Share

CHAPTER 4

Author: GennWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-16 20:52:56

"SHIT! What the fuck?!" mariing mura ni Ren sabay habol dito. "Hey! Come back here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minaniobra paalis sa parking lot.

Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga dahil alas-dos na ng madaling-araw noon. Maraming nagkalat na masasamang tao sa kalye. Delikado para rito ang mag-isa lalo pa't ganoon ang suot nito. Madali itong makatawag ng pansin.

Pinaharurot niya ang sasakyan at tinahak ang daan kung saan nagtungo ang babae. Habang nagmamaneho ay sinusuyod niya ang bawat sulok ng kalsada subalit nakapagtatakang hindi niya makita ito.

'Shit! Where are you, bitch? Kapag nakita kita, makakatikim ka sa akin!'

Hanggang sa mapadaan siya sa isang grupo ng mga kabataan na tila may pinagkakaguluhan. Inatake agad siya ng kaba nang maisip na baka ang babaeng hinahanap niya iyon. Mabilis na inihinto ni Ren ang kotse at saka kaagad na bumaba roon.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin at nakaramdam ng matinding galit nang makitang ito nga ang babaeng hinahanap niya. Umiiyak ito habang pinagpapasa-pasahan ng mga kabataan. Punit-punit na rin ang kapirasong damit nito, dahilan para halos hubad na ito ng mga sandaling iyon.

"Hoy! Pulis ako! Itigil n'yo 'yan!" malakas niyang sigaw sa mga ito na sa tantiya niya ay may sampung kabataan na pawang mga lalaki. Patakbo siyang lumapit sa mga ito dahilan para magpulasan at magtakbuhan ang mga ito palayo.

Mabilis naman niyang sinaklolohan si Kiarah na noon ay humahagulhol sa pag-iyak. "Are you okay? Bakit ka ba kasi tumakbo? Wala naman akong balak na masama sa'yo! Mukha ba akong rapist, ha?!" galit niyang sermon sa umiiyak na babae.

Pinangko ito ni Ren gamit ang dalawang bisig saka mabilis na isinakay sa kotse. Matapos ay pinaharurot na niya ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Samantalang walang tigil naman ang pag-iyak ni Kiarah habang nasa biyahe. Mistula na nga itong bata kaiiyak at nagpupunas ng naghalong sipon at luha. Wala naman siyang magawa kundi sulyapan lang ito habang nagmamaneho.

Isa pa, dumagdag rin sa problema niya nang mga sandaling iyon ang pagiging active ng kanyang si Polaris. Paano ba naman kasi, nakalantad sa kanyang harapan ang halos hubad na katawan ng babae. Pati na rin ang hita at tayong-tayong dibdib nito dahil halos punit na ang hapit na bistidang suot ng babae.

'Oh, please! 'Wag ngayon, Polaris! 'Di kita mapagbibigyan. Off limits ang isang 'yan! lihim niyang saway sa nagwawalang alaga.

---

"STOP crying, okay? Naririndi na ako sa kaiiyak mo. Here, drink this."

Pinunasan ni Kiarah ang mga luha sa mata at saka pinigilan ang sarili na muling maiyak pa. Pagkatapos ay inabot niya ang baso na may lamang tubig.

"S-salamat po, Sir," aniyang hindi mapigilan ang panginginig ng boses. Mabilis niyang ininom ang tubig hanggang sa masaid iyon, saka niya muling inilapag sa babasaging mesa.

"Calm down, okay? Safe ka na. Wala na 'yong mga lalaki. For the meantime, dinala muna kita sa condo ko. 'Di ko kasi alam kung saan ka dadalhin. Is it okay with you?" tanong pa ng estrangherong lalaki saka naupo sa tapat niya.

Napayuko si Kiarah nang mapansing nakakunot-noo ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. Marahil ay iniisip nitong nag-iinarte pa siya gayong nagmamagandang-loob lamang ito. Subalit ayaw din niyang lubusang magtiwala agad. Lalo pa't ganoon ang dinanas niya sa Maynila.

Aaminin niyang nagkaroon siya ng trauma pagkatapos ng mga nangyari kaya nga hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya. Muling nangilid ang kaniyang mga luha nang muling magbalik sa kanyang balintataw ang mapait na dinanas ngunit agad rin niyang pinigil iyon.

'Wag ka nang umiiyak, Kiarah. Baka lalong mainis sa'yo ang lalaking 'yan at palayasin ka nang wala sa oras,' lihim niyang pang-aalo sa sarili.

Subalit sa kabilang banda, may parte rin naman sa pagkatao niya ang naniniwalang may mabuti itong puso. Patunay na lamang ang dalawang beses nitong pagsagip sa kan'ya.

"Look, I understand kung wala ka pang tiwala sa akin, pero hindi ako masamang tao," pangungumbinsi pa ni Ren.

Hindi naman sumagot si Kiarah at nakayuko lamang habang nakatingin sa magkadaop na palad.

"Listen, if you don't believe me, let me introduce myself. I'm Ren Akihara. Isa akong undercover agent. 'Yon din ang dahilan kung bakit nasa Velvet Mirage ako. Here, this is my identification card," wika pa nito sabay lapag ng ID sa harap niya.

Nag-angat si Kiarah ng tingin sa lalaki at dinampot ang ID nito. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang mabasa ang nakasulat doon. At nang lubos niyang maunawaan ay napangiti siya at nakaramdam ng pag-asa.

"I-ibig sabihin, pulis po k-kayo?" maang na tanong ni Kiarah rito. Hindi rin niya maitago ang matinding paghanga sa kanyang mukha.

'Sabi ko na nga ba, mabuti siyang tao...'

"Parang ganoon nga," tugon nito. "So, naniniwala ka na?"

Hindi na nagdalawang-isip pa si Kiarah. Mabilis siyang tumango sa lalaki. "Opo, Sir. Isa pa, utang ko po ang buhay ko sa inyo. Kung hindi dahil sa pagsagip ninyo, baka naroon pa rin ako sa club na iyon. Maraming salamat po, Sir."

Nakita niyang tila nabunutan ng tinik ang lalaki at saka tumayo na at nakapamulsang tumingin sa kan'ya. "You don't have to mention it, kasama 'yon sa trabaho ko. So for now, you need to clean yourself. Kailangan mong maligo at magpalit ng damit. Pero wala akong maipapahiram na damit-pambabae kaya pagtiyagaan mo muna 'yong t-shirt ko. Wala naman kasi akong kasamang babae rito, mag-isa lang ako. I'll buy you clothes tomorrow. Ayos lang ba 'yon sa'yo?"

'Mag-isa? Ibig sabihin wala siyang asawa o kahit nobya. Bakit kaya? Gwapo naman si Sir,' wika niya sa isipan habang pinagmamasdan ang lalaki.

"O-opo," sagot ni Kiarah.

"Good."

Mabilis na tumalikod si Ren at nagtungo sa kung saan. Naiwan naman si Kiarah inililibot ang tingin sa unit ng lalaki. Malaki iyon at malinis. Kompleto rin sa mga kagamitan. Ang ilan pa ay pawang mga makabago na hindi niya alam kung para saan o kung paano gamitin. Napansin din niya ang malaki at manipis na telebisyon na nakalapat sa dingding, na ayon sa kaniyang mga narinig ay flat screen ang tawag.

Mayroon pang kung anu-ano ang mga naroon subalit hindi alam ni Kiarah kung para saan. Wala naman kasi sila ng mga ganoon sa probinsya. Ni wala silang telebisyon at tanging de-bateryang radyo lamang ang kanilang ginagamit sa pakikinig ng balita at maging sa pakikinig ng drama.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Kiarah nang bumalik ang lalaki na may dalang kung ano. Inilapag nito iyon sa harapan niya. Napansin niya ring nagpalit na ng damit ang lalaki at nakapambahay na lamang ito. Isang kulay asul na t-shirt at shorts na kulay puti ang suot nito.

Aaminin niyang para sa kaniya ay magandang lalaki ito. Matangkad kasi ito at may maskuladong katawan. Bukod pa roon, maputi at makinis rin ang balat nito. Nahihiya nga siya dahil mas mukhang pambabae ang kulay nito kaysa sa kaniya. Siya kasi ay morena lamang.

Maganda rin ang mga singkit na mata ng lalaki na pinarisan pa ng perpektong hugis ng ilong at manipis na labi. Kung hindi nga lamang sinabi ng lalaki na undercover agent ito, mapagkakamalan niyang pagmomodelo ang ikinabubuhay nito.

"Here are my clothes. I'm sorry, I don't have undies. Sabi ko naman sa'yo, mag-isa lang ako, kaya kung ayos lang sa'yo, pagtiyagaan mo na muna 'yang boxer shorts ko," ani Ren saka inabot ang mga gamit sa babae.

Ramdam ni Kiarah ang pag-iinit ng pisngi dahil sa tinuran nito. Hindi niya akalain na aabot siya sa puntong manghihiram siya ng salawal sa isang lalaki na hindi naman niya kaano-ano. Hindi nga siya mahilig makipaghuntahan sa mga kalalakihan sa lugar nila, manghiram pa kaya ng salawal?

"But don't worry, it's new. 'Di ko pa nagagamit, pati ang t-shirt, toothbrush, at towel, bago lahat," dagdag pa ni Ren na tila wala lamang ang sinasabi, samantalang si Kiarah ay halos mamatay na sa hiya.

"S-salamat po, Sir," nahihiyang saad ni Kiaraha

"D'on ang banyo. Dalian mo at magluluto ako ng food," utos nito na iminuwestra ang daan kung nasaan ang banyo.

Tumango naman siya at mabilis na tumalima, kipkip ang mga gamit na ibinigay nito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 27

    Napatango-tango si Ren pagkatapos pasadahan ng tingin ang bagong gawa niyang identity na gagamitin niya sa bagong misyon. Gumawa rin siya ng pekeng account sa ilang social media sites upang suportahan ang fake identity niya. Sa bago niyang identity, siya si Raymond Valdez, twenty-three years old, at isang freelance model at singer. Siyempre pa, kalakip ng pangalang iyon ang mga identification card at driver's license upang maging kapani-paniwala. Nag-unat muna ng mga braso si Ren dahil pakiramdam niya ay nangalay siya sa matagal na pagtitipa sa laptop. Isinandal rin niya ang likod sa kinauupuang office chair. Matapos niyon ay binalingan niya ang wall clock na nasa harapan lamang niya. 4:30 PM. Napangiti siya nang makita ang oras. Thirty minutes na lang kasi at matatapos na ang trabaho niya. Hindi kasi niya malaman kung bakit pakiramdam niya ay napagod siya nang husto nang araw na iyon na kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa maghapon kundi umupo lang at humarap sa laptop

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 26

    "TELL ME your reason, kups, kung bakit mo kinupkop si Kiara Mendoza?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Ren Akihara ang kaibigan."Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa niyang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Damon Reyes sa kaniya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito."Ayon sa report, labing-anim na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, pero labinlima lang ang na-rescue. Ang babaeng nagngangalang Kiara Mendoza ay nawawala. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae... which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah?Bumuntong-hininga si Ren saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin sa kaibigan."Tinulungan ko siya noong gabing 'yon dahil siya ang bina-bid ng mga hayop na naroon. I saw the fear in her eyes, bro, at hindi ko kayang manood lang habang may inosenteng nangangailangan ng tulong ko.""I got your point, bro, pero alam mo ang batas. Hindi mo dapat siya kinupkop

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 25

    "Mayroon akong stage 4 cancer, Kiarah. Huli na nang ma-diagnose dahil hindi nagpakita ng anumang sintomas ang sakit ko. At may... may anim na buwan na lamang ako para... para mabuhay."Natigilan si Kiarah sa mga narinig.Ilang sandali rin siyang nakatingin lamang kay Alvin at hindi nagsasalita.Hindi kasi niya maiproseso sa isip ang sinabi ng matalik niyang kaibigan."H-Hindi! Hindi ako naniniwala sa'yo, Alvin! Huwag mo akong biruin!" maya-maya ay galit niyang sigaw rito habang panay ang pag-iling.Isa-isa na ring naglaglagan ang mga luha niya habang nakatunghay sa malungkot na mukha ng kaibigan.Ramdam rin ni Kiarah ang pagkirot ng dibdib na tila ba tinutusok ng libo-libong karayom—walang kasinsakit."Kung sana'y panaginip lang ang lahat, Kiarah. Matagal ko nang ninais na magising sa bangungot na ito..."NANG araw na malaman ni Kiarah ang tungkol sa kalagayan ng kaibigan, buong magdamag siyang umiiyak na labis namang ipinagtaka ng kanyang Nanay.Subalit sinabi na lamang niya na masay

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 24

    "TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiarah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang mister saka hinaplos siya sa buhok."'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dito na lamang manatili at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula noong mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiarah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon."Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito.Subalit maya-maya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Alvin sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiarah ang masuyong tingin ni Alvin subalit agad din siyang nagbaba ng tingin nang makaramdam ng konsensya dahil sa desisyon niyang lumuwas muli sa Maynila."Pero paano ka, mahal

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 23

    MAHIGIT isang linggo na nang pinayagan ni Ren Akihara na umuwi sa probinsiya si Kiarah. Pero ang ipinagtataka niya, hindi pa rin ito bumabalik. Ni tawag at text ay wala siyang natatanggap mula sa babae. Babalik pa kaya siya? Kung hindi na, sana man lang magsabi siya, isip-isip ni Ren habang nakatingin sa numero ni Kiarah na naka-save sa kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan niya ito o hindi. Sa katunayan, hindi malaman ni Ren kung bakit may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang hindi mapalagay dahil hindi niya kasama ang babae. Pero sa palagay niya, dahil iyon sa halos isang buwan nilang magkasama ay nasanay na siya sa presensya nito. Sigurado rin siyang hindi iyon dahil sa perang naitulong niya rito. Maliit lang naman kasi ang halaga noon. Sa katunayan, totoo ang sinabi ni Melody na ayaw niyang may kasama sa condo unit. Ayaw kasi niya ng may istorbo kapag may importante siyang ginagawa, o kaya naman ay may sagabal kapag nag-uuwi siya ng m

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 22

    "MALIGAYANG bati sa inyo, Alvin at Kiarah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Alvin para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa." "Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Alvin sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kaniya ng ngiti si Kiarah—isang napakagandang ngiti—saka kumawit sa kaniyang braso nang may paglalambing. "O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak. "Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Alvin. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiarah sa ina. Tumango naman ito saka lumabas sa kanilang silid. Naroon sila sa kanilang bahay dahil doon nila napagdesisyunan ni Alvin na isagawa ang pagti

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 5

    NAHINTO si Ren sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiarah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversized t-shirt niya kaya nagmistulang duster iyon para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman i

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 3

    "M-MAMITA, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiarah Mendoza sa matandang babae na kanilang floor manager.Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib nito. Halos lumitaw na kasi

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 2

    Tuluyan naman siyang binato ng kaibigan ng ballpen na sinapol siya sa ulo. "Aray naman? Mahal 'yang ballpen ko. Parker 'yan!" reklamo pa niyang kakamot-kamot sa ulong tinamaan, bagaman nakangisi. "Puro ka kasi kalokohan," anitong umiling-iling pa. "Hindi bale nang walang sex life, ayaw kong ma

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 1

    NAPANGISI si Ren Akihara nang marinig ang halinghing ni Chloe, kaya naman mas lalo niyang ginalingan ang pagsisip sa pagkababae nito. Nakahawak pa siya sa magkabilang hita ng babae habang walang tigil sa pagpapaulan ng laway sa korona ng dalaga. "Damn! You're makin' me crazy, baby... Ugh! Damn it

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status