LOGINSINIKO ko si Grayton sa tagiliran kaya tumingin ito sa akin. Palihim kong ininguso sa kanya si Yeshua na nasa tabi nito at kampanteng nakaupo. Nilingon naman ni Grayton si Yeshua, ngunit bago pa man niya nilingon ang lalaki tinakpan niya muna ang aking bibig na nakanguso gamit ang kan’yang palad.
"Isakandalosa ka talaga." nakangiting wika sa akin ni Grayton habang takip-takip ng palad nito ang aking bibig. "Akala ko, Bro, hindi ka puwede ngayon? Kaya hindi na kita pinilit kanina kasi sabi mo may trabaho ka pa." baling ni Grayton kay Yeshua. "Mahihindian ba kita? Minsan lang tayo nagkikita at isa pa kasal niyo ‘to." sagot naman ni Yeshua sa kaibigan. "O, yeah. Kasal namin ‘to kaya huwag kang mawawala. Ikaw ang isa sa mga bestman ko, Bro. H’wag kang mawawala.” nakangising wika ni Grayton at saka muling tumingin sa brochure. "Oh my god! Oh my god, Gray. Tignan mo ‘to." excited na wika ko kay Grayton sabay hawak sa braso nito. Habang nilalaput ko sa kanya ang brochure. Isang silver wedding ring with green stone na may diamond sa paikot ng ring band. "I love this so much, Gray." wika ko kay Grayton ngunit nahinto iyon ng may ibinulong siya sa akin. "Sabihin mo kay Yeshua ‘yan." bulong sa akin ni Grayton saka ngumiti habang ako ay biglang sumimangot. Tinapunan ko nang mabilis si Yeshua nang bigla na lang itong umubo-ubo sa tabi ni Grayton. 'May lagnat yata ang lalaking to.' sa isip ko. "Gusto ba ni Disney ‘yan?"pabulong na tanong sa akin ni Grayton. Ang lakas din nang tama ng lalaking ito, p’wede naman niyang sabihin sa akin ng maayos may pabulong-bulong pa na nalalaman. Maya-maya ay muki kong narinig ang pag-ubo ni Yeshua. Tumingin ako kay Yeshua saka sinamaan ito ng tingin. "Mr. Ventura, you can leave naman po kung masama po ang pakiramdam ninyo." pormal na pormal kong wika ka kay Yeshua ngunit umiling lang ito. "Are you sure, Bro? Mukhang kanina kapa ubo nang ubo diyan." si Grayton saka tumingin sa akin at kumindat. Napatingin ako kay Grayton, naghihinala. Sinundot ko nang mahina ang tagiliran nito rason para tumingin siya sa akin. Tiningnan ko siya with 'what are you doing look' ngunit hindi ako sinagot ni Grayton. Saka kinuha ang brochure sa akin ipinakita sa babaeng nag-assist sa amin kanina. Bibilhin niya ang nagustuhan kong ring. Actually, hindi ko gusto ang ring na iyon, kundi si Disney. Alam ko ang gusto ng pinsan ko, hindi ko lang maiwasan na mas ma-excite. Pero maganda naman talaga ang singsing. Also, Disney's favorite color is green. Ang gusto kong design is ‘yong may heart shapes diamond sa ring band. "Bro, mas maganda ang isang ito." habol na wika ni Yeshua kay Grayton. "Ito na lang. Ito ang gusto ni Desi, kaya ito ang bibilhin ko." sagot ni Grayton kay Yeshua saka muling kinausap ang babaeng taga-assist. Bumalik sa upuan si Yeshua at ngayon ay nasa tabi ko na siya umupo. "Kapag ako ang ikakasal bibilhin ko sa mapangasawa ko iyong pinakamahal na singsing." dinig kong wika ni Yeshua na naghatid sakit sa aking puso. Nakasimangot at nanunulis ang aking labing nagsalita para salungatin siya. "Sa’yo naman iyon, Mr. Ventura, hindi kay Gray." sagot ko. Tumingin sa akin si Yeshua na seryoso ang mukha. "Pakialam ko kung kasal niya? Sa gusto ko magsalita, e." iritadong sagot ni Yeshua sa akin. "O di ‘wag kang mangialam." sagot ko naman sabay irap. "Kasal nga naaagaw, ‘yon pa kayang naghahanda pa lang." makahulugang wika sa akin ni Yeshua sa akin. "Sa mga taong walanghiya ang pag-uugaling ‘yan. Sabagay wala ka namang hiya, kaya go lang." sagot ko saka tumayo at lumapit kay Gray. "Miss, kailangan within three days or week, mapa-deliver na ‘yan sa bahay." wika ni Grayton sa babae. "We will try, sir." sagot ng babae kay Gray. "Miss, please don't try, do it. Sa Sabado na kasi ang kasal namin." ani ko saka lumingkis sa braso ni Grayton. "Nawala lang kasi ang weeding ring namin kaya naghabol kami ngayon." ani ko sa babae at mas dumikit pa ako kay Grayton para kunwari ay totoo ang sinasabi ko. "Yes, Ma'am, ilalabas ko lang po ang mga papel na pipirmahan po ninyo. Kayo po muna ang i-prioritize namin." sagot sa akin ng babae saka ngumiti. "I-advance ko na ang greetings ko, best wishes po sa inyo." bati sa amin ng babae saka tumalikod. Si Grayton naman ay humalik sa ulo para mas makumbinsi namin ang babae. Ngunit panira si Yeshua. Kukuha na nga lang ng brochure sa gitna pa namin ni Grayton dadaan. At pinag-hiwalay pa talaga kaming dalawa para makadaan siya. Napasunod na lang kami ni Grayton ng tingin sa kanya. Para siyang tanga. "Sorry, Bro. May nakita lang kasi akong maganda kanina, kaya naisipan kung bilhin na lang para sa future wife ko." nakangising wika sa amin ni Yeshua sabay kuha ng brochure at bumalik sa upuan. ‘Siraulo itong h*nayupak na ‘to. Sarap itapon palabas ng shop.’ "Okay lang, Bro. Naiintindihan kita." sagot naman ni Grayton kay Yeshua habang ako ay palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nagkaka-intindihan kuno. ‘Tss. Mga siraulo.’ Lumayo ako kay Grayton at tumingin-tingin sa display, hanggang sa dumako ang mata ko sa isang silver and gold couple ring na wing design. Ang right wing ay sa lalaki at ang left wing ay sa babae. Nakangiting tinawag ko ang isang sales lady para ipakuha sa estante at para matignan ko kong kakasya sa akin ang isa. "Miss, let me see this couple ring with wings design. ‘Yong silver and gold po." ani ko sa babae. Nae-excite akong hawakan at tignan. Nang makuha na ng babae sa estante ay agad niyang iniabot sa akin at agad din namang dinaluhan. "Itong silver para sa akin at itong gold para sa jowa ko." nakangisi kong wika sa babae. "Ay naku, si ma'am in love." nanunuksong wika sa akin ng babae. "Slight." sagot ko naman na may malaking ngiti sa labi. "Magkano po ito, miss?" tanong ko. "Ahm, one hundred fifty thousand and two hundred ten pesos po ma'am." sagot sa akin ng babae. "Bibilhin ko ‘to." mabilis kong sagot saka hinanap ang bag ko. Ngunit wala akong makitang bag. Lumapit ako kay Grayton saka nagtanong. "Gray, did you see my bag? Nawawala ang bag ko kailangan kung magbayad ng binili ko." ingos kong wika kay Grayton. "Parang wala ka namang bag na dala kanina, Kamahalan." sagot sa akin ni Grayton. "What? Paano ko ‘to mababayaran? Gustong-gusto ko pa naman ‘to." wika ko kay Grayton at hindi ko maiwasang hindi mapapadyad ng paa. Tumawa ng mahina si Grayton dahil sa inasta ko. "Use this." wika sa akin ni Grayton sabay abot ng kan’yang gold card. Ako naman ay napangiti ng malaki sabay abot ng gold card ni Grayton saka bumalik sa babae. Ngunit paglingon ko ay nando’n na si Yeshua at kinakausap ang babae. 'Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito dito?' inis kong tinignan Yeshua saka binalingan ang babae. "Here's the card, Miss." wika ko sabay abot ng gold card ni Grayton. "Ma'am, bayad na po ni sir." sagot sa akin ng babae sabay abot ng black card kay Yeshua at inabot naman iyon ni Yeshua saka umalis at dire-diretsong lumabas ng shop. "What?" Bakit mo ponabayaran sa kanya?" gulat kong tanong sa babae. "Sabi po kasi ni sir, regalo niya daw po sa inyo." sagot naman sa akin ng sales lady. "At siya nga po pala ma'am, sa makalawa ko pa po ito ipa-deliver sa inyo, may kaunting aayusin lang po sa singsing." "Bakit may sira ba ‘yan? Mukhang wala naman. Hindi naman kayo nagdi-display ng defective diba?" tanong ko. "Hindi po, Ma'am. Nangyayari lang po iyon kapag may pinabago or ipapadagdag po ang bumili." paliwanag sa akin ng babae. "Iapapabago or ipapadagdag? E, perfect na para sa akin ang singsing." gulat kong wika sa babae. "’Yon po kasi ang request ni sir, ma'am." sagot sa akin ng babae. "Okay, po. Thank you." tanging nasabi ko nalang saka nakabusangot na umupo sa upuan."KUNG hindi lang masama magpalayas ng ama, papalayasin ko na si daddy pati si Yeshua.” wika ko kay Disney at mas lalo itong tumawa. Tinawagan ko na nga kanina si tito Romulus para ipakuha ang anak niya sa bahay. Mabuti naman at naintindihan ako ni tito, pero no’ng una tawa lang nang tawa dahil sa mga kinu-kuwento ko sa kan’yan. Pakiramdam ko para akong batang nagsusumbong kay tito Romulus. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung ganon sila palagi? Mabuti na lang at naawa sa akin si tito Romulus at nagbigay ito nang assurance na pau-uwiin niya si Yeshua. Pagkarinig ko, nagpasalamat pa ako ng paulit-ulit sa matanda. At sa mga oras na iyon, unti-unti akong nakaramdam nang kaginhawaan at looking forward sa katahimikan sa bahay kung sakali. "Kailan daw ba aalis si Yeshua sa bahay niyo?" "Wala daw siyang balak na umalis sa bahay.” sagot ko kay Disney at saka humingi nang malalim. “Naririndi na ako sa kanilang dalawa, Dis. Pakiramdam ko, naglalakad ako sa war zone araw-araw.” Tumawa
ANG lakas ng loob ni Yeshua na maka-mine sa akin sa harap mismo ng ama ko. Ang kapal talaga ng mukha nito. “Anong mine-mine ang pinagsasabi mo, Mr. Ventura? Hindi mapasa iyo ang anak ko. Pagkatapos mo siyang saktan at ipamukha sa kaniya na hindi mo siya mahal? Pagkatapos mong apak-apakan ang pagkatao niya? Pagkatapos mong ipahiya ang anak ko hanggang sa masira ag dignidad niya, sasabihin mo na mapupunta siya sa’yo? Never!” galit na wika ni daddy kay Yeshua. Dahil sa sinabi ni daddy, muli akong nasaktan at muling pinaalaala nito ang naranasan ko sa mg ka-officemate ko. Throwback. “Nandiyan na naman ang malandi. Mag-ingat kayo kaniya, baka isa kayo sa masabunutan niya. Nawawala sa sarili ‘yan kapag nakita niyang lalapit-lapit ka kay sir Yeshua. Galit sa kapwa ‘yan e.” wika ng isa kong katrabaho habang nakatingin sa akin at may ngiting nang-iinsulto. “Bakit, Ma’am, ano po ang mayro’n? At ano po ang ibig ninyong sabihin sa kapwa?” inosente na tanong ng bagong hire na babae kay Melbe
“HAY NAKU!”Kanina pa ako pikon na pikon kay daddy at kay Yeshua, walang araw na hindi sila nagsasagutan. Nakakarindi. Daig pa nila ang mag-jowa na may mga sumpong. May mga daily menstration. “Lord, dasal ko talaga sa araw-araw ay ang magkaroon ng mahabang pasensiya sa dalawang lalaking nandito sa bahay. Ama ko po ang isa at ang isa ay manliligaw. Pareho ko po silang mahal, Lord. Help. Please, Lord, bigyan mo pa po ako nang mahaba-habang pasensiya. Mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel na pasensiya, Lord.” tahimik kong dasal habang nakikinig sa dalawang nagbabangayan. "Mr. Ventura, namimihasa kana yata sa kalalapit sa anak ko." si daddy."Alangan naman tignan ko lang ang mahal ko, Mr. Bonaverde." sagot naman ni Yeshua kay daddy. “Syempre lapitan ko talaga tapos yakapin.” dugtong pa nito. "Ang kapal ng mukha mo, Mr. Ventura. Ipaka-kasal ko siya kay Joseph at hindi sa’yo." si daddy."Wala ka ng magagawa pa, Daddy, umuwi na ako sa bahay niyo.” sagot naman ni Yeshua at tinawag pang daddy
"PERO hindi ko po alam lutuin 'to." si Yeashua. "Uh-uh, bagsak sa akin ang attitude na ‘yan, Mr. Ventura. Magluluto ka o hindi?” tanong ni daddy."Okay. Next menu na muna tayo. Piliin ko nalang ang madali lang, kaya bilisan mo na. Lutong pinoy nalang tayo, waley ka sa lutong Ontario." dagdag pa ni daddy. Nakita ko pa ang pag-irap ni Yeshua kay daddy. ‘Ang cute nilang dalawa tingnan.’"Next menu, please." si daddy ulit."Okay, heto na ang recipe ng kare-kare. Sinearch ko na ‘yan sa internet, baka sabihin mo ulit na unfair ako." nakangising wika ni daddy kay Yeshua. Halatang pinaglalaruan ni Daddy ang lalaki. "I hate bagoong, Mr. Bonaverde." inis na wika ni Yeshua kay daddy. "It's my daughter's favorite dish, Mr. Ventura. Mag-reklamo ka pa, papauwiin na kita sa inyo." banta ni daddy kay Yeshua. "Okay na po. We’ll start na. Please pass me the face mask. Ayoko talaga sa amoy ng bagoong, medyo maarte ako nang kaunti." wika ni Yeshua kay daddy. Dahil pinagti-trip-an niya si Yeshua. Dad
NAPAKISLOT ako ng pilit akong pinapanganga ni Yeshua para subuan ng pancake. "Mahal, open your mouth, please." wika sa akin ni Yeshua habang naka-ipit sa chopsticks ang maliit na hiwa ng pancake. Hindi ko ibinuka ang aking bibig. Ayokong nagmumukha one year old na kailangan subuan. "Mahal, open your mouth, dali na." pamimilit ni Yeshua sa akin."Ayoko. Mr. Ventura, for your information, I am 28 years at hindi one year old. Kaya hindi mo ma ako kailangan subuan.” nakasimangot na wika ko kay Yeshua. Ngunit tumawa lang ito. Mukhang ipipilit talaga ang gusto nito."Nasaan na ang sweetness sa katawan ni, Miss Desiree Bonaverde? Naubos na ba lahat?” nanunudyong wika sa akin ni Yeshua. "Umayos ka kung ayaw mo tawagin ko si daddy." banta ko kay Yeshua. "Umalis si tito Zaldy kanina pa, pumunta ng farm niyo." "Ah. Kaya pala malakas ang loob mo pumasok dito sa kwarto ko. Kasi wala si daddy. Pero puwede ko naman siyang tawagan at pauwiin.” banta ko."Mahal, sorry na. Kung ayaw mo, sige, ikaw
Nakangiti akong natulog kagabi at gumising nang may ngiti pa rin sa mga labi. Nakikita ko kung gaano ka pursigido si Yeshua na hingiin ang kamay ko. Ngunit si Daddy ang kontrabida sa lahat ng gusto ni Yeshua. At tama lang aa kaniya iyon, soya na ang bahala kung paano niya paamuhin ang mga magulang ko. At masaya ako kasi nakikita ko kung paano suya mag-effort. Pero hindi pa rin mawala sa isi ko ang pagdududa. Ngunit habang tumatagal nakikita ko ang dating sarili ko kay Yeshua, hindi pala nakakatuwa ang mga ginagawa ko dati. Kaya pala galit na galit sa akin ang lalaki. Kaya pala iniiwasan ako nito, na kung puwede lang lumipat sa Mars, lumipat na ito kaagad. Hindi ko nga alam kung totoo nga ang mga sinasabi ni Yeshua kay daddy, baka mamaya ay binabawian lang ako nito. Baka sinisira niya lang ang buhay ko, katulad sa mga pinagagawa ko sa kaniya dati. Bigla akong nakaramdam nang lungkot dahil sa mga negatibong naiisip ko. Nagpakawala ako ng sunud-sunod na buntong hininga para gumaan nang
“ZALDY, ang anak natin.” umiiyak na wika ni mommy kay daddy. Yumakap si mommy kay daddy habang si daddy ay mahigpit na naka-kuyom ang mga kamay."God, bakit mo ginawa ‘yon, Desi? Hindi mo ba alam na sobra-sobra ang takot ko ng makita kitang nakalutang sa tubig? Akala ko mawawala ka na sa akin." umi
“UMALIS ka na, Mr. Ventura.” mahina kong wika. “Bro, please, umalis ka na. Masyado nang magulo.” si Grayton. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ko dala si Desi. Ayokong makasal siya sa’yo.” mariin na wika ni Yeshua sa kaibigan at hinawakang muli ang aking braso. Animo’y takot na takot itong mawala a
HINDI ko alam kung ano ang gustong palabasin ni Yeshua. Hindi ko alam kung ano ang plano niya, siguro ang sirain din ang relasyon namin ni Grayton. Siguro, gumaganti siya ngayon sa mga pinagagawa ko noon. Siguro ayaw niya akong makitang masaya. Siguro mas gusto niyang maging miserable ang buhay ko.
HALOS natuod ako sa kinatatayuan ko, nang bigla na lang magmulat ng mata si Yeshua. Baka kasi makilala ako at makatikim na naman ng hindi magandang salita mula rito. Ngunit mas lalo akong natuod ng marinig ko ang sinambit nito. "Mahal kita." Napakurap ako ng ilang beses at tinutok ang mga mata ka





![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

