Share

Chapter 4 [Advice]

Author: Dwendina
last update publish date: 2025-11-03 23:22:05

Muli akong tumayo at nagtungo sa kusina. Iniligpit ko na lamang at ipinasok sa fridge ang mga niluto ko. Baka sakaling kainin niya kapag umuwi siya.

Nang lingunin ko ang cake sa center table, hindi iyon nabawasan. Muling bumigat ang pakiramdam ko. Ngumiti na lamang ako at ipinasok rin iyon sa fridge. Nalungkot ako sa isiping baka hindi niya iyon kainin dahil hindi nga pala siya mahilig sa matamis. Pero nabuhayan ako ng loob nang maalala ang sinabi niya kagabi na titikman niya iyon para sa ‘kin.

Nakauwi na ako sa bahay. Sinalubong ako ni Mommy. Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti na lamang na parang walang nangyari.

“Mukhang napuyat ka, may dark circles ka na. Saan ka ba nanggaling kagabi at hindi ka nakauwi?” tanong niya nang may pag-aalala.

Natigilan ako. Gayunpaman, nagsinungaling na lamang ako sa kaniya. “Kay Leslie, Mom. We celebrate her parents' anniversary. Hindi na ako nakapag-text dahil nalasing na ako,” kabado kong paliwanag.

“Really? Oh, nakalimutan ko palang bigyan sila ng present,” balisa niyang turan. “I was so busy yesterday.”

“Ayos lang po iyon, Mom.” Ipinaramdam ko sa kaniya na medyo pagod ako upang makatakas sa mga itatanong niya pa. “Akyat po muna ako sa kwarto ko, Mom. I felt so dizzy.”

“Gano’n ba, sige. Magpahinga ka na at magpapaakyat na lamang ako ng food mo sa itaas.”

Tumango ako at muling humalik sa kaniya. “Thank you, Mom.”

Mabigat ang katawan kong nahiga sa kama. Feel ko lalagnatin ako. Nagtungo ako sa banyo at naligo. Gusto kong malamigan at maglinis ng katawan.

Habang tumatama sa hubad kong katawan ang lagaslas ng tubig mula sa shower, napahaplos ako sa aking balat. Ramdam ko pa rin ang haplos ni Kuya Francis sa ‘kin, na tila ba sariwang-sariwa pa rin.

Nalungkot ako nang maalala na para bang iniiwasan niya ako kanina. Ayaw niya akong kausapin nang maayos–ni hindi siya makatingin sa ‘kin. Mariin akong napapikit. Muling nag-flash sa alaala ko ang ginawa namin ni Kuya. Hanggang sa napasandal na lamang ako sa tiles naming pader at yakap-yakap ang sarili.

Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko lalung-lalo na sa ginawa naming dalawa. Kagustuhan ko iyon at kagustuhan naming pareho ang lahat ng iyon. Alam ko kung gaanong nabaliw si Kuya Francis sa akin kagabi. Kitang-kita ko iyon sa kaniyang mga mata. Alam kong may nararamdaman din siya na ayaw niya lang tanggapin.

Ang gabing iyon ay hindi maipagkakaila. Kahit pareho naming alam na bawal ay naisakatuparan pa rin namin ang nais ng aming mga katawan. Napasikdo ako at marahang napapikit.

Lumipas pa ang mga araw. Muling nanumbalik ang lakas ko matapos akong lagnatin. Handa na akong muli para magpunta at magpakita sa kaniya sa kompanya.

“Bes, ano bang problema mo at hindi ka na nakabalik sa bahay?” nakasimangot na tanong sa akin ni Leslie nang bisitahin niya ako isang umaga. Nangako kasi ako na babalik ako agad sa kanila kinabukasan para sa update ng ginawa kong love letter para kay Francis sa birthday niya. Subalit hindi na natuloy sapagkat ganoon na nga ang nangyari.

“Ano, sasagutin mo ang tanong ko o huhulaan ko na naman?” taas-kilay niyang dagdag nang ilang segundo akong hindi sumagot.

Napalunok ako. “Nilagnat ako,” saad ko pa nang umiwas ng tingin sa kaniya.

“Hindi mo sinabi sa akin ‘yan, bakit biglaan naman? Anong dahilan, nagka-flu ka nang makita mo siya?”

“May nangyari kasi sa amin ni Kuya Francis nang gabing iyon,” pabulong kong wika na ikinalunok ko matapos kong mahirapang umamin.

“What?!” Nanlaki ang mata niya.

Sabi ko nga ba’t iyon ang magiging reaksyon niya. Napakurap ako nang sa isang iglap, nasa tabi ko na agad siya.

“As in?” hindi makapaniwalang tanong niya na halos alugin ako habang sabik at tuwang-tuwa sa narinig.

“Oo..” kumpirma ko nang bawiin ko ang aking kamay dahil nasasaktan na sa ginagawa niyang pagkurot.

“Hala, nagkatotoo na ang wish mo! Bilib na talaga ‘ko sa ‘yo, Bes. Pero, bakit malungkot ka? Hindi ba dapat masaya ka dahil sa wakas nakatanggap ka ng isang answered prayer sa mga hiling at dasal mo?! E, bakit parang nagluluksa ka riyan?”

Humugot ako nang malalim na hininga. “Iniiwasan niya yata ako, hindi niya yata nagustuhan ang nangyari sa ‘min.”

“Nge, may ganon?” Umarko ang labi niya at napaekis ng mga braso.

Tumango ako na ramdam ang panlulumo.

“Aba, grabe naman siya kung gano’n,” inis na wika nito. “Hindi niya ba inisip na maswerte nga siya dahil ibinigay at isinuko mo sa kaniya ang virginity mo? Naku, kung ako sa ‘yo binalian ko na siya. Kapal naman niya!”

Napangiti ako nang mapait sa palaban na reaksyon niya.

Maya-maya pa’y mas lumapit pa siya nang husto sa ‘kin at sinuri ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. Pagkatapos ay pabulong na nagwika, “Hindi mo ga siya ni-rape?”

Naitulak ko nang bahagya ang kaniyang noo na ikinakunot-noo niya. “Loka ka talaga, hindi ako ganyan. Grabe ka naman sa rape.”

Tumawa siya na ikinainis ko naman. May halong pang-aasar kasi ang mga tawa niya. Nag-peace sign naman siya kaagad.

“E, pa’no ‘yun, ganun-ganon na lang ‘yon? Naku, Bes, kung ako nasa sitwasyon mo, aba'y malaking ekis ‘yon sa akin. Hindi pwede sa akin ‘yon. Itatali ko talaga siya nang patiwarik.”

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Ilang saglit pa'y tumahimik siya at seryosong nagtanong, “Nagkita na ba ga kayo ulit?”

Umiling ako.

Napabuntong hininga siya. Maya-maya pa'y hinakop niya ang mga kamay ko. “Eto ang advice ko sa ‘yo, Frenny, ha. If ever man na magkita kayong muli ni Francis or kapag umuwi siya rito, huwag kang mangamba. Seduce him! Don't stop, until he surrender. Ikaw yata si Gabriella Castillo, ang habulin ng mga kalalakihan.

Ipakita mo sa kaniya na iba ka sa mga babaeng nakilala o natikman niya. Huwag kang panghinaan ng loob, maging matapang ka! Lalo na ngayon na may nawala na sa ‘yo, ang unfair kaya no’n. Ngayong alam mo na ang kahinaan niya, pursue yourself. Banatan mo, sus,” mahaba niyang litanya.

Nabuhayan ako sa sinabi niya. May punto siya. Kailangan kong sundin at gawin ang mga itinuro niya.

“Ganito ako sa uncle ng ex ko,” pagpapatuloy ni Leslie. “Hindi porke’t naging kami ng pamangkin niya, e, hindi na pwedeng maging kami ni Tito Marcus. Kulang ka lang sa fighting spirit. Sumanawa ang espiritong meron ka–”

Mabilis kong tinanggal ang palad niya sa ulo ko at iwinasiwas ang mahaba at wavy kong buhok. “Puro ka talaga kalokohan.”

Ngumisi ito. “Ikaw na nga itong tinutulungan!”

“Ihh,” naaalibadbaran kong tugon.

“Bahala ka nga r’yan.” Tinalikuran niya ako habang krus ang mga brasong naiiritang wika nito.

Para kaming mga batang nag-irapan. Sa huli ay nagtawanan rin kaming pareho.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 43 [Mga Armado]

    'Kapag nagkita kayo, anak, dalhin mo siya rito't iharap mo sa 'kin, at nang mapasalamatan ko ang kabutihang-loob na ipinamalas ng magulang niya sa iyo–sa panahong wala ako sa tabi mo.' Walang nagawa si Gabriella kung hindi ang tumango sa isinaad ng kaniyang ama kanina. Ayaw man niyang makaharap si Francis, ngunit wala siyang magagawa. Ayaw niyang mapahamak ang lalaki sa kamay ng mga taong tulisan na tinakasan nila ni Leslie, kung sakali mang makaharap nito ang mga iyon. Minsan na siyang nakaranas ng takot at ayaw niyang maulit iyon, hindi para sa kaniya kundi kay Francis.Oo, hindi panatag ang loob niya nang malaman buhat sa kaibigan na mag-isa lang na nagtungo roon ang binata upang hanapin siya. Although matapang itong lalaki, malakas at may taglay na matipunong pangangatawan na kayang magpatumba ng kalaban, ngunit hindi iyon sapat para ipagtanggol nito ang sarili lalo pa't hindi lamang mag-isa ang mga nagtangka sa kanila ni Leslie.Hindi pa rin nawawala kay Gabriella ang mangamba.

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 42 [Pagkabahala]

    "Ano ba 'to, nawawala na ba ako? Ilang oras na akong bumabyahe pero hindi ko pa rin mahanap si Gabriella," aniya sa sarili na nababahala na. "Gaano ba kalaki itong lupaing 'to at hindi ako makarating-rating sa sinasabi nilang... Monasterio de Manor ba 'yon?" Malawak na lupain lamang ng maninipis na damo at ilang mga puno sa tabi ang natatanaw ni Francis. Hanggang sa maya-maya'y natuwa siya nang may mamataan.Natanaw niya ang isang pigura ng babaeng nangangabayo sa may kalayuan. Kunot-noo niyang nilinaw ito. "Gabriella?"Nakasuot ito ng cowgirl attire na nakaagaw ng kaniyang atensyon.'Ngunit, paanong magiging si Gabriella iyon?' sigaw ng kaniyang isipan. 'Ni hindi nga ito marunong sa ganoong bagay.'Ano bang alam ni Francis sa buhay ngayon ng dating kapatid? Ilang araw na nga niya itong hindi nakikita. Gayunpaman, unti-unting lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib. Umaasa na si Gabriella ang kaniyang natatanaw. Ang katawan nito ay kasing balingkinitan nang sa babaeng inampon nila. Na

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 41 [Quality Time]

    "Balak namin?" ulit niya sa tanong nito. "Balak namin ni Dad na dumito na muna, tutal amin naman itong Manor." Napataas ang kilay ng kaniyang kausap. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy, "Depende sa inyo kung babalik na kayo ng Cagayan or what, pwede rin naman na dumito rin muna kayo. Welcome naman kayo lagi sa pamamahay namin dahil magkamag-anak naman tayo, hindi ba tita?"Nahuli niya ang pagngitngit ng kalooban nito sa sinabi niya, halatang-halata iyon sa pamumukha ng ginang. Lihim siyang napangiti sa naging reaksyon nito."If you'll excuse me, I have an urgent matter to take care of," aniya nang talikuran ito.'Alam ko kung anong klase ka ng tao, tingnan natin ang kaya mong gawin.' Ngumiti siya nang mapanuya bago tuluyang lumabas.Mas lalong nanggalaiti si Mary sa galit nang maiwan ito sa loob.Napunta siya sa backyard. Nahagip ng kaniyang paningin si Ralph na nakaupo na naman sa paborito nitong pwesto sa hardin. Sa pagkakataong iyon ay wala itong hawak na libro na nakasanayan

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 40 [Ibigay ang Nararapat]

    Dahan-dahang hinipo ni Gabriella ang mga antique na gamit sa ibabaw ng cabinet habang mabagal siyang naglalakad papasok ng malaking kwarto. Natagpuan niya ang malapad na kama–may kabaguhan, malinis at maganda ang pagkakaayos na parang hinanda talaga para sa mga hindi inaasahang bisitang tulad niya. Pumasok ang banayad na ihip ng hangin sa nakabukas na bintana. Nilipad nito ang plain na kurtina. Mabango sa loob, maaliwalas, bakas ang amoy ng mamahaling air freshener na ginamit. 'Not bad..' aniya sa isipan. Nilingon niya ang malawak na banyo mula sa dressing room. Covered ito ng makapal na glass. Nagkikislapan ang mga silver na mga organisadong kagamitan na nasa ibabaw ng makintab at malapad na lababong gawa sa mamahaling granite. Para kay Gabriella, hindi ito nalalayo sa kalakihan ng buong kwarto niya sa mansion sa Antipolo. Muli na namang nagbalik-tanaw si Gabriella sa mga nakaraan niya sa piling ng kinalakhang pamilya. Ngunit sa huli ay iwinaksi niya sa isipan ang lahat ng ma

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 39 [Tiyuhin]

    “Má, itigil na natin ito. Ayokong pag-usapan ang tungkol diyan,” pag-iwas na wika ni Ralph kasabay nang paglakad nito palayo sa ina. Mabilis na tumago si Gabriella nang akma nang lalabas ang kaniyang pinsan. Ayaw niyang mahuli siya na nakikinig sa usapan ng dalawa. Alam niyang sa mga oras na iyon, galit sa kaniya ang kaniyang tiyahin dahil sa nangyaring usapan sa baba. Hindi na kumibo ang ginang. Hanggang sa napasunod na lamang si Gabriella ng tingin sa papalayong si Ralph. Halata sa mukha ng binata ang pagkadismaya. Napasulyap na lamang siya sa ginang na nanonood sa dalawang nag-uusap, ang daddy at tiyuhin niya. Hindi maipinta ang mukha nito habang tila nakikinig rin sa usapan ng dalawa kahit na may kalayuan naman ang mga ito sa kanilang kinaroroonan. “Maghanda kang Gabby ka, hindi ako papayag na muli kang makapasok sa buhay namin,” mariin nitong wika na abot hanggang doon sa kaniyang kinaroroonan ang boses habang naka-evil eye. “I'll find a way.” Maya-maya pa'y muli siyang

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 38 [Palusot]

    “Pero kuya, totoo ang mga sinasabi ko. Bakit hindi mo itanong diyan sa magaling mong anak?” “Mary..” saway rito ng kaniyang tiyuhin nang unti-unti nang tumaas ang boses ng kaniyang tiyahin, ngunit sinamaan lamang nito ng tingin ang asawa. Hindi maipinta ang mukha ng ginang nang muling sulyapan ng ama ni Gabriella. “Anong kalokohan ang pinagsasabi nitong tiyahin mo, hija, anak?” kunot-noong tanong ni Valliente sa kaniya. “Totoo ba?” Lihim siyang napangiti nang sarkastiko at kaagad na hinawakan ang braso ng kaniyang ama. “I’m sorry, dad pero hindi po iyan totoo,” pagtanggi niya. “Maybe nagkamali lamang sina tita at inakalang ako ang gf ng anak nila. And maybe because kamukha ko lang ang babaeng iyon at kapangalan. I guess–” Naputol ang mga sasabihin ni Gabriella nang palihim siyang bulungan ng kaniyang ama. “Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong samahan rito sa Manor?” Hindi siya nakaimik at kabadong napatitig na lamang dito. “Ah..” nag-aalangan niyang sagot. “Okay,”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status