Share

Chapter 7

Author: Xielyne J.
last update publish date: 2026-07-01 22:12:25

Ngunit bago pa makalapit si Criszah, mabilis siyang itinulak ng tiyuhin ni Jude.

"Umalis ka nga riyan!" galit nitong sigaw. "Tingnan mo ang ginawa mo kay Mama!"

Mabilis nitong sinalo ang ina. "Ma! Ma, gising!"

Lalong naging magulo ang paligid.

May mga taong tumatawag ng ambulansya, may mga umiiyak, at may mga nagkakagulong tumulong.

Maya-maya, dumating ang medic ng venue at inalalayan ang matanda papunta sa isang pribadong silid habang hinihintay ang ambulansya.

Gusto sanang sumunod ni Criszah.

Pero agad siyang hinarangan ng ilang kamag-anak.

"Saan ka pupunta?" malamig na tanong ng isa.

"Nahimatay na nga si Lola dahil sa gulong dala mo, gusto mo pang sumunod?"

"Tama. Hindi ka ba nahihiya?" sabat pa ng isa.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Criszah.

Nanginginig sa galit ang buong katawan niya, pero wala siyang maisagot.

Dahil sa totoo lang... Wala siyang karapatang makipagtalo. Hindi niya kadugo ang matanda.

At kahit anong sabihin niya, mas paniniwalaan pa rin nila ang sarili nilang bersyon.

Bahagyang nanginig ang labi niya.

Sa pagkakataong iyon, isang tao lang ang naisip niyang makakatulong sa kanya.

Si Jude. kaya tumingin siya rito. Punong-puno ng pagsusumamo ang mga mata niya.

"Jude..." paos niyang tawag.

"Kahit sandali lang. Hayaan mo akong makita si Lola. Pagkatapos noon, aalis na ako."

Saglit na natahimik si Jude.

Akala ni Criszah papayag na ito.

Pero ang sumunod na mga salita nito ang tuluyang dumurog sa kanya.

"Hindi ka puwedeng pumasok. Wala ka namang alam kung paano magligtas ng buhay."

Nanlaki ang mga mata niya. "Jude!"

Hindi nagbago ang ekspresyon ng lalaki.

"Nagkamali ka, pero alam kong hindi mo sinasadya. Pero hindi ito ang tamang oras para manghimasok sa sitwasyong wala ka namang alam. Ang mabuti pa umuwi ka na muna."

Parang may bumara sa lalamunan ni Criszah.

Hindi siya makahinga. Hindi siya makapagsalita.

Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama... Muntik na niyang kamuhian si Jude.

Hindi dahil sa hindi siya nito ipinagtanggol.

Kundi dahil pinili nitong maniwala sa iba kaysa sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang ambulansya.

Nang buksan ang mga pinto nito, agad na inalalayan ng mga nurse ang matanda papasok.

Kasunod naman noon, lumapit si Rena kay Jude.

Marahan nitong hinawakan ang braso ng lalaki.

"Jude..."

Mahina ngunit malambing ang boses nito.

"Samahan mo na ako."

"Mga babae naman ang mag-eeksamin kay Lola. Nahihiya akong mag-isa."

Tumango si Jude.

"Sige."

Isang salita lang. Pero sapat na iyon para maramdaman ni Criszah na parang may humigpit sa dibdib niya.

Mariin niyang kinagat ang loob ng kanyang labi.

Ayaw niyang umiyak. Lalo na sa harap nila.

Napansin naman ni Rena ang pamumutla ng mukha niya.

Lumapit ito at hinawakan ang kamay niya.

Parang isang mabait at maalagang kaibigan.

"Ahm, Criszah, huwag ka nang mag-alala."

Ngumiti ito nang bahagya.

"Aalagaan ko sina Lola at Kuya Jude para sa'yo."

Parang sampal ang bawat salitang binitiwan nito.

Ngunit wala nang lakas si Criszah para makipagtalo.

Sa ngayon... Ang mahalaga ay maging ligtas si Lola.

Iyon lang. Tahimik niyang sinundan ang mga tao palabas ng venue.

Mula sa gilid ng kalsada, nakita niyang sumakay sina Jude at Rena sa ambulansya.

Magkatabi.

Parang sila ang tunay na pamilya.

At siya...

Isa lamang audience sa isang palabas.

Pagkaalis ng ambulansya, saka lang tuluyang nanghina ang mga tuhod niya. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kalsada.

Walang pakialam sa mga taong dumadaan.

Pakiramdam niya, bigla na lang siyang nawalan ng direksyon.

Parang may bumunot sa pundasyon ng buhay niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta.

O kung para saan pa siya lalaban. Nang makita siya ni Secretary Quinn makalipas ang ilang minuto, napabuntong-hininga ito.

"Ma'am Criszah."

"Kapag may balita na tungkol kay Madam, agad kitang ite-text."

Nag-angat siya ng tingin.

Maputla ang mukha niya habang pilit na ngumingiti.

"Salamat."

Tumango ito. at natahimik sila Sandali.

Saka naalala ni Criszah ang folder na hawak niya.

Dahil sa nangyari, hindi na niya naibigay kanina.

Pero hindi ibig sabihin noon na mawawala na ang dahilan kung bakit niya ito dinala.

Naipadala na ang legal notice. At masyado nang malayo ang narating ng lahat para umatras pa siya.

Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay iniabot ang folder sa kaharap.

"pwede po bang makisuyo? Pakibigay ako nito kay Jude."

Napakunot-noo ito.

"Kayo na lang po siguro ang magbigay—"

"No. Imaw na lang po."

Pinilit ni Criszah ang sarili niyang magsalita nang maayos.

"Nandiyan ang divorce agreement. Pakisabi na lang na pirmahan niya. Kung may tanong siya, maaari niya akong kontakin."

Natigilan ito at hindi makapaniwala sa narinig.

Parang hindi nito naproseso agad ang narinig.

Unti-unti itong napatingin sa folder.

Pagkatapos ay bumalik ang tingin kay Criszah.

Punong-puno ng pagkagulat ang mukha nito.

"Sandali...Gusto mo pong hiwalayan si Sir?"

Para bang hindi ito makapaniwala.

"Oo." Tipid niyang sagot.

"Tama ba ang narinig ko?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 12

    Sa mata ni Criszah lalo silang nagmukhang magkalapit. Mas lalo tulog siyang naging kawawa. Tatlong taon. Oo, tatlong taon siyang nanahimik sa tabi nito.Dumadalo si Jude sa napakaraming event taon-taon pero ni minsan, hindi siya isinama bilang asawa. Hindi siya ipinakilala. Hindi siya ipinakita. Pero si Rena, nandito. At umaaktong asawa sa sobrang dikit ng katawan nito kay Jude, at walaman lang anumang reaksyon mula sa lalaki. Napara bang gusto rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon ng kasama. Nakasuot ng mapusyaw na asul si Rena, at kapareho iyon ng kulay ng kurbata ni Jude. Hindi iyon aksidente. Magkatugma sila at kumportableng-kumportable si Jude kasama ang ibang babae. Kailanman hindj pa nakita ni Criszah si Jude na ganito kasama siya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay wala siyang mabasang emosyon. Para siyang… estranghero sa mga mata nito. Bumuntonghininga siya saka patuloy sa paglalakad. At nang magkasalubong sila, umihip ang hangin sa kaniyang mukha.Gumalaw ang

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 11

    Ilang minuto lang ang lumipas, dumating ang alalay ni Jude sa villa —habol ang hininga sa sobrang pagmamadali. Gusot na gusot ang suot niyang suit. Designer brand iyon, at karaniwan ay siya na mismo ang nag-aalaga dahil ayaw niyang gumastos sa dry cleaning. Pero ngayon, halatang napabayaan—parang sumasalamin sa pagmamadali niyang makarating.. “Ma’am, kung may gusto po kayong sabihin, mas mabuti sigurong direkta na kayong makipag-usap kay Sir." Saglit siyang tumigil bago muljng nagsalita. “Huwag niyo na pong pahirapan ang mga tulad naming nasa ibaba.” Parang walang narinig si Criszah. Ni hindi man lang siya tumingin sa kanya. Tahimik lang ito, Pero sa katahimikang iyon, may bigat. Hindi biro ang trabahong iniiwan niya. Ang pagiging personal assistant—hindi lang basta pag-aayos ng oras. Kailangan mong kabisaduhin ang bawat detalye. Kailangan mong alam kung anong isuot sa bawat okasyon, kung anong imahe ang dapat ipakita, kung anong kultura ang dapat sundin—lalo na kapag day

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 10

    Matapos umalis ni Clert Vinzon, nanatili si Criszhah sa ospital ng isa pang linggo. Sa loob ng panahong iyon, ni isang tawag ay walang natanggap si Criszah mula kay Jude. At sa pagkakataong ito, wala rin siyang balak na siya ang unang lalapit. Tahimik lang siyang naghihintay. Naghihintay ng divorce papers. Hindi niya alam… na ang mga papeles na iyon ay hindi man lang umabot sa kamay ni Jude. Noong ikinasal sila, malinaw na sinabi ng matanda na anumang dokumentong kailangang pirmahan ng mag-asawa ay kailangang dumaan muna sa lumang bahay. Hindi naman tumutol si Jude. Sa totoo lang, mas gusto niyang ubusin ang oras niya sa negosyo kaysa sa mga bagay na may kinalaman sa pamilya. Kaya naman, habang may sakit ang matandang babae, napagpaliban ang lahat. Sa loob ng ilang araw, pabalik-balik si Jude sa pagitan ng kumpanya at ospital. Pero napansin niyang may kakaiba— Hindi siya kinukumusta ni Criszah. Walang tawag. Walang mensahe. Walang tanong. At sa unang pagkakataon…siya ang

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 9

    Masakit ang unang naramdaman ni Criszah, pero hindi niya matukoy kung saan mismo. Sa unang pagkakataon, hinanap niya ang sasakyan ni Jude—yung kotse nitong may bulletproof na salamin. Doon sana siya ligtas. Pero huli na ang lahat… ang kotse na iyon ay pag-aari na ngayon ni Rena. Sa harapan, tila walang pakialam ang mga paparazzi. Nakagawa na nga ng malaking gulo, pero ni katiting na takot ay wala sa mga mukha nila. Dalawa pa nga ang lumapit, may hawak na kamera, at sunod-sunod na kinuhanan siya ng litrato habang kumikislap ang nakakasilaw na flash. Nanginginig ang kamay ni Criszah habang iniabot niya ito para i-lock ang mga pinto at bintana ng sasakyan. Hinawakan niya ang cellphone niya, pero ang mga daliri niyang may dugo ay madulas at halos dumikit sa screen. Sa ganitong sitwasyon… ang unang taong naisip niyang tawagan ay ang asawa pa rin niya. Isang ring lang ang tumunog bago agad naputol ang tawag. Maya-maya, may dumating na mensahe: “Nasa ospital kami ni Rena kasa

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 8

    “Oo,” mahinang sagot ni Criszah. “At sana mapirmahan niya agad.” Halos hindi makapaniwala si assistant Quinn sa narinig. Sa pagkakakilala niya kay Criszah, umiikot lang ang mundo nito kay Jude, simula nang ikasal ang mga ito. Kung tutuusin, sa sitwasyon ngayon, mas inaasahan niyang diretso itong susunod pupunta sa ospital para bantayan ang kalagayan ng matanda. O kaya naman ay uuwi para maghanda ng pagkain para kay Jude, gaya ng lagi nitong ginagawa. Pero makikipag-divorce? Iyon ang huling bagay na inaasahan niyang marinig mula rito. Sa kompanya, halos lahat ay nakakaalam na patay na patay siya sa lalaki. Pero walang ideya ang mga ito na kasal na sila. Minsan pa nga'y nasasabihan itong desperada pero hindi iyon binigyan pansin ni Criszah. Naalala pa ni assistant Quinn ang isang pangyayari ilang taon na ang nakalipas. Nagkaroon noon ng mataas na lagnat si Jude habang nasa villa nito sa labas ng siyudad. At wala itong makuhang gamot sa lugar. Nang malaman iyon ni Cr

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 7

    Ngunit bago pa makalapit si Criszah, mabilis siyang itinulak ng tiyuhin ni Jude. "Umalis ka nga riyan!" galit nitong sigaw. "Tingnan mo ang ginawa mo kay Mama!" Mabilis nitong sinalo ang ina. "Ma! Ma, gising!" Lalong naging magulo ang paligid. May mga taong tumatawag ng ambulansya, may mga umiiyak, at may mga nagkakagulong tumulong. Maya-maya, dumating ang medic ng venue at inalalayan ang matanda papunta sa isang pribadong silid habang hinihintay ang ambulansya. Gusto sanang sumunod ni Criszah. Pero agad siyang hinarangan ng ilang kamag-anak. "Saan ka pupunta?" malamig na tanong ng isa. "Nahimatay na nga si Lola dahil sa gulong dala mo, gusto mo pang sumunod?" "Tama. Hindi ka ba nahihiya?" sabat pa ng isa. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Criszah. Nanginginig sa galit ang buong katawan niya, pero wala siyang maisagot. Dahil sa totoo lang... Wala siyang karapatang makipagtalo. Hindi niya kadugo ang matanda. At kahit anong sabihin niya, mas paniniwalaan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status