Share

CHAPTER 7: ISKETCHBOOK

Author: febbyflame
last update publish date: 2026-07-03 23:23:10

Pagkatapos ng meeting, isa-isang nagsialisan ang mga executives at investors mula sa conference room. Naroon pa rin ang ingay ng mga pag-uusap, tunog ng mga upuang itinutulak pabalik sa mesa, at mga pagbati tungkol sa matagumpay na negosasyon.

Ngunit para kay Daveron, tila wala siyang naririnig.

Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang puwesto habang nakatitig sa saradong pinto ng conference room.

Kanina pa umalis si Kristine. Hindi man lang ito nagpaalam. Hindi man lang lumingon.

Mariing napakuyom si Daveron sa kaniyang kamao. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kristine mula nang magkita sila.

Limang taon.

Limang mahabang taon.

At sa loob ng limang taong iyon, hindi niya alam kung ilang beses niyang sinubukang hanapin ang babae. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung bakit ito nawala nang walang paliwanag.

Kung bakit bigla na lamang siyang iniwan. Kung bakit hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong marinig ang dahilan.

Ngunit nang muli niya itong makita ngayon...

Wala siyang nakitang sakit. Wala siyang nakitang panghihinayang. Tanging malamig na mga mata lamang ang makikita sa mga mata nito. Parang wala silang pinagsamahan.

Parang isa lamang siyang estranghero sa buhay nito.

Napabuntong-hininga siya.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, muli niyang naalala ang boses na narinig niya sa lobby.

“Mommy!”

Napakurap siya. Kasunod noon ay bumalik sa alaala niya ang boses ng isang batang lalaki. Parang sabik na sabik makita ang ina nito.

Hindi niya nakita ang mukha ng bata. Hindi niya man lamang ito nasilayan nang maayos. Ngunit may kakaibang pakiramdam na naiwan sa kaniya. Pakiramdam na hanggang ngayon ay hindi niya maalis sa isip.

Bakit ganoon? Bakit tila may kung anong humihila sa kaniya para isipin ang batang iyon? Bakit tila may koneksyon na hindi niya maipaliwanag?

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa pinto.

“Come in.”

Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pumasok si Joey habang may hawak na tablet.

“Sir.”

Napatingin si Daveron. “Ano iyon?”

“Nakaalis na po ang lahat ng investors. Nakumpirma na rin po nila ang partnership agreement.”

Tumango lamang siya. Karaniwan ay matutuwa siya sa balitang iyon. Ngunit ngayon ay tila wala siyang ganang magdiwang.

Napansin iyon ni Joey. Matagal na itong nagtatrabaho para sa kaniya. Halos kabisado na nito ang bawat kilos niya. At alam nitong may bumabagabag sa isip ng amo nito.

“May problema po ba, Sir?”

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila, pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumayo mula sa kaniyang upuan. Naglakad siya papunta sa malaking bintana ng conference room.

Mula roon ay tanaw ang kalahati ng siyudad. Ngunit wala siyang nakikita. Dahil nasa ibang lugar ang isip niya.

“Joey.”

“Yes, Sir?”

“Iyong batang nasa lobby kanina.”

Nanigas si Joey. At hindi iyon nakaligtas sa mapanuring mata ni Daveron. Akala niya ay makakalimutan na ang inisdenteng ‘yon.

Dahan-dahang lumingon si Daveron. At doon niya nakita ang bahagyang pag-igting ng panga ni Joey.

“Ano po ang tungkol sa bata, Sir?”

Mariing pinagmasdan siya ni Daveron.

“Kilala mo ba siya? O nakita mo ba siya?”

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Joey.

“Hindi po, Sir.”

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi agad nagsalita si Daveron. Tahimik lamang siyang nakatingin. At habang tumatagal ang katahimikan sa pagitan nila, lalo namang hindi mapakali si Joey.

Dahil alam niyang delikado iyon. Kapag tahimik si Daveron, ibig sabihin ay nag-oobserba ito. Nag-aanalisa. At madalas… Tama ang mga hinala nito.

“You're lying.”

Parang bumigat ang hangin sa buong silid.

Napalunok si Joey. “Sir—”

“You're lying, Joey.” malamig ang boses ni Daveron.

“Ano ang alam mo tungkol sa batang iyon?”

Napayuko si Joey.

Sa isip niya ay nag-aalangan siya. Dahil kanina ay aksidente niyang narinig ang inutos ni Kristine sa sekretarya.

Doon pa lang ay naghinala na siya na baka si Kristine ang hinahanap ng bata. Lalo lang niyang nakumpirma nang makita niya mismo ang bata. At sa unang tingin pa lang alam na niya—na may lihim na tinatago si Kristine.

At ayaw niyang makielam. Alam niya ang pinagdaanan nito noon, kaya pilit niyang pinanatili ang kalmadong mukha.

“Wala po akong alam, Sir.”

Tumaas ang kilay ni Daveron. “Wala?”

“Sa tingin ko po ay kamag-anak lang ng isa sa mga empleyado natin.” sabay kibit balikat niya.

“Are you sure na empleyado natin?”

“Yes, Sir.”

Napailing si Daveron.

Hindi siya kumbinsido. Hindi man lang kaunti. Dahil may isang bagay na hindi niya makalimutan.

Ang reaksyon ni Kristine. Nang marinig nito ang sigaw ng bata. Nang marinig nito ang pangalang iyon. Parang bigla itong natakot. Parang may bagay itong desperadong gustong itago.

At iyon ang hindi niya maintindihan.

Bakit?

Ano ang mayroon sa batang iyon?

Ano ang mayroon sa batang iyon na kayang baguhin ang ekspresyon ng isang babaeng hindi natitinag sa kahit anong sitwasyon?

Tahimik na napabuntong-hininga si Daveron.

Pagkatapos ay muling tumingin sa labas ng bintana. At sa unang pagkakataon matapos ang limang taon...

Muling bumalik sa isip niya ang isang tanong na matagal na niyang sinubukang kalimutan.

Isang tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

“What really happened when Kristine left?”

At habang nakatanaw siya sa papalubog na araw sa pagitan ng mga gusali ng siyudad, hindi niya alam na ilang kilometro lamang ang layo niya sa pinakamahalagang katotohanan ng buhay niya.

Kinabukasan ay maaga pa lamang ay abala na ang buong Almonte’s Corporation.

Sunod-sunod ang mga meeting, tawag mula sa mga investors, at mga dokumentong kailangang pirmahan matapos ang matagumpay na partnership deal noong nakaraang araw.

Ngunit sa kabila ng lahat, may isang taong hindi pa rin mapakali.

Si Daveron.

Tahimik siyang nakaupo sa loob ng opisina habang nakatanaw sa mga dokumentong nasa harapan niya.

Ngunit ilang beses na niyang binabasa ang parehong pahina nang hindi man lamang naiintindihan ang nilalaman nito.

Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang nangyari kahapon.

Ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ni Kristine. Ang batang sumisigaw ng “Mommy.”

At ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Pakiramdam na para bang may mahalagang bagay siyang nalilimutan.

Isang bagay na matagal nang nawawala sa buhay niya. Napabuntong-hininga siya at isinara ang folder.

Eksakto namang kumatok si Joey.

“Come in.”

Pumasok ang sekretaryo habang may hawak na ilang dokumento.

“Sir, nandito na po ang reports para sa quarterly review.”

Tumango lamang si Daveron. Inilapag ni Joey ang mga papel sa mesa. Ngunit bago pa ito makalabas ay muli itong tinawag ng kaniyang amo.

“Joey, wait.”

Huminto ito. “Yes, Sir?”

“May nakuha ba kayong impormasyon tungkol kay Kristine?”

Bahagyang natigilan ang lalaki. Matapos ang meeting kahapon, alam niyang hindi titigil si Daveron hangga't hindi nito nakukuha ang mga sagot na gusto nito.

“Regular background check lang po ang meron kami.”

“At?”

“Matagumpay po ang negosyo niya. May ilang kumpanya siya sa loob at labas ng bansa.”

Tumango si Daveron.

“Wala nang iba?”

Saglit na nag-atubili si Joey.

“Wala na po.”

Tahimik na pinagmasdan siya ni Daveron bago tuluyang tumango.

“Sige, makakaalis ka na.”

Pagkaalis ni Joey ay muli siyang napasandal sa upuan. Hindi siya kumbinsido. May kulang. May bagay na tila sinasadyang ilihim sa kaniya.

Sa kabilang banda, nasa Luxerio's Hotel si Claire.

Inutusan siya ni Kristine na kunin ang ilang mahahalagang dokumentong naiwan sa private lounge kung saan niya pinaghintay sina Kreivor kahapon.

Pagdating niya roon ay agad siyang sinalubong ng hotel manager.

“Good morning, Miss Claire.”

“Good morning. May naiwan po kasi akong files kahapon.”

“Ah, yes. Nasa loob pa po.”

Agad siyang nagtungo sa private lounge. Ngunit pagpasok niya ay napansin niyang malinis na ang buong lugar. Wala na ang mga laruang pinaglaruan ni Kreivor. Wala na rin ang mga papel na pinagsulatan nito habang naghihintay.

Hindi niya alam na may isang bagay pala siyang hindi napansin. Isang maliit na sketchbook. Naiwan iyon sa ilalim ng sofa.

At natagpuan iyon ng housekeeping staff kaninang umaga.

“May nakita po pala akong naiwan ng gamit.” sambit ng isang housekeeping staff sa concierge desk habang hawak ang maliit na sketchbook.

“May pangalan ba?”

“Meron po.”

Tinignan iyon ng supervisor. Sa harapan ay nakasulat gamit ang malalaking letra.

KREIVOR VALDEZ

“Guest ba ‘to? Nay contact number kayo?”

“Hindi ko po alam, pero base sa pagkakaalam ko ay may meeting ang parents ng bata kahapon sa Almonte’s Corp.”

“Dalhin natin sa corporate office. Baka anak ng isa sa mga executives.”

Tumango ang staff.

Makalipas ang ilang oras. Abala si Joey sa pag-aayos ng mga dokumento sa executive floor nang may lumapit na empleyado.

“Sir Joey?”

Napatingin siya. “Yes?”

“May naiwan pong gamit kahapon sa private lounge ng hotel.” Iniabot nito ang sketchbook. “Kayo na raw po ang bahalang magbalik.”

Tinanggap iyon ni Joey. Wala sana siyang balak buksan. Ngunit nang makita niya ang pangalan sa pabalat ay agad siyang natigilan.

KREIVOR VALDEZ

Parang may malamig na tubig na bumuhos sa kaniyang katawan.

“Kreivor…”

Mahinang bulong niya. Kilalang-kilala niya ang pangalang iyon. Dahil minsan na niya itong narinig mula mismo kay Kristine.

Napahawak siya sa noo. “Hindi maganda ito.Hindi talaga maganda.”

Mabilis niyang inilagay ang sketchbook sa ilalim ng ilang folder upang hindi mahalata.

Kailangan niya itong maibalik agad kay Claire. O mas mabuti, kay Kristine mismo. Bago pa may ibang makakita.

Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana. Dahil sa mismong sandaling iyon ay bumukas ang pinto ng executive office.

At lumabas si Daveron.

“Joey.”

Bahagyang napatalon ang sekretaryo. “Sir!”

“Ano iyang hawak mo?”

Agad niyang itinago ang sketchbook sa likuran.

“Wala po.”

Tumaas ang isang kilay ni Daveron. “Wala? But you seems hiding something from me.”

Napalunok si Joey. Sa dami ng taong nakilala niya, si Daveron ang isa sa pinakamahirap lokohin. Dahil napakatalas nitong magmasid. At mas lalo itong nagiging mapanganib kapag may itinatago sa kaniya.

“Dalhin mo rito.”

Nanigas si Joey. “S-Sir, wala po talaga—”

“I said bring it here.”

Wala na siyang nagawa. Dahan-dahan niyang iniabot ang sketchbook. Tahimik itong tinanggap ni Daveron. At sa mismong sandaling makita niya ang pangalan sa harapan ay bahagya siyang natigilan.

KREIVOR VALDEZ

“Valdez? Kaano-ano ni Kristine?” tanong niya sa kaniyang isipan.

Parang may kung anong kumurot sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit. Isa lamang naman itong pangalan.

Ngunit may kakaibang pakiramdam na naman siyang naramdaman. Katulad noong marinig niya ang boses ng bata sa lobby.

Dahan-dahan niyang binuksan ang unang pahina. Mga simpleng drawing ng isang bata.

Mga dinosaur.

Mga kotse.

Mga superheroes.

Bahagyang napangiti si Daveron. Ngunit habang isa-isang binubuklat ang mga pahina ay may kakaiba siyang napansin. Sa halos lahat ng drawing ay may isang babaeng may mahabang buhok. Nakangiti at may nakasulat na, Mommy.

Napahinto siya. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit pamilyar ang mukha ng babaeng iginuhit.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi. At habang bumibilis ang tibok ng puso niya ay dahan-dahan niyang binuklat ang huling pahina.

Pagkabukas niya roon ay tuluyan siyang natigilan. Nanlaki ang kaniyang mga mata. At sa loob ng ilang segundo ay para bang tumigil ang mundo sa paligid niya.

Dahil sa papel ay may nakaguhit na isang pamilya.

Isang Mommy.

Isang batang lalaki.

At isang matangkad na lalaki.

Sa itaas ay nakasulat gamit ang maliliit ngunit malinaw na letra:

MY FAMILY

At sa ibaba ng drawing ay may isang salitang nakasulat ang nagpagulo sa buong mundo ni Daveron. Kasunod nito ay isang mukha. Isang mukhang halos kamukha niya.

“MY MISSING DADDY”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 7: ISKETCHBOOK

    Pagkatapos ng meeting, isa-isang nagsialisan ang mga executives at investors mula sa conference room. Naroon pa rin ang ingay ng mga pag-uusap, tunog ng mga upuang itinutulak pabalik sa mesa, at mga pagbati tungkol sa matagumpay na negosasyon.Ngunit para kay Daveron, tila wala siyang naririnig.Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang puwesto habang nakatitig sa saradong pinto ng conference room.Kanina pa umalis si Kristine. Hindi man lang ito nagpaalam. Hindi man lang lumingon.Mariing napakuyom si Daveron sa kaniyang kamao. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kristine mula nang magkita sila.Limang taon.Limang mahabang taon.At sa loob ng limang taong iyon, hindi niya alam kung ilang beses niyang sinubukang hanapin ang babae. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung bakit ito nawala nang walang paliwanag.Kung bakit bigla na lamang siyang iniwan. Kung bakit hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong marinig ang dahilan.Ngunit nang muli niya itong maki

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 6: PLAYFUL FATE

    Nang marinig ni Kristine ang boses ni Kreivor, agad siyang namutla. Sa loob ng limang taon, pinaghandaan niya ang maraming posibilidad—ang muling pagkikita nila ni Daveron, ang mga tanong tungkol sa nakaraan, at maging ang pagkakataong malaman nito ang katotohanan. Pero hindi niya kailanman inasahan na mangyayari iyon nang ganito kaaga.Mabilis siyang humakbang palayo kay Daveron.“Excuse me.”Ngunit bago pa siya makalayo, ay kaagad na hinawakan ni Daveron ang braso niya.“Wait, where are you going?” kunot-noong tanong ni Daveron.Mariin niyang binawi ang kamay. “I said excuse me. Hindi ko naman siguro kailangan idetalye kung saan ako pupunta ‘di ba?” sarcastic niyang sambit.Kitang-kita niya ang mabilis na pagbago ng reaction ni Daveron. Para itong napahiya, at tila nawalan ng dila kaya hindi na nakapagsalita.Kasabay noon ay muli nilang narinig ang boses ni Kreivor.“Bitawan niyo ako! Hahanapin ko si Mommy!”Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Kristine.“Hindi puwede. Hindi ngayon.

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 5: SHE RETURNED AS THE CEO

    FIVE YEARS LATERLimang taon mula nang tuluyan kong iwan ang buhay na akala ko ay magiging akin habang buhay. Limang taon mula nang hawakan ko ang huling piraso ng lakas ko at piliing umalis sa taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Noong araw na iyon, dala ko ang sakit, ang pagkabigo, at isang munting buhay na hindi ko kailanman pinagsisihan. Akala ko noon, sa pagkawala ni Daveron ay mawawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sentro ng mundo ko. Siya ang dahilan ng mga ngiti ko, siya ang taong hinihintay kong umuwi, at siya rin ang taong hindi ko inakalang magiging dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan ko.Pero mali ako.Dahil hindi pala katapusan ang pagkawala ng isang tao. Minsan, iyon pa ang simula para matagpuan mo ang sarili mong matagal mo nang nakalimutan habang minamahal ang ibang tao.Hindi naging madali ang limang taon na lumipas. May mga gabing tahimik akong umiiyak

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 4: FAILED SURPRISE

    Simula nang makita ko ang mensahe sa cellphone ni Daveron, hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan. Hindi dahil nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya, kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, may takot nang sumabay sa pagmamahal na matagal kong iningatan.Dati, kapag umuuwi siyang gabi, ang nararamdaman ko ay pangungulila. Hinihintay ko siya dahil gusto kong marinig ang boses niya, makita ang mukha niya, at maramdaman na kahit pagod siya ay pinipili pa rin niyang umuwi sa akin. Pero ngayon, sa bawat pagbukas ng pintuan, hindi ko na alam kung saya ba ang mararamdaman ko o kaba dahil baka may panibago na naman akong matuklasan.Alam kong may nakaraan si Daveron at Amber, pero kailan man ay hindi ko nakita si Daveron na nangulila sa kaniya. At iyon ang pinakamasakit, ang pakiramdam na habang iniisip kong kilala ko siya nang lubos, may isang bahagi pala siya na hindi niya kailan man ipinakita sa akin.Maraming beses kong gustong tanungin siya. Maraming beses kong g

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 3: NAGBABALIK?

    Matapos akong iwan ni Daveron sa gabing dapat sana ay isa sa mga pinakamasayang araw namin bilang mag-asawa, ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan habang nakatitig sa direksyong tinahak ng kotse niya. Para akong naghihintay ng isang himala na baka bigla siyang bumalik, bumaba ng kotse, at sabihin na mas pinili niyang manatili sa akin kaysa sa anumang dahilan kung bakit siya umalis. Pero lumipas ang mga segundo, minuto, at oras, at ang tanging bumati sa akin ay ang katahimikan ng bahay na dapat sana ay puno ng saya ngayong gabi.Dahan-dahan akong bumalik sa sala at naupo sa harap ng mesa kung saan maingat kong inayos ang aming anniversary dinner. Nandoon pa rin ang paborito niyang pagkain, ang cake na pinili ko dahil alam kong gusto niya ang lasa nito, at ang maliit na regalo na ilang araw kong pinag-isipan. Sa loob noon ay ang unang ultrasound picture ng anak namin. Ang munting biyayang gusto kong ibigay sa kaniya bilang sorpresa.Hindi ko mapigilang mapangiti hab

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 2: ABANDONED

    Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa loob ng tatlong taon, palagi kong iniisip kung darating ba ang araw na magkakaroon kami ng sariling pamilya. At ngayon, nandito na ang sagot sa mga dasal ko.May bubuo na sa pagmamahalan namin ni Daveron.Pero habang nakangiti ako, may isang bagay na sumagi sa isip ko.Paano ko sasabihin sa kaniya?Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Oo, asawa ko siya. Alam kong may karapatan siyang malaman agad, pero natatakot ako.Hindi dahil ayaw kong malaman niya.Kundi dahil umaasa ako na sa pagkakataong ito… magiging masaya rin siya.“Bestie…” tawag ni Jill na siyang nagbalik sa akin sa realidad. “Ano’ng iniisip mo?”Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. “Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Daveron.”Umupo siya sa harapan ko at napabuntong-hininga. “Kristine, alam mo naman na hindi ako pabor sa relasyon niyo, pero… anak niya rin ‘yan. Kailangan niyang malaman.”Tumango ako.“Oo. Sasabihin ko rin. Pero gusto ko sana espesyal.”“Espesyal?” taas-no

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status