Mag-log inFIVE YEARS LATER
Limang taon mula nang tuluyan kong iwan ang buhay na akala ko ay magiging akin habang buhay. Limang taon mula nang hawakan ko ang huling piraso ng lakas ko at piliing umalis sa taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Noong araw na iyon, dala ko ang sakit, ang pagkabigo, at isang munting buhay na hindi ko kailanman pinagsisihan. Akala ko noon, sa pagkawala ni Daveron ay mawawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sentro ng mundo ko. Siya ang dahilan ng mga ngiti ko, siya ang taong hinihintay kong umuwi, at siya rin ang taong hindi ko inakalang magiging dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan ko. Pero mali ako. Dahil hindi pala katapusan ang pagkawala ng isang tao. Minsan, iyon pa ang simula para matagpuan mo ang sarili mong matagal mo nang nakalimutan habang minamahal ang ibang tao. Hindi naging madali ang limang taon na lumipas. May mga gabing tahimik akong umiiyak habang pinagmamasdan ang maliit na mukha ng anak ko. May mga araw na napapatanong ako kung tama ba ang desisyong ginawa ko. May mga sandaling gusto kong bumalik, gusto kong marinig ang paliwanag ni Daveron, at gusto kong itanong kung minsan ba niya akong minahal gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Pero sa tuwing naiisip kong bumalik, naaalala ko ang dahilan kung bakit ako umalis. Ang anak ko. Siya ang naging dahilan kung bakit natuto akong bumangon. Siya ang naging dahilan kung bakit pinili kong lumaban kahit pakiramdam ko noon ay wala na akong natitirang lakas. Dahil sa kaniya, natutunan kong may pagmamahal palang hindi kailangang habulin, hindi kailangang paghirapan, at hindi kailangang ipaglaban para lamang mapatunayan na karapat-dapat ka. Ngayon, hindi na ako ang dating Kristine na kilala ni Daveron. Hindi na ako ang babaeng tahimik na naghihintay sa isang asawa na halos hindi siya mapansin. Hindi na ako ang babaeng kontento sa maliit na bagay dahil iniisip niyang iyon lang ang kaya niyang ibigay. Hindi na ako ang babaeng inuuna ang ibang tao bago ang sarili niya. Ngayon, kilala ako bilang si Kristine Valdez. Isang babaeng binuo ang sarili mula sa mga piraso ng pusong minsang nadurog. Isang babaeng pinili ang sariling pangarap. Isang babaeng hindi na naghihintay na piliin ng iba. Ang dating buhay na pinangarap ko kasama si Daveron ay pinalitan ko ng buhay na ako mismo ang gumawa. Ang kumpanyang minsang nagsimula bilang maliit na pangarap ay unti-unting lumaki hanggang makilala sa industriya. Kasabay noon, binago ko rin ang pangalan ng kumpanya. Hindi na dahil gusto kong tumakas. Kundi dahil gusto kong magsimula. May mga bagay na kailangan mong iwan hindi dahil galit ka, kundi dahil kailangan mong tanggapin na may mga bersyon ng sarili mo na hindi na dapat balikan. “Mommy, nasa hotel ka na ba?” Napangiti ako nang marinig ang boses na iyon mula sa cellphone ko na voice record sent ni Kreivor. Sa dami ng tao na nakapaligid sa akin araw-araw, isang maliit na boses lang ang kayang magpahinto sa pagod ko. Nang makita kong tumatawag ito ay agad kong sinagot ang tawag. “Hello, baby.” “Mommy, kumain ka na po ba?” Napatawa ako nang mahina. Limang taong gulang pa lamang siya pero kung umasta ay parang siya pa ang mas matanda sa amin. “Bakit ikaw ang nag-aalala sa akin?” “Sinabi ni Lola na kailangan mong kumain kasi lagi kang busy.” Napangiti ako habang napapailing. Ang bilis niyang lumaki. Minsan, hindi ko namamalayan na hindi na siya iyong maliit na sanggol na madalas kong karga habang umiiyak ako dahil sa sakit. Ngayon, siya na ang nagbibigay sa akin ng lakas. “Ang bait talaga ng anak ko.” “Miss na po kita.” Natigilan ako sandali. Dahil kahit ilang beses ko nang naririnig iyon mula sa kaniya, hindi pa rin nawawala ang epekto. “Ako rin, baby. Miss na miss ka ni Mommy.” “Uuwi ka po ba agad?” Napatingin ako sa labas ng bintana. Sa dami ng responsibilidad ko ngayon, may mga araw na kailangan kong lumayo sa kaniya. Pero kahit kailan, hindi ko hinayaang maramdaman niyang mag-isa siya. “Hindi pa. May tatapusin lang si Mommy dito.” “Okay Mommy. Hihintayin po kita.” Napapikit ako at napangiti. Dati, naghihintay ako ng isang lalaking hindi sigurado kung pipiliin ako. Ngayon, may isang batang naghihintay sa akin dahil mahal niya ako. At iyon ang pagkakaiba. Kinabukasan, dumating ako sa building kung saan gaganapin ang meeting para sa malaking proyekto ng kumpanya namin. Pagbaba ko ng sasakyan, agad akong sinalubong ng mga empleyado at executives. “Good morning, Ms. Valdez.” Ngumiti ako at mahinahong tumango. Sanay na ako sa ganitong eksena. Hindi na ako iyong babaeng kinakabahan sa bawat tingin ng ibang tao. Natutunan kong dalhin ang sarili ko nang may kumpiyansa. Pero nang pumasok ako sa lobby, may isang lalaking agad napatingin sa akin. At sa sandaling iyon. Parang tumigil ang oras para kay Daveron. Limang taon niyang hindi nakita ang mukha ko. Pero nakilala niya agad ako. Siguro dahil may mga taong kahit gaano katagal mong hindi makita, hindi mo talaga kayang kalimutan. “Ms. Valdez,” bati niya sa akin. Dati, isang simpleng pagtawag niya sa pangalan ko ay kayang magpasaya sa akin. Ngayon, wala na itong epekto. Ngumiti ako nang propesyonal. “Mr. Daveron.” Napansin ko ang bahagyang pagbabago sa mukha niya nang tawagin ko siya nang ganoon. “Hindi ko alam na ikaw pala ang nasa likod ng kumpanyang ito sa Singapore,” sambit niya. Tumingin ako sa kaniya. “Well, hindi ko naman kailangan ipaalam sa’yo. After all, we’re not that close enough to have a conversation with you.” Natahimik siya at tila sinusuri ang pagkatao ko. Kitang-kita ko kung gaano siya naninibago sa kung sino na ako ngayon. Limang taon akong nawala sa Pilipinas. Hinubog ko ang sarili ko, pinatatag, at pinalakas. Hindi niya alam kung gaano karaming gabi ang pinagdaanan ko nang wala siya. Hindi niya alam kung paano ko binuo ang sarili ko mula sa sakit na iniwan niya. Hindi niya alam ang buhay na nabuo ko matapos siyang mawala. At higit sa lahat… Hindi niya alam ang pinakamalaking sikreto na limang taon kong pinoprotektahan. Naglakad siya palapit sa akin saka ngumisi. “Kung sabagay, iniwan mo ako noon at pinili mo ang buhay mo ngayon. Kaya masasabi kong nagtagumpay ka.” Napakunot ako ng noo at napatingin sa paligid, saka natawa ng mahina. “Oh, shut up. Don’t tell me you’re hurt back then, I bet you really want that. And don’t bring back the old days para kang bata, eh.” “Paging securities, there’s a child inside the company. Take him away now!” rinig kong sambit sa radyo nang isang security. “Don’t touch me! I’m just here for my mom!” Bigla ay kinabahan ako. That voice… It’s Kreivor! “Paanong may nakapasok na bata dito sa kompanya?” bigla ay kunot-noong tanong ni Daveron. Oh, no! Hindi sila puwedeng magkita ni Kreivor!Nang makaalis si Kristine ay halos sapo pa niya ang kaniyang dibdib habang bumababa ang elevator na sinasakyan niya. Hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay ano mang sandali ay bibigay ang mga tuhod niya sa sobrang tensiyon.Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang sketchbook ni Kreivor. Paulit-ulit niyang binalikan ang bawat pahina, para makita ang drawing ni Kreivor na kamukha ni Daveron.Pero wala doon ang drawing na kamukha ni Daveron.Napakunot ang noo niya. “Saan napunta ‘yon?” mahina niyang bulong habang mabilis na kinakapa ang bawat pahina.Doon lamang niya napansin ang dalawang manipis na hibla ng papel na nakasabit pa sa spiral binding.Nanlaki ang mga mata niya. May dalawang pahinang maingat na pinunit.“Daveron…” halos mawalan siya ng boses. “Daveron took it?!”Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.“Hindi… Hindi puwedeng mangyari iyon.”Mahigpit niyang niyakap ang sketchbook habang pilit na pinapakalma ang sarili.“Calm down
Bigla ay may kumatok sa pintuan and it was Kristine. Pawis na pawis ito, at tila galing sa pagtakbo para lamang makarating sa opisina ni Daveron.Kaagad naman na naningkit ang mga mata ni Daveron. “What are you doing here? Seems like you forgot to knock Ms. Valdez.” nakatitig na sambit ni Daveron.“Ah, at the hotel my– I mean, my nephew forgot his drawing notebook kung saan siya nag-stay kahapon na hotel. And it turns out the hotel’s employee sent here the notebook. Kukunin ko lang sana.” diretso ngunit hindi maitagong tugon ni Kristine.Bumalik sa alaala ni Kristine ang nangyari kanina, kung paano niya nalaman na wala ang drawing notebook ng anak niya. Kasalukuyan siyang busy sa mga report ng bawat department nang biglang tumawag si Nanay Pasha.“Kristine, busy ka ba? May importante kasi sana akong sasabihin, eh.” bakas sa boses ng matanda ang tila pagkakabado nito.“Hindi naman po, ‘Nay. Bakit po? May nangyari po ba kay Kreivor?” kinakabahang tanong ni Kristine, at sandaling itinigi
Pagkatapos ng meeting, isa-isang nagsialisan ang mga executives at investors mula sa conference room. Naroon pa rin ang ingay ng mga pag-uusap, tunog ng mga upuang itinutulak pabalik sa mesa, at mga pagbati tungkol sa matagumpay na negosasyon.Ngunit para kay Daveron, tila wala siyang naririnig.Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang puwesto habang nakatitig sa saradong pinto ng conference room.Kanina pa umalis si Kristine. Hindi man lang ito nagpaalam. Hindi man lang lumingon.Mariing napakuyom si Daveron sa kaniyang kamao. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kristine mula nang magkita sila.Limang taon.Limang mahabang taon.At sa loob ng limang taong iyon, hindi niya alam kung ilang beses niyang sinubukang hanapin ang babae. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung bakit ito nawala nang walang paliwanag.Kung bakit bigla na lamang siyang iniwan. Kung bakit hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong marinig ang dahilan.Ngunit nang muli niya itong maki
Nang marinig ni Kristine ang boses ni Kreivor, agad siyang namutla. Sa loob ng limang taon, pinaghandaan niya ang maraming posibilidad—ang muling pagkikita nila ni Daveron, ang mga tanong tungkol sa nakaraan, at maging ang pagkakataong malaman nito ang katotohanan. Pero hindi niya kailanman inasahan na mangyayari iyon nang ganito kaaga.Mabilis siyang humakbang palayo kay Daveron.“Excuse me.”Ngunit bago pa siya makalayo, ay kaagad na hinawakan ni Daveron ang braso niya.“Wait, where are you going?” kunot-noong tanong ni Daveron.Mariin niyang binawi ang kamay. “I said excuse me. Hindi ko naman siguro kailangan idetalye kung saan ako pupunta ‘di ba?” sarcastic niyang sambit.Kitang-kita niya ang mabilis na pagbago ng reaction ni Daveron. Para itong napahiya, at tila nawalan ng dila kaya hindi na nakapagsalita.Kasabay noon ay muli nilang narinig ang boses ni Kreivor.“Bitawan niyo ako! Hahanapin ko si Mommy!”Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Kristine.“Hindi puwede. Hindi ngayon.
FIVE YEARS LATERLimang taon mula nang tuluyan kong iwan ang buhay na akala ko ay magiging akin habang buhay. Limang taon mula nang hawakan ko ang huling piraso ng lakas ko at piliing umalis sa taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Noong araw na iyon, dala ko ang sakit, ang pagkabigo, at isang munting buhay na hindi ko kailanman pinagsisihan. Akala ko noon, sa pagkawala ni Daveron ay mawawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sentro ng mundo ko. Siya ang dahilan ng mga ngiti ko, siya ang taong hinihintay kong umuwi, at siya rin ang taong hindi ko inakalang magiging dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan ko.Pero mali ako.Dahil hindi pala katapusan ang pagkawala ng isang tao. Minsan, iyon pa ang simula para matagpuan mo ang sarili mong matagal mo nang nakalimutan habang minamahal ang ibang tao.Hindi naging madali ang limang taon na lumipas. May mga gabing tahimik akong umiiyak
Simula nang makita ko ang mensahe sa cellphone ni Daveron, hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan. Hindi dahil nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya, kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, may takot nang sumabay sa pagmamahal na matagal kong iningatan.Dati, kapag umuuwi siyang gabi, ang nararamdaman ko ay pangungulila. Hinihintay ko siya dahil gusto kong marinig ang boses niya, makita ang mukha niya, at maramdaman na kahit pagod siya ay pinipili pa rin niyang umuwi sa akin. Pero ngayon, sa bawat pagbukas ng pintuan, hindi ko na alam kung saya ba ang mararamdaman ko o kaba dahil baka may panibago na naman akong matuklasan.Alam kong may nakaraan si Daveron at Amber, pero kailan man ay hindi ko nakita si Daveron na nangulila sa kaniya. At iyon ang pinakamasakit, ang pakiramdam na habang iniisip kong kilala ko siya nang lubos, may isang bahagi pala siya na hindi niya kailan man ipinakita sa akin.Maraming beses kong gustong tanungin siya. Maraming beses kong g







