Mag-log inHindi man sila halos magkasama, subalit kapag nagkita sila, may mga sandaling hindi napapansin ni Janella na unti-unti nang nagiging bahagi ng kanyang buhay ang maliliit na bagay na ginagawa ni Brielle para sa kanya. Mga malumanay na salita. Mga banayad na haplos. Mga gabing hindi siya iniiwang mag-isa. At mga yakap na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na ligtas siya. Kahit sa kalasingan, hinahanap ng puso ng isang tao ang katahimikan at seguridad. At sa gabing iyon, natagpuan ni Janella ang mga iyon. "Sige..." mahina niyang bulong pero halatang ang diwa na lamang niya ang nakakarinig. Sa wakas ay tumigil na rin siya sa pag-aalala tungkol sa malaking itim na "daga." Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata. Ang makakapal niyang pilikmata ay nakalaylay na parang mga pakpak ng paru-paro habang unti-unting dinadala siya ng antok patungo sa mahimbing na pagtulog. Wala na ang makulit, matigas ang ulo, at palaging palaban na si Janella. Sa sandaling iyon, para lamang si
Agad namang napalingon si Brielle. Nakatuon ang kanyang tingin sa mukha ni Janella. Namumula pa ang mga pisngi nito dahil sa mainit na paligo, habang ang mga hibla ng buhok ay bahagyang basa pa. Kumikinang ang mga mata nito sa ilalim ng ilaw, dahilan upang magmukha itong mas buhay at masigla kaysa kanina. "Halika nga rito sandali," bulong ni Janella. Lumapit si Brielle sa pintuan ng banyo. "Ano 'yon?" "Kunin mo naman ang pantulog ko," pakiusap pa nito. "Sige." Tumalikod siya at naglakad papunta sa aparador. Matapos maghalungkat ng ilang sandali, kumuha siya ng isang burgundy na pantulog at ibinalik iyon sa may pintuan ng banyo. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Janella. "Ayaw ko niyan." Napataas ang kilay ni Brielle. "Bakit?" "Masiyado iyang maganda." Napabuntong-hininga si Brielle. "At anong problema doon? Mas okay nga ito eh." "Malay mo, lalo kang mabighani sa akin." Napatawa si Brielle. "Ang taas naman ng confidence mo." Agad naman itong sumiman
“Tinitulungan lang kita para maging kumportable ka.” Naging sagit ni Brielle. “Wehh… baka palusot mo lang iyan…” nagpupungay ang mga matang saad ni Janella. “Baka naman may binabalak ka” “Well, kung meron man, wala namang masama roon dahil ako ang asawa mo." Bahagyang namumula ang mukha ni Janella habang nakatitig kay Brielle. Dahil sa kalasingan, hindi na niya maayos na napoproseso ang mga nangyayari, ngunit malinaw pa rin sa kanya ang isang bagay—ayaw niyang magpatulong. “Kaya ko naman, eh. Ako na lang.” Napabuntong-hininga si Brielle. Alam niyang wala nang saysay ang pakikipagtalo sa isang lasing. Gayunpaman, nag-aalala siya. Baka kung ano pa ang mangyari kay Janella kapag pinabayaan niya ito. "Lasing ka na. Tutulungan na lang kitang linisin ang katawan mo." "Ako na lang." "Baka madulas ka sa banyo." Agad na sumimangot si Janella. "Mas gugustuhin ko pang madulas kaysa magpalinis sa'yo." Sa isip ni Brielle, hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis. Kapag matino
Ngumisi si Janella, parang batang may bagong kalokohan na naiisip. Bahagya niyang itinulak palabas ang dibdib niya, may halong arte at panunukso sa galaw. “Sige… ako na ang mag-aalaga,” sabi niya, halos pabulong, pero malinaw ang intensyon. Maluwag ang suot niyang damit—isang simpleng tela na hindi naman talaga sinasadyang ipakita ang hubog ng katawan niya. Pero sa paraan ng pagtayo niya ngayon, tuwid at may konting diin sa postura, kusang umayon ang tela sa kanya. Umigting ito sa harap, lumapat sa natural na kurba, at sa isang iglap—naging mas kapansin-pansin ang dating ng kanyang katawan. Napahinto si Brielle. Hindi niya napigilang umabot. Pero bago pa man niya tuluyang mahawakan— Umatras si Janella, mabilis at mapaglaro. “Hindi pwede,” sabi niya, may halong tawa sa dulo. “Hindi kita papayagang makalapit.” Natigilan sa ere ang kamay ni Brielle. Parang may hangin na biglang dumaan sa pagitan nila—hindi malamig, pero sapat para gawing awkward ang sandali. Dahan-dahan niy
“Tumayo ka bilis—! May tao!” tili ng babae na halatang kinabahan. Ngunit tila hindi natinag ang lalaki. Sa halip, lalo pa nitong idiniin ang babae sa puno, sabay bulong na may halong kabaliwan— “Eh ano kung may nakakakita? Mas exciting nga ‘yon.” Saglit itong sumulyap sa direksyon nina Janella at Brielle—at sa kung anong baluktot na kaisipan, lalo pa nitong tinodo ang ginagawa. Napadiin si Janella sa dibdib ni Brielle. Kung magtataas lang siya ng tingin— Makikita niya ang eksenang wala nang preno. Mas lalo pang lumakas ang loob niya dahil sa alak. Unti-unti niyang iniangat ang ulo— Ngunit agad siyang napigilan. Mariing idiniin ni Brielle ang palad sa ibabaw ng ulo niya, parang mahigpit na piring na ayaw siyang pahintulutang makakita. Ngayon na alam na ng kabilang panig na may ibang tao sa paligid— Wala na silang pakialam. Humigpit ang yakap ni Brielle kay Janella, saka marahang hinila palayo. “Alis na tayo.” Paalis na sana sila sa kakahuyan, patungo sa labas
Napasandal nang muli si Janella sa magaspang na puno, habang mula sa likuran ay marahang idiniin siya ni Brielle. Ang payat at balingkinitang katawan niya ay tila naipit sa pagitan ng matigas na puno at ng mainit na katawan sa kanyang likod. Sumasakit ang mga palad niya sa pagkakadikit sa balat ng kahoy, lalo na sa bawat bahagyang galaw. Ramdam din niya ang bigat na nakasandal sa kanya—hindi man ganap na mabigat, pero sapat para hindi siya makagalaw nang maayos. Kanina pa siya inaakit ni Brielle sa paraang hindi niya maipaliwanag—hindi marahas, kundi mabagal… halos sinasadya ang bawat sandali. At iyon ang lalong nagpalala sa nararamdaman niya. Parang may nagliliyab na alon sa loob niya—paakyat, pababa, paulit-ulit—ngunit hindi niya mahanapan ng pahinga. Dahil sa alak, tila lumulutang ang kanyang isip. Hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari—o kung bakit ganoon na lang ang init ng kanyang pakiramdam “Brielle… umalis na tayo…” Ngunit bago pa sila
Hindi na nakapaghintay si Camille at halos takbuhin pabalik ang kanyang opisina para kunin ang kaniyang bag—parang may biglang naalala, o mas tamang sabihing may gustong siguraduhin bago pa maunahan ng iba. Si Adrian naman, nakasandal sa mesa, saka huminga nang malalim “Here we go again,” bulo
MAGTATANGHALIAN na nang sa wakas ay matapos ang lahat ng paperworks na binigay ng supervisor ni Janella sa kaniya. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya habang inuunat ang kaniyang mga braso sabay ikot ng ulo. Masigla namang lumapit si Adrian sa kaniyang cubicle habang hawak-hawa
KINAUMAGAHAN, maaga pa lang ay naghanda na si Janella para sa unang araw niya sa Sebastian Group. Naantala ng isang araw ang kaniyang pagpasok dahil sa malakas na bagyo noong nakaraang gabi, ngunit sa ikagagaan ng lahat, maayos na ang panahon kinabukasan.Ngayon, handa na siyang pumasok. Suot niya
“HEY, nandyan ka pa ba?” wika ni Lyca na nagpabalik kay Janella sa reyalidad. “Huy, umayos ka nga! Ah basta, ninang ako ng anak mo kaya bilisan n'yo na dahil pupunta na ako sa mall at magsisimulang mamili ng mga gamit ng inaanak ko. Ako na ang bibili ng new born clothes nila at diapers.” Naikunot







