LOGIN
“SIR Yeshua, alam mo ba ang ibig sabihin ng love?” tanong ko. Nandito kasi ako ngayon sa loob ng office niya at ginugulo ko siya. Papansin ba.
Galit na tumingin sa akin si Yeshua at saka nagsalita. “Hindi ko alam.” nakasimangot na sagot nito sa akin. “Kasi para sa akin— hindi kita tinatanong.” agaw nito sa sasabihin ko. Talagang ayaw nito marinig ang kalandian ko. “Sa susunod, huwag mo akong tanungin o kausapin sa mga walang kuwentang bagay.” dagdag pa ni Yeshua. “Gusto ko lang naman sabihin na ang love ay ikaw.” malungkot kong wika sabay talikod. Ngunit mabilis din akong humarap saka ngumisi nang malaki. “I love you.” halos pasigaw kong wika sabay takbo palabas. Hinahabol na kasi ako ng sapatos na binato sa akin ni Yeshua. Mabuti na lang mabilis ako, pinraktis ako nang malala ni Yeshua. KINAUMAGAHAN. Mabilis ang mga hakbang kong papalapit ng opisina ni Yeshua, nasa loob daw kasi ang bruhang babae na kaagaw ko sa kanya. Wala akong pakialam, kahit anak pa ng boss ko ang kaagaw ko kay Yeshua. Agatha’s father is Yeshua's investor, rason para malayang makalabas at pasok dito si Agatha. Hindi lang ‘yan ang rason, kundi para landiin si Yeshua. Plus Yeshua owns this company, kaya alam ko, kung ano ang niluluto nilang plano. Hahadlangan ko sila, dahil si Yeshua ay para lamang sa akin. I, Desiree Bonaverde hindi palalamang sa mayayaman. Alam kong hindi nila ako kauri pero pagdating kay Yeshua ibang usapan na ‘yan. Bitbit ko ang isang blue folder na naglalaman ng proposal galing sa ibang kumpanya. Malaking alibi na ito para madistorbo ko ang dalawa. Inipit ko sa aking tuhod ang dala kong folder para maayos ko muna ang aking sarili. Kanina ang white double collar-shirt button-down with long sleeves ko ay naka-butones hanggang sa leeg, ngayon ay halos labas ang aking dibdib. In-unbotton ko na rin ang sa ibabang manggas at itinali iyon saka isiniksik ang dulo sa gilid. Life hacks kaya ‘to. How to be sexy in one minute? Itinaas ko din ng kaunti ang aking pulang skirt na kanina ay lagpas tuhod, ngayon ay nasa kalahati na ng hita ko. Pa-sexy-han ang labanan? Hinding-hindi ko siya aatrasan. This is it. The war between love has now started. Kinuha ko ang folder na nakaipit sa tuhod ko saka kumatok sa pinto. Narinig ko naman ang boses ng bruhang babae na malandi kong tumawa. Sarap sabunutan at balatan. Nilalandi ko si Yeshua Ventura pero hindi ako malandi tumawa. Nalaman kong ayaw ni Yeshua sa ganon dahil kaibigan ko ang kapatid niyang Yanna, kaya malaki ang advantage ko kahit papano. "Come in." narinig kong wika ni Yeshua mula sa loob. Pinraktis ko muna ang aking pagngiti saka ako pumasok at ang napag-praktisan ko ay siyang nakaguhit ngayon sa aking mga labi. "Good morning sir, Yeshua." bati ko sa kanya saka tinaponan ng tingin ang karibal ko. "O, hi, Des. How are you?" bati sa akin ng walang hiyang babae. Alam ko naman na kaplastikan lang ang pinapakita sa nito sa akin. Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang, bagkus inabot ko ang folder kay Yeshua na ngayon ay nakatingin sa folder at hindi sa akin. "What's this?" magkasalubong ang kilay ma tanong nito sa akin. Heto na naman siya, bakit ba kasi amg init ng dugo niya sa akin? Paano ko mapaparamdam at mapapalasap sa kanya ang pagmamahal ko, kung ganito siya palagi sa akin? "This is the proposal from Al Sari company, Sir." dumukwang ako nang kaunti para maiabot ko sa kanya ang folder. Syempre, medyo binabaan ko na ang pagdukwang, ‘yong kita-kita ang umbok ng dibdib ko na dalawang botones ang naka-bukas. "Nakasaad diyan sa proposal na iyan, na sila daw ang magsu-supply sa atin ng semento, bakal, lubricant at iba pa. Para sa bagong itatayo niyong hotel sa Sampaloc area, at sa lahat ng branches mo kung saka-sakali." mahaba kong paliwanag. Kinuha ni Yeshua sa kamay ko ang proposal at tinignan iyon na hindi man lang nagsalita. Hindi man lang ako inimbitahan umupo, masakit na kaya ang paa ko. Dahil sa sakit ng paa ko umupo ako sa upuan na kaharap ng table nito saka ibinalik ang tingin sa kanya. Ngunit tila wala yatang balak kausapin ako kaya si Agatha muna ang binalingan ko. Bago ko kausapin si Agatha, bahagya kong itinaas pa ang aking skirt, kung titingin man sa puwesto ko si Yeshua, makita din niya ang maganda, makinis at mahaba kong legs. "Oh, hi Agatha. Nakita kita nakaraan sa mall, may kaakbay kang lalaki. Sino yon?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. At sinadaya ko talagang iparinig iyon kay Yeshua. "Ikaw talaga Desiree, hanggang ngayon tsismosa ka rin pala.” sagot ni Agatha sa akin na may hilaw na tawa. “Hindi ko nga alam kung sino ang tinutukoy mo. Huwag kang magsalita nang wala kang proof." nanggigil na sagot nito sa akin. "So, hindi ikaw ‘yon. Tatawagan ko pa sana si Benedict, para itanong sa kaniya kung hanggang saan ang narating niyo." wika ko ulit at saka ngumiti na nang-aasar. Totoo naman na nakita ko silang dalawa ni Benedict sa mall. Magkaakbay pa nga. Si Benedict Chua ay isang Chinese businessman, na may ilang branches dito sa Manila. Siya ang may-ari ng Chua Hotel at ilang sikat ng restaurant sa buong Pilipinas. "Shut up, Desiree! Sinasabi mo lang ‘yan dahil alam mong ako ang pipiliin ni Yeshua at hindi ikaw." halos pasigaw nitong wika sa akin habang dinuduro-duro." Tumikwas ang kilay ko saka pinasadahan ko siya ng tingin. "Hindi ko alam kung bakit pumapatol si Yeshua sa bilasang isda." ani ko na nakangiti at tumingin kay Yeshua. Nagkasalubong ang aming mga mata. Oh my gosh! Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Dug dug dug. Shutakils, ampogi niya talaga. Napahawak ako sa aking puso habang nakatingin pa rin sa kanya. "Desiree, leave. Ayoko sa empleyado na bastos." mariin nitong wika saka tinuro sa akin ang pinto. Ngumiti ako kay Yeshua saka tumayo. "Then, eat your bilasang isda." wika ko sa kanya saka umalis na. Pero bago pa man ako tuluyang umalis inangat ko ang aking hinlalato sa kay Agatha. At muling tumingin kay Yeshua saka nag-flying. "Kiss from fresh." wika ko sa kanya saka kindatan ito at pakimbot na naglagad palabas ng opisina nito. Narinig ko pa ang explanation ni Agatha tungkol sa sinabi ko. Tsk. "One point ka ngayon, baby Desiree." ani ko sa sarili ko saka sumayawsayaw habang naglalakad. -------- "OH my god, it's 3:30pm na, hindi pa ako nakapag-lunch." bulalas ko habang nakatingin sa maliit orasan na nakapatong sa lamesa ko. Bilang head ng marketing andami kong trabaho. Halos lahat kasi na project ng team dumadaan sa akin for checking. Kaya palagi kong nakakalimutan kumain, dahil sa nakasobsob na ako sa trabaho. Lumabas ako ng office ko at nakikita ko ang mga subordinates ko na nagmemeryenda. "Ano’ng pagkain na mayro’n kayo diyan, Guys?" tanong ko sa kanila habang himas-himas ang aking umiingay na tiyan. "Pizza, Miss Desiree." halos magkasabay na wika nila. Lumapit ako sa kanila at saka sumilip sa box ng pizza kong may tira pa. "Wala na ba?"tanong ko sa kanila ng makita kong isa na lang ang natira. "Apat na box ang inorder namin Miss Desiree, alam namin na wala ka pang kain." sagot sa akin ni Margaux na ikinangisi ko. "David, ilabas mo na amg isang box." utos ni Margaux kay David na boyfriend niya. Okay lang sa Company ni Yeshua magtrabaho ang mag-jowa, basta hiwalay ang personal na isyu sa trabaho. Sa ibang company kasi bawal, makaka-apekto daw kasi ito sa performance ng empleyado. Nagiging iba daw kasi ang ugali lalo na kung nag-aaway or naghiwalay. Pero para sa akin hindi iyon komplikado, kundi inspirasyon. "Here, Miss Desiree." wika sa akin ni David habang inaabot sa akin ang isang box ng pizza. "Thanks." pasalamat ko sa tinanggap ang pizza at inilapag sa ibabaw ng mesa saka binuksan. Nang mabuksan ko na, kumuha ako ng isang slice at sumubo. "Wala man lang kayong pantulak nito?" nakangiti kong tanong sa kanila. "Naku, naubos na namin ang soft drinks na binili namin, Miss Desiree." sagot sa akin ni Farrah. "Okay lang, may soft drinks din naman ako sa office ko. sagot ko. "Tinanong ko lang kayo kasi may apat akong bote na tag-2 liters sa tabi ng table ko, sa bandang gilid. " dugtong ko. Napatingin silang lahat sa akin. "Akala ko nanghihingi ka sa amin." si Erron. Ngumit ako at saka umiling habang nakakagat sa pizza. 'Nope, sino pa ang may gusto?" P’wede kayong kumuha, may ice din sa mini ref ko. Dalhin niyo dito." ani na kaagad namang tumalima si David. "Andami mong baon palagi na pagkain, Miss Desiree, pero makakalimutan mong kumain." si Margaux. "Kasi nga, nauumay na akong kumain mag-isa." sagot ko naman. "Iyan lang naman pala, e di sumabay ka na lang sa amin kumain." suhestiyon nito. "Sumasabay naman ako minsan sa inyo a." sagot ko. "Minsan lang, hindi tulad namin na on-time kung kumain. Kapag nagkasakit k, pananagutan ka ba ng kumpanya?" si Farra. Napa-isip ako sa tanong ni Farrah sa akin. Kapag ba magkasakit ako mag-alala ba sa akin si Yeshua? Dadalawin kaya niya ako? Bumalik ang tingin ko kay Farrah saka sumagot. "Ipapagamot ako ng future boyfriend ko." nakangiti kong wika. "Sino? S sir Yeshua? Ayon o nakadikit kay Agatha." wika ni Margaux sabay turo sa dalawa na naglalakad. Madadaan kasi ang office namin ni Yeshua, kung sakaling lalabas o papasok ito. Kaya walang nakakaligtas sa akin kapag may pumunta o bisita si Yeshua. "Hayaan mo siya, sa akin parin ang bagsak niya." sagot ko na puno ng kasiguradohan. Hindi na sila sumagot pa bagkus tinignan lang nila ako na tila gusto nila akong sawayin at sabihan na tama na. Napayuko nalang ako sa sahig habang pilit kinukubli ang sakit at lungkot na nadarama. Naka-tatlong slice lang ako ng pizza saka bumalik na sa office ko na mabigat ang loob habang inaalala ang nangyari one week ago. "Saan na si Desiree, bakit hindi pa tapos itong flyers natin para sa bagong condo? At saan na ang taga-advertising staff para sa ipapagawa nating ads? Ano na?! pasigaw na tanong ni Yeshua sa mga tauhan ko. Lumabas ako ng aking office para kausapin ito ngunit galit na mukha at salita nito ang samalubong sa akin. "What the hell are you doing, Desiree? Nagtatrabaho ka ba? Bakit hanggang ngayon hindi pa tapos ang pinapagawa ko?" singhal nito sa akin. "I'm sorry sir pero pinauna mo po kasing ipagawa ang pagma-matket online at ang pag-recruit ng tao para sa flyers at sa ahente natin." sagot ko sa kanya. "Hindi kaba marunong mag-multitasking?" magkasalubong natanong nito sa akin. "Marunong naman po sir kaso lang kulang lag talaga sa oras." sagot ko sa kanya. "Kulang ka sa oras, pero ang makikpaglampungan sa mga empleyado na lalaki may time ka." singhal nito sa akin. Napatingin ako sa kanya ng diretso na tila iiyak ngunit pinigil ko ang emosyong iyon. "Pasensiya na sir, my mistake." ani ko para matapos na. "The reason why I don't like because... because-hindi na nito tinapos ang iba pang sasabihin nito dahil ang pagtingin nito sa akin ng mula ulo hanggang paa ay sapat na. "Finish the flyers and contact the advertising agency now na para makapagpagawa na tayo." utos nito sa akin saka tumalikod. Nagsilapitan sa akin sina Margaux na tila iiyak. "Miss, I'm sorry. Lagi mo nalang kami sinasalo." ngumiti lang ako. "Gawin niyo na ang utos ni boss para hindi na tayo mapagalitan. Margaux ikaw sa advertising agency. David, ikaw sa mga flyers. At ako na ang bahala magmonitor sa mga dapat natin i-improve."wika ko sa kanila saka pumasok sa office ko. Pagpasok ko sa office ko ay napasandal ako sa hamba ng pinto at hindi ko napigil ang aking mga luha na nag-uunhang tumulo. I remember, he called me s-l-u-t."KUNG hindi lang masama magpalayas ng ama, papalayasin ko na si daddy pati si Yeshua.” wika ko kay Disney at mas lalo itong tumawa. Tinawagan ko na nga kanina si tito Romulus para ipakuha ang anak niya sa bahay. Mabuti naman at naintindihan ako ni tito, pero no’ng una tawa lang nang tawa dahil sa mga kinu-kuwento ko sa kan’yan. Pakiramdam ko para akong batang nagsusumbong kay tito Romulus. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung ganon sila palagi? Mabuti na lang at naawa sa akin si tito Romulus at nagbigay ito nang assurance na pau-uwiin niya si Yeshua. Pagkarinig ko, nagpasalamat pa ako ng paulit-ulit sa matanda. At sa mga oras na iyon, unti-unti akong nakaramdam nang kaginhawaan at looking forward sa katahimikan sa bahay kung sakali. "Kailan daw ba aalis si Yeshua sa bahay niyo?" "Wala daw siyang balak na umalis sa bahay.” sagot ko kay Disney at saka humingi nang malalim. “Naririndi na ako sa kanilang dalawa, Dis. Pakiramdam ko, naglalakad ako sa war zone araw-araw.” Tumawa
ANG lakas ng loob ni Yeshua na maka-mine sa akin sa harap mismo ng ama ko. Ang kapal talaga ng mukha nito. “Anong mine-mine ang pinagsasabi mo, Mr. Ventura? Hindi mapasa iyo ang anak ko. Pagkatapos mo siyang saktan at ipamukha sa kaniya na hindi mo siya mahal? Pagkatapos mong apak-apakan ang pagkatao niya? Pagkatapos mong ipahiya ang anak ko hanggang sa masira ag dignidad niya, sasabihin mo na mapupunta siya sa’yo? Never!” galit na wika ni daddy kay Yeshua. Dahil sa sinabi ni daddy, muli akong nasaktan at muling pinaalaala nito ang naranasan ko sa mg ka-officemate ko. Throwback. “Nandiyan na naman ang malandi. Mag-ingat kayo kaniya, baka isa kayo sa masabunutan niya. Nawawala sa sarili ‘yan kapag nakita niyang lalapit-lapit ka kay sir Yeshua. Galit sa kapwa ‘yan e.” wika ng isa kong katrabaho habang nakatingin sa akin at may ngiting nang-iinsulto. “Bakit, Ma’am, ano po ang mayro’n? At ano po ang ibig ninyong sabihin sa kapwa?” inosente na tanong ng bagong hire na babae kay Melbe
“HAY NAKU!”Kanina pa ako pikon na pikon kay daddy at kay Yeshua, walang araw na hindi sila nagsasagutan. Nakakarindi. Daig pa nila ang mag-jowa na may mga sumpong. May mga daily menstration. “Lord, dasal ko talaga sa araw-araw ay ang magkaroon ng mahabang pasensiya sa dalawang lalaking nandito sa bahay. Ama ko po ang isa at ang isa ay manliligaw. Pareho ko po silang mahal, Lord. Help. Please, Lord, bigyan mo pa po ako nang mahaba-habang pasensiya. Mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel na pasensiya, Lord.” tahimik kong dasal habang nakikinig sa dalawang nagbabangayan. "Mr. Ventura, namimihasa kana yata sa kalalapit sa anak ko." si daddy."Alangan naman tignan ko lang ang mahal ko, Mr. Bonaverde." sagot naman ni Yeshua kay daddy. “Syempre lapitan ko talaga tapos yakapin.” dugtong pa nito. "Ang kapal ng mukha mo, Mr. Ventura. Ipaka-kasal ko siya kay Joseph at hindi sa’yo." si daddy."Wala ka ng magagawa pa, Daddy, umuwi na ako sa bahay niyo.” sagot naman ni Yeshua at tinawag pang daddy
"PERO hindi ko po alam lutuin 'to." si Yeashua. "Uh-uh, bagsak sa akin ang attitude na ‘yan, Mr. Ventura. Magluluto ka o hindi?” tanong ni daddy."Okay. Next menu na muna tayo. Piliin ko nalang ang madali lang, kaya bilisan mo na. Lutong pinoy nalang tayo, waley ka sa lutong Ontario." dagdag pa ni daddy. Nakita ko pa ang pag-irap ni Yeshua kay daddy. ‘Ang cute nilang dalawa tingnan.’"Next menu, please." si daddy ulit."Okay, heto na ang recipe ng kare-kare. Sinearch ko na ‘yan sa internet, baka sabihin mo ulit na unfair ako." nakangising wika ni daddy kay Yeshua. Halatang pinaglalaruan ni Daddy ang lalaki. "I hate bagoong, Mr. Bonaverde." inis na wika ni Yeshua kay daddy. "It's my daughter's favorite dish, Mr. Ventura. Mag-reklamo ka pa, papauwiin na kita sa inyo." banta ni daddy kay Yeshua. "Okay na po. We’ll start na. Please pass me the face mask. Ayoko talaga sa amoy ng bagoong, medyo maarte ako nang kaunti." wika ni Yeshua kay daddy. Dahil pinagti-trip-an niya si Yeshua. Dad
NAPAKISLOT ako ng pilit akong pinapanganga ni Yeshua para subuan ng pancake. "Mahal, open your mouth, please." wika sa akin ni Yeshua habang naka-ipit sa chopsticks ang maliit na hiwa ng pancake. Hindi ko ibinuka ang aking bibig. Ayokong nagmumukha one year old na kailangan subuan. "Mahal, open your mouth, dali na." pamimilit ni Yeshua sa akin."Ayoko. Mr. Ventura, for your information, I am 28 years at hindi one year old. Kaya hindi mo ma ako kailangan subuan.” nakasimangot na wika ko kay Yeshua. Ngunit tumawa lang ito. Mukhang ipipilit talaga ang gusto nito."Nasaan na ang sweetness sa katawan ni, Miss Desiree Bonaverde? Naubos na ba lahat?” nanunudyong wika sa akin ni Yeshua. "Umayos ka kung ayaw mo tawagin ko si daddy." banta ko kay Yeshua. "Umalis si tito Zaldy kanina pa, pumunta ng farm niyo." "Ah. Kaya pala malakas ang loob mo pumasok dito sa kwarto ko. Kasi wala si daddy. Pero puwede ko naman siyang tawagan at pauwiin.” banta ko."Mahal, sorry na. Kung ayaw mo, sige, ikaw
Nakangiti akong natulog kagabi at gumising nang may ngiti pa rin sa mga labi. Nakikita ko kung gaano ka pursigido si Yeshua na hingiin ang kamay ko. Ngunit si Daddy ang kontrabida sa lahat ng gusto ni Yeshua. At tama lang aa kaniya iyon, soya na ang bahala kung paano niya paamuhin ang mga magulang ko. At masaya ako kasi nakikita ko kung paano suya mag-effort. Pero hindi pa rin mawala sa isi ko ang pagdududa. Ngunit habang tumatagal nakikita ko ang dating sarili ko kay Yeshua, hindi pala nakakatuwa ang mga ginagawa ko dati. Kaya pala galit na galit sa akin ang lalaki. Kaya pala iniiwasan ako nito, na kung puwede lang lumipat sa Mars, lumipat na ito kaagad. Hindi ko nga alam kung totoo nga ang mga sinasabi ni Yeshua kay daddy, baka mamaya ay binabawian lang ako nito. Baka sinisira niya lang ang buhay ko, katulad sa mga pinagagawa ko sa kaniya dati. Bigla akong nakaramdam nang lungkot dahil sa mga negatibong naiisip ko. Nagpakawala ako ng sunud-sunod na buntong hininga para gumaan nang
“ANG kapag ng mukha mo mag-desisyon. Ano ang akala mo sa bahay namin, hotel?” "Pasensiya na, Mr. Bonaverde hangga't nandito si Desiree, dito din ako titira sa inyo." sagot ni Yeshua kay daddy. Oo nga, ang kapal nga ng mukha ng lalaking ito. Hindi man lang marunong magtanong o makiusap, diretsong
“ZALDY, ang anak natin.” umiiyak na wika ni mommy kay daddy. Yumakap si mommy kay daddy habang si daddy ay mahigpit na naka-kuyom ang mga kamay."God, bakit mo ginawa ‘yon, Desi? Hindi mo ba alam na sobra-sobra ang takot ko ng makita kitang nakalutang sa tubig? Akala ko mawawala ka na sa akin." umi
“UMALIS ka na, Mr. Ventura.” mahina kong wika. “Bro, please, umalis ka na. Masyado nang magulo.” si Grayton. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ko dala si Desi. Ayokong makasal siya sa’yo.” mariin na wika ni Yeshua sa kaibigan at hinawakang muli ang aking braso. Animo’y takot na takot itong mawala a
HINDI ko alam kung ano ang gustong palabasin ni Yeshua. Hindi ko alam kung ano ang plano niya, siguro ang sirain din ang relasyon namin ni Grayton. Siguro, gumaganti siya ngayon sa mga pinagagawa ko noon. Siguro ayaw niya akong makitang masaya. Siguro mas gusto niyang maging miserable ang buhay ko.







