Mag-log inREDENTOR
“Love, kausapin mo naman ako. I am so sorry. I promise, hindi ko na siya kakausapin.”
Hinawakan niya ang braso ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha.
“Don’t promise kung hindi mo naman tutuparin,” sabi ko na may sama ng loob. Hindi niya kilala ang mga taong ‘yun para ipagtanggol pa.
“Okay. Tell me kung bakit naiinis ka sa kanila para maintindihan ko.” Yumakap ito sa beywang ko. Umupo kami sa sofa at kinandong ko siya. Pinulupot ko ang braso sa beywang niya.
“His father is also my father. He’s my half-brother. Iniwan kami ng ama ko dahil sa nanay niya. Hindi naging mabuting ang ama ko sa amin ni Mama. Palagi niyang pinapamukha na wala kaming kuwenta at malas sa buhay niya. Bata pa lang ako noon, na-witness ko na ang kalupitan ng ama ko kay Mama. Iniwanan niya kami at sumama sa kabit niya. Hindi siya nagbigay ng suporta, kaya napilitang magtrabaho si Mama. Para makaraos kami sa pang-araw-araw naming buhay. Gusto ko sanang huminto na lang sa pag-aaral, pero tumanggi siya. Igagapang niya daw ang pag-aaral ko para makatapos lang ako. Tinulungan ko siya nang hindi niya alam. Nagtitinda ako ng sampagita pagkatapos ng klase ko. Kasama ang kaibigan ko na nagtitinda rin ng sampaguita. Siya ang tumulong sa akin para makapaglako sa simbahan. Para lang may maipambaon ako sa eskwela." Hinaplos ni Amanda ang mukha ko.
“Hoy, Reden, nagtatrabaho ako sa palengke. Isa akong kargador. Malakas ang kita doon. Gusto mo, sama ka sa akin?” sabi ng kaibigan kong si Melchor.
“Talaga?! Kaso may pasok ako, eh? Baka magalit sa akin si Mama kapag lumiban ako sa klase?” sabi ko.
“Tuwing Sabado at Linggo iyon. Kahit maghapon na tayo doon. Para makarami tayo ng kita. Makakalibre tayo ng mga gulay kasi ‘yong mga redyek na mga gulay pinapamigay na nila. Kagaya na lang noong isang araw, ang dami kong naiuwing gulay.”
Nakangiting kuwento ni Melchor.“Sige, magtatrabaho rin ako. Para may pang-ulam kami ni Mama.”
Napangiti ako dahil matutulungan ko na si Mama.Nang dumating si Mama, sinalubong ko siya ng yakap. May dala siyang supot.
“Ilagay mo na sa mangkok ito, anak. Nakasaing ka na ba ng kanin?” Tumango ako.
Hinagkan ni Mama ang noo ko.“Opo, Mama,” kinuha ko ang ulam para isalin sa mangkok. Iba na naman ang pinagtatrabahuhan niya. Sa isang karinderya bilang tindera at tagahugas ng plato. Maaga ang pasok ni Mama doon. Sa murang edad, natuto akong asikasuhin ang sarili ko. Wala naman kaso doon kahit hindi na ako naasikaso ni Mama. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin.
Habang kumakain, nakatitig ako sa mama. Mahal na mahal ko siya. Pagdating ng panahon, ako naman ang mag-aalaga sa kanya.
Sabado, nagpunta kami ng kaibigan kong si Melchor sa palengke. Mabuti maagang umalis si Mama; kung kaya nang nakaalis, sumunod naman ako. Kailangan makarami kami ngayon. Sinuot ko ang kamiseta kong luma. Tastas na ang
sinulid at may mga butas na. Kinuha ko naman ang kaisa-isang tsinelas na pudpod dahil sa kalumaan.“Melchor!” tawag ko sa labas ng bahay ng kaibigan ko. Lumabas siya sa tarangkahan nila. May tulak na kariton.
“Buti maaga ka, akala ko mamaya ka pa,” sabi nito sa akin.
“Maaga umalis si Mama kaya nakalabas din ako nang maaga. Halika na, baka madaming magpapabuhat ng mga paninda ngayon,”sabi ko.Narating namin ang palengke. Madilim pa dahil alas singko pa lang ng umaga.“Aleng Magda, kami na po ang bubuhat diyan sa mga paninda niyo. Mas mura ang singil namin kaysa sa iba,” sabi ni Melchor.
“Magkano naman ang singil niyo?” sabi ni Aling Magda.
“One hundred pesos lang po lahat
po ‘yan.”“Kaya niyo bang buhatin ito?
Ang liliit niyo pa para bumuhat ng ganito kabigat na mga paninda,” sabi nito.“Naku, Aling Magda, may dala po kaming kariton.”
Napangiti ang ale kay Melchor.“Sige, bibigyan ko kayo ng 200, tig-100 kayo ng kasama mo.” Sa sinabi ng ale ay lumawak ang pagkakangiti namin ni Melchor.
“Maraming salamat po!” Pasalamat ko kay Aling Magda.
Naupo kaming pareho ni Melchor sa gilid ng kalsada sa sobrang pagod. Halos hindi na namin namalayang oras na tanghalian.
“Grabe, ang dami nating kita ngayon.” Masayang sabi ko. Ibinigay ni Melchor ang two hundred fifty pesos sa akin. Nakalimang daang piso kami, kaya hati kami sa kita.
“Oo nga, kaso ang kukuripot ng iba. Ang daming pinabuhat, pero trenta pesos lang ang binibigay.”
Reklamo ko. Napahawak ako sa braso kong masakit. Ang bigat ng mga binuhat naming paninda.Biglang kumulo ang tiyan namin.“Kailangan na nating kumain, Reden. Halika doon tayo sa lugawan ni Mang Kanor. Mas mura ang tinda doon.”
Nagpunta kami sa lugawan na sinasabi nito.Sampung piso lang ang isang mangkok. Kaya ‘yun na lang ang binili namin ni Melchor. Kailangan naming tipirin ang kita. Si Melchor kasi iniwanan ng mga magulang. Tanging lola lang nito ang nag-aruga. Buti wala siyang kapatid.
“Halika, mamasyal muna tayo diyan sa may plaza.” Pag-aaya nito sa akin.
Habang naglalakad sa plaza, hindi ko maiwasang sulyapan ang pamilyang masayang naglalakad. May nagpipiknik kasama ang mga anak. Hindi ko naranasan ang mga ganoon. Hindi kami pinapasyal ni Papa- —ni bilhan ng gamit sa eskwela, hindi niya magawa. Kung tratuhin niya kami, ay para kaming ibang tao sa kanya.
Kinalabit ako ni Melchor dahil nakatitig ako sa isang pamilya na masayang kumakain.
“Naalala mo na naman ang Papa mo, no? Huwag mo nang isipin ang taong iyon; masasanay ka ring wala siya. Buti ka nga may mama ka pa , samantalang ako wala. Tanging si Lola lang ang mayroon ako.”
Malungkot na sabi nito. Inakbayan ko siya.“Mabuti ka nga may lola.
Ako ay wala. Kaya patas lang tayo.” Nagkatawanan kami sa biro ko.Pagkauwi ng bahay, natigil ako sa pagpasok sa loob ng bahay namin nang makita ko si Mama, nakatayo sa pintuan namin. Napalunok ako.
Ang akala ko mamaya pa darating si Mama.“Redentor, saan ka galing? Bakit gabi ka na umuwi?”
Seryosong sabi ni Mama. Lumapit ako sa kanya para magmano. Napayuko ako dahil baka mahalata niyang nagsisinungaling ako.“Nakipaglaro po ako kina Melchor,” sabi ko na nakayuko.
“Huwag kang magsinungaling sa akin, Rendentor. Sinabi ni Ate Mila na nakita ka niya sa palengke at nagbubuhat ng mga paninda. Hindi ba sinabi kong akong bahala sa iyo? Napakabata mo pa para magtrabaho nang mabigat. Hindi mo kailangang magtrabaho dahil ako ang nanay mo at ako ang gagawa ng paraan.”
Napatingin ako kay Mama.“Mama, gusto ko lang tulungan ka dahil naaawa ako sa iyo. Nakikita ko ang paghihirap mo sa pagtatrabaho,” sabi ko. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa beywang niya.
“Anak,malakas pa ang mama mo. Kaya ko pang magtrabaho. Obligasyon ko bilang nanay mo na buhayin ka. Mag-aral ka at ako ang bahala sa lahat.” Tiningnan ko si Mama.
May dinukot ako sa bulsa ko. Iniabot ko kay Mama.“Ito po ang kinita ko ngayon, Nay. Hindi naman po mahirap kasi may kariton po si Melchor. May binuhat lang po kami, pero kaya ko namang buhatin.” Pagbibigay ko ng paliwanag. Kinuha ni Mama ang pera.
“Ilalagay ko ito sa ipon mo. Mangako ka, anak, na hindi ka na magtatrabaho sa palengke.”
Kahit ayaw ko, tumango ako.“Love, nandito lang ako para sa iyo. Mahal na mahal kita.” Yumakap nang mahigpit sa akin si Amanda.
“Mahal na mahal din kita, my love. Ilalaban kita nang patayan kung may taong magtangkang kunin ka sa akin,” sabi ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok. I love her. Kahit kapatid ko, kaya kong saktan siya kung tatangkain niyang kunin ang mahal kong si Amanda.
AMANDAIsang taon mula noong nangyari ang trahedya na akala ko mawawala ang anak namin ni Reden. Siguro ito na ang oras para kausapin ko si Annie. Alam kong malaki ang naging kasalanan niya sa akin at kay Reden. Gusto kong maging maayos kaming magkaibigan kahit may nagawa siyang nagawa. Pagkapasok ko sa kulungan. Sinabihan ako ng pulis na hintayin ko ang darating. Nandito na si Annie sa Correction for the woman. Nahatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo. Nalulungkot ako sa sinapit niya. Kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niyang kasalanan.Napaangat ako ng tingin nang umupo sa harapan ko ang nakaposas na si Annie. Isang taon na ang nakalipas. Ibang-iba na ang hitsura niya. Nangayayat at medyo tumanda ang mukha ni Annie. Tinitigan ko siya. Napayuko siya sa pagtitig ko.“Kumusta ka na, Annie?” tanong ko sa kanya.Sa nagdaang taon, wala na akong galit at sama ng loob sa kanya. Naiintindihan ko kung saan nagmumula ang galit niya sa akin. Dahil sa pag-ibig. Idagdag pa ang pagm
REDENTORKahit ayokong makita pa si Annie, kailangan ko siyang makausap tungkol sa kasong isasampa ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaamin ang ginawa sa asawa ko. Matigas talaga ang babaeng iyon!“Bakit gusto mo akong makausap? Iuurong mo na ba ang demanda? Hindi ko aaminin ang binibintang niyo sa akin. I am innocent! Wala akong pakialam sa ebidensya niyo! Gawa-gawa niyo lang ‘yon!” Gusto kong matawa sa sinasabi niya. Talagang makapal ang mukha niya na isipin na inosente siya. Nakita naman sa CCTV kung paano niya sinaktan si Amanda.“Nagpunta ako dito hindi upang sabihing iuurong ko ang demanda. Mananagot ka sa batas! Ayoko na sanang makita ka, pero kailangan ko pa rin dahil itutuloy ko ang demanda laban sa iyo! Kahit saan man tayong korte magpunta hindi ako titigil na mabubulok ka sa bilangguan.” Parang hindi kakikitaan ng takot si Annie. Alam kong gagawa ng paraan ang pamilya nito para lang mabayaran ang hustisya. Hindi ako susuko. Alam kong hindi lahat ng tao ay kaya nila
Sobra akong nag-alala nang tumawag si Amanda sa akin. Buti nakabalik na ako sa presinto nang tumawag siya, kaya sinagot ko.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may masamang nangyari kay Amanda at sa anak namin. Ang huli lang niyang nabanggit ay ang pangalan ni Annie. Mananagot sa akin ang babaeng iyon! Hindi ko siya mapapatawad kapag may masamang nangyari sa mag-ina ko.“Kuya. . .” Inabutan ako ng tubig ni David. Kinuha ko iyon.“Salamat.” Naupo siya sa tabi ko.“Mabuti na lamang at nakita ko si Amanda. Nagkataon na may bibilhin akong pagkain kaya doon ako nagpunta,” sabi nito. Napangiti ako. Malaki ang utang na loob ko kay David. Siya ang nagligtas kay Amanda at sa anak namin. Tinapik ko ang balikat nito. Siguro ito na ang tamang pagkakataon na magkaayos na kami ng kapatid ko. Magiging ama na ako. Dapat magandang ehemplo ako sa magiging anak ko.“Salamat. Kung wala ka doon, malamang may masamang nangyari na sa mag-ina ko,” sabi ko.“Wala iyon, kuya. Naging mabuting magkaibiga
REDENTOR“Love, ilang buwan na lang, manganganak na ako. Makikita na ang magiging baby boy natin,” sabi ng asawa ko.Pitong buwan na ang pinagbubuntis niya. Nagpa-ultrasound na kami last month kaya nalaman namin ang gender ng bata. Hinimas ko ang malaking umbok na tiyan ng asawa ko.“Excited na ako, love, na makita ang anak natin.”Kumuha na ako ng katulong para hindi na magtrabaho sa loob ng bahay ang asawa ko. Gusto kong maging komportable ang asawa ko. Ayoko rin siyang nahihirapan. Gusto kong mag-focus lang siya sa pag-aalaga ng anak namin.Hinagkan ko ang labi ni Amanda. Kahit lalaki ang anak namin, napakaganda pa rin niya.“Dadalaw si Mama mamaya. Plano niyang dito muna para mabantayan ka niya. Gusto niyang siya ang mag-asikaso sa iyo kapag nanganak ka na raw.” Napasandal sa dibdib ko si Amanda.“Ayos lang iyon. Gusto kong may kasama sa bahay at may alam sa pag-aalaga ng baby. Alam mo namang first time mommy ako,” natatawang sabi niya.“Magaling si Mama sa pag-aalaga ng baby. Tin
REDENTORIsang buwan na ang nakalipas magmula nang ikasal kami ni Amanda. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko, lalo pa ngayon na magiging magulang na kami. Hindi ko in-expect na makakabuo agad.“Love, mag-resign ka na sa trabaho mo. Ako ang bahala sa pangangailangan natin. Ikaw na lang dito sa bahay. Alagaan mo na lang ang anak natin. Kaya ko namang itaguyod ang pamilya natin. Maayos naman ang suweldo ko sa pagiging pulis,” sabi ko. Gusto kong dito na lang siya sa bahay dahil napapagod siya sa duty sa ospital. Lalo pa’t buntis siya.“Love, puwede pa naman akong mag-work kahit buntis. Meron nga akong katrabaho, manganganak na nga lang pumapasok pa,” sabi nito.“Mabuti kaya niyang magtrabaho kahit buntis. Ayokong i-take risk ang buhay niyo dahil sayang ang trabaho niyo. Hindi na maganda na mag-work ka pa. Ayokong may mangyari masama sa inyo at sa anak natin. Masama ma-expose ang buntis sa ospital.” Yumakap sa akin si Amanda.“Okay, kung iyon ang gusto mo. May punto ka naman. Saka first ba
REDENTOR“Anak, bakit naman biglaan ang kasal mo? Hindi ba sa simbahan ang balak mong kasal? Pangarap mo nga iyon noong wala ka pang nobya. Dahil ang sabi mo, once lang mangyayari iyon sa buhay mo. Bakit nagbago yata ang plano mo?” Ani Mama. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari tungkol kay Annie. Ayokong mag-alala siya sa amin ni Amanda.“Mama, napag-isip-isip kong mas mabuting simple na lang. Ilaan na lang namin ang pera para sa gastusin namin sa magiging bahay namin. Ganoon din naman, mapasimbahan o huwes , okay lang. Ang mahalaga, ikinasal kami. Gusto kong mapaganda ang pinapagawa kong bahay para sa amin ni Amanda. Alam niyo naman pangarap ko talaga noon pa na magkaroon ng sariling bahay at lupa.“Ganoon ba? Okay naman iyang naisip mo. Tutal, nakapagdesisyon na kayo at pumayag naman si Amanda. Ano pa bang magagawa ko?” Napangiti si Mama sa akin.“Kayo talaga, Ma. Siyempre, kayo ang magiging gabay namin ni Amanda sa buhay mag-asawa. Naging mabuti kayong asawa at ina para sa akin. K
REDENTORHindi ko alam kung ano pa ang motibo ni Annie na sirain ang relasyon namin ng nobya ko. Isa pang matalik na kaibigan ni Amanda. Wala na ba siyang konsensiyang natitira? Kunsabagay, kaya na nga niyang patayin ang inosenteng anak namin.Wala na akong nararamdaman sa kanya, kaya wala na siyan
REDENTORNagtataka ako dahil laging may nagte-text sa akin na binabalaan ako patungkol kay Amanda. Ayaw kong maniwala dahil kilala ko ang nobya ko at malaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi niya ako magagawang lokohin.Palagi akong pinapadalhan ng taong iyon ng mga larawan na may kasamang lalaki si Am
REDENTOR“Mukha kang gago diyan sa hitsura mo Reden. Hindi mo bagay ang umakyat nang ligaw,” natatawang sabi ng kaibigan kong si Alexandro Dela Costa , ang pulis na matulis.Napatingin ako sa hitsura ko. Well, hindi ako sanay sa ganitong formal na damit. May hawak pa akong bulaklak. Hindi naman ako
REDENTORHindi ko maialis ang tingin sa babaeng kausap ni Alex. May laro kaming basketball ngayon. Sumali kami sa ligang para sa lugar namin. Isinali namin si Alex dahil sponsor siya sa susuotin naming sapatos.Hindi naman kasi namin kaya bumili ng sapatos na panglaro namin. Working student ang kar







