LOGINREDENTOR
“Ma, bakit gising ka pa?” tanong ko kay nanay nang makita ko pa siyang gising. Kadarating ko lang galing sa trabaho.
“Hinihintay kita, anak. Nagluto ako ng paborito mo,” sabi niya. Niyakap ko ang aking ina at h******n ang kanyang noo.
“Salamat, Ma. Siguradong marami na naman akong kakainin.” Nakangiting sabi ko.
Masarap magluto si Mama, kaya palagi akong ginaganahan sa pagkain. Sinasabi ko nga sa kanya na magtayo ng kainan. Sigurado akong marami siyang magiging. Hinila niya ako sa hapagkainan. Umupo ako. Kumuha naman ng plato si Mama.
“Pasensya na , Ma, ginabi na ako sa pag-uwi. Marami po kasing trabaho sa presinto,” wikang sabi ko.
Ngumiti siya. Nilapag niya ang umuusok pang ulam. “Naiintindihan ko, anak. Alam ko naman na parte iyan ng trabaho mo. Basta ang lagi kong bilin ay mag-ingat ka,” nakangiting bilin sa akin. Naglagay ng kanin sa plato ko si Mama. Nagsandok ako ng ulam na nasa mangkok.
“Ma, nagpunta kanina si David sa presinto. Kinukumbinsi niya akong puntahan ang kanyang ama dahil gusto niya akong makausap,” sabi ko. Tiningnan ko ang reaction ni Mama.
“Bakit hindi mo puntahan? Kinalimutan ko na ang mga masasamang ginawa ng papa mo. Napatawad ko na rin siya. Sana ay ganoon ka rin upang magkaroon ka ng kapayapaan sa iyong puso.” Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Mama. Sa kabila ng ginawa ng lalaking iyon sa kaniya, kaya niyang patawarin? Umiling ako sa sinabi ni Mama. Hindi madali sa akin ang magpatawad, lalo na't nasaktan ako sa ginawa niya. He abandoned us because of his mistress. Iyon ang hindi ko matanggap hanggang sa ngayon. At ang pagtrato niya sa amin ni Mama ay parang basura.
“I am sorry, Ma, ngunit hindi ko maibibigay sa kanya ang kapatawarang hinahangad niya. Kung talagang gusto niyang humingi ng tawad sa atin, sana noon pa niya ginawa. Hindi ngayong may sakit na siya at mamamatay na.” Galit na sabi ko. Hinaplos ni Mama ang balikat ko.
“Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit mo, anak. Sa ngayon, hindi muna kita pipiliting mapatawad ang Papa mo.”
Hindi ako nagsalita. Baka may masabi pa akong masama. Sagad hanggang langit ang galit ko sa lalaking iyon. Walang taong makakapagkumbinsi sa akin na patawarin ang lalaking nanakit sa amin.
Pinuntahan ko sa ospital si Amanda kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse. Hinintay ko siyang mag-out sa duty niya. Habang nakaupo, napansin ko ang isang babaeng nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako. Parang pamilyar ang babae. Lumapit siya sa akin.
“Redentor. . .” Napakunot ako ng noo. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Paano niya nalaman na hindi ko siya kilala?
“Sino po kayo? Bakit niyo ako kilala?” tanong ko. Natigilan ang babae sa sinabi ko.
“Mom!” Napalingon kami sa taong tumawag sa babae.
“David. . .” H******n ni David ang babae. So ina niya pala ang babaeng ito. Siya ang dahilan ng lahat, kaya kami iniwan ni Papa noon.
“Kuya, mabuti naisip mong dalawin si Daddy.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
“What are you talking about? I’m not here to visit your father. I’m here because my girlfriend is working here. Bakit mo naman inisip na dadalawin ko ang walang kuwenta mong ama? I told you , kahit mamatay pa siya, hindi ko siya mapapatawad!” galit na sabi ko. Napasinghap ang babae. Wala akong pakialam sa kanila. Dahil sa kanila, kaya ako ganito ngayon. Naging matigas ang puso.
“Ma, ang ganda dito sa mall, ang lamig.”
Unang beses akong nakapasok sa malaking gusali na tinatawag nilang mall. Hanggang palengke lang ako dahil hindi kami makapunta ni Mama para lumabas dahil wala kaming pera. Nagtrabaho si Mama bilang tindera sa isang grocery na malapit sa bahay namin. Mabuti nakapasok si Mama doon dahil kaibigan niya ang may-ari. Unang sweldo ni Mama, kaya nagyaya siyang mamasyal.
“Maraming mabibilhan dito ng mga damit at laruan. Gusto mo bang bilhan kita ng laruan mo?” Nagningning ang mata ko sa sinabi niya. Tumango ako.
“Gusto ko po ng laruan!” sabi ko.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko. Naglakad kami papuntang bilihan ng mga laruan. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita kong mga damit at sapatos. Napatingin ako sa suot na sapatos ni Mama. Bumubuka na ang harapan ng sapatos niya dahil sa kalumaan. Napatingala ako sa kanya.
“Mama, huwag na lang pala tayo bumili ng laruan. Bumili ka na lang ng sapatos mo. Sira na ang sapatos mo, oh?”
Turo ko sa sapatos niya. Napangiti si Mama sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko.“Ayos lang, anak, puwede pa namang gamitin. Mas mahalaga ka.
Hindi ba gusto mo ng bagong laruan?”Tumango ako. Mas mahalaga si Mama kaysa sa laruan.“Mama, ayaw ko na ng laruan. Malaki na ako para maglaro. Bumili ka na lang ng sapatos mo. Ayos lang po na hindi niyo ako bilhan ng laruan.”
Ngumiti ako para hindi na ipilit ni Mama ang gusto niya. Alam kong mas uunahin niya ako. Pero ako , mas uunahin ko siya. Dahil gusto kong mapasaya ang mama ko. Hinila ko siya papasok sa bilihan ng sapatos. Hindi na nakatanggi si Mama sa kagustuhan ko.“Wow, Mama, ang ganda ng sapatos mo. Hindi ka na mahihirapan sa paglalakad.”
Tuwang-tuwa na, sabi ko.“Salamat, anak. Sana hindi na lang muna ako bumili. Sana nakabili ka na ng laruan mo.”
Hinawakan ko ang kamay ni Mama.“Mama, ayos lang.
Saka naisip kong malaki na ako para bumili ng laruan.”Naisip kong mag-ipon na lang ako para makabili ng gusto ko.“Ang suwerte ko sa iyo, anak, dahil napakabait mong bata. Mahal na mahal kita.”
Yumakap ako sa beywang ni Mama.“Mahal na mahal din kita, Mama,” sambit ko.
“Halika na, kain muna tayo.” Paanyaya niya. Tumango ako.
Naghanap kami ng makakainan.
Pagkapasok sa isang kainan , nakita ko si Papa. May kasamang babae na may malaking tiyan. Sinusubuan pa ni Papa ang babae. Hinila ko ang laylayan ng blouse ni Mama. Napatingin siya sa akin.“Mamá, sí, papá.”
Tinuro ko ang kinalalagyan nila Papa at ang babae.Nagpasya akong lapitan ang dalawa. Pinigilan ako ni Mama, pero kumawala ako.“Papa!”
Tawag ko sa aking ama. Pareho silang napatingin.“Anong ginagawa niyo dito?” Galit na sabi ni Papa sa amin. Hinawakan ni Mama ang balikat ko.
“Namasyal lang kami ni Reden.”
Paliwanag ni Mama kay Papa.Tumawa nang nakakainsulto si Papa.“Paano ka naman nagkaroon ng pera? Mabuti , alam mong pumunta sa mall.”
Pang-iinsulto nito. Kumuyom ang kamao ko sa tinuran niya sa mama ko.“May pera si Mama! Dapat nga ikaw ang pumapasyal sa amin, hindi ang babae mo!”
Galit na sigaw ko sa kanya.“Anak...” sabi ni Mama sa akin.
“Napakabastos mong bata ka! Mana ka diyan sa bobo mong ina!”
Halos magpuyos sa galit ang dibdib ko.“Hindi bobo ang Mama ko! Ikaw ang bobo, manloloko pa! Niloloko mo ang mama ko!”
Umiiyak na sabi ko. Hinawakan ni Mama ang kamay ko.“Anak, tama na, halika na, umalis na tayo,”
sabi ni Mama sa akin. Nakita kong may luha sa mata niya. Naaawa ako sa kanya. Bakit hinahayaan niya lang na insultuhin siya ni Papa?“Tandaan mo ito, kapag malaki na ako, maghihiganti ako sa inyo sa pang-aapi niyo sa Mama ko!” sabi ko.
Pinagtitingnan na ako ng mga tao. Sa inosente kong isip, naging matapang ako dahil sa ginawa niya sa amin. Sasampalin sana ako ni Papa. Hinarang ni Mama ang kanyang sarili,
kaya siya ang nasampal ni Papa. Napaupo si Mama sa sahig. Dinaluhan ko siya.“Mama!”
Umiiyak na wika ko.“Sinaktan mo ang mama ko!”
Tumayo ako at galit na sinipa ko ang tuhod niya. Napaigik ang amako. Gusto ko sanang undayan ng suntok sa mukha, hindi ko magawa dahil maliit pa ako. Hindi ko siya maabot.Susugurin sana ako ni Papa upang saktan, ngunit pinigilan siya ng babae.“Magsama kayo ng ina mong bobo!” sigaw nito sa amin ni Mama. Nagmadaling umalis ang dalawa.
“Mama, ayos ka lang po?”
Nag-aalalang tanong ko.“Ayos lang ako. Sana hindi mo na lang ginawa iyon, anak. Ayokong masaktan ka.”
Hinaplos ni Mama ang pisngi kong puno ng luha. Napayakap ako sa bisig ni Mama. Hindi ko mapapatawad si Papa sa pang-aapi niya sa Mama ko. Hihintayin ko ang araw na ako naman ang mananakit sa kanila!“Wala ka na bang kahit konting awa kay Daddy?” sabi ni David. Natawa ako nang nakakaloko.
“Are you kidding? Awa? Hindi nga naawa ang ama mo sa mama ko noon! Kaya deserve niya’ng isumpa!” Nag-igting ang panga ko.
“Reden. . .” Napalingon ako sa tumawag. Napangiti ako nang makita ko ang mahal kong si Amanda.
“My love,” sabi ko at lumapit sa kanya para bigyan ng halik sa pisngi.
“Is there a problem here?” tanong nito at napatingin sa dalawa. Napangiti ako at hinaplos ko ang pisngi niya. Umiling ako.
“Naka-out ka na ba?” tanong ko sa nobya. Inipit ko ang buhok nito sa tainga.
“Oo, love, kaka-out ko lang,” sabi nito sa malamyos na tinig. Iyon ang isa sa mga nagustuhan ko kay Amanda. Napakalamig ng boses niya. Nakakapagpakalma ng sistema ko lalo kapag nakakaramdam ako ng pagod sa trabaho.
“Come on, let’s go home?” Nakangiting sabi ko.
Kinuha ko ang bag na dala niya at pinagsiklop ang palad namin. Napatingin ang dalawang taong kinasusuklaman ko sa aming dalawa ni Amanda. Napailing na lamang si David sa akin dahil sa inasal ko. Wala akong pakialam sa kanila.
AMANDAIsang taon mula noong nangyari ang trahedya na akala ko mawawala ang anak namin ni Reden. Siguro ito na ang oras para kausapin ko si Annie. Alam kong malaki ang naging kasalanan niya sa akin at kay Reden. Gusto kong maging maayos kaming magkaibigan kahit may nagawa siyang nagawa. Pagkapasok ko sa kulungan. Sinabihan ako ng pulis na hintayin ko ang darating. Nandito na si Annie sa Correction for the woman. Nahatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo. Nalulungkot ako sa sinapit niya. Kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niyang kasalanan.Napaangat ako ng tingin nang umupo sa harapan ko ang nakaposas na si Annie. Isang taon na ang nakalipas. Ibang-iba na ang hitsura niya. Nangayayat at medyo tumanda ang mukha ni Annie. Tinitigan ko siya. Napayuko siya sa pagtitig ko.“Kumusta ka na, Annie?” tanong ko sa kanya.Sa nagdaang taon, wala na akong galit at sama ng loob sa kanya. Naiintindihan ko kung saan nagmumula ang galit niya sa akin. Dahil sa pag-ibig. Idagdag pa ang pagm
REDENTORKahit ayokong makita pa si Annie, kailangan ko siyang makausap tungkol sa kasong isasampa ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaamin ang ginawa sa asawa ko. Matigas talaga ang babaeng iyon!“Bakit gusto mo akong makausap? Iuurong mo na ba ang demanda? Hindi ko aaminin ang binibintang niyo sa akin. I am innocent! Wala akong pakialam sa ebidensya niyo! Gawa-gawa niyo lang ‘yon!” Gusto kong matawa sa sinasabi niya. Talagang makapal ang mukha niya na isipin na inosente siya. Nakita naman sa CCTV kung paano niya sinaktan si Amanda.“Nagpunta ako dito hindi upang sabihing iuurong ko ang demanda. Mananagot ka sa batas! Ayoko na sanang makita ka, pero kailangan ko pa rin dahil itutuloy ko ang demanda laban sa iyo! Kahit saan man tayong korte magpunta hindi ako titigil na mabubulok ka sa bilangguan.” Parang hindi kakikitaan ng takot si Annie. Alam kong gagawa ng paraan ang pamilya nito para lang mabayaran ang hustisya. Hindi ako susuko. Alam kong hindi lahat ng tao ay kaya nila
Sobra akong nag-alala nang tumawag si Amanda sa akin. Buti nakabalik na ako sa presinto nang tumawag siya, kaya sinagot ko.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may masamang nangyari kay Amanda at sa anak namin. Ang huli lang niyang nabanggit ay ang pangalan ni Annie. Mananagot sa akin ang babaeng iyon! Hindi ko siya mapapatawad kapag may masamang nangyari sa mag-ina ko.“Kuya. . .” Inabutan ako ng tubig ni David. Kinuha ko iyon.“Salamat.” Naupo siya sa tabi ko.“Mabuti na lamang at nakita ko si Amanda. Nagkataon na may bibilhin akong pagkain kaya doon ako nagpunta,” sabi nito. Napangiti ako. Malaki ang utang na loob ko kay David. Siya ang nagligtas kay Amanda at sa anak namin. Tinapik ko ang balikat nito. Siguro ito na ang tamang pagkakataon na magkaayos na kami ng kapatid ko. Magiging ama na ako. Dapat magandang ehemplo ako sa magiging anak ko.“Salamat. Kung wala ka doon, malamang may masamang nangyari na sa mag-ina ko,” sabi ko.“Wala iyon, kuya. Naging mabuting magkaibiga
REDENTOR“Love, ilang buwan na lang, manganganak na ako. Makikita na ang magiging baby boy natin,” sabi ng asawa ko.Pitong buwan na ang pinagbubuntis niya. Nagpa-ultrasound na kami last month kaya nalaman namin ang gender ng bata. Hinimas ko ang malaking umbok na tiyan ng asawa ko.“Excited na ako, love, na makita ang anak natin.”Kumuha na ako ng katulong para hindi na magtrabaho sa loob ng bahay ang asawa ko. Gusto kong maging komportable ang asawa ko. Ayoko rin siyang nahihirapan. Gusto kong mag-focus lang siya sa pag-aalaga ng anak namin.Hinagkan ko ang labi ni Amanda. Kahit lalaki ang anak namin, napakaganda pa rin niya.“Dadalaw si Mama mamaya. Plano niyang dito muna para mabantayan ka niya. Gusto niyang siya ang mag-asikaso sa iyo kapag nanganak ka na raw.” Napasandal sa dibdib ko si Amanda.“Ayos lang iyon. Gusto kong may kasama sa bahay at may alam sa pag-aalaga ng baby. Alam mo namang first time mommy ako,” natatawang sabi niya.“Magaling si Mama sa pag-aalaga ng baby. Tin
REDENTORIsang buwan na ang nakalipas magmula nang ikasal kami ni Amanda. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko, lalo pa ngayon na magiging magulang na kami. Hindi ko in-expect na makakabuo agad.“Love, mag-resign ka na sa trabaho mo. Ako ang bahala sa pangangailangan natin. Ikaw na lang dito sa bahay. Alagaan mo na lang ang anak natin. Kaya ko namang itaguyod ang pamilya natin. Maayos naman ang suweldo ko sa pagiging pulis,” sabi ko. Gusto kong dito na lang siya sa bahay dahil napapagod siya sa duty sa ospital. Lalo pa’t buntis siya.“Love, puwede pa naman akong mag-work kahit buntis. Meron nga akong katrabaho, manganganak na nga lang pumapasok pa,” sabi nito.“Mabuti kaya niyang magtrabaho kahit buntis. Ayokong i-take risk ang buhay niyo dahil sayang ang trabaho niyo. Hindi na maganda na mag-work ka pa. Ayokong may mangyari masama sa inyo at sa anak natin. Masama ma-expose ang buntis sa ospital.” Yumakap sa akin si Amanda.“Okay, kung iyon ang gusto mo. May punto ka naman. Saka first ba
REDENTOR“Anak, bakit naman biglaan ang kasal mo? Hindi ba sa simbahan ang balak mong kasal? Pangarap mo nga iyon noong wala ka pang nobya. Dahil ang sabi mo, once lang mangyayari iyon sa buhay mo. Bakit nagbago yata ang plano mo?” Ani Mama. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari tungkol kay Annie. Ayokong mag-alala siya sa amin ni Amanda.“Mama, napag-isip-isip kong mas mabuting simple na lang. Ilaan na lang namin ang pera para sa gastusin namin sa magiging bahay namin. Ganoon din naman, mapasimbahan o huwes , okay lang. Ang mahalaga, ikinasal kami. Gusto kong mapaganda ang pinapagawa kong bahay para sa amin ni Amanda. Alam niyo naman pangarap ko talaga noon pa na magkaroon ng sariling bahay at lupa.“Ganoon ba? Okay naman iyang naisip mo. Tutal, nakapagdesisyon na kayo at pumayag naman si Amanda. Ano pa bang magagawa ko?” Napangiti si Mama sa akin.“Kayo talaga, Ma. Siyempre, kayo ang magiging gabay namin ni Amanda sa buhay mag-asawa. Naging mabuti kayong asawa at ina para sa akin. K
Madami kaming pasyente ngayon, kaya busy ang araw namin. Hindi kami magkamayaw sa kakaparoo’t parito ang mga nurses at doctors.“Amanda, ikaw na muna ang mag-check sa pasyente ko. Ang dami ko pang hindi natatapos sa isang pasyente,” sabi ng kasama kong nurse.“Okay lang, tapos ko nang makunan ng b
REDENTORHindi ko alam kung ano pa ang motibo ni Annie na sirain ang relasyon namin ng nobya ko. Isa pang matalik na kaibigan ni Amanda. Wala na ba siyang konsensiyang natitira? Kunsabagay, kaya na nga niyang patayin ang inosenteng anak namin.Wala na akong nararamdaman sa kanya, kaya wala na siyan
REDENTOR“Mukha kang gago diyan sa hitsura mo Reden. Hindi mo bagay ang umakyat nang ligaw,” natatawang sabi ng kaibigan kong si Alexandro Dela Costa , ang pulis na matulis.Napatingin ako sa hitsura ko. Well, hindi ako sanay sa ganitong formal na damit. May hawak pa akong bulaklak. Hindi naman ako
REDENTORHindi ko maialis ang tingin sa babaeng kausap ni Alex. May laro kaming basketball ngayon. Sumali kami sa ligang para sa lugar namin. Isinali namin si Alex dahil sponsor siya sa susuotin naming sapatos.Hindi naman kasi namin kaya bumili ng sapatos na panglaro namin. Working student ang kar







