Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0750: Season 5 (Chapter 53)

Share

0750: Season 5 (Chapter 53)

last update publish date: 2025-07-20 10:02:20

Ahva POV

Walang pasok ngayon. Sa totoo lang, gusto ko sanang gamitin ulit ang weekend para mag-training kina Tito Zuko, kaya lang, kaninang umaga pa lang, parang may sinyales na ang katawan ko. Mabigat ang pakiramdam ng ulo ko, parang lalagnatin ata ako. Nanlalambot din ang mga tuhod ko, at medyo nangangalay ang batok ko.

Kaya nung bandang hapon, habang nasa training field pa ako, desidido na akong umuwi sa manisyon.

Pinaalam ko na sa kanila—kay Penumbra, kay Cael, kay Amon, at pati na rin kay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
nagpaparamdam na s eryx
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0992: Season 6 (Chapter 76)

    Lumi POVAlas tres na ng hapon. Maayos nang nagpapatuloy ang trabaho ng mga contractor. Ang reception area ay nagsisimula nang mabaklas nang paunti-unti, habang ang mga engineer ay abala pa rin sa kani-kanilang inspeksiyon.Mukhang maayos naman ang takbo ng lahat kaya wala pa akong sakit ng ulo na nararanasan. Siyempre, first day palang, kaya parang wala pa talaga.Lumapit si Menda sa akin habang hawak ang tablet niya. “Alam mo, Miss Lumi, as of now, puwede kang maggagala muna. Wala pa namang masyadong aasikasuhin ang gaya mong may-ari nitong spa, enjoy your free time muna,” udyok niya sa akin.Tumango ako. “Sabagay, tama ka.”Isang bagay na lang ang gusto kong gawin bago matapos ang araw at alam ko na ang dapat kong gawin.“Menda,” tawag ko sa secretary ko.“Yes po, Ma’am?”“Punta tayo sa Makati branch, gusto mo ba?”Nakita kong nagulat siya. Pero halatang gusto niya ang naisip ko. “Ngayon po ba?”“Oo. Gusto ko lang makita kung kumusta ba sila roon.”Napangiti siya. “Sige po, Ma’am.”

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0991: Season 6 (Chapter 75)

    Sorin POVIsinara ko ang folder na naglalaman ng financial projections para sa Japan branch ng Sorin Spa. Hindi pa kasi sapat ang market research nila. Hindi pa rin sapat ang demographic reports.Ang susunod na hakbang ang isa sa pinakamahalaga kasi, at ito ay ang makahanap ng lokasyong magiging bagong kauna-unahang tahanan ng unang Sorin Spa sa ibang bansa at ito nga ay doon mangyayari sa Japan.Muli ko na namang binuksan ang video conference. Ilang segundo lang ang lumipas ay isa-isang nag-online ang Japan Expansion Team ko.Nasa conference room sila sa Tokyo. Sa likod nila ay may malaking monitor na kita ang mapa ng city doon.“Good afternoon, everyone.”“Good afternoon, sir.”Diretso agad ako sa usapan.“So, anong update?”Tumayo si Kazuo, ang team leader. “Sir, we’ve narrowed our list from twelve properties to three.”Tumango ako. “Good. I don’t want quantity anymore. I want quality.”“Understood.” Lumabas sa screen ang tatlong gusali. Hindi ko agad tiningnan ang presyo. Mas maha

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0990: Season 6 (Chapter 74)

    Lumi POVMaaga pa lang ay nasa main branch na ako ng Sorin Spa. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong napansin ang malaking tarpaulin na nakasabit sa harapan ng building. Good job na naman si Menda diyan kasi utos ko rin ‘yan sa kaniya kahapon.SORIN SPA – MAIN BRANCHTEMPORARILY CLOSED FOR RENOVATIONIlang segundo akong nakatitig doon. Ibang-iba ang pakiramdam. Hindi pa rin ako sanay na wala diyan sa loob ang mga kagamitan at ang mga staff na nakasanayan kong babati sa akin kapag papasok sa loob.Araw-araw itong dinarayo ng mga customer.Ngayon, tahimik na. Wala nang pumapasok. Wala nang tumutunog na reception bell. Wala nang relaxing music.Construction sounds na ang papalit.Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Pagbukas pa lang ng pinto ay sinalubong na agad ako ng amoy ng kahoy, karton, at alikabok.Maya maya ay lumapit sa akin si Menda.“Good morning, Ma’am.”“Good morning.”“Nasa loob na po sila.”Tumango ako. “Okay, let’s begin.”Habang naglalakad kami papunt

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0989: Season 6 (Chapter 73)

    Sorin POVAng agang wala sa mansion ni Lumi. Mukhang maaga ring pumasok kahit kagabi, pagdikit ko ng tenga sa pinto ng kuwarto niya ay parang naririnig kong kumakain pa siya at nanunuod ng Japan vlog.Natawa nga ako dahil mukhang excited siyang makarating doon.Kung alam niya lang. Hindi talaga paggala ang pupuntahan namin doon kundi business din.Maaga rin akong nandito sa office room ko sa bahay. Nasa harap ko ang nakabukas na tatlong monitor.Ang una ay puro financial reports, pangalawa ay market analysis, at ang pangatlo ay video conference platform na hinihintay ko lang mag-online ang team ko mula sa Japan.Humigop ako ng mainit na black coffee na pinatimpla ko sa kasambahay.Maya maya pa ay sunod-sunod nang pumasok ang mga notification. Japan Acquisition Team. Online na. Lumabas sa screen ang apat na tao. Mga tauhan kong ipinadala sa Japan dalawang araw na ang nakalipas. Hindi sila interior designers. Hindi rin sila contractors. Mas mahalaga ang una nilang misyon doon at iyon ay

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0988: Season 6 (Chapter 72)

    Lumi POVHalos tanghali na nang tuluyang matapos ang paglipat ng mga gamit mula sa main branch ng Sorin Spa. Isa-isang isinakay ng mga movers ang treatment beds, massage chairs, reception desk, display shelves, lounge furniture, at maging ang maliliit na dekorasyon.Habang pinagmamasdan ko silang magtrabaho, paulit-ulit kong chine-check ang inventory list na hawak ni Menda.Ayokong may maiwan. Ayoko ring may mawala. Lahat ng kagamitan ay pinaghirapang bilhin kaya dapat lang ingatan. May ilan pa nga roon na custom-made para lang sa Sorin Spa. Iyon ang sabi sa akin noon ni Sorin, kaya bawat kahon na inilalabas ng building ay pinagmamasdan ko.“Ma’am,” tawag ni Menda sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. “Last truck na po.”Tumango ako. “Good, sa wakas ay nakaraos na sa paghahakot.”Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nagsara ang pinto ng huling truck.Ngayon, halos wala nang laman ang main branch.Ang dating eleganteng reception area ay puro bakanteng espasyo na lang. Wala na ang

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0987: Season 6 (Chapter 71)

    Lumi POVMaaga pa lang ay nasa opisina na ako ng main branch ng Sorin Spa. Surprise, kahit late na akong nakatulog, maaga pa rin akong nagising at nakapasok sa work.Bakit, aba, sa narinig ko ba naman kagabi, sino ang hindi sisipagin. Kumbaga, parang nagkaroon ako ng inspiration.Tahimik pa ang buong spa pagdating ko.Pero hindi nagtagal, isa-isa na silang dumating. Ngayong araw kasi ang simula ng pagre-renovate ng main branch ng Sorin Spa.Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa glass wall ng opisina ko. Hindi ko akalaing darating agad ang araw na ito. Parang nung nakaraan lang ay nag-uumpisa palang ako rito at halos wala pa akong ka-close sa mga staff ko. Pero ngayon, para na kaming isang buong pamilya.Makalipas ang ilang minuto ay kumatok si Menda sa office ko.“Ma’am Lumi?”“Come in,” sagot ko.Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. “Nasa conference area na po ang lahat.”Tumango ako. “Okay.”Tumayo ako mula sa swivel chair ko. Inayos ko ang blazer ko, at saka kami sabay

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0301: Season 2 (Chapter 5)

    Everisha’s POVHabang naglalakad kami ni Czedric papunta sa kung saan man niya ako balak dalhin, hindi ko maiwasang mapansin ang kabuuan ng paligid. Ang hangin ay malamig talaga, sariwa, at may kakaibang halimuyak ng mga dahon at lupa. Ang mga puno ay napakataas, ang mga ugat nito ay tila lumalabas s

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0324: Season 2 (Chapter 28)

    Czedric’s POVPagbukas ng pintuan ng training room sa mansiyon, bumungad sa akin ang isang babaeng matikas ang tindig. Suot niya ang simpleng athletic wear, pero halatang magaling siya. Naglakad siya papalapit, hawak ang isang clipboard na puno ng mga notes.“You must be Czedric,” wika niya habang nak

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0302: Season 2 (Chapter 6)

    Everisha’s POVNagising ako sa malamig na simoy ng hangin at sa tunog ng mga ibon na tila nag-aawitan sa paligid. Sa isang saglit, nakalimutan kong nasa gitna ako ng bundok na ‘to. Inisip ko, nasa bahay na ako, nakahiga sa malaki at malambot kong kama, nasa malamig na kuwarto at gigising ng may masar

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • Seducing My Hot Ninong Everett   0304: Season 2 (Chapter 8)

    Everisha’s POVAgad kong naalala ang sinabi ko kahapon kay Czedric—kailangan naming hanapin ang maleta ko. May mga gamit ako roon na makakatulong sa amin habang wala pa kaming maayos na plano kung paano makakababa ng bundok. Habang kinakain namin ang umagang agahan—isang simpleng pagkain na gawa sa m

    last updateLast Updated : 2026-03-23
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status