Share

RECLAIMING HIS WIFE
RECLAIMING HIS WIFE
Author: Bawlabac

Chapter 1

Author: Bawlabac
last update publish date: 2026-06-03 09:15:46

TRISHA’S POV

Nakatitig lang ako sa nagtataasang gusali ng Makati mula sa aking opisina. Kahit ilang beses ko nang nasilayan ang view na ito, hindi ito nakakasawang panoorin. Ito ang nagsisilbing pahinga ko mula sa nakaka-stress na ingay ng corporate world.

Nag-stretch ako ng mga braso para matanggal ang ngalay sa aking likod. Ilang minuto na lang at makakauwi na rin ako sa wakas. Niyaya ako ng mga kaibigan ko na lumabas ngayong gabi pero tinanggihan ko sila. Mas pipiliin ko pang mag-relax sa bahay kaysa makipag-party.

Napangiti ako sa sarili ko. Kung ako siguro ang Trisha ilang taon na ang nakalipas, baka ako pa ang unang nakarating sa bar. Pero nagbago na ang lahat. Siguro ito na ang tinatawag nilang adulting. Imbis na ingay ng tugtugan, katahimikan na ang hinahanap-hanap ko pagkatapos ng trabaho.

Sinilip ko ang wristwatch ko at akmang aayusin na ang mga gamit ko nang may kumatok sa pinto. Akala ko ay ang Executive Assistant ko, pero laking gulat ko nang bumukas ito.

"Hi, darling," bati ni Mommy.

Siya ang asawa ng CEO ng aming kumpanya, isang higanteng supermarket chain na may mga sangay na maging sa ibang bansa.

Ako naman ang kasalukuyang nagmamanage. Matapos ang lahat ng sakripisyo at pagpupuyat, sa wakas ay nakuha ko rin ang posisyong ito. Isang taon na ang nakalipas at masasabi kong mas naging progresibo ang kumpanya sa ilalim ng pamumuno ko.

"Oh, hi, Mommy! Bakit po kayo napadpad dito? Pauwi na sana ako," sabi ko sabay beso sa kanya.

Ngunit agad akong natigilan. Walang ngiti sa kanyang labi. Mukha siyang tumanda ng ilang taon dahil sa sobrang seryoso ng kanyang ekspresyon.

"Anong nangyari? May problema ba, Mommy?" tanong ko na kinakabahan.

Nagbuntong hininga siya at naupo sa tapat ng table ko. Mukha siyang pagod na pagod.

"Kailangan nating umuwi," sagot niya na lalong nagpalito sa akin.

Tatlong taon na ang nakalipas nang sumama ako sa kanila rito sa Maynila para asikasuhin ang negosyo. Ang kapatid kong si Mage ay nagpakasal na at naninirahan na sa Canada. Dahil mag-isa lang ako noon, sinabihan ako nina Mommy na rito na lang tumira para hindi rin ako malayo sa opisina.

Pero noong nakaraang anim na buwan, nagdesisyon si Daddy na bumalik sa aming probinsya sa Cebu. Ayaw sana namin ni Mommy dahil mag-isa lang siya roon pero wala kaming nagawa. Sabi niya, masyado na raw matagal ang pananatili niya sa Maynila at oras na para mag-settle sa Queen City of the South. Inaya niya rin ako pero tumanggi ako dahil masaya na ako rito. Bukod doon, pakiramdam ko ay wala na akong dahilan para bumalik pa sa Cebu.

Talaga ba? O natatakot ka lang? bulong ng isang bahagi ng utak ko.

Ayaw ko nang isikin ang nakaraan.

Nahanap ko na ang saya ko rito at ayaw ko nang guluhin pa ang lahat.

"Uwi? Sige po, sabay na tayo. Bakit hindi muna tayo kumain sa paborito nating restaurant tonight? Treat ko," pag-iiba ko ng usapan, umaasa na hindi Cebu ang tinutukoy niya.

"Darling, alam mo ang ibig kong sabihin."

"W-what do you mean, Mommy?"

"Kailangan nating bumalik ng Cebu as soon as possible. Isinugod ang Daddy mo sa ospital kaninang hapon."

Nanlaki ang mga mata ko. "Diyos ko! Anong nangyari kay Daddy?!"

"Sabi ng doctor, kailangan niyang sumailalim sa heart bypass surgery agad-agad."

Biglang nanghina ang aking mga tuhod at kusang pumatak ang aking mga luha. Hindi ko inaasahan ang balitang ito.

Nakaramdam ako ng matinding guilt dahil masyado akong naging selfish at nagpaka-busy sa trabaho habang ang Daddy ko ay naghihirap pala roon.

Niyakap ako ni Mommy para patahanin.

"Hush, sweetie. He is going to be alright. Kailangan lang nating manalig."

Humagulgol ako sa dibdib niya. Limang buwan ko nang hindi nakikita si Daddy dahil lagi akong busy.

"Gusto ko siyang makita, Mommy," sabi ko matapos ang ilang minuto.

Tiningnan niya ako nang may pag-aalala, tila hindi inaasahan na papayag ako agad na bumalik doon.

"Sigurado ka?"

Tumango ako nang may determinasyon.

"Hindi na ito tungkol sa akin, Mommy. Tungkol na ito kay Daddy. Ayaw kong magtrabaho rito habang alam kong nasa ganoong kalagayan siya."

Tumango si Mommy. "I understand. Mag-ready ka na. Lilipad tayo pauwi ngayong gabi."

Pagkauwi namin para mag-impake, biglang may dumating na bisita.

"Hi, Trisha. Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko. Gusto lang kitang makita bago ka lumipad pa-Cebu," bungad ni Isaiah habang may dalang bouquet at isang cute na teddy bear.

Napangiti ako. Limang buwan na siyang nanliligaw sa akin. Sinabi ko na sa kanya ang sitwasyon ko pero hindi siya sumuko. Noong una ay flat no ang sagot ko, pero ang determinasyon niya ay kahanga-hanga. Unti-unti ko nang naa-appreciate ang mga effort niya.

"Salamat, Isaiah. Paano mo nalaman na uuwi kami?"

"Narinig ko sa secretary ni Mommy."

Pumunta kami sa living room para mag-usap.

"Trisha, alam kong hindi ito ang tamang oras, pero gusto ko lang magkaroon ng peace of mind."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kinakabahan ako kasi babalik ka doon at baka magkita kayo ulit." Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatitig sa akin.

"Please, tell me na babalik ka rito sa Maynila. At sana sa pagbalik mo, maibigay mo na ang sagot mo sa akin."

Nakaramdam ako ng kurot sa puso.

Masyadong mabuti si Isaiah. Kabaligtaran niya.

Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya.

"Don't worry, Isaiah. Uuwi ako para kay Daddy, hindi dahil sa kanya. Babalik ako rito kung paano ako umalis. Aayusin ko lang ang lahat doon."

Nagliwanag ang mukha niya at hinalikan ang aking kamay. "Salamat, Trisha. Hihintayin kita."

Eksaktong alas-singko y medya ng hapon nang lumipad kami ni Mommy. Pagdating sa ospital sa Cebu City, dumiretso agad kami sa ward. Ang sakit makita ni Daddy na nakahiga roon at napapalibutan ng mga tubo.

"Dad, please be strong. Nandito na kami," emosyonal na sabi ko.

Bahagyang ngumiti si Daddy kahit hirap na siyang magsalita. "Salamat at nakauwi ka, baby," mahinang sabi niya. Hinalikan ko siya sa noo.

Habang nasa gitna ng operasyon si Daddy, nagpasya muna akong pumunta sa chapel ng ospital para magdasal. Halos isang oras din akong nanatili roon para makahinga nang malalim.

Tumayo na ako para bumalik sa operating room nang bigla akong may nabangga. Sumubsob pa ang mukha ko sa matigas na dibdib ng taong iyon.

"Sorry," hingi ko ng paumanhin.

Akmang lalakad na ako palayo nang may mapansin ako. Isang pamilyar na amoy ang pumasok sa ilong ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila napako ang mga paa ko sa sahig. Dahan-dahan akong tumingala para kumpirmahin kung tama ba ang hinala ko.

Parang gumuho ang mundo ko nang makita ko ang mukha niya. Siya nga.

Bakit ngayon pa? Hindi pa nga ako nagtatagal dito sa Cebu, nagpakita na agad siya! Is this a joke of fate? Ang kulay-abo niyang mga mata ay nakatitig nang malalim sa asul kong mga mata. Hindi ako makagalaw.

Plano ko naman talagang makipagkita sa kanya para tapusin na ang lahat, pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis. Hindi ako handa.

"Mahal ko," mahina pero paos niyang sabi.

Doon biglang nagliyab ang galit sa loob ko. Ang tawag niyang iyon, parang binuhay lahat ng sakit at galit na itinago ko sa loob ng mahabang panahon.

"And what is the great Jeremiah Chiong doing in a place like this?" sarkastikong tanong ko habang nakataas ang noo. Salamat na lang at hindi ako nabulol.

"What else do you think, mahal?"

"Don't call me that!" hindi ko na napigilang sumabog.

Pero imbis na magulat, ngumisi lang siya at ibinulsa ang kanyang mga kamay.

"You haven't changed, Trisha. Wild pa rin." Pinasadahan niya ako ng tingin na tila ba binabasa ang buong pagkatao ko.

Napangitngit ako sa galit. Hindi talaga siya nagbago!

"Sabi nang huwag mo akong tatawagin niyan," mariin kong sabi. "Now, if you will excuse me, kailangan ko nang bumalik sa OR. Wala akong oras para sa iyo."

Nilagpasan ko siya, pero bago pa ako makalabas ng chapel, narinig ko uli ang boses niya.

"Trisha, come back here."

Natigil ang paghakbang ko. Ang tagal ko nang hindi naririnig ang tawag na iyon.

Stop it, Trisha! Imbis na sumagot, naglakad ako nang mabilis palayo na parang may multong humahabol sa akin.

Hindi ko akalain na makikita ko siya agad.

Akala ko handa na ako, pero mas madali palang sabihin kaysa gawin. Hawak ko ang dibdib ko habang naglalakad sa hallway ng ospital. Ang bigat sa loob.

"Are you okay, darling?" tanong ni Mommy nang makita niya ako. Agad akong yumakap sa kanya.

Kahit bumalik lahat ng sakit nung makita ko si Jeremiah, walang luhang pumatak sa mga mata ko. Siguro dahil naubos na lahat ng luha ko para sa kanya noon. Napangiti ako nang mapait. Nasaan na ang matapang na Trisha?

Nagtagal ako ng ilang taon para makamove-on, hindi ako pwedeng bumalik sa dati.

Huminga ako nang malalim at humiwalay kay Mommy. "I am fine, Mommy. Nag-aalala lang talaga ako kay Daddy."

"Magiging maayos din siya. Strong man ang Daddy mo."

"Yes, Mommy."

Pinilit kong huwag nang isipin si Jeremiah. Pero alam ko sa sarili ko, magtatagpo at magtatagpo uli ang landas namin dito sa Cebu.

At sa pagkakataong iyon, sisiguraduhin kong puputulin ko na ang anumang koneksyong natitira sa aming dalawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 25

    Pag-uwi ko sa bahay, akala ko mawawala na ang matinding bigat sa dibdib ko, pero hindi pala. I couldn’t even sleep that night dahil pabalik balik sa isip ko ang nakaraan.I felt so empty and sad. Ang tahimik pa ng paligid, making me feel so cold and lonelier than I already was.Napatingin ako sa picture frame na nasa ibabaw ng bedside table ko at kinuha ito.I touched it emotionally, dahan dahang hinaplos ng hintuturo ko ang litrato habang nakatitig doon na puno ng pangungulila at pagmamahal."I love you, sweetheart. Mommy will always love you. You will remain in my heart forever," pabulong kong sabi sabay halik sa picture ng anak kong si Carlou bago ko ito niyakap nang mahigpit sa dibdib ko.At dun, parang magic na kumalma ako bigla, iniisip na si Carlou talaga ang kayakap ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.The next day, hindi ako umalis ng bahay. I've decided to finish my vacation bago bumalik sa trabaho. Kahit ang sumunod na 14 days, ginugol ko lang sa loob ng bahay.I didn

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 24

    TRISHA's POVPag-uwi ko ng bahay, pumasok ako na parang lumulutang ang kaluluwa—lutang na lutang. Isa lang talaga ang gusto ko ngayon: ang makalayas dito sa Cebu. I felt like if I didn't get out of this place, sasabog ang utak ko at tuluyan akong masisiraan ng bait. Sobrang nakakasuffocate.Palagi akong kinukulit ng pamilya ko na mag undergraduate ng therapy para naman daw makapag move on na ako, pero ewan ko ba, hindi ko talaga kaya. Feeling ko kasi, the moment na kalimutan ko ang sakit, parang kinalimutan ko na rin ang lahat ng alaala ng anak kong si Carlou.At siguro... deep inside, nararamdaman kong deserve ko naman talagang masaktan. Parang wala akong karapatang sumaya habang wala na siya.Yes, aside sa katotohanang isinisisi ko kay Jeremiah ang lahat ng nangyari sa anak namin, grabe rin ang panunumbat ko sa sarili ko. Kung hindi lang sana ako naging mahina, baka nailigtas ko pa si Carlou.Kung alam ko lang na may mangyayaring ganoon, sana nagawa ko siyang protektahan. Ang daming

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 23

    Ang lakas pa rin ng putukan sa labas at mas lalo akong kinabahan. No, my baby Carlou—burst out crying.I tried my best na patahanin siya pero hindi siya tumitigil. He looked so terrified. Gustong-gusto kong humingi ng tulong pero laking gulat ko nang marealize kong naiwan ko pala ang phone ko sa bahay dahil sa sobrang pagmamadali namin."Think, Trish. Think of something!" Sabi ko sa sarili ko. Naicip kong ako na lang ang magda-drive ng kotse para mailayo ang anak ko sa kapahamakan. Pero bago ko pa man magawa 'yun, biglang may sumulpot na lalaki sa gilid at pinukpok ng mallet ang bintana ng sasakyan namin.I screamed in sheer terror. Niyakap ko agad si Carlou para protektahan siya. The man kept smashing the window hanggang sa tuluyan itong mabasag.Napasigaw ako nang hilahin niya pabukas ang pinto. He smirked nung makita kaming dalawa sa loob. Cold shivers ran down my spine habang nakatitig sa nakakatakot niyang mukha—he was a bald, tattooed man."Jackpot!" He laughed triumphantly. "Ik

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 22

    TRISHA’S POV Jeremiah and I’s relationship became better than ever. Si Carlou ang naging center ng mundo namin at nagdala siya sa amin ng incomparable happiness. He’s such a cheerful baby. Noong binigkas niya ang first word niya, sobrang nag overflow ang joy sa puso ko dahil ang sinabi niya ay 'mamma'. I kept on teasing Jeremiah about that kasi gustong gusto niyang 'papa' ang maging first word ni Carlou, pero bigo ang lolo niyo. Well, to be fair; Carlou uttered 'papa' as his second word at halos maiyak naman si Jeremiah sa sobrang saya nang marinig iyon for the first time. Each day was filled with overwhelming joy and I couldn’t ask for more. Time flew by so quickly hanggang sa dumating na ang first birthday ng little one namin. We were so enthusiastic about it. Pero three days before the special day, napansin ko na ang kakaibang pagbabago sa kilos ni Jeremiah. He became restless at mukhang problemadong problema sa kung ano. He was always on the phone, talking to someone habang bali

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 21

    Sa loob ng kotse, nakakabingi ang katahimikan. Kitang-kita ko ang pag-flex ng jaw ni Jeremiah sa sobrang galit, pero hello? Galit din ako! Pagdating sa bahay, doon na siya sumabog."Are you out of your mind?! Nagpunta ka sa club at nag-party na parang hindi ka buntis?! Are you even aware na masama ang alcohol sa baby?!" Napapikit ako sa lakas ng boses niya. I gritted my teeth."For your information, mister! Hindi ako uminom ng alcohol! Not a single drop, kaya 'wag mo akong sigawan na parang bingi!" ganti ko. He ran his hand over his face in frustration."Do you even have any idea kung gaano ako nag-alala?! I almost went insane thinking something bad happened to you!" Bahagyang kumalma ang boses niya, at doon ko nakita ang tunay na pag-aalala sa mga mata niya."At bakit naman may mangyayaring masama sa akin?" tanong ko. Bigla siyang napatigil."B-Because you weren't answering my calls. Pag-uwi ko, wala ka rito." Ramdam ko na may itinatago siya.I scoffed. "Oh, talaga? Nag-alala ka? Paa

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 20

    [FLASHBACK]TRISHA’S POVPaulit ulit na tumatawag si Jeremiah, siguro dahil nakauwi na siya, pero pinatayan ko siya ng cellphone. I just couldn't believe it—niloko niya ako. Sabi niya nasa Manila siya, pero kitang kita ng dalawang mata ko na hindi naman siya umalis. Hindi ko man lang magawang umiyak dahil sa sobrang galit at selos. All I knew was, kailangan kong lumayo para makalimutan ang lahat ng negativity na nararamdaman ko.Kasama ko sina Mage at James sa birthday party ni Luna, pero siniguro kong hindi ako iinom. Masyadong busy si Mage sa pakikipag party kaya hindi niya napansin na orange juice lang ang tinitira ko.Ngayon lang ulit kami nagka reunion ni James after more than a decade dahil galing siyang Greece, at sobrang saya namin na makasama siyang muli.Halos lahat ay wasted na pagkatapos ng party. Pauwi na sana kami nang biglang nag suggest si Mage."It’s too early to go home. Why don’t we go to the club? My treat!" alok niya. Lasing na siya, pero mukhang kaya pa ang ano

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 5

    TRISHA’S POV Huminto ang sasakyan ko sa tapat ng naglalakihang glass doors ng Chiong Company. Pagkababa ko pa lang, ang pamilyar na amoy ng paligid halo ng mamahaling air freshener at ang "amoy pera" na vibe ng building ay agad sumalubong sa akin. "Ma'am Trisha?!" Nanlaki ang mata ng head g

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 4

    4TRISHA’S POV Nasa freeway na ako papuntang airport para sunduin ang kapatid ko nang mag ring ang phone ko. It was Attorney gayè. Sinagot ko agad, umaasang tapos na ang lahat. "Hello, Mr. gayè. I’m expecting good news," bungad ko. Pero katahimikan ang sumalubong sa akin. Isang mabigat na bun

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 3

    JEREMIAH’S POV Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang bawat galaw ng kalaban ko habang bumubuo ng plano sa utak ko kung paano ko siya mapapatumba. Nakasuot kami pareho ng puting karategi, at tanging ang tunog ng aming mga yapak sa mat ang naririnig sa loob ng dojo. Mabilis siyang kumilos, pero h

  • RECLAIMING HIS WIFE   Chapter 2

    2TRISHA’S POV Nakahinga rin ako nang maluwag nung lumabas na yung doctor sa OR. Sabi niya, success daw ang operasyon at 'wag na kaming mag alala. Agad kong niyakap si Mommy sa tuwa. Thank God talaga, walang masamang nangyari kay Papa. Pagkatapos niyon, umuwi na muna kami para makapagpahin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status