LOGIN“Okay!” sagot ni Arthur sa kabilang linya. “Una,” seryoso niyang paliwanag, “halikan mo muna ang upper lip niya. Dahan-dahan lang sa umpisa… tapos dagdagan mo ng diin, parang ayaw mo na siyang pakawalan.” “Pangalawa, kapag pumasok ang dila niya, huwag kang passive. Laruin mo—konting tease. Kapag sumabay siya, umatras ka ng kaunti. Kapag hinabol ka niya, saka mo ulit hulihin.” “Pangatlo, may part sa loob ng bibig na mas sensitive—doon ka mag-focus paminsan-minsan para mas maramdaman niya.” “Pang-apat, huwag kalimutan ang timing ng paghinga… malaking bagay ‘yon sa atmosphere.” “Panglima,” dagdag pa niya, “huwag kang parang nakikipag-agawan ng pagkain. Hindi ‘to laban.” Tahimik na nakikinig si Brielle habang sinusulat lahat sa notebook niya—walang mintis. Para siyang nag-aaral ng business strategy. Sa isip niya, isa-isa niyang iniimagine ang bawat galaw. “Hindi sapat na makinig ka lang,” sabi ni Arthur. “Kailangan mo rin ‘tong i-practice.” “May simple method ako para
Bahagyang kumunot ang noo ni Brielle, malamig ang aura at tila kasing-kinis ng marmol ang kanyang mukha sa ilalim ng ilaw.Habang pinagmamasdan siya, napansin ni Janella na seryoso ito—walang halong biro o pahiwatig sa mga sinasabi. Napatingin siya sa mapula at manipis nitong labi. Subalit kalaunan'y napailing din. Pareho pa silang naka-formal attire mula sa event, kaya kailangan muna nilang magpalit ng komportableng damit sa taas.Nauna nang naglakad si Brielle papunta sa hagdan, pero napansin niyang hindi pa rin gumagalaw si Janella.“Hindi ka sasama? Balak mo bang tumayo diyan buong gabi at maging estatwa?” tanong niya.Sumagot si Janella nang walang kabakas-bakas na seryoso. “Hindi ah. Nagco-cosplay lang ako bilang isa sa mga character sa ML.”Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Brielle. “Gusto mo ba ng award bilang best cosplayer?"Umusad si Janella at ngumiti. “Hindi na. Heto na nga, susunod na po."Umakyat siya sa hagdan.Napansin ni Brielle ang suot nitong matataas at mani
Sa loob ng mamahaling sasakyan, tahimik ngunit mabigat ang hangin.nNapabuntong-hininga si Janella habang nakatingin kay Brielle. Halatang hindi siya komportable sa biglang pag-alis nila.“Bakit mo ako hinila agad? Hindi pa nga ako nakakapagpaalam kay Kuya...,” reklamo niya.Mahigpit ang hawak ni Brielle sa manibela, malamig ang ekspresyon. “Huwag mo nang tawaging ‘Kuya’ ang ibang lalaki.”Napakunot ang noo ni Janella. “Pinsan mo siya, ah. Anong masama sa pagtawag ko ng ganon? At saka parang matanda siya sa akin ng ilang taon eh.”“I don’t want to hear it,” maikli niyang sagot.Natahimik si Janella. Tumingin na lang siya sa bintana, pinipiling huwag nang patulan ang sabi nito.Ilang segundo ang lumipas, hinawakan ni Brielle ang balikat niya gamit ang isang kamay nito.“Galit ka ba dahil sa pinsan ko?”“Hindi,” malamig niyang sagot, hindi pa rin tumitingin.Muli siyang hinila ni Brielle, ngunit umiwas siya. Pinisil nito ang baba niya para iharap siya, pero mariin siyang tumanggi.Sa isa
Pinakiusapan ni Brielle si Janella na mag-file ng leave, halos parang pabirong may halong lambing, pero ilang sandali ang lumipas at wala pa ring sagot ang babae. Napakunot ang noo ni Brielle. “Ayaw mong mag-leave?” Umiling si Janella, saka napabuntong-hininga. “Hindi naman. Iniisip ko lang kung anong matinong dahilan ang puwede kong sabihin sa boss ko.” Sa isip-isip niya, hindi naman puwedeng deretsuhin niya ang kanilang Manager at sabihing, “maam, gusto po ng asawa ko na magkulong kami sa kwarto ng dalawang araw para maglambingan nang todo, kaya magli-leave po ako.” Sino ba naman ang magsasabi ng ganon? Kapag kumalat ‘yon, baka isipin ng lahat may tama siya sa ulo o kaya naman mapagkamalan pang kung anu-ano. Bata pa siya—hindi niya balak tapusin ang buhay niya sa kahihiyan. Napataas ang kilay ni Brielle. “Kailangan ba talaga ng dahilan para mag-leave?” Napatingin si Janella sa kanya, halatang hindi makapaniwala. “Hindi ba? Ikaw kasi, boss ka. Kahit hindi ka pumasok, okay lan
Napakahusay ng mga kamay ni Brielle.Sanay ang mga itong tumugtog ng iba't ibang instrumento—piyano, gitara, at biyolin.Ngunit higit pa roon...Kaya rin nitong pabilisin ang tibok ng puso ng babaeng mahal niya.Namula ang mukha ni Janella. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi habang kinakabahang napatingin sa pintuan ng lounge."H-Huwag... hindi puwede... Hindi pa naka-lock ang pinto. Paano kung may pumasok?"Napangiti si Brielle."Ibig mong sabihin... kapag naka-lock na ang pinto, wala nang problema?"Agad na umiling si Janella.Namumungay ang kanyang mga mata habang nahihiyang tumingin dito."H-Hindi... hindi iyon ang ibig kong sabihin."Manipis lamang ang pagitan ng lounge at ng pangunahing bulwagan.Rinig pa rin nila ang ingay ng mga bisita.Maging ang boses ng assistant ni Brielle ay malinaw niyang narinig."Saan na kaya si President Brielle at si Miss Janella?"May sumagot."Hindi ko alam. Tingnan natin sa lounge, baka nandoon sila."Biglang kinabahan si Janella.Marahan niyan
Parang huminto ang mundo. Parang may kidlat na biglang tumama kina Samuel, Flor, at Diane sa oras na iyon.Nanigas ang kanilang mga katawan Nanikip ang kanilang mga dibdib. At halos hindi sila makahinga. Hindi na nila kayang lokohin ang kanilang mga sarili. Ang babaeng iyon... Ay si Janella nga. Ang Janellang matagal nilang minaliit. Ang Janellang itinaboy nila. Tulala lamang silang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin sila makapaniwala. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Janella.Sumulyap siya sa kanilang tatlo. Malamig. Walang emosyon. Walang galit. Ngunit sapat ang kanyang presensya upang maramdaman nilang nanginginig ang kanilang mga tuhod.Sandali lamang silang tinapunan ng tingin. Pagkatapos ay para bang wala silang nakita. Para bang hangin lamang ang kanilang presensya. Dahil sa bigat ng kanilang konsensya, tila nakabaon sa sahig ang kanilang mga paa. Wala ni isa sa kanila ang nangahas lumapit pa.At sa mismong sandaling iyon...Nakita nilang kusang lumapit an
Pag-akyat nila sa ikalawang palapag, dinala ni Brielle si Janella sa isa sa mga silid doon. Pagkabukas pa lang ng pinto, agad nang napansin ni Janella ang malaking pagkakaiba nito sa kuwarto ni Blythe. Kung ang kuwarto ni Blythe ay puno ng malalambot na kulay, stuffed toys, at mga dekorasyong p
Nagtaka naman si Janella, minsan na niya iyong pinatanggal sa derma. Dahil nangati at ayon sa dermatologist safe naman daw iyon, pero pinatanggal pa rin niya. Kaya akala niya'y hindi na mahahalata iyon. “Ang talas naman ng mga mata mo.” Naisambit na lamang niya. Ngumisi si Brielle. “Salamat. P
SAMANTALA kanina pa naibaba ni Brielle ang telepono, pero hindi pa rin maalis sa utak niya ang naging tanong ng kapatid. Lumaki siya sa isang tahanang punô ng sigawan at walang katapusang away ng kaniyang ama at ina-inahan. Halos gabi-gabi, wala sa bahay ang kaniyang ama, habang ang kaniyang ina-
“Sira! Kita mo namang nasa kumpanya mo tayo.” “Joke lang,” natatawang dagdag ng binata. “Pagod lang talaga ako kaya dinadaan ko na lang sa biro.” Napatawa rin si Janella sa sarili. Kagabi pa kasi sila gising—mula alas-diyes ng gabi hanggang halos alas-tres ng madaling-araw. At kahit hindi m







