Mag-log in"M-MAMITA, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiarah Mendoza sa matandang babae na kanilang floor manager.
Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib nito. Halos lumitaw na kasi ang kalahati ng dibdib niya dahil doon. Inirapan siya ng tinawag niyang Mamu at saka masamang-mukhang pinasadahan siya ng tingin. "Alam mo, Kiarah, ke bago-bago mo pa lang, napakarami mo nang reklamo! Sayang ang ganda mo, hija, kung magsusuot ka ng parang damit pa 'ata ng lola mo!" mataray nitong sabi habang panay ang paypay sa sarili. Napayuko naman si Kiarah dahil sa matinding hiya. Kasalukuyan silang nasa dressing room kasama ang mga katrabaho niya na pawang nag-aayos din. "Gusto mo ng trabaho, 'di ba?" Tumango naman si Kiarah. "Pwes, magtiis ka! Sundin mo ang lahat ng ipinagagawa ko sa 'yo! 'Wag kang boba! Kung ayaw mong ibartolina ulit!" sigaw nito na mukhang naubusan na ng pasensya sa kaniya. Napapahiyang napatango na lamang si Kiarah. "O-opo, M-Mamita," utal niyang turan habang pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga mata. 'Nay, ayaw ko na po dito. Gusto ko na pong umuwi...' "Sige na! Mag-ayos ka na at mayamaya ay ipapakilala na namin kayong mga baguhan sa mga parokyano!" sigaw pa nito. Ninenerbiyos namang tumango si Kiarah sa babae. "Angelica, ikaw na'ng bahala sa mga 'yan. Aasikasuhin ko lang ang mga VIPs natin," bilin pa nito sa isa nilang kasamahan. Ito ang pinagkakatiwalaan ng may edad na babae. "Yes, Mamita!" Lumabas na ang floor manager pagkuwan, samantalang nilapitan naman ni Angelica si Kiarah at inalo. "Masanay ka na, Kiarah. Ganyan talaga si Mamita, pero mabait naman 'yan basta't 'wag lang matigas ang ulo mo. Mag-ayos ka na bago pa kayo tawagin," anitong ngumiti pa sa kaniya. Hindi naman nabawasan ang kaba at takot ni Kiarah sa sinabi nito, pero wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. "Salamat, Angelica," saad niyang pilit ang ngiti saka itinuon ang pansin sa malaking salamin na nasa harapan niya. Naroon din sa harap niya ang mga gamit sa pagme-makeup na kahit paano ay pinag-aralan niyang gamitin. Umupo siya sa upuang plastik at pinagmasdan ang imahe sa salamin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang bilugang mga mata. Maging ang labi niya, kahit anong pilit niyang pangitiin, ay hindi kababakasan ng tunay na saya. Lihim na lamang siyang napailing at saka dinampot ang brush pati na rin ang compact powder. Idinuldol niya ang brush sa pulbos at ipinahid iyon sa kaniyang pisngi. Subalit habang tinitingnan niya ang repleksyon sa salamin, tila ba nakikita rin niya ang mga kaganapan kung paano siya napasok sa trabahong iyon... bilang isang bayarang babae. --- "GOOD evening, gentlemen! Allow me to present the exquisite women of Velvet Mirage!" Isa-isang sinipat ni Ren Akihara ang bawat babaeng lumalabas sa entablado habang nakaupo siya sa isang mesa at umiinom ng brandy. Ang Velvet Mirage ang misyon niya ng gabing iyon. Ayon sa surveillance team, ay may magaganap na bidding ng mga babae ngayong gabi. Kaya naman agad siyang nag-disguise bilang isang Japanese businessman na naroon para maglibang at kumuha ng babae. Mayamaya pa ay nagsimula nang ipakilala ang bawat babae na nasa entablado. Ayon sa babaeng nagsasalita, ang bawat kababaihan ay may katapat na presyo. Ang customer na kukuha sa mga ito ay kailangang mag-deposito bago mai-table, o kaya naman ay magbayad nang buo kung ilalabas-depende sa magiging usapan ng babae at ng customer. Subalit ang ipinagtataka ni Ren, wala pang bidding na nagaganap sa mga babaeng iyon. 'Kung gano'n, iba pa ang babaeng ibini-bid nila!' hinuha niya habang nanonood. 'I'd like to kill those bastards!' nanggagalaiting usal niya sa isipan habang pinagmamasdan ang mga kalalakihang pumipili ng babae. Kitang-kita ni Ren sa mukha ng mga ito ang pagtutol. Nakaramdam siya ng awa, at parang may nagtutulak sa kanya na iligtas ang mga ito. Ngunit hindi iyon ang tamang oras upang kumilos. Ang plano niya'y magmasid muna at alamin ang illegal activities sa club-partikular ang prostitusyon. Kailangan niyang makakuha ng matibay na ebidensya. Mayamaya pa'y nagpalakpakan ang mga customer nang ipakilala ang isang babae. Kunot-noong pinagmasdan ni Ren ang bagong dating. Hindi maikakailang bakas sa mukha nito ang takot habang panay ang hatak sa suot nitong maikling dress. Maganda ang babae-matangkad, may sexy ang katawan, at morena. Sa tingin niya ay nasa early twenties lamang ang edad nito. "Oops! Calm down, Gentlemen! The beautiful woman in front of you is the Star of the Night!" anunsyo ng emcee. Naghiyawan ang mga kalalakihan. Samantalang si Ren naman ay nakaramdam ng matinding galit habang pinagmamasdan ang inosenteng babae. Kitang-kita sa mukha nito ang takot. 'Shit! Siya pala ang ibi-bid! Fuck!' "Okay, as usual, the Star of the Night is open for bidding! Starting price-fifty thousand!" Nagsimula nang mag-bid ang mga naroon na para bang mga hayop na nag-aagwan sa iisang buto. "Sixty thousand!" "Seventy-five thousand!" "One hundred thousand!" "One hundred twenty!" "These gentlemen seem very eager to have you, Star of the Night!" ani ng emcee. "One hundred twenty thousand! Going once? Going twice?" Napakuyom ang kamao ni Ren. Hindi niya mapigilan ang galit, pero alam niyang hindi siya puwedeng kumilos nang basta-basta. Kaya gumawa siya ng desisyon. Kailangan niyang tulungan ang babaeng iyon kaya tumayo siya at nagpunta sa stage. "I'll take her," aniya. "One hundred fifty thousand." Napalingon ang lahat sa kaniya. Tumango naman ang host. "Sold!" Kaagad niyang hinila pababa ng stage ang babae na takot na takot pa rin at dinala niya ito sa mesa. "Stay here," utos niya. Hinubad niya ang coat at isinuot sa babae. "Wear this." Nag-angat naman ito ng paningin, may bakas ng takot sa mga mata. "S-Slamat po, S-Sir..." Tumango lang si Ren at nagpunta sa opisina para magbayad. Pagbalik niya, naabutan niyang mukhang basang sisiw ang babae. "Hey, let's go. Sumama ka sa 'kin." "S-Sir? Saan niyo po ako dadalhin?" Naalerto ang babae ng mga sandaling iyon nang marinig ang sinabi niya. Pero nanatiling kalmado lang si Ren at huminga nang malalim. "Ano'ng pangalan mo?" "K-Kiarah Mendoza po..." "Okay, Kiarah. You have two choices," aniya na ikinamaang naman ng kaharap. "Ang una, sumama ka sa'kin para makaalis sa impyernong 'to. Pangalawa, iiwanan na lang kita at hahayaang pagpiyestahan ng mga hayop na 'yan." Ngunit ni hindi man lang nagbago ang anyo ng babae. Mababakas pa rin sa maganda at inosenteng mukha nito ang matinding takot at pag-aalinlangan. "Come on, it's your choice," pagpupumilit pa ni Ren. "But make sure na 'pag pinili mong magpaiwan dito, babayaran mo rin ang 150,000 na ibinayad ko para sa'yo. Dahil ang sabi ng boss mong Intsik, 'di raw 'yon refundable, okay?" paliwanag pa niya upang kumbinsihin ito. Sinikap pa ni Ren na maging pormal sa harap ng dalaga para huwag itong makaramdam ng takot sa kanya. Isa pa, gusto rin niyang makuha ang tiwala nito at maging panatag ang loob para maisama niya ito nang maayos. Ilang sandali pa munang tila nag-isip ang babae bago muling nagsalita. "S-sasama na lang po ako, S-sir," tugon nitong lihim niyang ikinangiti. "Okay, let's go. Gusto ko na ring matulog. Inaantok na 'ko," saad ni Ren rito. Tumango naman ito kaya't iginiya na niya ito palabas sa naturang club. Tahimik lang ito hanggang sa makarating sila sa parking area ng club. Matapos niyon ay sandali muna niyang binitiwan ang babae para umikot sa passenger's side para pagbuksan ito ng pinto, pero ganoon na lang ang gulat niya nang mabilis itong tumakbo palayo...Napatango-tango si Ren pagkatapos pasadahan ng tingin ang bagong gawa niyang identity na gagamitin niya sa bagong misyon. Gumawa rin siya ng pekeng account sa ilang social media sites upang suportahan ang fake identity niya. Sa bago niyang identity, siya si Raymond Valdez, twenty-three years old, at isang freelance model at singer. Siyempre pa, kalakip ng pangalang iyon ang mga identification card at driver's license upang maging kapani-paniwala. Nag-unat muna ng mga braso si Ren dahil pakiramdam niya ay nangalay siya sa matagal na pagtitipa sa laptop. Isinandal rin niya ang likod sa kinauupuang office chair. Matapos niyon ay binalingan niya ang wall clock na nasa harapan lamang niya. 4:30 PM. Napangiti siya nang makita ang oras. Thirty minutes na lang kasi at matatapos na ang trabaho niya. Hindi kasi niya malaman kung bakit pakiramdam niya ay napagod siya nang husto nang araw na iyon na kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa maghapon kundi umupo lang at humarap sa laptop
"TELL ME your reason, kups, kung bakit mo kinupkop si Kiara Mendoza?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Ren Akihara ang kaibigan."Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa niyang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Damon Reyes sa kaniya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito."Ayon sa report, labing-anim na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, pero labinlima lang ang na-rescue. Ang babaeng nagngangalang Kiara Mendoza ay nawawala. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae... which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah?Bumuntong-hininga si Ren saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin sa kaibigan."Tinulungan ko siya noong gabing 'yon dahil siya ang bina-bid ng mga hayop na naroon. I saw the fear in her eyes, bro, at hindi ko kayang manood lang habang may inosenteng nangangailangan ng tulong ko.""I got your point, bro, pero alam mo ang batas. Hindi mo dapat siya kinupkop
"Mayroon akong stage 4 cancer, Kiarah. Huli na nang ma-diagnose dahil hindi nagpakita ng anumang sintomas ang sakit ko. At may... may anim na buwan na lamang ako para... para mabuhay."Natigilan si Kiarah sa mga narinig.Ilang sandali rin siyang nakatingin lamang kay Alvin at hindi nagsasalita.Hindi kasi niya maiproseso sa isip ang sinabi ng matalik niyang kaibigan."H-Hindi! Hindi ako naniniwala sa'yo, Alvin! Huwag mo akong biruin!" maya-maya ay galit niyang sigaw rito habang panay ang pag-iling.Isa-isa na ring naglaglagan ang mga luha niya habang nakatunghay sa malungkot na mukha ng kaibigan.Ramdam rin ni Kiarah ang pagkirot ng dibdib na tila ba tinutusok ng libo-libong karayom—walang kasinsakit."Kung sana'y panaginip lang ang lahat, Kiarah. Matagal ko nang ninais na magising sa bangungot na ito..."NANG araw na malaman ni Kiarah ang tungkol sa kalagayan ng kaibigan, buong magdamag siyang umiiyak na labis namang ipinagtaka ng kanyang Nanay.Subalit sinabi na lamang niya na masay
"TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiarah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang mister saka hinaplos siya sa buhok."'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dito na lamang manatili at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula noong mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiarah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon."Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito.Subalit maya-maya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Alvin sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiarah ang masuyong tingin ni Alvin subalit agad din siyang nagbaba ng tingin nang makaramdam ng konsensya dahil sa desisyon niyang lumuwas muli sa Maynila."Pero paano ka, mahal
MAHIGIT isang linggo na nang pinayagan ni Ren Akihara na umuwi sa probinsiya si Kiarah. Pero ang ipinagtataka niya, hindi pa rin ito bumabalik. Ni tawag at text ay wala siyang natatanggap mula sa babae. Babalik pa kaya siya? Kung hindi na, sana man lang magsabi siya, isip-isip ni Ren habang nakatingin sa numero ni Kiarah na naka-save sa kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan niya ito o hindi. Sa katunayan, hindi malaman ni Ren kung bakit may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang hindi mapalagay dahil hindi niya kasama ang babae. Pero sa palagay niya, dahil iyon sa halos isang buwan nilang magkasama ay nasanay na siya sa presensya nito. Sigurado rin siyang hindi iyon dahil sa perang naitulong niya rito. Maliit lang naman kasi ang halaga noon. Sa katunayan, totoo ang sinabi ni Melody na ayaw niyang may kasama sa condo unit. Ayaw kasi niya ng may istorbo kapag may importante siyang ginagawa, o kaya naman ay may sagabal kapag nag-uuwi siya ng m
"MALIGAYANG bati sa inyo, Alvin at Kiarah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Alvin para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa." "Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Alvin sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kaniya ng ngiti si Kiarah—isang napakagandang ngiti—saka kumawit sa kaniyang braso nang may paglalambing. "O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak. "Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Alvin. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiarah sa ina. Tumango naman ito saka lumabas sa kanilang silid. Naroon sila sa kanilang bahay dahil doon nila napagdesisyunan ni Alvin na isagawa ang pagti
"YOU'RE making me crazy, love..." anas ni Selena na sinabayan pa ng pag-arko ng katawan. Nakakapit pa ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ng kama at tila nawawala na sa sariling katinuan dahil sa sobrang kaligayahang nararamdaman.Ipinagpatuloy lang ni Ren ang paghaplos sa malulusog na dib
ALAS-OTSO nang umaga nang makauwi si Ren galing OSS. Pag-doorbell niya sa pinto ng sariling condo ay bumungad sa kanya si Kiarah na pawis na pawis. Bahagya ring humapit ang manipis na t-shirt nito sa katawan, dahilan para muling bumakat ang nipples nito.Damn, Kiarah! Please lang, he said in his mi
"Prepare your team, Agent Akihara. We're about to enter the club!" NANG marinig iyon ni Ren ay palihim niyang sinulyapan ang iba pang kasamahan at patagong tumango sa mga ito, na ang ibig sabihin ay maghanda. Nasa loob sila ng club mga kasamahan ng gabing iyon at nagpapanggap bilang customers. Pa
NAHINTO si Ren sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiarah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversized t-shirt niya kaya nagmistulang duster iyon para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman i







