Masuk"Nakatulog po kasi ako at madaling araw iyon. Nagising ako nang maramdama kong may ibang tao. Hindi niya napansin na nagising ako at pinanood ko ang ginagawa niya. May inilabas siyang gamot at mukhang ituturok sa dextrose kaya tinanong ko kung ano iyon. Pero mukhang nagulat siya nang makita ako na gising na. At sa halip na sagutin ako ay nagmamadali siyang lumabas." Mahabang paliwanag ni Dina."Nakita mo ba ang mukha niya?" Lalong nag alala si Rex para sa kaligtasan ng ama."Hindi po sir dahil may suot siyang mask pero alam ko na hindi siya ang nurse na tumitingin sa ama mo."Napaisip na rin si Edlyn habang nakikinig sa sinasabi ni Dina. Tulad ng sabi ni Rex ay duda siya sa totoong dahilan kung bakit nahulog sa hagdan ang ama nito. Maging siya ay walang tiwala kay Josephine lalo na at malaki ang interest nito sa yaman na maiiwan ng ama ni Rex."Salamat, Dina, huwag kang mag alala at mag lalagay na ako ng bantay sa labas ng silid ni Daddy."Sang ayon su Edlyn sa naisip ni Rex. Kailanga
"Grace, let's go." Aya na lang ni Josephine sa dalaga at ayaw makinig ng binata. Gawin na lang niya ang nararapat upang magising ito at masabingvtama siya.Malungkot na tumitig si Grace sa binata bago sumunod sa ginang.Pumalatak si Edlyn nang wala na ang dalawa. Hindi na siya nagulat kung ganoon ang tingin sa kaniya ni Josephine. Sigurado na sinabi na ni Cheryl ang tungkol sa pagkatao niyang gawa gawa niya lang din. "Sorry at nadadamay ka sa kinakaharap kong problema ngayon. Maging ang pagkatao mo ay pinakikilaman na nila." Nahihiya na ani Rex sa dalaga."Huwag mo akong alalahanin at hindi ako apiktado. Saka enjoy ako sa mga mali nilang iniisip tungkol sa akin."Nakahinga nang maluwag si Rex nang makitang ngumiti ang dalaga at totoong masaya ito sa kabila nang mga hindi magandang narinig mula kay Josephine. Tumingin si Edlyn sa ama ni Rex. Balot pa rin ng benda ang ulo nito dahil na operahan ito at may namuong dugo doon dulot ng pagka bagok ng ulo nang mahulog umano sa hagdan. "Da
"Rex, nandito ka na pala. Halika at narito ang mga kaibigan ni Daddy mo upang dalawin siya." Nagagalak na tawag ni Josephine sa binata.Automatic na sa kaniya natuon ang tingin ng dalawang ginang at isang ginoo at kinikilala siya. Ngumiti siya sa mga ito at inunahan na ni Rex si Josephine na ipakilala siya sa mga ito. "Good evening po, please meet, Edlyn, my personal assistant." Pakilala ni Rex sa dalaga at iyon ang gusto nito na malaman ng iba upang manatili ito sa tabi niya.Natigilan si Grace nang marinig ang sinabi ng binata. Pag tingin niya kay Josephine ay mukhang nagulat rin ito at hindi inaasahan iyon ang pakilala ng binata sa nobya nito. "Ang akala ko ay si Grace ang iyong assistant at fiancee na rin?" nagtatakang tanong ng mukhang chubby na ginang kay Rex at tumingin kay Grace."She is my secretary at ayaw ko siyang mapagod sa pag sama sa mga lakad ko kaya si Edlyn ang napili ko." Pormal na sagot ni Rex sa ginang.Sa halip na matuwa si Grace dahil tonong may care sa kaniya
Napangiti si Josephine nang marinig ang kuwento ni Cheryl. "Kung ganoon ay kapit lang din sa patalim ang babaing iyon! Hindi na nakapagtaka kung bakit kahit mag mukha siyang kabit ay kaya niyang lunukin. Walang mahalaga sa kaniya kundi pera." Napangisi siya at tumingin sa unahan na para bang naroon si Edlyn. "Grabe nga tita, ang kapal ng mukha at mapag samantala porkelibre ang lakad kanina!" Naiinis pa ring ani Cheryl pagka alala sa dress."Well, death anniversary ng ina ni Rex sa sunod na linggo. Let's see kung paano siya humarap sa mga bisitang nasa altasusyudad!" Nakangiting ani Josephine at may naisip na gawin.Napangiti na rin si Cheryl at alam niyang may magandang plano ang ginang upang mapahiya si Edlyn. "Maari ko bang imbitahan ang mga kaibigan ko po?" Excited na tanong ni Cheryl sa ginang."Of course, hija, make sure na alam nila ang kanilamg assignment!" Malahulugang turan ni Josephine saka ngumiti kay Cheryl. Nakakaunawang ngumiti si Cheryl sa ginang. "Huwag po kayong ma
"And you!" Baling ni Rex kay Cheryl. "Kahit girlfriend ka pa ni Darel ay hindi kita palalampasin kapag nag patuloy ka sa pag sira sa relasyon namin ni Edlyn. Mind your own business and stay away from us." "I'm not!" Defensive na ani Cheryl. "Hindi ko rin alam na dati pala kayong magka kilala ni Ellen at walang kinalaman sa kung ano man ang hindi ninyo pinagkaka unawaan ngayon."Lihim na napangisi si Edlyn at mukhang ang pagkakaibigan namaj ngayon ang masisira.Nainis si Ellen at parang naghuhugas kamay ang kaibigan at takot na masira ang relasyon nito sa nobyo nito. Nagpapaunawa ang tinging ipinukol ni Cheryl sa kaibigan. Ipinararating niya rito sa pamamagitan ng mga titig na babawi siya rito.Napabuga ng hangin sa bibig si Ellen bago humarap muli sa binata. "Tama si Cheryl pero hindi ko bawiin ang mga sinabi ko. Kung sakaling magbago ang isip mo ay alam mo kung saan ako makita." Makahulugan pa rin niyang turan at walang balak bawiin ang mga sinabi kanina. Wala na rin namang pag asa
Muling napahiya si Ellen sa sinabi ng binata. Kulang na lang ay isampal sa mukha niya na hindi siya kilala nito dahil walang especial sa kaniya para matandaan.Hinawakan ni Cheryl sa kamay ang kaibigan at pinisil iyon upang iparating na relax lang. Huminga nang malalim si Ellen saka hinamig ang sarili upang kumalba ang kalooban bago nagsalita. "Rex, alam ko na hindi maganda ang nakaraan natin kaya naintindihan ko kung kinalimutan mo na ako."Tumikwas ang kilay ni Edlyn at hanga na nakatingin kay Ellen sa halip na mainis dahil sa double meaning nitong sinabi. Kung makitid ang isip niya ay tiyak na hindi maganda agad ang iisipin niya. Na may nakaraan ang dalawa bukod sa pagiging school mate lang noon. Pero ang tibay ng loob ng babae at kapal din ng mukha dahil nagagawa pa rin magsalita ng ganoon. "Nakaraan?" Nangunot ang noo ni Rex. "What do you mean? Wala naman akong amnesia para makalimutan ang tungkol sa iyo?" "Pinadalhan mo ako ng love letter noon at—" "Sorry miss but no offend
'Nasa hospital ang lola mo, hindi ka ba dadalaw?"Sandaling itinigil ni Camela ang paglilinis sa mukha ng anak at nilingon ang kaibigang bakla. "Malala na ba?"Napailing si Jackson habang pinagmamasdan ang kaibigan. Kakauwi lang nito galing Japan. Dalawang taon din itong namalagi roon at iniwan sa
Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pin
"Rashed, a-ano ang gagawin mo?" Kinakabahang tanong niya rito bigla siyang itulak at nasa ibabaw na niya ito. Natakot siya sa isiping sakalin siya nito."I hate you but i can't resist your body!"Napamulagat si Camela at hindi na nagawang sumagot pa dahil sakop na ng labi ng asawa ang bibig niya. K
Napabuntong hininga si Camela nang wala na sa harapan ang dalawa. Nang mapag isa ay napaisip siya kung bakit hindi pa rin siya nabubuntis gayong wala naman silang gamit na protection tuwing magniig ni Rashed. Hindi niya alam kung siya ba o si Rashed ang may problema kaya hindi makabuo. Upang makasi







