Share

NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION
NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION
Author: kenkenrows

CHAPTER 1

Author: kenkenrows
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-16 15:53:53

CHAPTER 1

“Rizza! Wala bang kanin dito?”

Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon.

Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako nakakatulog ng maayos.

Naabutan ko doon si Nanay na nakaupo sa lumang sofa namin. Ang mga kaldero at kawali ay nagkalat sa sahig. Ang aming mga pinggan at kutsara ay nakita ko rin hindi kalayuan sa kinauupuan ni Nanay.

Pagod akong tumitig sa aking ina. Pumunta siya kahapon sa isang kaibigan niya upang maglaba pero umaga na nang makauwi ito. At alam kong wala rin itong dalang pera dahil inubos na naman sa sugal at alak.

Simula nang mamatay ang aking ama ay naging ganyan na si Nanay. Palaging naglalasing, hindi nananatili rito sa bahay namin.

Kahit inaantok pa ako pinulot ko isa-isa ang mga nagkalat na mga gamit. Buti na lang at hindi babasagin ang aming pinggan, gawa lang ito sa plastic kaya kahit saan lumipad ay hindi nasisira.

Unti-unting minulat ni Nanay ang kanyang mga mata.

“Bakit walang pagkain? Hindi ba kayo nag-iisip na may ina pa kayo at hindi n’yo man lang ako tinirhan ng pagkain?” naiinis na wika nito.

Isang beses lang sa isang araw kumain ang dalawang kapatid ko kahapon. Madaling araw na akong nakauwi kaya tulog na sila. Natulog silang walang laman ang tiyan. Nagtrabaho pa kasi ako para makabili ako ng bigas.

“Wala naman po kaming kinain kagabi, Nay. Madaling araw na po akong umuwi kanina kaya hindi pa ako nakakapagsaing. May bigas na po d’yan, Nay. Matutulog lang po ako saglit. Kayo na lang po ang magsaing,” mahinanong sabi ko. Pinagpatuloy ko ang pagdampot sa mga pinggan at nilagay iyon sa ibabaw ng lababo namin.

“Ako pa ang uutusan mong magsaing? Kung sapakin kaya kita d’yan? Kita mong pagod ako!” malakas na sigaw nito.

Ganoon palagi ang nangyayari sa bahay. Dalawang taon ng wala ang ama ko, at dalawang taon na ring ganyan ang ugali ng aking ina.

Araw-araw akong may trabaho. Hindi ako pwedeng magpahinga dahil ako na ang bumubuhay sa pamilya namin.

Pagod na pagod pa rin ako nang pumasok ako sa loob ng bar. Nagtatrabaho ako bilang isang waitress dito.

“Good evening, Miss! Ang ganda mo naman! Upo ka muna saglit dito,” sabi ng isang matandang customer. Sa ilang buwan ko rito ay medyo nasasanay na ako na may makakaharap ako ng ganitong klaseng customer.

“Pasensya na po, Sir. Bawal po kasi. May trabaho pa po ako,” sagot ko sa kanila. Nanatili akong mahinahon kahit pinagmumura ko na siya sa isip ko.

“Sige na. Saglit lang naman, bibigyan pa kita ng pera,” aniya. Nagtawanan ang mga kasama niya. Lima silang nandito. Halatang maraming mga pera, ang daming mga alahas na nakakabit sa katawan nila. Parehas ding malalaki ang mga tiyan.

“Hindi po pwede, Sir. Pasensya na po,” magalang na sabi ko.

Tatalikod na sana ako upang umalis nang maramdaman ko ang paghawak nito sa aking pulupulsuhan.

“Alam mo, ayaw na ayaw ko sa lahat ay tinatanggihan ako,” maagas na sabi nito. Sinubukan kong tanggalin ang aking kamay ngunit mahigpit ang kapit nito sa akin.

“Pasensya na po, Sir. Hindi po pwede. Bitawan n’yo po ako dahil may tatapusin pa po akong trabaho, Sir,”

Tinabig ko agad ang kamay niya nang akmang ihahawak niya iyon sa aking pisngi.

“Aba’t! Matapang ka, ah?” malakas na sigaw niya. Nakukuha na namin ang atensyon ng ibang customer.

“Bitawan niyo po ako, Sir! Nasasaktan na po ako,” mahinahong wika ko. Kailangan kong manatiling kalmado.

Nabitawan ko ang tray na aking hawak nang hinawakan niya ang aking buhok gamit ang bakanteng kamay niya at hinila iyon. Nakaponytail ang aking buhok, at isang hila niya lang ay natanggal agad ang tali.

“Sir, hindi na po pwede itong ginagawa niyo. Pwede ko po kayong ireport sa manager namin,” wika ko.

Napasigaw ako nang muli nitong hinila ang aking buhok.

“Let go,” isang malamig at pamilyar na boses ang aking narinig. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

“At sino ka naman? Akin na ‘to. Maghanap ka ng iba. Matagal ko ng nagugustuhan ang babaeng ito. ‘Wag kang mangialam dito ako ang nauna sa kan-

Hindi na nito pinatapos ang sasabihin nung matanda dahil mabilis niya itong sinugod ng suntok.

“Ninong Dwayne!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   MY HOT BOSS 76

    CHAPTER 76“Oh my… where’s Kuya?” rinig kong bulong ni Divine sa aking gilid. Nagkatinginan kaming dalawa ni Davina at parehas na hindi alam kung ano ang isasagot namin. Tang ina, english ba naman kasi. “Patay tayo kay Kuya,” wika ni Davina. Kahit marinig pa kami ng dalawa ay hindi naman nila maiintindihan dahil afam naman ang mga ‘to. “Sasabihin ko ba ang pangalan ko?” Palipat-lipat ang tingin ng dalawa sa amin dahil. Nakangiti pero halatang naguguluhan ang mga mukha nila.“Pwede naman, pangalan lang naman, Ate,” kinakabahang sabi ni Divine sa akin.“I’m Maria,” tipid na sabi ko. Bakit ba kasi english ‘to! Pero palagi namang english si Sebastian. Naiintindihan ko pero hindi ako marunong magsalita ng english. Aabutin ako ng siyam-siyam bago makabuo ng isang pangungusap.“Your name is beautiful just like you, Maria. I am Thirdy. And this is my friend Knight,” Tipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya. “Is this your siblings?” “Yes, we are siblings!” sagot ni Divine sa kanila.

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   MY HOT BOSS 75

    CHAPTER 75“Hindi ko isusukat! Surprise ko ‘to sa ‘yo kaya doon ko na isusuot sa outing natin,” nakangusong sabi ko.Binuklat niya lahat ng mga pinamili ko. Nakalatag na sa malaking sofa habang tinitingnan niya iyon isa-isa. At gusto niya pang isukat ko iyon.“Try it. Especially the bikinis,” “Suprise ngani! Paano magiging surprise kong isusukat ko na?” pagdadahilan ko pa. Gusto ko lang talaga siyang asarin. Ang mga pinili ko kasing bikini ay mga t-back. Sexy lahat ng pinili ko kaya problemado siya ngayon.“Are you sure that you are going to wear all of these?” Nasa bewang na nito ang kanyang dalawang kamay. Kung nakakasunog lang ang mga titig niya kanina pa nag-aalab ang mga bikini ko.“Malamang! Kaya nga binili ko para may maisuot ako. Sayang naman ang pera ko kung itatago ko lang ‘yan,”Narinig ko ang malalim nitong pagbuntong-hininga. Minsan lang ako magsuot ng bikini kaya dapat lubos-lubusin ko na ito.“You are allowed to wear these but you need to cover it with my shirt,”Tuma

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   MY HOT BOSS 74

    CHAPTER 74“Pupunta ba tayo?” tanong ko kay Sebastian. Nakahiga kaming dalawa sa ibabaw ng kama at parehas na walang suot na mga damit. Pinag-uusapan naming dalawa kung pupunta ba kami sa outing ng pamilya niya. “Yeah, my mom will be mad if we won’t be there,” aniya. Napapapikit ang aking mga mata habang sinusuklay ni Sebastian ang aking buhok. “Magkikita na kami ng mga kapatid mo,” Hindi naman na ako kinakabahan katulad ng dati. Magaan naman ang loob ko sa mga magulang niya. Nabawasan na ang aking kaba dahil akong mga mababait ang kapatid niya. Mabait ang kanilang puno kaya syempre alam kong ganoon din ang bunga. Kahit bastos lang ang bunganga nitong panganay nila mabait din naman ito.“Still nervous?”Tumango ako. “Oo, pero hindi naman katulad nung kaba ko nung unang pagkikita namin ng mga magulang ko,”Mabilis lang naman akong makipag-kaibigan dahil nga mahilig akong makipag-usap. Kahit hindi ko nga kilala ay mahilig akong magkwento. “They will like you. Like my mom and dad,”

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   MY HOT BOSS 73

    CHAPTER 73"Ayos ka lang ba? Sandali at magpapakuha ako ng yelo para ilagay sa pisngi mo," nagmamadaling sabi ni Tita Rizza."Why? What happened? Bakit kailangan ng ice?" tanong naman ni Sebastian.Nandito na kami sa loob ng opisina ni Sebastian. Ang sakit pa rin ng aking pisngi dahil sa naging sampal ni Nina sa akin. Buti na lang nakaganti ako. Hindi ako makakatulog ng maayos kung sakaling hindi ako nakaganti sa kanya. "Why is your cheeks red?" nag-aalalang tanong niya.Lumabas si Tita Rizza upang kumuha ng yelo. Hindi na namin napigilan dahil nagmamadali ito."Nasampal ako nung inggitera kong pinsan. Ang sakit para akong mabibingi. Ang liit-liit lang nun pero ang lakas-lakas ng sampal niya," wika ko habang hinahaplos ang aking pisngi."Pero 'wag kang mag-alala dahil gumanti naman ako. Dalawang sampal ang binigay ko," paninigurado ko sa kanya. Inuunahan niya ako kaya dapat na gumanti tayo. Hindi tayo papayag na api-apihin lang tayo. Kung dati, hinahayaan ko siyang saktan ako kahit

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   MY HOT BOSS 72

    CHAPTER 72“Rizza, sayang naman itong mga pinamili namin! Nasa kotse niyo na, ‘di ba? Sa ‘yo na ‘yon. Maliit na tulong lang naman iyon para sa amin. Sa susunod na travel namin sa ibang bansa ay bibilhan din kita ng mas maraming bag na pasalubong!”Mahina niya pang hinampas ang braso ni Tita Rizza na para bang close silang dalawa? Feeling close rin itong Tita ko, eh.“Ibabalik ko na lang sa inyo. Kung hindi n’yo tatanggapin ngayon ay ipapadala ko na lang sa mga tauhan namin sa inyong bahay,”“Bakit mo naman ibabalik, Rizza? Sabi ko nga pamilya na tayo, ‘di ba? Pawelcome namin ang mga ‘yan sa inyo. Bakit ba dito tayo nag-uusap sa parking lot? Pumasok kaya tayo sa loob? Para makapag-usap tayo ng mas maayos,”“Or maybe we can go to the cafe nearby,” singit naman ni Nina. Gigil na ako sa mag-inang ‘to, ah? Inuubos nila ang pasensya ko. Sagad na sagad na. Paulit-ulit ko lang nilalagay sa aking isipan na hindi pwedeng gumawa ng eksena rito sa kumpanya ni Sebastian. Sa susunod na lang kapag

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   MY HOT BOSS 71

    CHAPTER 71Mabilis akong bumaba sa mesa at inayos ang aking sarili. Naabutan pa kaming nasa ganoong posisyon! “Good morning po, Tita!” bati ko sa kanya.Nakangiti na kaagad si Tita at mukhang hindi pa ito nagulat sa nadatnan niya.“Mom, at least just knock before going in,”“Where’s my good morning, Sebastian Dwayne?” nakataas ang kilay na tanong niya. Napanguso si Sebastian at umupo sa swivel chair niya.“Good morning, Mom,” tamad na bati nito.“Good morning, Maria! By the way, pamilya mo raw ang nakasalubong ko sa labas? Bakit pinalabas sila? At ikaw daw ang may utos nun Sebastian?” nagtatakang tanong niya.Nagkatinginan kaming dalawa ni Sebastian. "It's a long story, Mom. Did they say anything to you?""Wala naman. May binigay lang sila. Mga pasalubong daw? Binigay nila sa akin, nandoon sa sasakyan at iniwan ko,""Tinanggap mo, Mom? Sana hindi mo tinanggap,""Bakit? Bawal ba? Ano'ng meron? Sabi kasi nila pamilya mo raw sila, Maria. Kaya naman tinanggap ko na. Hindi mo ba sila p

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 5

    CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 4

    CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung nalilibugan man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae. Isang minuto akong nakatitig sa muk

  • NINONG DWAYNE'S FAVORITE OBSESSION   CHAPTER 2

    CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status