Mag-log inIsang taon nang nakakulong si Elowen sa isang impyernong kasal kay River, ang lalaking lihim niyang minahal sa loob ng walong taon. Dahil sa maling bintang na siya ang utak sa trahedya ng kapatid nitong si Beatrice, naging impyerno ang kanyang buhay. Sa hangaring makabayad ng utang at tuluyang makalayas, sinubukan ng dalaga na gawin ang lahat pero hindi siya nagtagumpay. Habang tuluyang namamatay ang puso ni Elowen, isang marahas at baliw na na pag-aangkin naman ang unti-unting lumalamon kay River. Paano kaya kung isang araw, malaman ni River na may anak siya kay Elowen?
view more“Ohh… River, parang awa mo na. Alisin mo na itong—”
“Oh shut up! Manigas ka diyan!” inis na sabi ni River sa kanya.
Lagi na lang ganto, parang pinipiga ang puso niya dahil sa sobrang sakit.
Patuloy lang sa pag-agos ang malamig na tubig mula sa showerhead, dumadaloy sa kanyang buhok habang pumapasok sa kanyang ilong at mga mata.
Sa bawat pagpatak, pakiramdam ni Elowen ay nalulunod siya sa isang kailalimang walang hanggan, kung saan walang makakarinig sa kanyang pagsigaw. Magkahalo ang sakit at hindi maipaliwanag na sarap ang kanyang nararamdaman pero ang mas nangingibabaw ay ang sakit. May nakapasok kasing nag-vi-vibrate na bagay sa kanyang kaselanan at si River ang may kagagawan.
Nanginginig na siya, hindi lang dahil sa halos isang oras niyang pagtayo sa gitna ng malamig na banyo ng marangyang hotel suite na ito sa BGC, kundi dahil sa pamamanhid ng kanyang buong pagkatao.
Nang matapos maligo ng lalaking kasama niya, lumapit ito mula sa likuran niya. Ramdam niya ang marahas ngunit malamig na paghaplos nito sa kanyang baywang, bago siya tuluyang iniwan sa banyo.
Saka lang bumigay ang mga tuhod ni Elowen nang mawala sa paningin niya ang lalaki. Napasalampak siya sa basang sahig habang yakap-yakap ang sarili.
Ang sakit… at sobrang lamig.
Pero mas malamig ang puso ng lalaking kabubukas lang ng pinto. Ang lalaking lihim niyang minahal ng buong puso sa loob ng walong taon. Ang lalaking asawa niya lang sa papel, ngunit siya ring nagpaparanas sa kanya ng impyerno.
Hinayaan niya ang tubig na maghugas sa kanyang mga luha. Kailangan niyang maging matatag at wala siyang karapatang maging mahina.
Pagkatapos mag-ayos at magbihis, lumabas si Elowen ng banyo. Naabutan niya si River na nakatayo sa harap ng salamin. Suot nito ang isang pamilyar at mamahaling itim na suit na lalong nagpapatingkad sa malamig at perpektong panga nito.
Nanginginig pa rin ang mga binti ni Elowen. Pilit niyang itinayo nang tuwid ang kanyang sarili habang pinipigilan ang pagtulo ng natitirang luha.
"I-Iyong next time..." basag niya sa katahimikan, "Kailan?"
Tumigil sa pag-aayos ng relo si River. Lumingon ito, tiningnan siya mula ulo hanggang paa na parang isang mababang uri ng insekto at pagkatapos ay ngumisi ng nakakainsulto.
"Bakit? Na-e-enjoy mo na bang pinaglalaruan kita? Kailangan mo pa ba ng appointment?"
Kumirot ang dibdib ni Elowen pero kinagat niya ang kanyang labi. Nilabanan niya ang panginginig ng boses niya. "Hindi naman sa ganun. May business trip kasi ako next week. Siguro mga one to two months akong mawawala."
Natigilan si River, tinitigan nito ang magulong hitsura ni Elowen. Walang bakas ng awa sa mga mata ng lalaki nang muli itong magsalita.
"Sa Davao ang project na 'yon, tama? Ako ang CEO ng kumpanya at ikaw ang secretary ko. Normal lang na magkasama tayong pupunta doon, hindi ba?"
Naglakad ito palapit sa kanya, ang amoy ng mamahaling pabango nito ay humalo sa tensyon sa hangin. "Once a month pa rin nating gagawin ito. Huwag kang mag-alala, uulitin pa rin natin ito,” mapanuyang wika ng binata.
Nag-angat ng tingin si Elowen habang bakas ang gulat sa mga mata.
Tiningnan lang siya ni River nang may pandidiri bago nito inayos ang sariling kwelyo.
Napalunok si Elowen, nalalasahan niya ang sariling dugo mula sa pagkakagat ng kanyang labi. "Pero sabi ni Ate Luna, ako ang hahawak ng initial stages ng lupaing iyon—" Huminga siya ng malalim at tinitigan ang lalaking kaharap. "At gaya ng sinabi ko noon, River, wala akong ginawang masama kay Beatrice."
Pagkarinig ng pangalang iyon, nagbago ang ihip ng hangin. Ang kaninang kalmadong mukha ni River ay napalitan ng isang nakakapasong galit. Sa dalawang malalaking hakbang, nakalapit ito at marahas na hinawakan ang kwelyo ni Elowen, lumapit ang mukha nito sa kanya hanggang sa maramdaman niya ang mabigat nitong hininga.
"Sinabi ko na sa'yo, hindi ba?!" galit na bulyaw nito habang nanlilisik ang mga mata. "Kahit anong sabihin mo, hinding-hindi ako maniniwala sa isang katulad mo! Ang tanging pinaniniwalaan ko lang ay ang nakita ng sarili kong mga mata! At ikaw! Habang hindi pa nagigising si Beatrice, pagbabayaran mo ang mga kasalanan mo hanggang..."
Tumigil ito at isang demonyong ngiti ang sumilay sa gwapong mukha nito.
"Hanggang sa mamatay ka."
Napapikit ng mariin si Elowen, pinigilan niyang tumulo ang nag-iinit na luha sa kanyang mga mata. Hindi siya iiyak sa harap nito. Hindi niya ibibigay ang kasiyahang makita siya nitong tuluyang nasasaktan.
Nang bumitaw si River at lumabas ng kwarto, doon na bumagsak ang mga tuhod ni Elowen saka tuluyang napahagulhol.
Bumalik sa kanyang isipan ang trahedya isang taon na ang nakakalipas. Si Beatrice, ang adopted sister ni River at ang babaeng tunay nitong mahal. Naalala niya noong sumama ito sa isang site inspection sa Siargao. Habang naka-check in sa isang maliit na hotel, lumabas ito ng hatinggabi at dinukot ng mga sindikato. Dahil hindi kinaya ni Beatrice ang pang-aabuso sa loob ng sasakyan, mabilis na tumalon ito.
Oo, nailigtas ito pero na-comatose ang dalaga at hanggang ngayon hindi pa ito nagigising.
Pagkatapos ng nangyari, kumalat ang mga bali-balita na kesyo alam daw niya na hindi tunay na magkapatid sina River at Beatrice. Na para makuha niya si River, sinadya niyang ipapahamak si Beatrice. Ilang beses siyang nagpaliwanag na nag boluntaryo si Beatrice na sumama, na may mataas siyang lagnat noong gabing iyon at wala siyang alam sa nangyari!
Pero walang naniwala, lalong-lalo na ang lalaking pinakamamahal niyang si River.
Para ipaghiganti ang babaeng mahal nito, ginamit ni River ang kapangyarihan ng pamilya Samaniego para ibaon sa utang ang pamilya niya.
Wala siyang ibang choice kundi isuko ang sarili at hayaang ikulong siya ni River sa isang kasal na ginawa lang para araw-araw siyang pahirapan.
Si River ang minahal niya ng higit pa sa sarili niya. Hindi lang nito kayang suklian ang pagmamahal niya pero gusto rin nitong mamatay siya. Sa tuwing naiisip niya iyon, parang pinipiga ang puso niya ng paulit-ulit.
Samantala, nasa opisina pa rin si Elowen. Nabili na niya ang ticket niya pa-France para bukas ng tanghali. Ginawa niya ang lahat para matapos ang mga naiwang trabaho niya. Ayaw niyang mag-iwan ng problema pero hindi niya maipaliwanag ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na yun.Para siyang binabantayan. Bawat galaw, bawat tingin, pakiramdam niya nakamasid si River sa kanya. Natatakot siyang baka may malaman ito at pigilan ang pag-alis niya.Kaya para pakalmahin ang sarili, niyaya niyang mag-lunch si Luna.Alam na ni Luna ang sikreto niya. Alam nito ang tungkol sa pagbubuntis niya at ang kumplikadong relasyon nila ni River. Habang kumakain, napansin ni Luna ang pagiging matamlay ni Elowen, paminsan-minsan nitong tinatakpan ang bibig para pigilan ang pagduduwal.“Normal lang 'yan sa first trimester, Elowen,” malambing na sabi ni Luna, sabay abot ng tubig. “Mahirap sa simula, pero gagaan din 'yan. Kaso, pagdating ng huling buwan, babigat na naman. Mamanasin ka at mahihirapan ka pan
Samantala, hindi naman mapakali si River sa kanyang opisina. Pabalik-balik siya sa pagtingin sa monitor. Parang may pumipilit sa kanyang malaman kung nasaan ito at ano ang ginagawa nito.Nang makita niya si Elowen na naghahanda para magluto, hindi na siya nag-isip. Tumayo siya, kinuha ang kanyang coat at mabilis na nagtungo sa pinto!Sa loob ng kusina, tahimik na nagmamasa ng harina si Elowen."Ma'am, tumawag po si Sir," sabi ni Manang Rosa, kita ang pagtataka sa mga mukha ng matanda. "Uuwi raw po siya para mananghalian. Ano pong gusto niyong ipaluto ko?"Sumulyap si Elowen sa niluluto niya, "Sige po, magluto na rin kayo ng dalawa pang putahe. Magbi-bake din kasi ako ng dessert eh."Nitong mga nakaraang araw, nagiging maselan na siya sa pagkain dahil sa kanyang pagbubuntis at naisipan niyang ipaghanda ang sarili ng paborito niyang banana loaf, mula noong bata pa siya. Pero hindi niya inaasahang uuwi si River ngayon!Araw-araw naman itong nagtatanghalian sa kumpanya. Bakit biglang uuwi
Sa mga nagdaang linggo, unti-unting bumibigat ang konsensya ni River. Nang walang anumang malalim na imbestigasyon o solidong ebidensya, basta na lang niyang hinusgahan si Elowen noon. At ngayon, paunti-unti niyang narerealize na hindi kayang manakit ni Elowen. Hinding-hindi nito kayang saktan si Beatrice.Maling-mali siya sa paghusga sa asawa niya. At sobrang nahihiya’t nagsisisi siya roon. Marahas na kinuyom ni River ang kanyang kamao bago ito dahan-dahang binuksan."Babawi ako sa'yo," seryosong pangako ni River, "Pero sana, alisin mo na sa isip mo ang pag-alis mo. Dahil habang sinasabi kong hindi kita papakawalan, kahit saan ka pa magtago, hindi ka makakaalis sa akin."Isang simpleng salita pero agad na nagpatindig ng balahibo ni Elowen. .“Ayaw na niya akong pakawalan?”Ang ibig sabihin ba nito, tuluyan na siyang makukulong sa impyernong buhay na ito?“Hindi… hindi pwede.” Kailangan niyang madaliin ang pagtakas niya bago pa ito maghigpit sa kanya! Nilunok ni Elowen ang gamot kasa
Sa kabila ng panunumbat ni Elowen, hindi man lang nag-init ang ulo ng bilyonaryo. Ibinulsa ni River ang isang kamay at tiningnan siya ng deretso."Elowen, papasok na ang Samaniego Group sa AI industry. Normal lang sa negosyo ang kumpetisyon," pormal at walang emosyong paliwanag nito. "Bilang secretary ng Samaniego Group at asawa ko, ang dapat mong inaalala ay kung paano tayo mananalo, hindi kung paano nalulugi ang kumpanya ng iba. 'Yang pag-aalala mo sa Logan na 'yon? Pinagmumukha mo lang na hindi ka karapat-dapat bilang empleyado ko at bilang asawa ko.”"Kung gano'n, hiwalayan mo na ako!" sigaw niya habang nanlilisik ang mga mata. "Tatanggapin ko ang divorce papers kahit ngayon din! Mag re-resign din ako sa kumpanyang 'to! Tapos na tayo, okay?! Kung gusto mong mabaliw, ako ang saktan mo! Wag mo nang idamay ang mga inosenteng tao!"Dahil doon, isang matinding galit ang unti-unting namuo sa madilim na mga mata ni River. Matagal siyang tinitigan nito bago ito nagpakawala ng isang mapan
Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu