw, bawat ungol na hindi ko mapigilan. Ang bawat segundo ay parang apoy na lumalamon sa akin, pero sa paraang gusto ko, sa paraang matagal ko nang hindi nararamdaman. At sa gabing iyon, sa ilalim ng malalambot na kumot ng hotel suite, hinayaan kong mahulog ako sa isang delikadong bisyo—sa bisig ng isang estrangherong hindi ko pa alam ang pangalan. “Damn…” mahina niyang mura nang maramdaman niyang may kakaiba. Napahinto siya at dahan-dahang tiningnan ang mga mata ko. Ramdam ko ang bigat ng titig niya, parang biglang nag-iba ang hangin sa pagitan namin. “Tell me…” halos bulong ang tono niya, mabigat at may halong gulat. “Is this your first time?” Napalunok ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o magtatago sa likod ng hiya. Pero sa tingin niya, alam ko na nakita na niya ang sagot bago ko pa maibuka ang bibig ko. Tahimik akong tumango. Saglit siyang napapikit, huminga nang malalim, at kumagat sa labi niya na parang pilit pinipigilan ang sarili. “Sh*t…” bulong niya, at marahang bumitaw sa pagkakahawak. “You don’t know what you’re getting into…” Naramdaman ko ang pag-aalinlangan niya. Yung dating matapang at agresibo niyang presensya, biglang naging maingat. Para bang natatakot siyang masaktan ako. Pero sa halip na umatras, hinila ko siya pabalik. “Don’t stop…” mahina kong sabi, halos pakiusap. Nanigas ang panga niya. Kita ko ang struggle sa mga mata niya—kung susundin ba niya ang init ng katawan niya, o ang konsensyang nagsasabing hindi niya dapat gawin ‘to sa isang babaeng kagaya ko. Ngunit sa huli, pinili niyang maging marahan. Hindi na siya kasing agresibo tulad kanina. Bawat halik, bawat haplos, may halong pag-aalaga. Para bang gusto niyang gawing espesyal ang gabing iyon, kahit nagsimula lang sa apoy ng alak at sakit. At sa ilalim ng mga halik at haplos niya, doon ko naramdaman… na kahit isang gabi lang, may lalaking nagbigay ng halaga sa akin—isang estrangherong hindi ko man lang kilala ang pangalan. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas. Ang alam ko lang, bawat halik niya ay parang paso sa balat ko, pero sa parehong oras ay nagbibigay ng kakaibang init at kalayaan. Hindi siya nagmamadali. Para bang bawat galaw niya ay sinasadya—maingat pero mapangahas, mabagal pero nakakapaso. Ramdam ko ang pag-aalala niya na baka masaktan ako, pero ramdam ko rin ang apoy na pilit niyang pinipigilan. “Relax…” bulong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. “I’ll take care of you.” At doon ko tuluyang hinayaan ang sarili ko. Wala na akong pakialam kung estranghero siya. Wala na akong pakialam kung bukas ay baka hindi ko na siya makita. Ang mahalaga, ngayong gabi, siya ang mundo ko. Nang tuluyan kaming magtagpo, napakapit ako nang mahigpit sa kanya. Isang ungol ang kusang lumabas sa labi ko, at ramdam ko ang paninigas ng katawan niya—parang pinipigil ang sarili. “Sh*t…” bulong niya, halos pabulong sa leeg ko, habang ramdam kong nanginginig din siya. “You’re… unbelievable.” Bawat segundo ay nagiging mas malalim, mas masakit, mas masarap. At sa kabila ng lahat, ramdam kong pinipili niya ang maging maingat—na hindi niya hahayaang masaktan ako nang higit pa sa dapat. Sa bawat ungol, bawat halik, bawat pagdampi ng balat naming dalawa, unti-unting naglaho ang sakit ng kahapon. At sa halip, napalitan ng isang alaala na alam kong hinding-hindi ko malilimutan. Hanggang sa parehong humiga kami, habol-hininga, pawis at init ang tanging nasa pagitan namin. Tahimik lang siya, nakatingin sa kisame, habang ako naman ay nakasandal sa dibdib niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero ramdam kong may struggle sa loob niya. Isang gabi lang ito. Isang gabi na hindi dapat maulit. Pero bakit ramdam kong mali ang iwanan ito na basta na lang?Alas-siyete na ng gabi ngunit ang Archives Section ng CIU Central Library ay nananatili pa ring tahimik. Patay na ang karamihan sa mga naglalakihang ilaw sa unahan, at tanging ang maliit na desk lamp sa lamesa nina Seth at Avery ang nagbibigay ng madilaw na liwanag sa kanilang pinaliligirang mundo ng mga libro. Malamig ang aircon, at halos mapuno na ng mga tech jargon at medical statistics ang screen ng kanilang mga laptop. Si Avery ay bahagyang napasandal sa upuan, hinahaplos ang kanyang batok dahil sa matinding pagod. Ang kanyang puting Nursing uniform ay bahagyang may kaunting lukot na, ngunit ang kanyang focus ay nananatili pa ring matalas. Subalit ang katahimikan sa kanilang lamesa ay kanina pa nabubulabog ng isang bagay—ang cellphone ni Seth. Nakatobang paitaas ang screen ng mamahaling iPhone ni Seth sa tabi ng notebook nito. Kanina pa ito walang tigil sa pag-vibrate. Ang screen ay sunod-sunod na nagliliwanag dahil sa mga notifications mula sa kanilang exclusive Group Ch
Pagkatapos na pagkatapos ng seminar, halos gumuho ang sementadong daanan sa labas ng auditorium sa lakas ng tawanan ng anim na playboys habang nakasunod kay Seth. Si Seth naman ay naglalakad nang tuwid, bitbit ang kanyang bag sa isang balikat, ngunit may hindi matanggal-tanggal na pilyong ngisi sa kanyang mga labi. "Putsa, seryoso talaga, Seth Axel! Synthesis report mula kay Dr. Henson?" humahalakhak na asar ni Dwayne Alcantara habang hinahabol ang hakbang ng Senior Racer. "Fifty percent ng grade niyo sa seminar! At ang pinakamalupit, kayong dalawa lang ni Miss Phantom ang magkasama sa buong linggo!" "Hahaha! Kuya Seth, congratulations! Naka-score ka rin ng one-on-one time nang walang kahati!" sigaw ni Kian Kyler na panay ang sundot sa tagiliran ni Seth gamit ang kanyang siko. "Sabi sa inyo, effective ang kamandag ni Dr. Henson para sa love life nitong isa, eh!" "Anong love life?" seryosong sumingit si Ryker Blake Monteverde habang umiiling. "Ang tawag doon, academic death sente
Ang malawak na CIU Main Auditorium ay kasalukuyang napupuno ng daan-daang estudyante mula sa College of Business Management at College of Health Sciences. Ang malamig na aircon at ang mahinang bulungan ng mga estudyante ay nagbibigay ng pormal na atmospera para sa gaganaping Joint Seminar on Healthcare Entrepreneurship. Ngunit ang pormalidad na iyon ay agad na nayanig nang sabay-sabay na pumasok ang pitong playboys sa likurang bahagi ng auditorium. “Shh! Nandiyan na sila!” “Ang guwapo pa rin ni Asher kahit halatang inaantok!” “Swerte ng mga taga-Nursing ngayon, kasama natin sila sa seminar!” Binalewala ng pito ang mga bulungan habang pababa sila sa baitang ng stadium-style seating ng auditorium. Nangunguna si Duke Monteverde na seryosong nakikipag-usap sa isang student council staff, habang si Dwayne Alcantara naman ay panay ang ngiti sa mga Nursing students na nadadaanan nila. Ngunit si Seth Axel Castillo ay may ibang hinahanap. Ang kanyang kulay abong mga mata ay mabi
Kinaumagahan, tila ba nagkaroon ng sariling bawas sa enerhiya ang mukha ni Seth Axel Castillo habang naglalakad sa malawak na quadrangle ng Castillo International University. Kahit suot ang kanyang plantsado at mamahaling uniform ng unibersidad, halatang-halata ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Puyat mula sa paghihintay kay Avery sa studio, puyat sa biyahe, at mas lalong puyat dahil sa magkasunod na sermon nina Daddy Bash at Mommy Althea kagabi. Ngunit ang anim niyang kaibigan na kasabay niyang naglalakad ay walang pakialam kung mukha siyang binuhay na bangkay. Sa katunayan, ito ang pinakapaboritong oras ng squad—ang oras ng walang awang pang-aasar. "Oh, nasaan ang makapangyarihang King of the Road?" panimula ni Dwayne Alcantara, na may bitbit pang hawak na mamahaling kape habang pilyong nakatitig sa mukha ni Seth. "Mga pare, tingnan niyo ang mukha ng Senior natin. Mukhang hindi lang na-flat-an ng gulong, mukhang tinakbuhan pa ng kaluluwa." "Hahaha! Grabe ka, Kuya Dwayne,"
Nakalubog pa rin ang mukha ni Seth Axel sa malambot na unan ng sofa habang ang pilyong ngisi ay nananatili sa kanyang mga labi. Sa kabila ng mabigat na banta ng kanyang ama na itapon siya sa Mindanao, tila ba mas matimbang pa rin sa isip niya ang mukha at ang banayad na amoy ng baby powder ni Avery habang natutulog ito sa tabi niya kanina. Para sa kanya, ang bawat banta at hirap ay tila ba bahagi lang ng isang exciting na karera na kailangan niyang panalunan. "Nakangisi ka pa dinala ng kalokohan mo, Seth Axel. Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga ginagawa mo?" Ang banayad ngunit puno ng awtoridad na boses na iyon mula sa dilim ng pasilyo ang naging dahilan upang biglang mapabalikwas ng upo si Seth. Ang kanyang kulay abong mga mata ay napatingin sa unahan, at doon ay nakita niya ang kanyang ina. Si Althea Castillo. Ang kaisa-isang babaeng nakapagpaamo sa mailap at mapanganib na si Sebastian "Bash" Castillo. Kahit madaling araw na at nakasuot lang ito ng isang simpleng silk robe
Alas-tres na ng madaling araw nang dahan-dahang pumasok ang Matte Black McLaren 720S sa dambuhalang bakal na gate ng Castillo Mansion sa Forbes Park. Pinatay agad ni Seth Axel ang headlights ng kanyang sasakyan bago pa man ito tuluyang pumasok sa malawak na garahe, pilit na iniiwasan ang ingay upang hindi magising ang buong kabahayan. Matapos i-lock ang sasakyan, dahan-dahang siyang naglakad patungo sa side entrance ng mansyon. Bitbit ang kanyang black leather jacket sa isang balikat at ang susi na pilyong pinapaikot sa kanyang daliri, may kaunting ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon, tila ba sariwa pa rin sa kanyang isip ang amoy ng baby powder at ang banayad na profile ni Avery habang natutulog sa kanyang tabi kanina sa BGC. Subalit ang lahat ng antok at pilyong ngiti ni Seth ay biglang naglaho nang buksan niya ang dambuhalang pintuan patungo sa main living room. Bukas ang naglalakihang chandelier sa kisame, nagbibigay ng gintong liwanag sa marangyang sala. At sa
Kung may isang bagay na unti-unting nare-realize ni Althea habang tumatagal ang almusal na iyon, iyon ay ang katotohanang—Ito ang totoong mundo ni Sebastian Castillo.Hindi ang boardroom.Hindi ang press conferences.Hindi ang malamig na hallway ng Castillo Group kung saan lahat ay nakatayo nang d
Tahimik ang hallway papunta sa private dining wing ng Castillo Amara Shores.Hindi iyon yung klaseng katahimikan na awkward—kundi yung mamahalin. Yung bawat hakbang ay may echo, yung ilaw ay warm, at yung amoy ng kape ay parang sinasadyang akitin ang sinumang papasok.Magkahawak-kamay sina Sebastia
Ang umaga ay hindi pumasok nang biglaan.Hindi ito sumalakay sa kwarto na may liwanag na masakit sa mata o tunog na nakakagulat. Sa halip, dahan-dahan itong dumulas papasok sa suite—sa pagitan ng kurtina, sa ibabaw ng kama, sa mga balat na magkatabi pa ring mainit sa alaala ng nagdaang gabi.Ang un
Hindi agad bumalik ang mundo.Parang nagpasya muna itong maghintay—hinayaang manatili ang katahimikan sa loob ng suite, hinayaang humupa ang init hanggang sa maging lambing, hanggang sa maging payapang paghinga at marahang pagtibok ng dalawang pusong magkatabi.Tahimik ang kwarto.Hindi iyong katah







