LOGINSamantala, sa unang palapag ng bahay, abalang gumagawa ng takdang-aralin si Jake, araw-araw iyon na lang lagi ang inaatupag niya. Minsan naglalaro siya ng online games pero alam pa rin niya ang kaniyang priority. Nang mapansin niyang dahan-dahang bumababa si Janella mula sa ikalawang palapag. At nakaalalay si Brielle.Paika-ika itong naglalakad, na para bang bawat hakbang ay may kasamang kirot."Ate, anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.Hindi pa man nakakasagot si Janella ay nauna nang magsalita si Brielle. Bahagya pa itong ngumiti at pasimpleng sinulyapan ang asawa."Ikaw na lang ang magsabi sa kapatid mo kung bakit ka paika-ika."Halos mabulunan si Janella., iba ang tono ng pagkabigkas nito kaya napakunot-noo siya.Mabilis niyang binigyan ng masamang tingin ang asawa bago pilit na ngumiti kay Jake"Wala 'yon. Nalasing lang ako kagabi. Nadulas ako at bahagyang naipit ang ugat sa paa ko."Tumango naman si Jake."Ah, kaya pala." "Kaya sa susunod, mag-ingat ka na sa pagla
KINABUKASAN bandang alas-diyes na ng umaga nagising si Janella. Pagmulat pa lamang ng kanyang mga mata ay agad niyang hinanap ang cellphone sa may ulunan ng kama. Ramdam niya ang pasakit ng kaniyang ulo, kaya napahawak siya rito. Ngunit nang makita ang oras sa screen, bigla siyang napabalikwas ng bangon. Ang sakit na kaniyang iniinda ay tila tinangay ng hangin. "Oh my gosh! Mala-late na ako sa trabaho!" Sa sobrang pagmamadali, naihagis niya ang kumot na nakatakip sa kanya, saka mabilis na bumaba ng kama. Tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Brielle mula sa harap ng malaking bintanang salamin. Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon habang ang isa nama'y may hawak na tasa ng kape. Bahagya itong napalingon sa kanya bago kalmadong nagsalita. "Sabado ngayon." Natigilan si Janella, tila biglang nahimasmasan ang isip niya. Napakurap siya nang ilang ulit bago napahawak sa noo, napapikit saka nailing. "Ay... oo nga pala." Nahihiya siyang bumalik sa kama at muli
Hindi man sila halos magkasama, subalit kapag nagkita sila, may mga sandaling hindi napapansin ni Janella na unti-unti nang nagiging bahagi ng kanyang buhay ang maliliit na bagay na ginagawa ni Brielle para sa kanya. Mga malumanay na salita. Mga banayad na haplos. Mga gabing hindi siya iniiwang mag-isa. At mga yakap na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na ligtas siya. Kahit sa kalasingan, hinahanap ng puso ng isang tao ang katahimikan at seguridad. At sa gabing iyon, natagpuan ni Janella ang mga iyon. "Sige..." mahina niyang bulong pero halatang ang diwa na lamang niya ang nakakarinig. Sa wakas ay tumigil na rin siya sa pag-aalala tungkol sa malaking itim na "daga." Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata. Ang makakapal niyang pilikmata ay nakalaylay na parang mga pakpak ng paru-paro habang unti-unting dinadala siya ng antok patungo sa mahimbing na pagtulog. Wala na ang makulit, matigas ang ulo, at palaging palaban na si Janella. Sa sandaling iyon, para lamang si
Agad namang napalingon si Brielle. Nakatuon ang kanyang tingin sa mukha ni Janella. Namumula pa ang mga pisngi nito dahil sa mainit na paligo, habang ang mga hibla ng buhok ay bahagyang basa pa. Kumikinang ang mga mata nito sa ilalim ng ilaw, dahilan upang magmukha itong mas buhay at masigla kaysa kanina. "Halika nga rito sandali," bulong ni Janella. Lumapit si Brielle sa pintuan ng banyo. "Ano 'yon?" "Kunin mo naman ang pantulog ko," pakiusap pa nito. "Sige." Tumalikod siya at naglakad papunta sa aparador. Matapos maghalungkat ng ilang sandali, kumuha siya ng isang burgundy na pantulog at ibinalik iyon sa may pintuan ng banyo. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Janella. "Ayaw ko niyan." Napataas ang kilay ni Brielle. "Bakit?" "Masiyado iyang maganda." Napabuntong-hininga si Brielle. "At anong problema doon? Mas okay nga ito eh." "Malay mo, lalo kang mabighani sa akin." Napatawa si Brielle. "Ang taas naman ng confidence mo." Agad naman itong sumiman
“Tinitulungan lang kita para maging kumportable ka.” Naging sagit ni Brielle. “Wehh… baka palusot mo lang iyan…” nagpupungay ang mga matang saad ni Janella. “Baka naman may binabalak ka” “Well, kung meron man, wala namang masama roon dahil ako ang asawa mo." Bahagyang namumula ang mukha ni Janella habang nakatitig kay Brielle. Dahil sa kalasingan, hindi na niya maayos na napoproseso ang mga nangyayari, ngunit malinaw pa rin sa kanya ang isang bagay—ayaw niyang magpatulong. “Kaya ko naman, eh. Ako na lang.” Napabuntong-hininga si Brielle. Alam niyang wala nang saysay ang pakikipagtalo sa isang lasing. Gayunpaman, nag-aalala siya. Baka kung ano pa ang mangyari kay Janella kapag pinabayaan niya ito. "Lasing ka na. Tutulungan na lang kitang linisin ang katawan mo." "Ako na lang." "Baka madulas ka sa banyo." Agad na sumimangot si Janella. "Mas gugustuhin ko pang madulas kaysa magpalinis sa'yo." Sa isip ni Brielle, hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis. Kapag matino
Ngumisi si Janella, parang batang may bagong kalokohan na naiisip. Bahagya niyang itinulak palabas ang dibdib niya, may halong arte at panunukso sa galaw. “Sige… ako na ang mag-aalaga,” sabi niya, halos pabulong, pero malinaw ang intensyon. Maluwag ang suot niyang damit—isang simpleng tela na hindi naman talaga sinasadyang ipakita ang hubog ng katawan niya. Pero sa paraan ng pagtayo niya ngayon, tuwid at may konting diin sa postura, kusang umayon ang tela sa kanya. Umigting ito sa harap, lumapat sa natural na kurba, at sa isang iglap—naging mas kapansin-pansin ang dating ng kanyang katawan. Napahinto si Brielle. Hindi niya napigilang umabot. Pero bago pa man niya tuluyang mahawakan— Umatras si Janella, mabilis at mapaglaro. “Hindi pwede,” sabi niya, may halong tawa sa dulo. “Hindi kita papayagang makalapit.” Natigilan sa ere ang kamay ni Brielle. Parang may hangin na biglang dumaan sa pagitan nila—hindi malamig, pero sapat para gawing awkward ang sandali. Dahan-dahan niy
Chapter 44NANG gabi ding iyon, alas otso pa lang ay natulog na sina Janella at Jake sa isang kama na katabi lang ng hinihigaan ng kanilang lola.Malakas na humihilik si Jake, samantalang si Janella naman ay tahimik lang na natutulog habang yakap-yakap ang unan. Ang lakas ng hilik ni Jake, na para
Chapter 43 Ginugol nilang tatlo ang buong araw kasama ang matanda, nakipagkwentuhan, nakipagtawanan, kumakain kasama ito, at tinulungan nilang mamasyal sa labas nang hindi na masyadong mainit ang araw sa hapon. Nang hapon ding iyon, nagpasya si Janella na magpalipas ng gabi sa nursing home up
Chapter 41 Isang malalim at galit na boses ng isang lalaki ang bumungad pagkatapat ni Brielle ng selpon sa kaniyang tainga. “Ikinasal ka na raw?” Si Brandon Sebastian iyon, ang ama ni Brielle. Hindi ganon kalapit ang mag-ama sa isa't isa kaya walang ganang sumagot si Brielle. “Oo.” Lalong
Chapter 40 ALAS-diyes na nang umaga nang muling magising si Janella. Agad s'yang nagtungo sa banyo at naglinis ng katawan. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kanilang aparador at binuksan iyon, subalit nanlaki ang kaniyang mga mata—may nawawala sa kaniyang mga gamit. “Wait, nasaan ang mga bra ko?”







