LOGINGaya ng pangako ni Easton, hindi ko kailangan kabahan. Pagtapak pa lang namin sa loob ng maliit ngunit napakalinis nilang tahanan, isang mainit na yakap agad ang isinalubong sa amin ng kaniyang ina. Walang sinuman sa kanilang mag asawa ang nanghusga sa aking itsura ngayon. Kitang-kita sa mga mata ng kaniyang pamilya ang purong pasasalamat dahil sa wakas ay kasama na nila ang anak na matagal na nawalay sa kanila.Sobrang gaan lang ng aming pag uusap na para bang matagal na namin sila nakakasama. Napagkaalaman ko na ang pangalan ng kaniyang tunay na magulang ay sila Tatay Eduardo at Nanay Melie, hindi na sila nag anak pa ulit dala ng kahirapan sa buhay. Namumuhay sila sa paglilinis ng mga bote na ginagawang lalagyanan ng suka. Sa kabila ng mabigat na trabahong ito na bakas sa magagaspang at may mga hiwa nilang palad, walang bakas ng pait sa kanilang mga mukha.“Ang sabi ko nga dito sa asawa ko ay lalaking g’wapo at matalino itong anak namin na mana sa ‘kin!” Turan ni Nanay Melie, sabay
"Where are we?” tanong ko nang mapansin ko nasa isang liblib na lugar kami.Pinasadahan ko ng tingin ang labas ng bintana. Wala na ang nagtataasang mga gusali ng Maynila at ang trapik na madalas naming nasasalubong tuwing ganitong oras ay napalitan na ng mga naglalakihang puno at madilim at medyo matitirik na daan.Lumingon sa akin si Easton. Seryoso ang kaniyang mukha, ngunit may bakas ng labis na pananabik at malalim na emosyon sa kaniyang mga mata habang dahan-dahang itinigil ang kotse sa tapat ng isang simpleng gate ng isang tahimik na bahay.“Somewhere where you’ll fully get to know me,” makahulugan niyang tugon sabay patay sa makina ng sasakyan.Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nalilito ako sa kaniyang sinabi. Hindi na lang niya kasi sinabi ng direkta para hindi na nag-iisip pa ang pagod kong utak. Itong si Easton, iba rin mag isip ‘e.Doon pa lang dahan-dahang nag-sink in sa akin ang lahat. Ang pagkalito ko ay napalitan ng isang malaking realization. Tum
"Time is up! Pass your papers to the front," deklara ng proctor.Isang sabay-sabay na malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng buong silid. Kasabay ng pagtayo ko mula sa upuan ay ang pakiramdam na tila may malaking tinik na nabunot sa dibdib ko. Sa wakas. Tapos na ang board exam. Tapos na ang tatlong buwang paghihirap.Pagkalabas ko pa lang ng testing room, agad kong nakasubong sa hallway sina Trisha, Krisha, at Drake. Halata sa mga mukha namin ang matinding puyat at pagod, pero mabilis iyong napalitan ng malalaking ngiti nang magkaabot-abot ang mga tingin namin."Anak ng tokwa, natapos din natin!" ‘Di mapigilan na ekspresyon ni Trisha habang nag iinat ng katawan. “Mukhang kailangan kong dumaan ng simbahan mamaya at iaalay ko na lang kay Lord ‘yong mga ibang questions na hindi ko na nasagutan.”Sa totoo lang, kahit ako ay hindi sigurado sa mga sagot ko. Natapos ko naman lahat pero parang inihula ko na lang ang natitirang kalahati dahil sa lutang kong utak.“Kaninang Psych Assessm
Dapat ay nagpapahinga na ako. Pero heto ako, nakatitig sa kisame ng kwarto ko at hindi man lang dalawin ng antok. Gustong-gusto kong pukpukin ang ulo ko sa pader para lang tumigil ang utak ko sa pagtakbo, dahil sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ko ay lalo ko lang nakakalimutan ang lahat ng inaral ko.Bukas na bukas ay mag sisimula na ang board exam na tatlong buwan kong pinaghandaan. Tatlong buwan ng puyat, iyak, at halos mabaliw na utak, lahat iyon ay nakasalalay sa kung ano ang isasagot ko bukas.Tatlong buwan na rin nang huli kong makasama si Easton nang personal. Sa mga sandaling gumuho ang sistema ko sa takot, ang yakap at presensya lang niya ang tanging nakakapagpatahimik sa akin. Gustong-gusto ko siyang makasama ngayon. Sana ay katabi ko siya. Sana ay narito siya para hawakan ang kamay ko, dahil alam kong sa isang haplos at bulong lang niya ay biglang mawawala ang lahat ng kabang unti-unting pumapatay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at sinilip ang oras sa screen.
Matapos ang gabing iyon sa dalampasigan, mabilis na lumipas ang mga araw na parang ipo-ipo. Umalis si Easton patungong Batangas at naiwan naman ako upang harapin ang sunod na laban ng buhay ko—ang board exam.Gusto kong patunayan sa lahat na hindi ako nagkamali sa pagpili kay Easton, at higit sa lahat, gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.“Ano ulit ang pagkakaiba ng Classical at Operant Conditioning, baby?”Napaangat ang tingin ko mula sa makapal na reviewer sheet nang marinig ko ang baritono at medyo paos na boses ni Easton mula sa screen ng laptop ko. Alas-tres na ng madaling araw. Ganito na ang naging set–up namin simula noong nag aaral ako. Ngayon ko lang naisipang mag puyat dahil ilang araw na lang ay mag-e-exam na ako.“Ang Classical ay automatic ang response sa stimulator, Easton. Parang kung paano bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakikita kita,” pilyo kong sagot, pilit na nilalabanan ang matinding antok.Narinig ko ang mahinang taw
Matapos iabot ni Drake ang bouquet ng mga bulaklak, napuno ng init ang puso ko. Ngunit bago pa ako makahakbang patungo sa lamesa para yakapin silang tatlo, naramdaman ko ang sabay-sabay na pag-atras ng aking mga kaibigan. Ang kanilang mga ngiti ay napalitan ng makahulugang mga tingin, at ang kanilang mga mata ay natuon sa lalaking nasa likuran ko. Lumingon ako kay Easton, nagtataka sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin.Doon ko napansin ang unti-unting pagluhod niya sa isang tuhod sa harap ko, sa ibabaw ng malambot na buhangin.Awtomatikong napaawang ang aking mga labi. Seryoso ba siya? Totoo ba itong nakikita ko ngayon?! Pinanood ko siya habang nilalabas niya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon ang isang maliit na kahon. Nang bumukas iyon, tila huminto ang mundo ko. Doon, sa ilalim ng isinasayaw ng hanging gabi na mga fairy lights, kumikinang ang isang napakagandang dyamanteng singsing.“E-eloisa…” nangangatog na panimula ni Easton. Kahit minsan ay hindi ko naisip na maaari palang k
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa restaurant na sinasabi nila Mama. Panay ang haplos ni Easton sa hita ko habang nasa byahe. Pinipilit pa nga ni Easton na pinapalitan niya ng heavy tint ang kaniyang kotse kaya walang makakakita ng nangyayari sa loob. Pero ayoko masira ang ayos ko kaya mas pinil
Tapos na ang klase ko ngayon kaya umuwi ako agad dahil may pupuntahan kaming family dinner malapit sa kumpanya namin. Parang ayaw ko nga pumunta dahil masama ang kutob ko pero hindi pwede dahil magtatampo si Mama kung sakali.Iniisip ko kasi kung hindi ako tumuloy, baka hindi na rin pumunta si East
Balik eskwela na kami kaya hindi ako mapakali habang tinitignan si Drake sa aking tabi. Panay ang tingin ko sa kaniya kaya paminsan minsan ay nagtatama ang tingin namin. At mas lalong nagagalit ang professor namin sa harap.“I would appreciate it if you keep your eyes on the board. Hindi ko na uul
“Pwedeng-pwede naman, Eloisa. Pwedeng-pwede rin kitang pakasalan ngayon din.”Kiniliti ako no’ng dalawa sa tagiliran kaya para akong uod na binuhusan ng asin dahil malakas ang kiliti ko.“Hoy, anuba!” Pilit kong umiwas sa dalawa kahit pa nanghihina na ang katawan ko. Tawa ako ng tawa hanggang sa ma







