LOGINMasakit ang ulo ko. Para bang may nagmamartilyo sa loob ng utak ko habang pilit kong iminumulat ang mga mata ko.
Napangiwi ako nang maramdaman kong may braso na nakapulupot sa bewang ko. Mainit, mabigat, at hindi pamilyar. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Oh, God. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking katabi ko. N*******d ang pang-itaas, mahimbing ang tulog, at halos kasing lapad ng kama ang balikat niya. Kahit nakarelax, makikita mo agad sa panga at ilong niya na hindi ordinaryong lalaki ang natutulog sa tabi ko. Ang estrangherong hinalikan ko sa bar. Ang estrangherong dinala ako dito. Ang estrangherong naka— Napapikit ako at napakagat-labi, halos hindi makapaniwala na nagawa ko ‘yun. Ako, si Althea Velasquez, na ilang taon kong iniingatan ang sarili ko para sa “tamang tao.” At kagabi… sa isang estranghero lang ako bumigay. “Good morning.” Halos mapatalon ako nang bigla siyang magsalita. Nakaawang pa ang isang mata niya, pero may ngisi na agad sa labi. “W-what time is it?” nauutal kong tanong, agad na nagtakip ng kumot sa katawan ko. “Past seven,” sagot niya habang nag-iinat, parang wala lang. “You’re awake earlier than I thought.” “Earlier?!” halos mapalakas ang boses ko. “Oh, my God! Kailangan kong umuwi—” Bumangon ako at nagsimulang maghanap ng damit sa sahig, pero lalo lang akong namula nang makita kong halos lahat ay nagkalat. Ang blouse ko nasa may lampshade, ang skirt ko nasa gilid ng sofa. Napailing siya habang pinagmamasdan ako. “You’re cute when you panic.” “Stop looking!” sigaw ko habang minamadali ang pagbibihis. Hindi ko na siya tiningnan ulit dahil baka hindi na ako makalabas ng kwarto kung magtagpo pa ulit ang mga mata namin. Nang makabihis ako, mabilis kong kinuha ang bag at lumapit sa pinto. “Thanks for… last night,” mabilis kong sabi, halos bulong. “But let’s pretend it never happened.” Isang mababang tawa ang narinig ko mula sa likod. “You think you can just walk away that easy, sweetheart?” Napalingon ako, pero nakangiti lang siya habang nakaupo sa kama, parang hari sa sariling palasyo. Hindi ko na siya sinagot at dali-daling lumabas ng suite. Pagdating sa bahay, sinalubong agad ako ng kapatid kong si Isabel. “Uy ate, bakit parang galing ka sa gera?” panunukso nito habang sinisipat ang hitsura ko. “Shut up, Isabel,” inis kong sagot sabay diretso sa kuwarto. Buong umaga, iniwasan ko ang mga tanong niya at ang alaala ng kagabi. Pinilit kong i-convince ang sarili ko na hindi na namin muling magkikita ng lalaking ‘yon. Isang gabi lang. Isang pagkakamali lang. Kinabukasan, sa unang araw ng internship ko, maaga akong dumating sa opisina ng Castillo Enterprises. Isa ito sa pinakamalaking kumpanya sa bansa at isa sa pinaka-prestihiyosong tanggapan para sa mga IT interns. Nakapila kami ng mga kasama kong interns sa lobby para i-orient ng HR. Kinikilig pa nga ang iba dahil “baka raw guwapo” ang CEO na magwe-welcome sa amin. Ako naman, nakatungo lang at pilit kalmado. Hanggang sa bumukas ang elevator. “Ladies and gentlemen,” ani ng HR officer, “please welcome, our CEO—Mr. Sebastian Castillo.” Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko. At muntik akong himatayin nang makita ang lalaking nakasuot ng pormal na itim na suit, may matalim na titig, at may pamilyar na ngisi sa labi. Siya. Ang estrangherong nakasama ko kagabi. Ang lalaking hindi ko man lang tinanong ang pangalan. At ngayon… siya pala ang boss ko. Nanigas ang katawan ko habang naglakad siya papunta sa harap. Ang bawat hakbang niya ay puno ng awtoridad—mataas ang noo, seryoso ang panga, parang walang sinumang puwedeng umapila sa kaniya. “Good morning,” bati niya, malamig pero makapangyarihan. “I’m Sebastian Castillo, CEO of Castillo Enterprises. I expect discipline, excellence, and loyalty from anyone who wants to be part of this company.” Ramdam ko ang kaba habang nagsalita siya. Lahat ng interns nakatingin sa kanya na para bang nakakita sila ng diyos. Ako lang ata ang naiiba—hindi makatingin nang diretso kasi bawat galaw niya, bumabalik sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi. Sht, bakit ba kasi ako sumama sa kanya?* Natapos ang orientation at inassign kami sa iba’t ibang departments. At syempre, malas ko, sa IT Division ako napunta—isang floor lang ang layo mula sa opisina niya. Habang naglalakad kami papunta sa department, narinig kong may tumawag mula sa likuran. “You. Stay.” Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon at halos manlumo nang makita kong si Sebastian mismo ang nakatitig sa akin. “Sir?” halos hindi lumalabas ang boses ko. Lumapit siya nang dahan-dahan, at kahit nakasuot siya ng pormal na suit ngayon, hindi nawala ang mapangahas na aura niya. “I’ll be taking her under my supervision,” sabi niya sa HR officer. “She’ll report directly to me.” “What?!” halos pasigaw kong sagot, pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko. Lahat ng interns napatingin sa akin. Nakangisi lang si Sebastian. “Problem, sweetheart?” bulong niya na ako lang ang nakarinig. Namula ako sa hiya at galit. “Stop calling me that,” madiin kong sagot. Pero ngumiti lang siya lalo, parang lalo siyang na-eenjoy sa inis ko. “Then tell me your name. I still don’t know it.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o lalakad na lang palayo. Pero sa titig niya—matalim, mapanganib, at parang may alam siyang hindi ko kayang itago—napilitan akong bumulong. “A-Althea. Althea Velasquez.” Saglit siyang natahimik, parang inuukit ang pangalan ko sa isip niya. Tapos, may bahagyang ngiti sa labi niya na parang nanalo siya sa isang laro. “Althea…” dahan-dahan niyang inulit. “Nice. Now, Miss Velasquez… let’s see if you can survive working with me.” At bago ako makasagot, tumalikod na siya at naglakad papunta sa elevator, iniwan akong nakatayo na parang hinihigop ng lupa.Alas-siyete na ng gabi ngunit ang Archives Section ng CIU Central Library ay nananatili pa ring tahimik. Patay na ang karamihan sa mga naglalakihang ilaw sa unahan, at tanging ang maliit na desk lamp sa lamesa nina Seth at Avery ang nagbibigay ng madilaw na liwanag sa kanilang pinaliligirang mundo ng mga libro. Malamig ang aircon, at halos mapuno na ng mga tech jargon at medical statistics ang screen ng kanilang mga laptop. Si Avery ay bahagyang napasandal sa upuan, hinahaplos ang kanyang batok dahil sa matinding pagod. Ang kanyang puting Nursing uniform ay bahagyang may kaunting lukot na, ngunit ang kanyang focus ay nananatili pa ring matalas. Subalit ang katahimikan sa kanilang lamesa ay kanina pa nabubulabog ng isang bagay—ang cellphone ni Seth. Nakatobang paitaas ang screen ng mamahaling iPhone ni Seth sa tabi ng notebook nito. Kanina pa ito walang tigil sa pag-vibrate. Ang screen ay sunod-sunod na nagliliwanag dahil sa mga notifications mula sa kanilang exclusive Group Chat
Pagkatapos na pagkatapos ng seminar, halos gumuho ang sementadong daanan sa labas ng auditorium sa lakas ng tawanan ng anim na playboys habang nakasunod kay Seth. Si Seth naman ay naglalakad nang tuwid, bitbit ang kanyang bag sa isang balikat, ngunit may hindi matanggal-tanggal na pilyong ngisi sa kanyang mga labi. "Putsa, seryoso talaga, Seth Axel! Synthesis report mula kay Dr. Henson?" humahalakhak na asar ni Dwayne Alcantara habang hinahabol ang hakbang ng Senior Racer. "Fifty percent ng grade niyo sa seminar! At ang pinakamalupit, kayong dalawa lang ni Miss Phantom ang magkasama sa buong linggo!" "Hahaha! Kuya Seth, congratulations! Naka-score ka rin ng one-on-one time nang walang kahati!" sigaw ni Kian Kyler na panay ang sundot sa tagiliran ni Seth gamit ang kanyang siko. "Sabi sa inyo, effective ang kamandag ni Dr. Henson para sa love life nitong isa, eh!" "Anong love life?" seryosong sumingit si Ryker Blake Monteverde habang umiiling. "Ang tawag doon, academic death sente
Ang malawak na CIU Main Auditorium ay kasalukuyang napupuno ng daan-daang estudyante mula sa College of Business Management at College of Health Sciences. Ang malamig na aircon at ang mahinang bulungan ng mga estudyante ay nagbibigay ng pormal na atmospera para sa gaganaping Joint Seminar on Healthcare Entrepreneurship. Ngunit ang pormalidad na iyon ay agad na nayanig nang sabay-sabay na pumasok ang pitong playboys sa likurang bahagi ng auditorium. “Shh! Nandiyan na sila!” “Ang guwapo pa rin ni Asher kahit halatang inaantok!” “Swerte ng mga taga-Nursing ngayon, kasama natin sila sa seminar!” Binalewala ng pito ang mga bulungan habang pababa sila sa baitang ng stadium-style seating ng auditorium. Nangunguna si Duke Monteverde na seryosong nakikipag-usap sa isang student council staff, habang si Dwayne Alcantara naman ay panay ang ngiti sa mga Nursing students na nadadaanan nila. Ngunit si Seth Axel Castillo ay may ibang hinahanap. Ang kanyang kulay abong mga mata ay mabi
Kinaumagahan, tila ba nagkaroon ng sariling bawas sa enerhiya ang mukha ni Seth Axel Castillo habang naglalakad sa malawak na quadrangle ng Castillo International University. Kahit suot ang kanyang plantsado at mamahaling uniform ng unibersidad, halatang-halata ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Puyat mula sa paghihintay kay Avery sa studio, puyat sa biyahe, at mas lalong puyat dahil sa magkasunod na sermon nina Daddy Bash at Mommy Althea kagabi. Ngunit ang anim niyang kaibigan na kasabay niyang naglalakad ay walang pakialam kung mukha siyang binuhay na bangkay. Sa katunayan, ito ang pinakapaboritong oras ng squad—ang oras ng walang awang pang-aasar. "Oh, nasaan ang makapangyarihang King of the Road?" panimula ni Dwayne Alcantara, na may bitbit pang hawak na mamahaling kape habang pilyong nakatitig sa mukha ni Seth. "Mga pare, tingnan niyo ang mukha ng Senior natin. Mukhang hindi lang na-flat-an ng gulong, mukhang tinakbuhan pa ng kaluluwa." "Hahaha! Grabe ka, Kuya Dwayne,"
Nakalubog pa rin ang mukha ni Seth Axel sa malambot na unan ng sofa habang ang pilyong ngisi ay nananatili sa kanyang mga labi. Sa kabila ng mabigat na banta ng kanyang ama na itapon siya sa Mindanao, tila ba mas matimbang pa rin sa isip niya ang mukha at ang banayad na amoy ng baby powder ni Avery habang natutulog ito sa tabi niya kanina. Para sa kanya, ang bawat banta at hirap ay tila ba bahagi lang ng isang exciting na karera na kailangan niyang panalunan. "Nakangisi ka pa dinala ng kalokohan mo, Seth Axel. Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga ginagawa mo?" Ang banayad ngunit puno ng awtoridad na boses na iyon mula sa dilim ng pasilyo ang naging dahilan upang biglang mapabalikwas ng upo si Seth. Ang kanyang kulay abong mga mata ay napatingin sa unahan, at doon ay nakita niya ang kanyang ina. Si Althea Castillo. Ang kaisa-isang babaeng nakapagpaamo sa mailap at mapanganib na si Sebastian "Bash" Castillo. Kahit madaling araw na at nakasuot lang ito ng isang simpleng silk robe
Alas-tres na ng madaling araw nang dahan-dahang pumasok ang Matte Black McLaren 720S sa dambuhalang bakal na gate ng Castillo Mansion sa Forbes Park. Pinatay agad ni Seth Axel ang headlights ng kanyang sasakyan bago pa man ito tuluyang pumasok sa malawak na garahe, pilit na iniiwasan ang ingay upang hindi magising ang buong kabahayan. Matapos i-lock ang sasakyan, dahan-dahang siyang naglakad patungo sa side entrance ng mansyon. Bitbit ang kanyang black leather jacket sa isang balikat at ang susi na pilyong pinapaikot sa kanyang daliri, may kaunting ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon, tila ba sariwa pa rin sa kanyang isip ang amoy ng baby powder at ang banayad na profile ni Avery habang natutulog sa kanyang tabi kanina sa BGC. Subalit ang lahat ng antok at pilyong ngiti ni Seth ay biglang naglaho nang buksan niya ang dambuhalang pintuan patungo sa main living room. Bukas ang naglalakihang chandelier sa kisame, nagbibigay ng gintong liwanag sa marangyang sala. At sa
Tahimik lang sa loob ng kotse. Tanging mahinang tugtugin lang ng jazz music mula sa stereo ang maririnig, at ang tunog ng ulan na unti-unting bumabagsak sa windshield. Sebastian reached for his coat na nakapatong sa backseat, saka marahang ipinatong sa balikat ni Althea. “You’ll catch a cold,” s
Tahimik na nakatingin si Althea sa baso ng wine na unti-unti niyang iniikot gamit ang dulo ng daliri. Hindi niya alam kung bakit parang ang tagal ng gabi, o bakit kahit simpleng ingay ng kutsara’t tinidor ay parang sinasabay ng puso niyang nagwawala sa dibdib.Kaharap niya si Sebastian Castillo—ang
Pagkasakay ni Althea sa kotse ni Sebastian, hindi niya alam kung dapat ba siyang huminga ng malalim o huminto na lang sa paghinga. Ang tahimik sa loob ng sasakyan, pero ramdam niya ang tensyon—hindi ‘yung masamang uri, kundi ‘yung nakakakiliting uri na parang gusto mong takasan pero ayaw mong matapo
“Ay, grabe!” halos hindi na makahinga si Lianne sa kakatawa habang hawak ang tiyan. “Bes, nakita mo ‘yun?!” turo niya sa direksyong pinuntahan ng SUV ni Sebastian. “Si Mr. Cool CEO, ‘yung tinatawag nilang untouchable playboy — parang biglang… natupi!” “Lianne, stop,” sabi ni Thea, pero halatang pi







