LOGINREDENTOR
“Mukha kang gago diyan sa hitsura mo Reden. Hindi mo bagay ang umakyat nang ligaw,” natatawang sabi ng kaibigan kong si Alexandro Dela Costa , ang pulis na matulis.
Napatingin ako sa hitsura ko. Well, hindi ako sanay sa ganitong formal na damit. May hawak pa akong bulaklak. Hindi naman ako manliligaw dahil nobya ko na si Amanda. Nakasanayan ko na lang na bigyan ang nobya ko ng bulaklak sa tuwing dinadalaw ko siya sa kanilang bahay. Mukha lang kasi akong manliligaw, kaya todo-asar nila sa akin.
“Gago, kapag na-inlove ka gagawin mo rin ito!” Singhal ko sa kaibigan kong si Alexandro.
“Hindi ko gagawin iyan! Ang mga babae ang maghahabol sa akin.” Pagmamalaki pa niya sa akin. Tingnan lang natin.
“Ano na? Ang tagal niyong dalawa naka-ready na ang sasakyan mong gago ka!” sabi ng isa ko pang siraulong kaibigan na si Gregorio Magtanggol.
“Puwede ba mag-usap naman tayo ng hindi nagsisigawan at nagmumurahan,” sabi naman ng isa ko pang kaibigan si Isagani Bautista na siraulo. Napapailing na lang ako. Bakit ba nandito sa bahay ko ang mga ito?
“Matanong ko nga, anong ginagawa ninyo dito?” Wala naman kaming usapan na magkikita ngayong araw.
“Masama bang dalawin ka namin?” Natatawang sabi ni Gregorio.
“Ang sabihin ninyo, mag-aaya na naman kayong mag-inuman at mambababae na naman kayo,” natatawa kong sabi. Nagkatawanan lang sila. Magkakasabay kaming lumabas ng bahay ko.
“Nag-aaya kasi itong si Alex na pumunta sa bagong bukas na bar diyan sa Morayta. Marami raw babae at mukhang atat nang mambabae. Alam mo naman, ito, kumakati na naman ang betlog niya,” sabi ni Melchor. Nagtawanan kami sa sinabi niya.
“Bakit iyong betlog mo ba hindi kumakati kapag gusto mo ng sex?” sagot naman ni Alexandro na mukhang napipikon na.
“Huwag mong itulad ang betlog ko sa betlog mo dahil iisa lang ang kinakain nito,” sabi niya. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa dalawa kong kaibigan. Kung pag-usapan nila ang betlog nila, ay parang simpleng salita lang. Ang balahura ng mga bunganga ng mga ito.
Inayos ko ang suot kong damit pati na ang bulaklak na ibibigay ko. The first time I saw her, na love at first sight na ako sa kanya. Aaminin kong napakababaero ako, pero nag-iba ang lahat nang makita ko siya. Magmula noon ay hindi ko na tinantanan si Amanda. Palagi akong nasa ospital kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse. Lagi rin akong dumadalaw sa bahay niya para umakyat nang ligaw. Hindi ko gawaing manligaw, pero ginawa ko nang ligawan ko si Amanda.
Nakarating ako sa bahay nila. Ang mga kaibigan ko ay nagpunta sa sinasabi ni Alex na bagong bar sa Morayta. Pagkapasok sa loob ng bahay nila, nakasalubong ko ang kapatid na panganay nila, si Amanda, ang kilalang reporter ng isang sikat na TV station sa Metro Manila. Siya si Cathlaine Delmar.
“Good morning, Ms. Cathlaine,” bati ko sa kanya. Nginitian niya ako.
“Nasa garden si Amanda. Puntahan mo na. Mauuna na ako sa iyo.” Paalam niya sa akin. I nodded as a reply. Dumiretso ako sa garden. Nakita kong nagdidilig ng halaman si Amanda. She is so beautiful kahit simple lang siyang manamit. Hindi kagaya ng ate niya na napakasexy kung manamit.
“Good morning, Amanda.” Bati ko. Napalingon sa akin ang babaeng mahal ko. Napangiti siya nang makita niya ako.
“Hi Reden. Ang aga mo yatang dumalaw. Akala ko mamayang gabi ka pa dadalaw.” Ibinaba nito ang hawak na hose at lumapit sa kinatatayuan ko. I kiss her cheeks.
“Flowers for you, my love,” sabi ko. Kinuha nito ang flower at inamoy. She flashed a smile that I always want to see.
“Thank you. Upo ka muna; maghahanda ako ng meryenda mo.” Umupo ako sa may tabi ng coffee table. Pinagmasdan ko si Amanda habang pumapasok sa bahay. Nai-imagine kong mag-asawa na kami. Tapos ipagluluto niya ako at magsisilbi sa akin. Napangiti ako sa na-imagine ko. Dumating si Amanda na may hawak na tray na naglalaman ng meryenda na sinasabi niya.
“Mukhang masarap ang kakanin. Saan mo binili iyan?”
“Ginawa ko. Natuto akong gumawa ng kakanin noong high school pa ako. Tumira kasi ako sa probinsya ng ilang buwan. Si Lola ang nagturo sa akin dahil may tindahan ng mga kakanin ang lola ko.” Kuwento niya. Kinuha ko ang tinidor at tinikman ang kakanin na ginawa ni Amanda. Namilog ang mata ko ng matikman ang kakanin
“Wow, so delicious. Parang expert na expert ka sa paggawa nito.” Sabi ko. Naubos ko ang kakanin na hinain niya sa akin.
“Gusto mong gumawa ako para sa mama mo?” Sabi nito.
“Oh, sure, siguradong magugustuhan niya ito,” sabi ko. Napakaswerte ko at siya ang babaeng minahal ko. Bukod kay Mama, si Amanda ang pangalawang importante sa buhay ko.
HABANG abala ako sa report na ginagawa ko. Bigla na lamang pumasok ang taong ayaw kong makita.
“What are you doing here?” tanong ko sa kapatid kong lalaki, si David.
“Dad wanted to see you.” Umupo ito kahit hindi ko naman pinapa-upo.
“Inform him that I am unavailable.”masungit na wika ko. Malaki ang sama ng loob ko sa aking ama. Hindi siya naging mabuti kay Mama. Iniwan niya kami at sumama sa kabit niyang walang kuwenta. Ngayon na malalagutan na siya ng hininga, tsaka naman gusto niyang magkaayos kami. Huli na ang lahat para maayos pa ang pamilya namin na sinira niya.
“Please, Kuya, kung may sama ka pa ng loob, kalimutan mo muna. Okay lang naman na hindi mo ako tanggapin—kami ni Mommy. Pero si Daddy ama mo pa rin siya. May sakit na si Daddy. Hindi natin alam kung hanggang kailan na lang ang buhay niya. Sana naman may pagpapatawad pa diyan sa puso mo,” nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. Wala silang alam sa pinagdaanan namin ni Mama ko. Ito ang pagkakaiba sa kanila: hindi nila alam kung paano kami naghirap ni Mama nang iniwan kami ni Papa. Kahit hindi nakatapos ng high school si Mama, itinaguyod niya ako sa sarili nitong pagsisikap. Inapi nila ang mama ko dahil sa kakulangan ng edukasyon.
“Wala akong pakialam kahit mamatay pa siya. Huwag mo akong sasabihan kung ano’ng gagawin ko. Dahil hindi mo alam ang ginawa ng ina mo at ang tatay mo. You leave! Don’t you come back anymore!” Halos manlilisik ang mata ko sa galit. Naalala ko na naman ang mapait na sinapit namin ni Mama.
Nagsumikap ako para lang marating ang propesyon ko ngayon. Ginawa kong gabi ang araw para lang matustusan ang pag-aaral ko. Ayokong mahirapan si Mama. She deserves a better life. Kaya ako nagsumikap sa buhay.
“Sana hindi mo pagsisihan ito, kuya.” Hindi ko pagsisihan ang pagtatakwil ko sa ama kong walang kuwenta.
“Wala akong pagsisihan kung iyon ang inaakala mo. Bakit naman ako magsisi kung ang taong tinutukoy mo’y napakasamang nilalang? Leave!” utos ko. Bagsak ang balikat nitong umalis sa opisina ko. Nararapat lang sa kanya na mamatay na naghihirap para maranasan niya ang itakwil ng sariling anak. Kagaya ng pagtatakwil sa amin ng mama ko.
“Mama, bakit kayo umiiyak?” Nakita ko siyang nasa sahig, umiiyak. Napaangat ng tingin si Mama.
May dugo ang kanyang labi at mapula ang pisngi. Nanlilisik ang mata ko sa galit. Sinaktan na naman siya ni Papa.“Okay, lang ako anak.
Huwag mo akong alalahanin. Kumain ka na doon; nakaluto na ako ng paborito mong ulam.” Sabi ni Mama. Isang ngiti ang nakapaskil sa labi niya. Pinahid nito ang dugo sa labi.“Sinaktan ka na naman ni Papa?” tanong ko. Nabigla si Mama sa tanong ko.
“Hindi, anak, nabangga lang ako kaya dumugo ang labi ko.” Umiling ako. Hindi ako naniniwala.
“Sinaktan ka niya; huwag mo nang itanggi.” Niyakap ko siya at umiyak. Wala akong magawa para ipagtanggol siya. Napakabata pa ako para lumaban. Siyam na taong gulang pa lamang ako. Wala pa akong lakas para labanan ang ama kong demonyo.
Sa araw-araw, laging sinasaktan ni Papa si Mama. Lagi niyang sinasabi na bobo si Mama, walang pinag-aralan. Narinig ko minsan na sinabihan niya si Mama na bakit siya pa ang minahal niya. Pinagsisihan niya raw na pinakasalan ang mama ko. Nagpupuyos ako sa galit. Kinimkim ko iyon habang ako ay nagkakaisip.
****
“Bert, huwag mo kaming iiwan; kahit anong pananakit mo sa akin, tatanggapin ko. Maawa ka naman, may anak tayo.” Nadatnan ko si Mama na nakaluhod sa harapan ni Papa, nagmamakaawa. May kasamang babae na sa tingin ko’y isang mayamang babae. Nakita ko kung paano sampalin ni Papa si Mama. Lumapit ako kay Mama para itayo siya.
“Mama.” iyak na tawag ko. Puro pasa ang mukha niya. Masamang tingin ang pinukol ko sa ama ko. Lumapit ako sa kanya at pinagpapalo ko ang tiyan niya.
“Walanghiya ka sinaktan mo ang Mama ko!” galit na sigaw sa tatay ko. Itinulak ko ang babaeng kasama niya , kaya napaupo siya. Napahawak sa tiyan. Dumaing sa sakit ang babae.
“How dare you!” Sinugod ako ni Papa. Binigyan niya ako ng isang malakas na sampal. Napasadsad ako sa sulok.
“Reden, anak!” Nilapitan
kaagad ako ni Mama.Napayakap ako sa kanya tsaka umiyak nang malakas.“Kapag may nangyari sa anak ko, mananagot kayong dalawa sa akin!” galit na turan ni Papa sa amin. Binuhat niya ang babae at isinakay sa sasakyan.
Hindi
kita mapapatawad, Papa, sa ginawa mo sa akin at kay Mama. Hihintayin ko ang araw na ikaw naman ang magmamakaawa sa akin!Ito na ang araw na pinakahihintay ko dahil ako naman ang magpapahirap sa kanya. Matagal ko nang kinalimutang may naging ama ako. Si Mama lang ang tanging magulang ko, wala nang iba.
AMANDAIsang taon mula noong nangyari ang trahedya na akala ko mawawala ang anak namin ni Reden. Siguro ito na ang oras para kausapin ko si Annie. Alam kong malaki ang naging kasalanan niya sa akin at kay Reden. Gusto kong maging maayos kaming magkaibigan kahit may nagawa siyang nagawa. Pagkapasok ko sa kulungan. Sinabihan ako ng pulis na hintayin ko ang darating. Nandito na si Annie sa Correction for the woman. Nahatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo. Nalulungkot ako sa sinapit niya. Kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niyang kasalanan.Napaangat ako ng tingin nang umupo sa harapan ko ang nakaposas na si Annie. Isang taon na ang nakalipas. Ibang-iba na ang hitsura niya. Nangayayat at medyo tumanda ang mukha ni Annie. Tinitigan ko siya. Napayuko siya sa pagtitig ko.“Kumusta ka na, Annie?” tanong ko sa kanya.Sa nagdaang taon, wala na akong galit at sama ng loob sa kanya. Naiintindihan ko kung saan nagmumula ang galit niya sa akin. Dahil sa pag-ibig. Idagdag pa ang pagm
REDENTORKahit ayokong makita pa si Annie, kailangan ko siyang makausap tungkol sa kasong isasampa ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaamin ang ginawa sa asawa ko. Matigas talaga ang babaeng iyon!“Bakit gusto mo akong makausap? Iuurong mo na ba ang demanda? Hindi ko aaminin ang binibintang niyo sa akin. I am innocent! Wala akong pakialam sa ebidensya niyo! Gawa-gawa niyo lang ‘yon!” Gusto kong matawa sa sinasabi niya. Talagang makapal ang mukha niya na isipin na inosente siya. Nakita naman sa CCTV kung paano niya sinaktan si Amanda.“Nagpunta ako dito hindi upang sabihing iuurong ko ang demanda. Mananagot ka sa batas! Ayoko na sanang makita ka, pero kailangan ko pa rin dahil itutuloy ko ang demanda laban sa iyo! Kahit saan man tayong korte magpunta hindi ako titigil na mabubulok ka sa bilangguan.” Parang hindi kakikitaan ng takot si Annie. Alam kong gagawa ng paraan ang pamilya nito para lang mabayaran ang hustisya. Hindi ako susuko. Alam kong hindi lahat ng tao ay kaya nila
Sobra akong nag-alala nang tumawag si Amanda sa akin. Buti nakabalik na ako sa presinto nang tumawag siya, kaya sinagot ko.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may masamang nangyari kay Amanda at sa anak namin. Ang huli lang niyang nabanggit ay ang pangalan ni Annie. Mananagot sa akin ang babaeng iyon! Hindi ko siya mapapatawad kapag may masamang nangyari sa mag-ina ko.“Kuya. . .” Inabutan ako ng tubig ni David. Kinuha ko iyon.“Salamat.” Naupo siya sa tabi ko.“Mabuti na lamang at nakita ko si Amanda. Nagkataon na may bibilhin akong pagkain kaya doon ako nagpunta,” sabi nito. Napangiti ako. Malaki ang utang na loob ko kay David. Siya ang nagligtas kay Amanda at sa anak namin. Tinapik ko ang balikat nito. Siguro ito na ang tamang pagkakataon na magkaayos na kami ng kapatid ko. Magiging ama na ako. Dapat magandang ehemplo ako sa magiging anak ko.“Salamat. Kung wala ka doon, malamang may masamang nangyari na sa mag-ina ko,” sabi ko.“Wala iyon, kuya. Naging mabuting magkaibiga
REDENTOR“Love, ilang buwan na lang, manganganak na ako. Makikita na ang magiging baby boy natin,” sabi ng asawa ko.Pitong buwan na ang pinagbubuntis niya. Nagpa-ultrasound na kami last month kaya nalaman namin ang gender ng bata. Hinimas ko ang malaking umbok na tiyan ng asawa ko.“Excited na ako, love, na makita ang anak natin.”Kumuha na ako ng katulong para hindi na magtrabaho sa loob ng bahay ang asawa ko. Gusto kong maging komportable ang asawa ko. Ayoko rin siyang nahihirapan. Gusto kong mag-focus lang siya sa pag-aalaga ng anak namin.Hinagkan ko ang labi ni Amanda. Kahit lalaki ang anak namin, napakaganda pa rin niya.“Dadalaw si Mama mamaya. Plano niyang dito muna para mabantayan ka niya. Gusto niyang siya ang mag-asikaso sa iyo kapag nanganak ka na raw.” Napasandal sa dibdib ko si Amanda.“Ayos lang iyon. Gusto kong may kasama sa bahay at may alam sa pag-aalaga ng baby. Alam mo namang first time mommy ako,” natatawang sabi niya.“Magaling si Mama sa pag-aalaga ng baby. Tin
REDENTORIsang buwan na ang nakalipas magmula nang ikasal kami ni Amanda. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko, lalo pa ngayon na magiging magulang na kami. Hindi ko in-expect na makakabuo agad.“Love, mag-resign ka na sa trabaho mo. Ako ang bahala sa pangangailangan natin. Ikaw na lang dito sa bahay. Alagaan mo na lang ang anak natin. Kaya ko namang itaguyod ang pamilya natin. Maayos naman ang suweldo ko sa pagiging pulis,” sabi ko. Gusto kong dito na lang siya sa bahay dahil napapagod siya sa duty sa ospital. Lalo pa’t buntis siya.“Love, puwede pa naman akong mag-work kahit buntis. Meron nga akong katrabaho, manganganak na nga lang pumapasok pa,” sabi nito.“Mabuti kaya niyang magtrabaho kahit buntis. Ayokong i-take risk ang buhay niyo dahil sayang ang trabaho niyo. Hindi na maganda na mag-work ka pa. Ayokong may mangyari masama sa inyo at sa anak natin. Masama ma-expose ang buntis sa ospital.” Yumakap sa akin si Amanda.“Okay, kung iyon ang gusto mo. May punto ka naman. Saka first ba
REDENTOR“Anak, bakit naman biglaan ang kasal mo? Hindi ba sa simbahan ang balak mong kasal? Pangarap mo nga iyon noong wala ka pang nobya. Dahil ang sabi mo, once lang mangyayari iyon sa buhay mo. Bakit nagbago yata ang plano mo?” Ani Mama. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari tungkol kay Annie. Ayokong mag-alala siya sa amin ni Amanda.“Mama, napag-isip-isip kong mas mabuting simple na lang. Ilaan na lang namin ang pera para sa gastusin namin sa magiging bahay namin. Ganoon din naman, mapasimbahan o huwes , okay lang. Ang mahalaga, ikinasal kami. Gusto kong mapaganda ang pinapagawa kong bahay para sa amin ni Amanda. Alam niyo naman pangarap ko talaga noon pa na magkaroon ng sariling bahay at lupa.“Ganoon ba? Okay naman iyang naisip mo. Tutal, nakapagdesisyon na kayo at pumayag naman si Amanda. Ano pa bang magagawa ko?” Napangiti si Mama sa akin.“Kayo talaga, Ma. Siyempre, kayo ang magiging gabay namin ni Amanda sa buhay mag-asawa. Naging mabuti kayong asawa at ina para sa akin. K
REDENTORHindi ko alam kung ano pa ang motibo ni Annie na sirain ang relasyon namin ng nobya ko. Isa pang matalik na kaibigan ni Amanda. Wala na ba siyang konsensiyang natitira? Kunsabagay, kaya na nga niyang patayin ang inosenteng anak namin.Wala na akong nararamdaman sa kanya, kaya wala na siyan
REDENTORNagtataka ako dahil laging may nagte-text sa akin na binabalaan ako patungkol kay Amanda. Ayaw kong maniwala dahil kilala ko ang nobya ko at malaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi niya ako magagawang lokohin.Palagi akong pinapadalhan ng taong iyon ng mga larawan na may kasamang lalaki si Am
REDENTOR“Ma, bakit gising ka pa?” tanong ko kay nanay nang makita ko pa siyang gising. Kadarating ko lang galing sa trabaho.“Hinihintay kita, anak. Nagluto ako ng paborito mo,” sabi niya. Niyakap ko ang aking ina at hinagkan ang kanyang noo.“Salamat, Ma. Siguradong marami na naman akong kakainin
REDENTORHindi ko maialis ang tingin sa babaeng kausap ni Alex. May laro kaming basketball ngayon. Sumali kami sa ligang para sa lugar namin. Isinali namin si Alex dahil sponsor siya sa susuotin naming sapatos.Hindi naman kasi namin kaya bumili ng sapatos na panglaro namin. Working student ang kar







