Share

CHAPTER SEVEN

last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-25 09:20:34

THIRD PERSON:

Makalipas ang halos isang oras na paghihintay, sa wakas ay bumukas ang pintuan ng Emergency Room. Agad na napatayo sina Sera at Alex. Pakiramdam ni Sera ay anumang oras ay titigil ang pagtibok ng kanyang puso sa sobrang kaba. Hindi niya namalayang mahigpit na pala niyang nahahawakan ang manggas ng kanyang kaibigan habang nakatitig sa pintuan.

Nang makita niya si Dr. Gabriel Mendoza na papalapit sa kanila, lalo lamang bumigat ang kanyang dibdib. Matagal na niyang kilala ang doktor dahil ito na ang gumagamot kay Liam sa loob ng maraming taon. At sa tuwing nakikita niya ang ganoong kaseryosong ekspresyon sa mukha nito, alam niyang hindi maganda ang balitang dala nito.

"Doc..."

Basag ang boses niyang tawag.

"Kumusta po ang kapatid ko?"

Napabuntong-hininga muna si Dr. Gabriel bago ito nagsalita.

"Na-stabilize na namin siya."

Parang saglit na bumalik ang hangin sa dibdib ni Sera. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakahinga nang maluwag ay muli nang nagsalita ang doktor.

"Pero hindi maganda ang resulta ng mga pagsusuri."

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Sera. Unti-unting nanghina ang kanyang mga tuhod kaya napakapit siya nang mahigpit kay Alex upang hindi matumba.

"Lumalala na ang kondisyon ni Liam."

"At kung hindi tayo agad kikilos..."

Sandaling tumigil ang doktor bago mabigat na ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"...maaaring malagay sa panganib ang buhay niya."

Tuluyang nanlaki ang mga mata ni Sera. Hindi siya makahinga. Hindi siya makapagsalita. Pakiramdam niya ay may napakabigat na bagay na dumagan sa kanyang dibdib habang unti-unting gumuho ang natitirang pag-asa na pilit niyang pinanghahawakan.

"Doc..."

Nanginginig ang kanyang boses.

"A-Ano pong kailangan naming gawin?"

"Kailangan natin siyang isailalim sa mas agresibong gamutan at procedure."

"At kailangan natin itong maisagawa sa lalong madaling panahon."

Tahimik na yumuko si Dr. Gabriel. Alam niyang mahirap tanggapin ang susunod niyang sasabihin, ngunit bilang doktor ay kailangan niyang maging tapat sa pamilya ng kanyang pasyente.

"Malaki ang kakailanganing halaga."

"Kasama ang mga gamot, laboratory tests, at procedure..."

"Posibleng umabot ito sa ilang daang libong piso."

At sa isang iglap, parang tuluyang gumuho ang buong mundo ni Sera. Nanlalamig ang kanyang mga kamay habang hindi makapaniwalang nakatitig sa doktor. Ilang daang libong piso. Isang halagang ni minsan ay hindi pa niya nahawakan sa buong buhay niya. Para sa isang taong halos araw-araw nang kumakayod para lamang may maipangkain at maipambili ng gamot sa kapatid, tila imposible iyong maabot. 

"Ilang daang libo...?"

Mahina at halos pabulong niyang nasabi habang unti-unting namumuo ang panibagong luha sa kanyang mga mata.

Tulala na lamang na nakatingin si Sera kay Alex. Namumula na ang kanyang mga mata sa kaiiyak at basang-basa na ng luha ang kanyang mga pisngi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o kung saan siya magsisimula. Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nawalan ng lakas. Parang lahat ng laban na ilang taon niyang kinaya para kay Liam ay sabay-sabay na bumagsak sa kanyang mga balikat.

Napansin iyon ni Alex. Dahan-dahan nitong hinawakan ang magkabilang balikat ni Sera at pilit na sinalubong ang namumutlang mukha nito. Nakikita niya ulit ang takot, pagod, at desperasyong matagal nang kinikimkim ng dalaga.

"Sera..."

Mahina ngunit matatag nitong tawag.

"Makinig ka sa akin."

Patuloy lamang sa pag-agos ang mga luha ni Sera. Halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak habang pilit na pinipigilan ang paghikbi na gustong kumawala sa kanyang dibdib.

"Kaya natin 'to."

Mariing sabi ni Alex.

"Tutulungan kita."

"At hindi kita hahayaang harapin ito nang mag-isa."

Napakagat si Sera sa kanyang labi habang muling bumuhos ang kanyang mga luha. Pakiramdam niya ay unti-unti nang nadudurog ang natitira niyang pag-asa.

"Pero paano, Alex?"

Basag ang boses niyang tanong.

"Saan tayo kukuha ng ganoong kalaking pera?"

"Wala na akong alam na paraan." Napayuko siya habang nanginginig ang kanyang mga balikat. Pakiramdam niya ay unti-unti nang nilalamon ng kawalan ng pag-asa ang kanyang puso.

Ngunit marahan siyang inangat ni Alex sa baba upang muli niyang masalubong ang mga mata nito.

"Makinig ka, kakayanin natin 'to."

Mahigpit nitong pinisil ang kanyang balikat na para bang nais nitong iparamdam na totoo ang bawat salitang binibitawan nito.

"At ilalaban natin si Liam."

Sa mga sandaling iyon, hindi alam ni Sera kung bakit, ngunit parang kahit papaano ay may munting liwanag na muling sumilay sa gitna ng kadilimang bumabalot sa kanya. Sa kabila ng lahat ng sakit, takot, at pagod, may isang taong nananatili sa kanyang tabi. May isang taong hindi bumibitaw at patuloy na nagpapaalala na hindi niya kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.

*****

Makalipas ang ilang oras, matapos maisagawa ang mga kinakailangang pagsusuri at gamutan, inilipat na si Liam sa isang pribadong silid ng ospital. Tahimik ang buong kwarto. Tanging ang mahinang tunog ng monitor at banayad na pag-ugong ng aircon ang maririnig. Mahimbing na natutulog si Liam sa hospital bed. Maputla pa rin ang kanyang mukha, ngunit kahit paano ay mas maayos na ang kanyang paghinga kumpara kanina.

Sa tabi ng kama nito ay tahimik na nakaupo si Sera. Wala siyang imik habang nakatitig sa kapatid. Parang kasabay ng mga luha niyang naubos ay ang lahat ng lakas na matagal niyang pinanghahawakan. Marahan niyang kinuha ang isang pack ng wet wipes at dahan-dahang pinunasan ang maliliit na paa ni Liam. Ang mga paa na dati ay walang kapagurang tumatakbo sa kanilang eskinita. Ang mga paa na dati ay masayang humahabol sa mga kaibigan habang humahalakhak. Ngayon, halos wala nang lakas upang tumayo.

Napayuko si Sera habang mahigpit na pinipisil ang hawak na wipes. Hindi niya alam kung ilang araw pa. Hindi niya alam kung gaano pa katagal. Ang alam lamang niya ay unti-unti nang nauubos ang oras, at iyon ang pinakakinatatakutan niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng kapatid habang pinipigilan ang muling pag-agos ng kanyang mga luha.

"Sana ako na lang ang nahihirapan."

Muling nanubig ang kanyang mga mata. Ngunit bago pa man tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha ay marahang bumukas ang pinto ng silid. Napalingon siya at nakita si Alex na may dalang plastic bag sa isang kamay at paper cup naman sa kabila. Halatang pagod din ito at ilang oras nang hindi nagpapahinga, ngunit dumiretso pa rin ito sa silid ni Liam.

Tahimik itong lumapit at inilapag ang dala sa maliit na mesa sa tabi ng kama bago tumingin kay Sera.

"Kumain ka muna." Malumanay nitong sabi.

"Kaninang umaga ka pa walang laman ang tiyan."

Doon lamang napatingin si Sera sa dala nitong pagkain. Mainit na noodles, ilang pirasong tinapay, at bottled water.

Ngunit kahit nakikita niya ang pagkain. Wala siyang maramdamang gutom. Pakiramdam niya ay may malaking batong nakabara sa kanyang lalamunan.

Parang hindi niya kayang lumunok. Parang bawat subo ay sasabayan ng sakit sa kanyang dibdib.

Napabuntong-hininga si Alex. Alam na alam niya ang iniisip ng kaibigan. Kaya kinuha niya ang paper cup ng noodles at inilapit ito kay Sera. 

"Wala akong gana." Mahina niyang sagot.

"Higupin mo habang mainit pa."

"Pilitin mo kahit kaunti."

Tahimik lamang si Sera habang nakayuko, pilit na pinipigilan ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit hindi sumuko si Alex. Saglit nitong nilingon ang mahimbing na natutulog na si Liam bago muling bumaling sa kanya.

"Kapag ikaw ang bumagsak..." malumanay nitong sambit. "Sino na lang ang mag-aalaga sa kanya?"

Napakagat si Sera sa kanyang labi. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Ang tanging nagawa niya ay tumango habang pilit pinapahid ang mga luhang muling namuo sa kanyang mga mata.

"Sa-salamat..." mahina at basag ang boses niyang sambit.

Bahagyang ngumiti si Alex at marahan siyang tinapik sa balikat.

"Huwag mo akong pasalamatan. Ang gusto ko lang... gumaling si Liam. Kaya kailangan mo ring alagaan ang sarili mo, Sera."

Marahan siyang humigop ng mainit na sabaw ng noodles, ngunit ni hindi niya malasahan ang init niyon. Habang pilit niyang nilulunok ang bawat higop, iisa lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan, saan siya kukuha ng ganoon kalaking halaga upang mailigtas ang buhay ng kanyang pinakamamahal na kapatid?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER TWENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Ang biyahe pabalik sa eksklusibong condominium tower ay nabalot ng nakabibinging katahimikan. Bawat segundo na lumilipas ay mas lalong nagpapatindi sa kabog ng dibdib ni Sera. Nang bumukas ang pinto ng pribadong elevator sa pinakamataas na palapag, nanginginig ang kaniyang mga daliri habang dahan-dahang itinutulak ang pinto ng penthouse.Pagpasok niya sa loob, ang kaninang eleganteng karangyaan ng condo ay tila napalitan ng isang napakalamig at nakatatakot na atmospera.Nakaharap sa kanya si Damian.Tahimik itong nakaupo sa gitna ng mamahaling leather couch sa sala, tila kanina pa hinihintay ang kanyang pagdating. Sa isang kamay ay hawak nito ang kristal na baso ng alak, habang ang isa nama'y nakapatong sa sandalan ng sofa.Ngunit ang higit na nagpayanig kay Sera ay ang ekspresyon ng lalaki.Naglalaro sa guwapo nitong mukha ang malamig, seryoso, at madilim na anyo ng galit. Ang kanyang mga mata ay matalim na nakapako kay Sera, walang kurap, walang awa.Para siyang isang

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CAHPTER TWENTY-SIX

    THIRD PERSON:Nasa gitna pa ng seryoso at mabigat na pag-uusap sina Sera at Alex nang biglang marinig ang isang mahinang ungol mula sa kama. Sabay na napalingon ang dalawa at doon ay nakita nila ang marahang paggalaw ng mga daliri ni Liam, kasunod ng dahan-dahang pagkabukas ng kaniyang maliliit na mata.Bumaling ang paningin ng walong taong gulang na bata sa kabuuan ng silid. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata at napuno ng matinding pagtataka ang kaniyang inosenteng mukha nang masilayan ang napakalawak, napakalinis, at napakarangyang ICU Isolation Suite. Wala na ang siksikan at maingay na ward room na kinalakihan niya nitong mga nakaraang linggo."Ate... nasaan tayo?" pabulong at medyo paos na tanong ni Liam habang nakatingin sa kisame na may modernong ilaw. "Bakit po ang ganda ng kwarto na 'to?"Hindi na napigilan ni Sera ang kaniyang sarili. Lumapit siya nang husto sa tabi ng kama at hinawakan ang magkabilang kamay ng kapatid. Ang kaniyang puso ay napuno ng matinding sakit na m

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER TWENTY-FIVE

    SERA'S POV:Mabilis kong itinulak ang pinto ng ICU Isolation Suite upang takasan ang mga mapanghusgang titig at bulungan ng mga nars sa pasilyo. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako rito, dahan-dahang hinahabol ang aking hininga habang pilit na pinapakalma ang nanginginig kong dibdib.Nang iangat ko ang aking paningin, sinalubong ako ng payapa at marangyang silid. Lumapit ako sa gilid ng kama at tinitigan si Liam. Ang kaniyang maliit na mukha ay mahimbing pa ring nakapikit, ngunit kitang-kita ko na mas maayos na ang kaniyang kulay kumpara noong mga nakaraang araw.8.0Hindi pa man ako nauupo, dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Ramirez. May hawak siyang medical chart, at sa pagkakataong ito, may malawak at panatag na ngiti sa kaniyang mga labi."Magandang umaga, Miss Monteverde," bati ng doktor sa akin."Magandang umaga po, Doc," agad kong sagot, habang muling bumabalik ang kaba sa aking boses. "Kamusta po si Liam? Bakit po hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigisin

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER TWENTY-FOUR

    SERA'S POV:Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata nang tumama ang sikat ng araw sa aking mukha mula sa glass wall. Agad kong hinawakan ang aking tabi, ngunit malamig at malinis ang kabilang bahagi ng kama. Wala na si Damian. Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng luwag dahil hindi ko siya nakita paggising ko, ngunit ang hapdi at kirot sa aking katawan ay sapat na paalala ng kaniyang kalupitan kagabi.Inayos ko ang aking robe at nagpasya nang lumabas ng kwarto upang mag-asikaso para sa pag-alis ko papuntang ospital. Ngunit pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, napaatras ako sa matinding gulat.Nakatayo sa harap ko ang isang may-edad na babae, mukhang nasa huling bahagi na ng kaniyang singkwenta, maayos ang pagkakatali ng buhok, at nakasuot ng isang napakapormal at eleganteng uniporme. May bitbit siyang ilang mamahaling paper bag."Magandang umaga, Miss Seraphina," bati ng matanda sa isang napaka-propesyonal ngunit malamig na tono.

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER TWENTY-THREE

    SERA'S POV:Nanatili akong nakahiga sa dambuhalang kama, mahigpit na nakakapit sa aking nagusot na robe habang pilit kong pinapakalma ang aking nagwawalang puso. Naririnig ko ang kaniyang mabibigat na hakbang sa labas ng kwarto, kasunod ng kaniyang baritonong boses na may awtoridad habang nakikipag-usap sa telepono. Tumawag siya sa staff ng condo upang mag-utos na agad na magpadeliver ng pagkain sa penthouse.Hindi pa man lumilipas ang dalawampung minuto, narinig ko na ang marahang katok sa labas ng pinto at ang mabilis na pagtanggap ni Damian sa pagkain.Maya-maya pa ay bumukas muli ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Damian. May dala siyang tray na naglalaman ng mga bagong lutong pagkain mula sa isang mamahaling restaurant sa ibaba. Ang bango ng sabaw at ng bagong luto na kanin ay agad na pumuno sa buong silid, na mas lalong nagpaingay sa gutom ng aking sikmura.Ibinaba niya ang tray sa side table sa tabi ng kama at naupo sa gilid niyon. Tinitigan niya ako gamit ang kaniyang mapa

  • SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]   CHAPTER TWENTY-TWO

    SERA'S POV:Matapos ang mahabang oras sa ilalim ng umaagos na tubig, pinihit ko ang gripo at tinapos ang aking pagligo. Kumuha ako ng isang malambot na kulay puting robe na nakasabit sa banyo, isinuot ko ito, at mahigpit na itinali ang sinturon sa aking baywang. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ng aking katawan, subalit ang kaba sa aking dibdib ay hindi pa rin tuluyang nawawala.Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili habang hinahawakan ang hawakan ng pinto ng banyo. Inisip ko na baka pwede na akong makapagpahinga nang maayos ngayong gabi dahil mag-isa naman ako sa malawak na penthouse na ito.Ngunit nagkamali ako. Isang malaking pagkakamali.Dahan-dahan kong itinulak ang pinto upang lumabas. Ngunit sa mismong pag-hakbang ko, tila ba lumaktaw ang tibok ng aking puso at tuluyang napigtas ang aking paghinga."A-Anong—"Nakatayo na si Damian sa harapan ko.Ni hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng digital lock ng pangunahing pinto ng condo.Siyang nanatiling naka

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status