LOGINNgayon, hinahayaan lang ni Brandon na ipasok ang mga gamit ni Janica. Ni hindi man lang nito itinago sa kahit na sino ang kahihiyan at kabiguang dinaranas niya bilang Mrs. Cortez. Pero kahit gusto na niyang makipag-divorce kay Brandon, at kahit hindi na makapaghintay ang lalaki na ibigay ang lahat kay Janica, ang dating fiancée ng sarili nitong pinsan, hinding-hindi niya papayagan na hiyain siya nang gnito bago pa man sila legal na maghiwalay!
Mabagal siyang naglakad papasok. Tiningnan niya ang mga trabahador nang kalmado at itinuro ang mga gamit na ipinapasok. "Mga mamahalin ‘yang mga furniture na ‘yan. Ibibigay ko na ang lahat ng iyan sa inyo. Kahit ibenta niyo ng second-hand, makakakuha pa rin kayo ng malaking halaga. Pakilabas na lang." Ang mga trabahador ay inimbitahan lang doon. Nang marinig ang magandang balitang ito mula kay Elle, na isang matanda sa bahay, agad silang tumugon nang may galak. Hindi ito mapigilan ni Alexander. Sa sobrang galit, itinuro niya ang ilong ni Elle at bumulyaw. "Ano ka ba? Regalo ito ni Mommy para sa sister-in-law ko! Akala mo ba ikaw pa rin ang may karapatang magdesisyon dito? Kapag nalaman ito ni Kuya Brandon ay palalayasin ka niya!" Doon lang naintindihan ni Elle. Maliban kay Brandon, ay kasama rin ang monther-in-law niyang si Ruzette. Tiningnan niya si pababa si Alexander, at sinabi ang bawat salita nang malinaw. "Sige, I’ll go tour school tomorrow and tell your classmates na tinutulungan mong makipag-agawan ng asawa ang kuya mo sa fiance ng pinsan niya. Sasabihin ko na ang tradisyon ng pamilyang Cortez ay ang pagtataksil at proud corrupt. You like Janica so much, 'di ba? Tutulungan kitang pasikatin siya sa school mo. Ayos ba?" Ang mga salita ni Elle ay sadyang masakit pakinggan. Kailanman ay hindi siya naging ganito katalim sa bata, noon ay palagi niya itong sinusuyo, kaya naman nanlaki ang mga mata ni Alexander sa gulat. "Napakasama mo! How dare you!" namumulang mukha nito. Nagkibit-balikat lang si Elle. Tingnan mo nga naman. Sino ang nagsabing bata pa ito at walang alam? Marunong din naman silang manakit gamit ang salita. At sino ba ang nagsabing bawal patulan ang bata? Biglang umigay ang paligid nang pumasok si Ruzette na may malamig na ekspresyon ng mukha. "Anong nangyayari dito?" Pagkatapos ay tumingin ito kay Elle at agad na kumunot ang noo. "Mag-aalas-diyes na. Bakit ngayon ka lang nagising? Hindi pa nailuluto ang medicinal diet? Ano ang kakainin ko? Anong kakainin ni Janica?" Sa puntong ito, naramdaman ni Elle ang panunuyo at sakit ng kanyang lalamunan. Maalam siya sa medisina. Sa loob ng isang linggo ng kanyang pag-uwi buwan-buwan, kinokondisyon niya ang katawan ng buong pamilya. Ang medicinal diet ay lahat gawa ng kanyang mga kamay, isinasaalang-alang ang iba't ibang kondisyon ng katawan at kagustuhan ng bawat isa. Gumigising siya bago mag-alas-singko para magluto bago pumasok sa trabaho. Pagkatapos ay ipapadala niya ito sa lumang bahay para sa unang pamilya, pangalawang pamilya, at para sa matandang ginang. Kasama na doon ang parte ni Janica. Noon, napakabait ni Ruzette kay Janica. Akala niya ay dahil ito sa husay at ganda nito kaya ito nagugustuhan ng mga nakatatanda. Ngayong naiisip niyan matagal na pa lang may palatandaan. Alam ni Ruzette na si Janica ang laman ng puso ni Brandon, kaya naman mahal na mahal niya ito, lalo na nang makulong ang fiancé ni Janica. Siya ang lihim at lantarang nag-ayos ng lahat para rito. Samantalang siya, hinayaan siyang mabulag at pagsilbihan ang babae ng kanyang asawa sa loob ng maraming taon. Mukha siyang payaso na pinaglalaruan. Kailanman ay hindi nila siya nirespeto bilang tao. At ngayon, ayaw na niyang magtiis pa, kaya kalmado niyang sinagot ang huli. "Kung mamamatay kayo kapag nawala ako, edi mamatay kayo." Biglang nagdilim ang mukha ni Ruzette. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang papalayong likod ni Elle. Maging ang kasambahay sa tabi niya ay napahikbi. Nagseselos ba ang asawa kay Miss Janica? paano niya nagawang magsalita nang ganoon sa kanyang biyenan? Mabilis ding natauhan si Ruzette at malamig na ngumisi. "Hindi talaga siya nababagay sa mataas na lipunan. Sa ganitong pag-uugali, gusto pa niyang itali ang puso ng asawa niya. Such a fool!" —— Iniligpit ni Elle ang kanyang mga gamit at pumunta sa ospital kung saan siya nagtrabaho ng apat na taon para magpasa ng resignation. Pinili niya ang ospital na ito noon, kahit average lang ang medical qualifications nito dahil malapit lang ito sa Cortez Corporation. Ngayong ayaw na niya sa lalaki, wala nang dahilan para manatili rito. Hindi siya nawawalan ng mapupuntahan. May mas magandang lugar siyang pwedeng puntahan. Kinahapunan, nakipagkita siya kay Charnell para mag-dinner. Ipinasa nito ang location kaya agad siyang pumunta rito, malapit lang naman. Pagkapasok niya sa restaurant, kinawayan siya ni Charnell habang nagsasalin ng tsa para sa kanya. "Nakapag-resign ka na ba?" Tumango si Elle, “Halos tapos na.” "Nang banggitin mo ang divorce, ano ang naging reaksyon ni Brandon?" Tanong ni Charnell, na may kuryosidad pa rin. After all, base sa paraan ng pag-iisip ni Brandon, baka isipin pa nito na ang paghingi ni Elle ng divorce ay nakakasira sa kanyang dignidad. Tiningnan ni Elle ang tsaa at umiling. "Wala." Hindi man lang ito nakipag-ayos o naupo para pag-usapan ang ang kanilang divorce. Kahit sawang-sawa na siya, kaya pa rin siyang balewalain nito. Nakakatawa talaga ang mga lalaki, ayaw ka na nila, pero ayaw rin nilang ikaw ang unang bumitaw. "Bato ba ang puso ng lalaking 'yan? Pitong taon! Kahit sino dapat may reaksyon, 'di ba?" Nagngitngit ang mga ngipin ni Charnell sa galit. Hindi alam ni Elle kung matatawa ba siya o maiiyak. Ang kaniyang failure at ang kahihiyan na tinapakan ang kanyang damdamin ay hindi niya matatakasan nang ganoon lang. Walang ibang nakakaalam sa pait na dinanas niya ng pitong taon. Matagal nang naubos ang kanyang mga luha. Hindi na siya ang babaeng nagmamakaawa para sa kaunting pagmamahal mula kay Brandon. Tinanong muli ni Charnell kung bakit siya nagdesisyong makipag-divorce. Hindi ito itinago ni Elle at sinabi ang katotohanan tungkol sa nangyari sa emergency room. Namutla si Charnell sa galit at agad na hinampas ang lamesa. "Ang dalawang hayop na 'yan, hindi man lang nagtago?! Wala bang hiya ang Janica na 'yan? Kakukulong pa lang ng fiancé niya, tapos may ginawa na siyang kababuyan kasama ang pinsan nito?! At buntis pa?" Ngayon lang siya nakakita ng ganitong klaseng kapal ng mukha! Alam ni Elle na prangka ang kaibigan at tumataas ang boses nito kapag galit, kaya agad niya itong pinigilan. Hindi naman niya alam ang eksaktong sitwasyon kagabi. Ang nurse lang ang nagsabi sa kanya, at ibinuod niya lang ito kay Charnell. Ang kondisyon ni Janica ay hindi man lang niya nasuri dahil ayaw nito sa kanyang medikal na kakayahan. Ngunit huli na ang lahat. Nakarinig si Elle ng isang pamilyar na tawa sa kanyang likuran. Lumingon siya at nakita ang isang lalaking nakatayo sa likod ng screen. Nakikilala niya ito, si Edmund Reyes, isa sa kaibigan ni Brandon. Hindi itinago ni Edmund ang pangungutya at pandidiri sa kanyang mga mata. Malinaw na narinig nito ang mga sinabi ni Charnell kanina. Akala nito ay nagkakalat lamang ganoong iskandalo si Elle. "Elle, hindi ko akalain na ganito kababa ang pagkatao mo." Ngumisi si Edmund, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa nang may panghahamak, at naglakad paakyat sa itaas. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon si Elle na makasagot. Ang reaksyon nito ay tila ba siya pa ang kontrabidang may ginawang masama. Hindi mapigilan ni Elle ang mapakunot-noo. "Ano! Sila na ang gumagawa ng ganoong bagay pero sila pa ang may ganang magalit? Dapat ay naglalagay tayo ng banner sa baba para ipaalam sa lahat! Kung hindi lang babagsak ang stock market niyan, talo ka!" Galit na sigaw ni Charnell. Alam ni Elle na imposible iyon, maliban na lang kung ayaw na niyang manatili sa bansa. Malakas at dominante ang pamilyang Cortez. At hangga’t hindi pa siya lubusang nakakatayo sa sarili niyang mga paa ay hindi siya pwedeng basta-bastang lumaban. kailangan niyang protektahan si Celine, hindi siya ganoon ka-tanga kaya hindi na niya inisip pa si Edmund. —— Upstairs. Matapos itulak ni Edmund ang pinto, malamig ang ekspresyon ng kanyang mukha. May isang grupo ng mga tao ang nakaupo sa eleganteng box. Ang pinuno, siyempre, ay si Brandon. Nakaupo ito nang elegante, at ang kanyang mga mata ay bahagyang nakatingin sa gilid. Sa tabi niya ay si Janica. Tiningnan nito si Edmund nang may tipid na ngiti. "Sino naman ang nagpasama ng mood mo?"Ngunit bago pa man sila tuluyang makahakbang papasok sa pinto, napansin ni Elle ang isang itim na kotse na nakaparada sa gilid ng gate ng bakuran. Bukas ang ilaw sa loob ng sasakyan at may anino ng mga taong gumagalaw, ngunit hindi niya maaninag nang maayos ang mga mukha dahil sa dilim. Hindi niya gaanong nakita ang plaka nito, ngunit sigurado siyang hindi iyon ang sasakyan ni Mr. Philip. Nakaramdam siya ng kaunting pagdududa kaya hindi muna siya sumabay kay Carlos sa pagpasok. Pagkahakbang niya sa may bukana ng pinto. Isang pamilyar na boses ang agad na umabot sa kanyang pandinig mula sa loob. "Hahatiin sa tatlong bahagi ang pagkuha ng dokumentaryo. Narito ako para tapat na hilingin ang inyong presensya, kahit sa loob lang ng ilang minuto. Gusto ko sanang maging espesyal na tagapayo kayo ng aking grupo." Natigilan si Elle sa kanyang pagkakatayo. Tumingin siya sa
Alam din naman niya ang sitwasyon ng proyekto sa Intellicare ngayon. Bilang bahagi ng research team ng Intellicare, siguradong naroon din si Elle sa bawat pagkuha ng video sa laboratoryo. Kung iisipin ni Brandon na magiging isang malaking sakit sa ulo o abala si Elle sa gagawing proyekto kapag nagkasama sila sa camera, maaari niya itong tanggihan upang maiwasan ang tsismis. Dahil sa naisip na iyon, tahimik na lang na napakagat-labi si Janica sa inis sa kanyang sarili. Talaga namang parang multo si Elle na pabalik-balik sa buhay nila at laging nakakaharang sa mga plano niya! Doon lang nag-angat ng tingin si Brandon para tumingin sa kanilang dalawa mula sa kanyang inuupuan. Nasalubong niya ang mga matang puno ng pag-asa at pag-aalinlangan ni Janica na naghihintay ng kanyang sagot. Matapos ang dalawang segundong katahimikan sa loob ng silid, kaswal lang itong sumagot nang walang pag-aali
Gagawin ito sa paraang hindi maaapektuhan ang kanilang kasalukuyang pananaliksik sa kumpanya. Iniisip niyang magiging napakahalaga at sikat ng dokumentaryong ito para sa kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa bagong gamot. Kasalukuyang may swero si Janica sa loob ng San Lorenzo Hospital upang makabawi sa kanyang lakas. Ginamit naman ni Francis ang kanyang bakanteng oras para bisitahin ito sa kanyang silid. "Talaga bang sinabi sa 'yo ni Elle ang mga salitang 'yon? Hindi ko akalaing marunong na rin siyang magmayabang ngayon. Nakapasok lang siya sa Intellicare ay akala mo naman kung sino na siyang may hawak ng kapangyarihan doon," wika ni Francis habang naiiling. Hindi niya akalaing pagbabantaan pa nito si Janica na palitan sa pwesto sa harap ng kanyang mga tauhan. Natawa na lang si Francis sa naisip na kalokohan ng babae. "Anong klaseng tao ba si Elle? Kaya niya ba talagang utusan s
Tumango na lang si Elle sa naisip ng kaibigan. Lalo na't nakarehistro si Celine sa ilalim ng pangalan ni Cedrick para sa kanyang kaligtasan. Kahit na malaman pa ni Brandon sa huli na sa kanya ang bata, kusang-loob naman nitong pinirmahan ang kasunduan sa pagbuwag ng kustodiya noon, kaya wala na siyang karapatang bawiin pa ang bata ngayon. Para maprotektahan ang kanyang anak sa pamilya Cortez. Marami na siyang inihandang paraan at pag-iingat. Nang maalala ang presensya ni Cedrick at ang nalalapit na pag-aayos ng kanilang kaso, bahagyang kumalma ang kabang nararamdaman ni Elle. "Tingnan na lang muna natin ang mga susunod na mangyayari. Sa huli, sa akin pa rin naman mananatili si Celine," wika ni Elle sa sarili upang palakasin ang loob. Kung gusto niyang lumago agad ang kanyang kakayahan para labanan ang pamilya Cortez, kailangan niyang siguraduhin na mamumuhay si Celine sa ilalim ng liw
Masyadong malalim ang nararamdaman ni Brandon para kay Janica kaya naman nagagawa nitong mag-overtime sa kumpanya para lang samahan ito sa pananaliksik, kaya kung hindi naman ito napapagod ay maaari niya pa itong samahan ng ilang gabi pa roon. Akmang aalis na si Elle sa opisina. Tapos na naman ang pakay niya rito kaya wala na siyang dahilan para manatili pa. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo, lumapit na si Brandon at naupo sa solong upuan sa kanyang kaliwa habang dahan-dahang nakatitig sa kanyang mukha. "Hindi ka ba napapagod sa dami ng sinabi mo? Hindi pa naman huli ang lahat para umalis ka pagkatapos mong inumin ang tsaa mo." Walang anomang emosyon na makikita sa mukha ng lalaki ngayon. Pinagduudahan pa nga ni Elle kung may binabalak ba itong masamang plano para lang gantihan siya sa ginawa niya kay Janica kanina. Tumingin siya nang may pagdududa sa baso ng tsaa na nas
Talaga namang bago ito sa kanyang pandinig. Ibig bang sabihin nito ay maaari niyang mahuli sa akto ang kanyang asawa na hindi pa naman niya kapipirmahan ng divorce papers? Naisip niya tuloy bigla kung pwede niya itong irecord nang maayos para magamit na ebidensya sa paghihiwalay nila, nang sa ganoon ay hindi na siya magigipit pa ng pamilya ng lalaki. "Miss Elle, pasok po kayo." Subalit. Habang abala ang utak ni Elle sa pag-iisip ng mga plano, biglang bumukas ang pinto ng opisina. Agad na nawalan ng saysay ang pagkakataon niyang maging isang baliw na asawa na nambubulabog ng relasyon ng iba. Bahagyang umiling si Elle sa panghihinayang bago tumingin sa pintuan, nag-alinlangan pa siya ng ilang segundo bago dahan-dahang humakbang papasok sa loob. Hindi niya alam kung nilinis ba ang silid o ano, pero walang anomang kalat sa loob ng napakalaking opisina. Nakita niya si Brando
Nang dumating ang umaga.Sabay na nakarating sina Elle at Carlos sa malawak na exhibition hall.Hindi mapigilan ni Elle ang mapabuntong-hinala sa napakabilis na pag-unlad ng panahon."Hindi pa huli ang lahat basta ba nagbalik ka na. Ang isang henyong tulad mo ay madalin
Sa buong buhay niya mula pagkabata, siya palagi ang may karapatang mang-insulto ng ibang tao.Ngunit sa harap ni Elle.Napakasakit ng mga salitang ibinabato nito sa kanya nang ilang beses na dahilan para tuluyan siyang mawalan ng maisasagot.Pip!Isang pamilyar
Naramdaman ni Elle na parang mas nagiging swerte siya sa buhay simula noong tuluyan siyang lumayo sa walang kwentang asawa. Mabilis siyang sumagot, "Sige po, magkikita tayo sa Lunes." Agad niya ring ibinalita ang magandang balita kay Mr. Philip. Napaka
"Tutulungan ka ni Brandon na simulan ang proyektong iyan. Sa oras na magsimula iyan, ako ang unang maglalabas ng puhunan para sa kumpanya mo."Ang kanyang lolo ay kasalukuyan pa ring naghahanap sa taong nagligtas sa buhay nito noon. Pagkatapos niyang maglabas ng pera para sa pr







