登入CHAPTER 61"Kapag mabait ang isang tao ay palaging ginagawan ng masasamang balita ng ibang tao. Kagagawan lang din 'yan ng mga taong inggit sa asawa ko," Pinagtatanggol niya pa rin talaga ang asawa niya kahit nahuli na siya. Lihim akong napangiti, hilaw na ang ngiti ni Nina. Pero hindi pa rin matanggal ang kanyang mga mata kay Sebastian."My father is helping many people. That's why ang daming mga inggit sa kanya," sabi ni Nina."Baka gusto mong magdinner kasama siya. Pwedeng-pwede kami mamaya. Nakaya mong tumira sa bahay na ito?" Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong paligid. Ang sarap sagutin na, "Oo, nakaya ni Sebastian. Kayo lang naman ang mga maaarte!""Why? This place is good,""Sebastian, I am really a big fan of your mom. Kapag may mga events ay sa kanya kami bumibili ng mga cakes,"Ang daming mga alahas na nakakabit sa buong katawan ni Tita. Pagmamay-ari rin 'yan ng mga tao kasi may ambag din sila para mabili ni Tita ang mga alahas niya. Ang mga tao rin sa lugar nila an
CHAPTER 60"Hi, Maria! Long time no see!" bati sa akin ni Nina, siya ang pinsan ko. Anak siya ng aking Tita na kumupkop sa akin noong mawala ang mga magulang ko.At ano ang sadya nila rito? Bakit nila ako pinuntahan? Hindi pwedeng wala silang matinding dahilan. Hindi nila ako basta-bastang bibisitahin kung wala silang kailangan sa akin. Nakatakip pa sa kanyang ilong ang aking pinsan na si Nina. Ang arte talaga ng babae 'to. Akala mo naman kagandahan. Mas maganda naman ako. "Ano po ang sadya n'yo rito?" tanong ko sa kanilang dalawa. Hindi ko nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para maramdaman nila na hindi ako masaya sa kanilang pagbisita rito. Naaalala ko kasi ang mga ginawa nila sa akin nung nasa puder nila ako. Kung paano sila makitungo sa akin. Tinuring nila akong parang hindi pamilya. "Bumisita lang kami dahil nalaman naming nasa ospital daw ang anak ng Ate mo," wika ni Tita Nenita."Nasa ospital po sila. Wala po sila rito. Kung gusto niyo po silang bisitahin ay dumiretso na la
CHAPTER 59"D'yan, d'yan sa mga pagsasalita mo ng ganyan mas lalo akong nahuhulog sa'yo," Hindi ko maiwasang mapangiti habang sinasabi ko iyon. Gumuhit din ang ngiti sa mga labi ni Sebastian.“Bonus na rin ang mukha mo,” dagdag ko pa.“Ang sarap-sarap mo kasi nung unang pagkikita nating dalawa. Ako pa ang unang kumausap sa’yo. Sabi ko sa sarili ko, mabibigyan ako ng magandang lahi ng lalaking ‘to. Kailangan ko siyang akitin,” Labas na labas na ang kanyang dimple at napapahawak na ito sa kanyang tiyan.“Wala akong kaalam-alam na CEO na pala ang kausap ko. Akala ko matanda na ang CEO, bata pa pala. Parehas pala kayo ng pangalan nung daddy mo. Gusto ko na talagang magpalamon sa lupa nung nalaman ko ang totoo mong pagkatao. Tang ina kasi ginawa ko lang driver ang boss ko,” “What I love about you is your personality. You can always make me smile even in the hardest season of my life. You can make everyone happy,”"'Wag mo akong tingnan ng ganyan, halatang patay na patay ka sa akin, eh,"
CHAPTER 58“Mukhang patay na patay ka sa akin, ah? Paano kung maghiwalay tayong dalawa? Kasi hindi naman natin alam ang takbo ng buhay natin. What if dumating ang oras na makipaghiwalay ako sa’yo dahil hindi na kita mahal?”“I am going to court you again, Maria. I’m gonna win your heart again. Gagawin ko ang mga bagay na ginagawa ko noon, kung saan minahal mo ako. Ganoon lang ka simple, Maria,” "Paano kung ayaw ko na talaga?"Kumunot lang ang noo niya at umiling."Let's not talk about that. Hindi naman 'yan mangyayari, Maria,""Pero paano nga-"No, let's change the topic. You always think about us breaking up. Pag-usapan nalang kaya natin kung gaano natin kamahal ang isa't-isa?""Ang corny naman nun,"Tinaasan niya ako ng kilay. "Stop talking or else I will kiss you," "Dito mismo sa harapan nila? Ang dami na ngang mga matang nakamasid sa ating dalawa. Ano'ng chismis na naman kaya ang gagawin nila kapag nakita nila tayong naghalikan dito sa labas ng bahay," mapakla akong tumawa. May
CHAPTER 57Hindi pa kami kasal at bago pa lang ang relasyon naming dalawa. Pero pamilya na ang turing niya sa aking pamilya. May ganitong mga lalaki pa palang natitira sa mundo? Ang swerte ko talaga. Paulit-ulit kong sasabihin kung gaano ako kaswerte kay Sebastian. Agad-agad ay nilipat si Mary sa isang pribadong kwarto sa ospital. Sinagot na rin ni Sebastian ang mga gastusin ang ospital. Pero sabi ko sa kanya ay babayaran ko iyon. Magsisikap akong mabayaran ang perang ginastos niya sa mga gamot ni Mary. Kahit na sinabi niyang hindi naman namin kailangang bayaran. Pero babayaran pa rin namin kahit paunti-unti lang. Sapat na ang tulong niya na pagbibigay ng isang pribadong kwarto para sa aking pamangkin. “Macy, wait lang. Nagtitimpla pa ako ng gatas mo,” pag-aalo ko sa aking pamangkin. Buhat-buhat siya ni Sebastian pero iyak pa rin nang iyak. Inaantok na siya kaya mainit na ang kanyang ulo. Lalo na at natagalan sa pagtitimpla ng gatas niya. Kapag nagkapamilya pala kaming dalawa ni Seb
CHAPTER 56“Hindi ko alam kung paano kita masusuklian, Sebastian. Halos lahat ng mga pangangailangan ko ay binibigay mo. Hindi ko nga alam kung bakit mo ako gusto, wala naman akong mabibigay sa ‘yo. Ang dami ring ibang mga babae na mas higit pa sa akin,”Ilang beses akong kumurap-kurap dahil nakakaramdam na ako na parang tutulo na ang aking mga luha. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pagmamahal. Nakakatakot pero masarap sa pakiramdam. Sa wakas ay may isang tao ng nagpaparamdam sa akin ng isang pagmamahal na hinahanap ng bawat babae sa mundo.“Mahalin mo lang ako. Sapat na ‘yon para sa akin, Maria. Pagmamahal mo lang ang maging sukli,” Nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng bahay ni Ate ay hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang pinisil iyon.“Don’t think about what other people will say to our relationship. They have nothing to do with us. Tayo lang ang nakakaalam kung ano ang totoo. At totoong pagmamahal ang namamagitan sa atin. Hindi dahil sa pera o sa mga ma
CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n
CHAPTER 3Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung nalilibugan man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae. Isang minuto akong nakatitig sa muk
CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya
CHAPTER 1 “Rizza! Wala bang kanin dito?”Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon.Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako naka







