Share

Chapter Two

Author: leemoonaudrie
last update Petsa ng paglalathala: 2025-08-27 15:13:24

“Naniniwala ka bang gusto ko magdrive ng tren?”

Mula sa tanawin sa labas, natuon ko ang tingin ko kay Cael, nakatingin ito sa dulong bagoon kung saan nakaupo ang driver ng LRT train na mula sa Recto papuntang Antipolo.

Nginitian ko si Cael, “Edi mag-apply ka, for sure bagay sa ‘yo yung uniform na may itim na kurbata! Araw-araw akong pupunta sa Antipolo kapag nangyari ‘yon.” Masayang tugon ko sa kanya.

Nawala ng ngiti sa mga labi nito.

“Bakit? Ano ka ba, hindi masama mangarap kahit nasa tamang edad ka na.” Tinapik ko ang braso niya at sumandal doon.

“Hindi ko pangarap ‘yun. Naisip ko lang.” Bulong nito at hinaplos ang buhok ko. Tiningala ko siya. Nakatitig siya sa akin habang sinusuklay ang buhok ko.

“E, anong pangarap mo?”

“Ang mapatawad,” ngumunot agad ang noo ko.

“Nino? Bakit?” Masyadong magkalapit ang mukhang naming dalawa. Kumalas ako sa yakap sa kanya. Ramdam ko ang init ng mukha ko.

Ngumisi si Cael. At umakbay sa akin.

“You badly know and love that guy,” 

Mas kumunot ang noo ko. Ang expensive pakinggan ng english niya. Mukhang siyang mayaman kapag english.

Napabuntong hininga si Cael nang makarating kami sa Legarda station.

“I made  a huge mistake. I ruined lives. Kung magkikita kami, I'll accept my fate to die with his wrath. At sana mapatawad mo ako.”

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nadistract ako sa mga pasaherong pumasok sa loob ng tren.

Nawala rin ang mga tanong sa isip ko.

—-----------

Nagising ako sa ingay ng paligid. Maraming tao at aparatos na pang-ospital.

Puti ang pintura ng kisame, maliwanag ang ilaw. Nilalamig ang mga paa ko.

Inipon ko ang lakad ko para maupo. Dahan-dahang luminaw sa akin ang lahat. Nasa ospital ako, sa public ward.

“Cael,” napakusot ako ng mga mata ko at agad tumayo.

Lumapit ako sa pinakamalapit na reception. Pilit kong inayos ang sarili ko maging presentable. Maluwag na t-shirt, pantulog na shorts at tsinelas na hindi magkapareho.

Ayos. Mukhang pulubi.

Agad akong pinagtaas ng kilay ng nurse. Hindi pa ako nagsasalita.

“Nasaan po si Micaelum Hernandez? Anong kwarto o kama niya?” Tanong ko. Tiningnan niya ang patient chart niya.

“Walang Hernandez dito, anong oras ba siya dinala?”

Napakamot ako ng ulo. “Hindi ko po matandaan. Pero ung pasyenteng galing tenement po? Kasaba—”

“Long time no see, Angel Artego.” Napakunot ang noo ko nang lingunin ang gwapong nilalang sa likod ko.

Nakaporma ito, halatang mayaman. Mula sa relo nitong mas makinang sa kutsara namin.

“K-Kilala mo ako?” turo ko a sarili ko. Tumango ang lalaki.

“Ah. Ikaw ung Angel. ‘Yung hinahanap mo nasa ambulansya na. Pinapalipat ni sir Delvego sa private hospital.” Saad ng nurse.

“Yes. She's right. I'm sorry for what happened. I'm new to driving that Rolls Royce. Akala ko preno ung naapakan ko, gas pala.” 

Inilahad nito ang maskulado niyang kamay sa harapan ko.

“Cael and I have been friends before. If you already forgot. I am Ambrose Damon Delvego.”

Napatunganga ako sa mga kamay niya. Napatingin ako sa kamay kong marumi. Nanliit ako at itinago nalang ang mga ito sa likuran ko.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Damon. Binawi niya ang kamay niya at may hinugot sa coat niya saka biglang nagring ang telepono nito. Black matte calling card ang iniabot niya sa akin.

“If you need anything, call me. I have an urgent meeting. Pwedeng kang sumabay sa vehicle ni Cael, I got his hospital bills covered. Since it was my fault.”

Nakatitig ito sa akin at inangat sa mukha ko ang calling card.

“Take it.” Awtoritadong saad nito.

Kinuha ko ito at tinitigan.

Damon. Parang pamilyar.

“Sabi mo, ‘it was my fault.’ ano ibig mong sabihin? Bakit at pa—”

“As I've said earlier, hindi preno ung naapakan ko. Ako ang nakabangga sa kanya.” Hindi nagbago ang expression nito. Seryoso niyang sinabi ang mga iyon.

Natupi sa kamao ko ang calling card niya. Nangilid ang luha ko. Parang walang pag-sisisi sa taong ‘to.

“Don't worry, he's not dying yet.” Humakbang ito palapit sa akin. Pinahid niya ang mga luha ko.

Agad akong umiwas nang dumampi ang daliri niya sa pisngi ko. Mabilis ko itong tinabig.

Nagbago ang expression niya at pilyong ngumiti. “I have to go, call me if you need anything.”

Umalis siya, palabas ng ospital. Bumalik lang ako sa reyalidad ng magsalita ang nurse sa likod ko.

“Paalis na po ang ambulance ni sir Delvego. Sasabay po ba kayo?” Agad akong tumango.

Sinama ako nito sa parking lot.

Nasa loob si Cael ng ambulansya. May bahid pa ng dugo pero naka hospital gown na. May swero at oxygen rin.

Naupo ako sa tabi niya. Agad kong hinawakan ang kamay nito. Sumunod ang nurse sa tabi ko at sinara ang pinto ng ambulansya.

Umadar ito. Hindi ko alam kung saan papunta. Nakahawak lang ako sa kamay ni Cael.

Ilang beses akong napalunok ng laway. Tinititigan ko ang itsura ni Cael. Mukhang hindi siya gigising ka agad sa lagay niya.

May benda ang ulo nito at neck brace.

“Boyfriend niyo po?” Tanong ng nurse sa tabi ko. Mabilis akong umiling.

Tumango lang rin siya at inadjust ung buton sa swero ni Cael.

“I-o-observe lang po muna siya. Nagrespond naman siya sa ilang test. Kailangan lang ng MRI test titingan kung gaanong pinsala ang nangyari sa kanya.” muling lumuha ang mga mata ko.

“Gigising pa naman siya di ‘ba?”

“Fifty-fifty chances. Depende sa resulta, treatments at kondisyon ng katawan niya.” Malumanay ang pagkakasabi nito.

“E, tungkol sa bills?” Dagdag ko.

“Bayad na po. Maski sa paglilipatang ospital, bayad rin po ng partial. Delvego po kasi nakabangga.”

Kumunot ang noo ko. Saka siya tiningnan. “Ano naman kung Delvego?”

Kinuha nito ang phone niya. May pinakita itong article tungkol sa Delvego. “Basahin mo. Kasama siya sa wealthiest people list. Tip one business and entrepreneur.” Nakita ko doon ang mukha ni Damon. Siya ang pinakabatang nasa listahan. “Yan ung gwapong kausap mo kanina. Basta talaga mayaman hindi makukulong basta e.”

“Paano ko makokontact ‘yung taong yan?” umiwas ako ng tingin at muling napatingin sa calling card.

“Ung number dyan, tawagan mo.” Sabay turo ng nurse sa number na nasa card. Tiningnan ko siya ulit.

“E, wala akong phone.” Mahina kong sagot. Pinagtaasan ako ng kilay ito.

“Weh? 202X na wala ka pang phone? Imposible naman.” Hindi ito naniniwala. “Kung gusto mo, bigay mo sa akin ung number tawagan ko!” Pabulong nitong habol, pero pabiro lang. “Joke. Hindi ka tumatawa.”

Napangiti ako sa sinabi nito, nagbibiro pala siya sa gano'ng lagay. “Pasensya na, hindi ko kasi maintindihan ung jokes mo.” 

Tinapik ako nito. “Pero seryoso, wala kang phone?”

“Wala nga.”

“E ‘yang walang label mong boyfriend?”

“Wala rin.”

Napabuntong hininga siya. “Lumang tao ba kayo? May tig 3k nga na phone sa Divisoria o Quiapo e.” Dismayadong saad nito.

“Hindi naman kasi namin kailangan. Palagi rin kaming magkasama. Kaya parang hindi kailangan.” Sagot ko.

“Hay. Sige, ganito nalang sasamahan kita hanggang sa kwarto ng ospital na lilipatan niyo. Pagnakita kita do'n sa off ko, papahiramin kita ng spare phone ko.” Nakangiting suggestion nito.

Napangiti rin ako at sumang-ayon sa kanya. “Sige, hihintayin kita kung sakali. Ano palang pangalan mo?” Tanong ko. Kanina ko pa siya kausap, pero hindi ko naitataning ang pangalan niya.

“Jasmin. Nurse Jas nalang para short lang.”

Nakarating kami sa bagong ospital. Hindi crowded. Lahat ng pasyente may sariling kwarto at kama. Walang palaboy-laboy sa hallway ng ospital.

Kasama namin si Jasmin hanggang sa kwarto na para kay Cael. Na kapareho ng laki ng unit namin sa tenement.

Si Jasmin ang umasikaso sa mga result ni Cael. Binibilin niya sa akin ang ilan doon kasi hindi daw siya pwedeng magtagal.

“Nakaschedule siya ng MRI before the day ends. Kailangan mo palaging pumunta sa nurse station for update. Babalik na ko sa ospital, hindi na bayad ung oras ko.” Nagmamadali na rin ito. “Pag rest day ko, babalikan kita. Nice meeting you!”

Mabilis ako nitong iniwan. Iniwan niya ang mga papel na aasikasuhin ko sa kama katabi ni Cael.

Kumalam ang sikmura ko. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain. Nakaoa ko ang wallet ni Cael na daoat ibibigay ko sa kanya bago siya mabangga.

“Wala na palang laman ‘to. Kaya hindi dinala.” Bumagsak ang kalamnan ko at napahagulgol sa naisip ko. Kasalanan ko ba?

Kung hindi ko ba siya hinabol, buhay pa kaya s'ya? Nakaalis kaya siya sa kinatatayuan niya bago sumalubong ang kotseng ‘yon?

Niligtas ako ni Cael. Dapat iligtas ko rin siya!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Seventy-Two

    “I’m sorry tito, I think it's better kung hahayaan mo muna si Maevrick. He was shocked about everything.” Bumaba ang tingin nito kay Cynthella . “Especially with your beautiful daughter.”Damon pat Cynthella ’s shoulder. “Lalabas po muna ako, for you guys to talked.” Paalam ni Damon kay Marcielo. “I’ll be outside, just shout if something’s gone off.” bulong nito kay Cynthella .Tumango naman si Cynthella bago sumama sa ama.Wala nang nagawa si Marcielo, he knew his son well enough. H

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Seventy-One

    Mahabang lobby ang bumungad kay Cynthella. Habang abala ito, matalim na titig ang binigay ni Maevrick kay Damon.Maevrick act to push Cynthella but Damon held his nape to stop him. Ginawa niyang pusa para kumalma.Tahimik na pinipigilan ni Damon ang gigil ni Maevrick.Nang lumingon si Cynthella, bumitaw naman si Damon.Hawak ang batok, Maevrick stretches. "What do you need from my Dad?"Napayuko si Cynthella. "Kuya.." Hindi nito masabi ang pakay.

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Seventy

    Napatingala si Cynthella sa mataas na gusali sa harap niya. Mahigpit itong nakahawak sa strap ng bag na suot."Napakataas naman nito." bulong sa sarili bago pumasok.Bumungad ang marangyang buhay sa harapan niya. The Hotel hall speaks of the luxurious life of Luchien's. Pamilya na dapat itinuring niya pero may ibang bulong ang buhay.Nasa likod ng barya ang kwento ni Cynthella. Malayo sa buhay ng mga Luchien's.Halos tingalain nito ang mga chandelier ng hallway. Muli itong napatingin sa kapiraso ng papel na hawak.38th

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Sixty-Nine

    "Tumigil ka na at gawin mo na ang inuutos ko. I need this tomorrow morning." Awtoritading utos ni Damon.Maevrick roll his eyes, "Can you just fuck and leave? I have so many problems aside from research papers. I can pay anyone to fin—" Tumilapon si Maevrick nang lumanding sa pisngi niya ang backpack ni Damon."Motherfuck—" Muli siyang sinampal ni Damon gamit ang backpack nito."I said it twice, Maevrick." Kunot noong tiningnan ni Maevrick ang kaibigan.He wonders why Damon doesn't have any empathy. Gusto nitong maiyak pero mas lamang ang galit sa dibdib.

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Sixty-Eight

    11 Years Ago"Fuck that old man!" Hinagis lahat ni Maevrick ang collection toys niya, kasama dito ang Red Ferrari Collection ng ama niyang si Marcielo Luchein.Nag-iisang anak na lalaki si Maevrick, patay na ang ina nito ilang taon na rin ang lumipas. He was left to his casanova manipulative dad. Ilang linggo palang mula nang mailibing ang ina, samo't-sari na ang babae ni Marcielo. Naipon nalang ang galit ni Maevrick sa sobrang pagkabababaero ng ama.Sa tindi ng galit niya, maging ang lalagyan nito ay pulbos na. Habol hininga itong humahanap ng bagay na sisirain.He wanted to crash

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Sixty-Seven

    “Malayo pa tayo, gusto man kitang kausap, ayoko namang magpanic ka kaagad.” Huling rinig ko na sinabi ni Natalia bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.Nagising ako sa malamig na hangin na sumasampal sa mukha ko. Mabigat ang batok ko, kaya agad ko iyong kinapa. Nang imulat ko ang mga mata ko, nakapark ang kotse sa isang malaking simbahan.“Look around you, remember that church?” Napalingon ako sa driver seat. Binabantayan pa rin pala ako ni Natalia.Pinagmasdan ko ang paligid. Malawak ang garden sa paligid ng simbahan. Nakapasolim ng paligid at nasa taas ng bundok.Napailing ako. “Hindi.”“Cunt.” Nat

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Fifty-Seven

    "That view will be mine. Nagustuhan mo?”Inabot ko ang kamay niya. At tiningnan ang paligid. Maraming bulaklak, damo at mga halamang ligaw.“Maganda. Kasama ba a

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Fifty-Two

    Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa lugar na ito. He was wearing his corporate attire na parang galing sa opisina.He books the whole restaurant to meet me up, a week after I left the villa.I was wearing a loose shirt, jeans wedge. Inilapag ko a mesa ang purse ko bago umupo sa ha

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Fifty

    Hate can be an intense feeling in bed.Nagising akong may maayos na damit, nakapajama at nakabalot ng kumot. Samantalang kagabi, nakatulog nalang ako sa kakaiyak sa sobrang disappointment.Tiningnan ko ang buong paligid. I am going to miss this place at some point.Caressing the silk bedsheet. I sh

  • Stolen Bride of My Enemy   Chapter Forty-Eight

    Mag-iisang linggo na akong nandito sa puder ni Damon. Ilang beses siyang umalis papuntang Manila para sa negosyo at dumalo sa burol ni Rumuale. Nakikibalita rin sa lagay ni Natalia. Walang suspek ang naituro at pinalabas na aksidente ang sinabi nila sa publiko.Katulad ngayon, nasa Manila ulit siya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status